Kasabay ng pagmulat ng mata ko ay naramdaman ko ang pagsakit ng aking buong katawan. Nilibot ko ng tingin ang buong paligid at halos mapabalikwas ako nang mapagtanto ko kung nasaan ako. Nang tingnan ko ang aking sarili, suot ko na ang paborito kong pantulog na may design na Spongebob.
Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko at bumaba sa sala namin. Nang wala akong makitang tao sa sala ay dumiretso ako sa kusina at naabutan ko roon ang Papa ko at ang kapatid kong si Sam na grade 7 pa lang. Kumakain sila ng scrambled egg. Egg? Bakit naman itlog pa ang ulam namin ngayon?!
Nagtatakang tumingin sa akin si Sam pati si Papa habang sumusubo ng isang kutcharang may lamang kanin at itlog.Napatingin ako kay Mama na kakalabas lang ng lutuan at halatang nagulat siya nang makita niya ako. “Oh, Summer. Bakit bumangon ka na? Maayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong niya.
Napakunot ang noo ko. Wait, I‟m missing something.
“Ma, paano po ako nakauwi?” tanong ko.
“Sabi na, iyan ang unang itatanong mo.” sagot niya habang inilalagay sa mesa ang hotdog na kakaluto lang niya. Mabuti na lang at nagluto siya ng hotdog. There‟s no way I‟m going to eat eggs ever again!
“Inihatid ka ng classmate mo, nak. Hindi ko alam na may kaibigan ka na pala sa bago mong school. Mukhang mababait nga ang mga taga-Tan Siu.” saad niya.
Mas lalong kumunot ang noo ko. “May naghatid po sa akin?” pagkukumpirma ko.
“Oo, ate! Boyfriend mo „yun „no?” singit ni Sam.
“Anong itsura niya, Ma?” tanong kong muli.
“Mukha siyang mabait. Mukha siyang anghel. Napakaputi niya.” pag-dedescribe ni Mama. Pagkasabi noon ni Mama ay isang tao lang ang pumasok sa isip ko. Si Gangster!
“Ang sabi niya‟y nahimatay ka sa P.E. class ninyo. Masyado ka raw kasing napagod. Masyado ka rin daw kasing aggressive sa activity niyo na soccer kaya nasugatan ka sa gilid ng kilay mo pati dyan sa pisngi mo. Ginamot ka na raw sa clinic bago ka niya hinatid dito.”
Aggressive sa soccer?! Sino namang abnormal na iyon ang hindi man lang nakapag-isip ng matinong excuse para sa nanay ko? It can‟t be that gangster. I know that because he doesn‟t have a heart. Pero bakit there‟s a part of me na umaasang siya nga iyon? Ugh! Resulta ata „to ng mga itlog na tumama sa ulo ko kahapon.
“Sinabi niya ba kung anong pangalan niya?” tanong kong muli.
“Hindi. Ang sabi nga niya‟y ayaw mo na raw siyang makita kahit kailan kaya hindi na raw importante kung anong pangalan niya. Sino ba „yun, anak?”
Nagkibit balikat ako. Posible nga kayang siya iyon? Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko ang tungkol sa uniporme ko. Nagmadali akong tumakbo papunta sa aking kwarto pero bago pa man ako makaayat ay narinig kong tinawag ako ni Mama.
“Summer! Kumain ka muna ng itlog! Sabi ng lalaking iyon ay binanggit mo raw sa kanya na ang gusto mong breakfast ngayon ay scrambled eggs!”
Napa-face palm ako pagkarinig ko noon. Hindi ko na ata talaga pwedeng itanggi. Ang gangster na iyon talaga ang naghatid sa akin pauwi! Gusto niya talaga akong inisin huh?!
Pagpasok ko sa kwarto ay sumalubong sa akin ang uniporme kong nakasabit sa may bukana ng aparador ko. Hindi ko ito napansin kanina dahil sa sobrang pagmamadali. Nilapitan ko ito at tiningnang maigi. Malinis na ito at wala ni isang mantsa mula sa mga itlog na ibinato nila sa akin. Nakakapagtaka. Naguguluhan ako. Obviously, hindi alam nina Mama ang nangyari sa akin.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla ko na lang chineck ang bulsa ng uniform ko. Pagkapa ko sa bulsa ay nandun „yung panyo ni Cursing Machine. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib nung naalala ko kung paano niya ako tinitigan kahapon bago siya sapilitang inilabas ng covered court.
