“Ano ba talaga ang kailangan mo, Thunder?” tanong ni Storm.
Ngumiti ng malawak ang lalaking nasa harapan ko at saka seryosong inilipat ang tingin kay Storm.
“It‟s been three years. Hindi mo ba ako kukumustahin man lang muna?” nakangiting tanong niya.
“Hindi na kita kailangang kumustahin. Alam ko namang kung ano ka three years ago, ganun ka pa rin.”
Ngumiti si Thunder na tila nainsulto sa naging sagot ni Storm.
“I hope hindi ka nandito para manggulo, Thunder.” dagdag pa ni Storm.
Inis siyang napakagat sa labi niya at saka natawa ng pilit. “Sinabi ko na, hindi ba? Binibisita ko lang ang binibining ito.” sagot niya at saka inilipat ang tingin sa akin.
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot sa kanya. Nagulat na lang ako nang tumabi sa akin ang cursing machine na kanina lang ay nakatayo sa likuran ko.
“You don‟t look fine, Jack.” nakangiting puna ni Thunder sa kanya.
Dahil sa narinig mula kay Thunder ay tiningala ko ang mukha ng gangster na nasa tabi ko at nakaramdam ako ng pag-aalala nang makitang kakaiba nga ang kulay niya. Mukhang namumutla siya.
“J-Jack…” nag-aalalang tawag ko sa kanya. Posible bang kaya siya namumutla ay dahil sa saksak na natamo niya kahapon?
Tiningnan niya ako sandali at nagulat ako nang bigla niyang kunin ang kamay ko at mahigpit itong hinawakan bago ibinalik ang tingin kay Thunder.
“Stop visiting her from now on. I don‟t like it.” seryosong saad niya.
“What?” natatawang tanong ni Thunder.
“I don‟t like it. The idea of you, visiting her… I don‟t like it. As her boyfriend, it‟s disrespectful.”
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Anong sinabi niya?!
“That‟s cheesy.” wika ni Thunder at saka natawa ng malakas.
Napangiti ng sarkastiko ang cursing machine sa naging reaksyon niya. “Remember when you didn‟t take my words seriously?” tanong niya rito na unti-unting nagpatigil sa pagtawa niya.
Bigla na lang naging seryoso ang mukha ni Thunder. “So now you‟re opening it up?” seryoso at tila nainsultong tanong niya.
Nagpakawala ng malalim na paghinga si Jack at saka seryosong tiningnan si Thunder. “This will be the last time I‟ll be seeing you here, Thunder. If you ever dare consider using her again against me…I suppose you already know that I, Jack Frost, will never ever have a second thoughts on wasting my valuable time killing a rogue, useless and pathetic school boy like you.”
Magkatitigan lang naman silang dalawa pero hindi ko maunawaan kung bakit maihahalintulad ko iyon sa mga eksenang makapigil-hininga. Nakaramdam muli ako ng takot nang ilipat ni Thunder ang tingin niya sa akin.
“I‟m impressed. It‟s not convincing enough, though.” wika niya.
Nagulat na lamang ako nang dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa amin. Nang makalapit siya ng tuluyan ay huminto siya sa harapan ko at binigyan ako ng malawak na ngiti. Tinitigan niya akong maigi na tila pinag-aaralan niyang mabuti ang itsura ko bago niya muling ibinalik kay Jack ang tingin.
“The first time I saw her, I already knew that she was the girl you were looking for inside Avellino. Alam mo ba kung paano ko nalaman iyon, Snowman?”
“I don‟t know. Tell me.” walang emosyon at tila hindi interesadong sagot ni Jack sa kanya.
“Because looking at her reminds me of Jasmine. And I know…she reminds you of Jasmine too, am I right?”
Naging tahimik ang paligid. Iniwas ni Jack ang mukha niya at hindi sumagot. Natawa si Thunder sa naging reaksyon niya, na tila kinumpirma na rin ni Jack na tama nga ang nasa isip nito. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib.
Inilipat ni Thunder ang tingin niya sa akin at saka ako binigyan ng malawak na ngiti. “I guess I‟d be leaving for now. It‟s nice to meet you again, Jasmine the second,” saad niya at pinagdiinan ang bansag niya sa akin. Jasmine the second.
Pinanuod ko ang likuran niya habang naglalakad palayo. Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay napatingin ako kay Jack nang magsimula na rin siyang humakbang palayo. Napakagat ako sa labi nang tuloy-tuloy lang siya sa pag-alis at hindi man lang lumingon sa akin kahit na alam niyang nakatingin ako sa kanya.
Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay naramdaman kong lumapit sa akin si Storm. Binigyan ko siya ng pekeng ngiti at saka dahan-dahang napayuko.
“Ayos ka lang ba?” puno ng pag-aalalang tanong niya.
Umiling ako dahilan para hilain niya ako at yakapin ng mahigpit. Napapikit ako at isinubsob ko na lamang ang mukha ko sa balikat niya. Hinaplos niya ang likuran ko na animo‟y pinapatahan niya ako mula sa pag-iyak kahit na hindi naman ako umiiyak. Napahawak ako sa dibdib ko nang hindi pa rin nawawala rito ang kirot na naramdaman ko dahil sa aking narinig mula kay Thunder. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng ganito...ng sakit, gayong wala namang dahilan para masaktan ako.
Hindi ko maintindihan kung bakit nasasaktan ako dahil lang umalis si Jack na wala man lang ni isang salitang binitiwan. Na hindi man lang siya nagpaliwanag. Na hindi man lang niya sinabi na mali ang mga narinig ko. Na hindi ako isang Jasmine the second lang. Na kaya siya naging malapit sa akin ay hindi dahil nakikita lang niya sa akin si Jasmine, kundi nakikita niya ako bilang ako, bilang si Summer.