Ibabalik ko na sana ang panyo sa bulsa ng uniporme ko nang may mahulog na papel mula sa panyo. Kunot noo ko itong pinulot at binasa ang nakasulat dito.
„09*********
There are tons of people who want to know my number, so you better call me or I‟ll kill your little brother because he‟s so fucking irritating. By the way, nice undies. – JF.‟
Muntik ko nang mabitiwan ang papel na hawak-hawak ko matapos kong mabasa ang nakasaad sa maliit na papel. Naramdaman ko na lang na sobrang init na ng mukha ko. Uggggh! Hindi pwedeng nakita niya ang katawan ko, „di ba?! Paano niya makikita ang undies ko kung hindi niya ako huhubaran? Hindi kaya pinagsamantalahan niya ako habang wala akong malay?!
Natigil ang pag-aalburoto ko nang may marahang kumatok sa pinto ng aking kwarto. Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin ang mukha ng nakababata kong kapatid. He gave me an annoying look bago siya ngumuso. Naalala ko tuloy „yung nakasulat dun sa kapirasong papel na nakaipit sa panyo. „I‟ll kill your little brother because he‟s so fucking irritating.‟
“Hoy, anong ginawa mo sa naghatid sa akin kahapon?” tanong ko sa kanya.
Mas lalo siyang sumimangot. “Wala! Ang suplado kaya niya! Hindi man lang nakikipag-usap! Para nga kaming nasa winter nung dumating kayo
kahapon! Ang lamig ng presensya niya! Tinanong ko lang naman kung saan kayo nagpunta at kung may ginawa ba kayo. Tch!” sagot niya.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. “Ginawa?! Abnormal ka ba?! Masyado ka pang bata, may nalalaman ka ng mga ganyan!”
“Whatever, ate! Saka may bisita ka! Himala talaga na may dumadalaw sa‟yo dito sa bahay. Ayos. May mga friends ka na. Mukha nga lang mga gangster. Ge!” saad niya at saka tumakbo paalis sa harapan ko.
Bisita? Nagmamadali akong bumaba sa aming sala. Hindi ko inaasahan ang sunod na nakita ko. Si Storm, kampanteng nakaupo sa aming sofa na mabilis din namang tumayo nang makita niya ako. Mukha namang nagulat sila Mama at Papa sa naging reaksyon niya.
“S-Storm,” tawag ko sa kanya. Nagpakawala siya ng malalim na paghinga na tila ba nabuhayan siya ng loob. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ko nang tuluyan na „kong makababa ng hagdan.
“Dinadalaw ka. I was really worried about you.” honest na sagot niya.
Napatingin ako kay Papa nang tumikhim siya.
“Ah.. Eh.. Ano.. Ma, Pa, si Storm po.”
Ngumiti lang sina Mama at Papa at saka tumango. Napatingin ako sa mesa at nagulat ako nang makita kong punong-puno ito ng pagkain.
“Ma, Pa! Bakit ang daming pagkain d‟yan?!” gulat na tanong ko.
“Ah.. Eh.. Kasi naman Summer, anak, ngayon ka lang nagkaroon ng bisita kaya medyo natuwa kami at pinaghain namin siya ng maraming pagkain,” sagot ni Mama. Ugh. Talaga naman.
Muling naupo si Storm sa sofa nang lumapit ako sa kanya. Naupo rin ako sa tabi niya. Ang awkward. Ganito pala ang pakiramdam ng may bisita.
“So, hijo, kaklase ka rin ba ni Summer?” tanong ni Papa.
Ngumiti sa kanila si Storm bago sumagot. “Opo. Seatmate niya rin po ako.” masiglang sagot niya. Mukhang sanay na sanay siyang makipagkapwa-tao.
“Ah. So kilala mo rin ang lalaking may gray na buhok na naghatid kay Summer kahapon? Nawalan daw kasi ang anak ko ng malay noong P.E class niyo. Ang sabi niya ay kaklase niya ang anak ko.”
Pasimple akong sinulyapan ng tingin ni Storm bago siya sumagot kina Mama. “Ah opo. Kaibigan ko po ang lalaking iyon,” sagot niya.
Ngumiti sina Mama at Papa. “Nakakatuwa naman. May mga nagiging kaibigan na ang anak ko.” nakangiting saad ni Mama.
Unti-unting bumibigat ang pakiramdam ko. Ang sarap makitang sobrang saya nina Mama at Papa dahil may bumisita sa akin dito sa bahay at iniisip nilang may kaibigan na ako pero pakiramdam ko‟y niloloko ko sila.
“Ma, Pa, pwede bang pumunta muna kami ni Storm sa plaza?”
“Pero ayos na ba ang pakiramdam mo, anak?” nag-aalalang tanong ni Papa. Tumango ako bilang sagot.
“O-Oh sige... Kung iyan ang gusto ninyo.” sagot naman ni Mama.
Alam kong nalulungkot siya dahil ngayon lang kami nagkaroon ng bisita sa bahay tapos gusto ko pang sa labas na lang kami. Gustuhin ko mang mag-stay si Storm nang mas matagal ay hindi maari dahil nais ko siyang makausap ng kaming dalawa lang.
Nag-ayos muna ako bago kami nagpunta ni Storm sa plaza. Hindi ko akalain na may sasakyan din pala siya. Hindi kasi halata sa itsura niya dahil ang simple lang niya. Pagkadating namin sa plaza ay naupo kami parehas sa may swing. Walang masyadong tao dahil maaga pa at nasa school pa ang mga batang madalas magpunta rito.
“Nakakatawa. Hindi pa rin ako makapaniwalang hinatid ka ni Frost at nakausap pa siya ng mga magulang mo,” pagbasag ni Storm sa katahimikan. “Far from the Frost that I know.” dagdag pa niya.
Tumango ako. “I was shocked.” pahayag ko.
Tumingin siya sa akin na may malungkot na ekspresyon. “Sorry kung wala akong nagawa kahapon. Gustong-gusto kitang balikan kahapon. Pakiramdam ko‟y nabaliw ako buong gabi kakaisip kung napaano ka na.”
“I‟m okay now, Storm. Thank you.”
Ngumiti siya at nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. “No. Thank you for being okay.”
Dahan-dahan kong iniangat ang kamay ko at niyakap din siya. I never felt this way before. Ganito pala ang pakiramdam kapag may nagmamalasakit sa‟yo. Matapos ang ilang sandali ay naghiwalay rin kami.
“Thank you for that hug. It made me feel accepted. I never felt being accepted as a human…you know.” Medyo malungkot na saad ko.
“Sabi ko naman sa‟yo eh… Kahit madami kang haters, you still have me.”
It made me smile. “Thank you. Teka… Paano mo pala nalaman kung saan ako nakatira?”
“Obviously, kahit magpakamatay ako sa harapan ni Frost ay hindi niya ibibigay sa akin ang address mo, so tinakot ko „yung nakatoka sa mga files ng students at pinahanap ko „yung file mo.” sagot niya.
Tumango-tango ako. “Honestly, hindi ko inaasahan magigising na lang ako na nasa bahay na and I never expected na ang gangster pa na iyon ang malalaman kong naghatid sa akin. Alam mo ba ang tungkol doon?” tanong ko.
“Yes. I was there, Summer. Kung hindi siya ang gumawa noon, ako ang maghahatid sa‟yo.”
“H-Ha?”
“Because I‟m your Facebook boyfriend, remember? So I think it‟s my responsibility to do that.. Kaso inagawan ako ng fake personal boyfriend mo.”
Natawa ako sa sinabi niya. He‟s acting like a jealous boyfriend. And what did he just say? Fake personal boyfriend? Ugh. Oo nga pala. Ang gangster na cursing machine. Sinabi niya sa harapan ng napakaraming tao na girlfriend niya „ko at hinalikan pa niya „ko. Kinikilabutan ako sa tuwing naaalala ko iyon.
“Don‟t worry. Wala nang magtatangka pang mang-api sa‟yo simula bukas. Inalis na nila ang suspension mo kaya pwede ka nang bumalik. Kung sino man ang sumubok na manakit sa‟yo ay dadaan na sa mga kamay ko.”
Napangiti ako sa aking narinig.
“But there‟d be no more Summer Pascua in that school anymore, Storm.”
His smile quickly vanished. Kunot noo niya akong tinignan. “Don‟t tell me…”
“Yes. I‟m leaving that school for good.”