Nang makarating na kami ni Storm sa tapat ng bahay namin, hindi pa rin niya binibitiwan ang kamay ko dahilan para hindi pa ako makapasok sa loob. Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin at sinuklian naman niya iyon ng isang malungkot na ngiti.
“Nasaktan ka ba dahil sa narinig mo?” tanong niya.
Ngumiti ako ng pilit sa kanya. “Hindi naman ako dapat masaktan, hindi ba? Dahil umpisa pa lang, iyon na ang sinasabi niyo…na I remind everyone of Jasmine.”
Napabuntong hininga siya at malungkot akong tiningnan. “Summer…” tawag niya sa akin.
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at binigyan siya ng malungkot na ngiti.
“Hindi ba‟t ganun ka rin? Kaya mo lang naman ako nagustuhan ay dahil parehas kami?”
Iniwas niya ang kanyang mukha at napayuko. Napabuntong hininga ako at napayuko din.
“And maybe that is what hurts me. That you never see me as I am. That you only liked me because I remind you all of Jasmine. That I am Jasmine the second. Not Summer Pascua. At ngayon ko lang na-realize iyon…dahil kay Thunder.”
Natawa ako ng mapakla habang inaalala kung paano ako tinawag ng lalaki na iyon na Jasmine the second kanina.
“Siguro iyon ang dahilan kung kaya‟t nagpakita sa akin si Thunder. Para isampal sa mukha ko na isa lang akong double. Isang alternative. Isang second option. Isang substitute.”
“Summer…”
Napabuntong hininga akong muli at itinaas ang kamay ko upang pigilan siya sa pagsasalita.
“Storm, you‟re the only friend I have. Pero sa pagkakataong ito, gusto ko na munang mapag-isa.”
Tumango siya at malungkot na ngumiti. “Pero hindi mo naman tinatapos ang pagkakaibigan natin, hindi ba?”
Sinuklian ko siya ng ngiti at saka tumango. “Paano ko naman gagawin iyon eh, „di ba nga sabi ko, you‟re the only friend I have?”
Lumiwanag ang itsura niya kaya tuluyan na akong nagpaalam sa kanya para pumasok sa loob ng bahay namin. Pagpasok ko ay sumalubong kaagad sa akin ang ingay na nagmumula sa telebisyon.
“Oh, late ka na atang dumating,” bungad ni Papa sa akin na kasalukuyang nakaupo sa sofa at nanunuod.
“Madami lang po akong pinagkaabalahan sa school,” sagot ko.
“Oh sige, magpalit ka na at bumaba na para kumain.”
Tumango ako at umakyat na ng kwarto para magpalit ng damit. Matapos makapagpalit, bababa na sana ako pero natigilan ako nang mapansin ang isang papel na nakapatong sa kama ko. Nang lapitan ko ito ay kaagad akong nakaramdam ng takot nang mabasa kung kanino ito nanggaling.
Inikot ko ang aking paningin sa kwarto ko upang tingnan kung narito pa siya o kung paano napunta rito ang papel na ito. Lumapit ako sa may bintana at nakitang hindi ito naka-lock. Napakagat ako sa labi ko at muling ibinalik ang tingin sa papel na hawak-hawak ko.
Binasa kong muli ang pangalan na nakalagay rito at katulad kanina, ganoon pa rin ang epekto nito sa akin kahit na pangalawang beses ko na itong babasahin.
Thunder.
Galing ang papel kay Thunder. Kung galing ito sa kanya, ibig sabihin ay nakaakyat siya rito sa kwarto ko at inilagay niya ito sa kama ko. Hindi ako makapaniwala. Ang hirap paniwalaan na alam niya kung saan ako nakatira at kung saan pa mismo ang kwarto ko.
Nanginginig kong binuklat ang nakatuping papel na may nakalagay na pangalan niya at nang sandaling mabasa ko ang mensaheng nakapaloob roon, kaagad akong napatakbo pababa ng sala.
“P-Pa! Nasaan si Sam?!” nagpa-panic na tanong ko.
“Ay oo nga pala! Nagpaalam ang batang iyon na maglalaro sa plaza. Sunduin mo na nga iyon at maghapon—”
Hindi ko na pinatapos pa si Papa at kaagad na akong tumakbo palabas. Pagkalabas ko ay nagulat ako nang maabutan si Storm.
“Oh, Summer. Bakit? May problema ba?” nag-aalalang tanong niya at saka lumapit sa akin.
“Ano pang ginagawa mo rito?” gulat na tanong ko.
“Nagmamatyag ako at binabantayan ka,” mabilis na sagot niya.
Napakunot ang noo ko. “Anong ibig mong sabihin?”
“Well, hindi kasi ugali ni Thunder ang umalis ng walang pinsalang nagagawa. Sinisigurado ko lang na hindi ka niya guguluhin.”
Napasabunot ako sa sarili ko nang marinig ang sagot niya.
“Bakit? May problema ba?” nag-aalalang tanong niya.
Napakapit ako sa kanya nang maramdamang tila matutumba na ako dahil sa panginginig ng aking tuhod.
“Storm, samahan mo ako, please...sa plaza. Samahan mo ko sa plaza. Please… Please...”
Natulala siya sa mukha ko nang sunod-sunod na tumulo ang luha ko.
“Oo, Summer, sasamahan kita kahit saan pa. Tara na,” saad niya at inalalayan akong tumakbo papunta sa plaza.
Habang tumatakbo kami ay wala akong ibang maramdaman kundi takot para sa kapatid ko habang inaalala kung ano ang nakasulat sa papel.
„Your brother is cute and annoying. Rest assured that he‟s safe.‟
God, he‟s just twelve!