noveltoon logo noveltoon
By the way, his name is Jack Frost

Chapter 37

Ch. 37 / 47 Feb 05, 2022

Tila wala ako sa sarili habang naglalakad papalabas ng mansion nila Jack. Paulit-ulit sa aking isipan ang mga salitang binitiwan niya. Summer, you asked for it. Pero hindi ko inakala na masasaktan ako ng ganito. Oo, nasasaktan ako…at hindi ko matanggap iyon.

Namalayan ko na lang na may luha na palang tumutulo sa magkabilang pisngi ko. Nagulat na lang ako nang biglang sumulpot sa tabi ko si Morgan at may puting panyo na inaabot sa akin. Dahan-dahan ko itong kinuha at pinunasan ang luhaan kong pisngi.

“Mr. Frost may be a cold person but he has a kind heart.” nakangiting saad ni Morgan. “I hope you would not hate him for everything that he said. Minsan lang talaga ay mas nauuna ang bibig niya bago ang isip niya. Sana ay maintindihan mo siya. He‟s hurt. That kid is not used to pain, kung kaya ang defense mechanism niya ay galit.” Paliwanag niya at sa tingin ko‟y kaya niya sinasabi ang mga iyon sa akin ay dahil he‟s trying to comfort me.

Nasa may veranda na kami ng mansion at napatigil ako sa paglalakad nang tumigil din siya. Humarap siya sa pwesto ko kung kaya‟t humarap din ako sa kanya.

Napabuntong hininga siya bago nagsalitang muli. “I really hope you won‟t give up on him.” Wika niya.

“A-Ano po?” naguguluhang sagot ko.

Ngumiti siya at saka ibinalik ang tingin sa daan kung saan kami nanggaling. “Ang batang iyon, kahit na ipinapakita niya sa lahat na hindi niya kailangan ang kahit sino sa buhay niya, sa loob loob, he‟s a lonely kid.”

Ibinalik niya ang tingin niya sa akin bago ipinagpatuloy ang sinasabi niya.

“Nasa tiyan pa lang siya ng kanyang ina ay nagtratrabaho na ako para sa kanila. Ako na halos ang nagpalaki sa batang iyon.”

Dahan-dahang napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi sa akin ang mga ito. Hindi ko alam kung saan papunta ang usapan namin.

“What I‟m trying to say is you should give him another chance, Miss Pascua. He‟s not as awful as you believe he is. He is not that kind of person who‟ll beg anyone for love because he believes he doesn‟t need it, but believe me, that kid has been longing for someone to love him. That kid needs love but he won‟t admit it. Pero ngayon, ngayon ko lang siya nakitang nagkaganito. Ngayon ko lang siya nakitang nagpakadesperado. Ngayon ko lang siya nakitang inamin sa sarili niya na kailangan niya ng pagmamahal.”

Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko matapos marinig ang mga sinabi niya.

“Please give him a chance to become human again. He needs help. Please help him, Miss Pascua.”

Nanatili akong nakatulala sa kanya. Jack needs help?

“Mabuti pa ay ihatid na kita sa labas. Maaring kanina pa naghihintay si Ginoong Storm roon.”

“A-Ah. O-Oo.” nalilitong sagot ko.

Sinabayan akong maglakad ni Morgan hanggang sa makaabot na kami sa may gate. Ngumiti siya bago yumuko sa akin. Tila iyon na ang paraan niya ng pagpapaalam. Napayuko din naman ako sa ginawa niya. Pagkayuko ko ay bigla na lang bumukas ang gate sa likuran ko. Napatingin ako roon bago ibinalik ang tingin kay Morgan.

“Hanggang sa muli.” aniya.

Ngumiti ako ng pilit bago sinimulang maglakad papalabas ng gate. Pagkalabas na pagkalabas ko ay mabilis na nagsara ito. Hindi na ako nagtaka. Pagkarating pa lang namin kanina ay alam ko nang hindi welcome ang bisita sa tahanan ng mga Frost.

Nagmamadali akong lumapit sa sasakyan ni Storm nang maalala ang lagay niya. Pagkapasok ko ng sasakyan ay nakita ko siyang hirap na hirap na nakayuko sa manibela.

“I‟m sorry, hindi ko siya naconvince.” Bungad ko.

“It‟s not your fault, Summer. It‟s not Jack‟s fault either. But f*ck!” bigla niyang hinampas ang manubela. “Hindi ko alam kung anong magagawa ko. Jasmine needs us pero wala siyang pakialam.”

Well, that really surprises me. Sa buong akala ko it‟s Jasmine who he cares so much more than anything. Narinig ko iyon sa clinic. Talaga bang nakamove on na siya?

“But Jack said she‟ll be fine. Hindi kaya may ginawa nang hakbang si Jack?” tanong ko.

“Pero hindi ko kayang matahimik, Summer. Nakita mo ang mga pictures. Hindi ko kayang hindi makita gamit ng dalawng mata ko na ligtas si Jasmine.”

Napa-iling ako at nagpakawala ng malalim na paghinga.

“So anong plano natin?” tanong ko.

“Papasok ako ng Avellino.”

Kaagad nanlaki ang mga mata ko. “Nababaliw ka na ba? Hindi kita hahayaang pumasok roon ng ganyan ang sitwasyon mo. Storm, please!” sigaw ko.

“I‟m sorry, Summer.” Tanging sagot niya at saka sinimulang paandarin ang sasakyan.

Napakabilis ng takbo ng sasakyan niya at tila balak niyang sa loob ng limang minuto ay dapat nasa Avellino na kami.

“Storm, alam kong sobra kang nag-aalala kay Jasmine. Pero sana naman pag-isipan mo munang maigi ang pinapasok mo. Isipin mo rin ang sarili mo.

Pare-pareho natin gustong mailigtas siya, but hindi tamang magpunta ka na mag-isa lang at ganito pa ang lagay mo. Makinig ka naman sa akin, please!”

Napakalakas na ng sigaw ko pero tila wala siyang naririnig. Wala akong ibang magawa kundi ang mapapikit na lang dahil sa takot ng pagddrive niya. Feeling ko ay maaksidente kami dahil sa paraan ng pagpapatakbo niya.

Nag-aalala kong tiningnan ang mukha niya. Halatang hirap na hirap na siya pero balak pa rin niya pumasok ng Avellino na mag-isa? Alam kong importante sa kanya si Jasmine pero hindi ba pwedeng magplano muna sila kung anong dapat nilang maging hakbang? Tila suicide mission ang ginagawa niya.

Kinuha ko ang cellphone niya na nakalagay sa lagayan ng phone sa may tabi niya. Mabilis kong inunlock ito at hinanap ang number ni Drake upang tawagan. Nakaka-isang ring pa lang ay sinagot na agad ni Drake ang tawag.

“Storm, wala siya kila Summer.” Bungad ni Drake.

“Drake.” tawag ko sa kanya.

“Oh, Summer ikaw pala iyan.”

Napabuntong hininga ako bago sumagot sa kanya. “Nakita na namin si Jack. Nasa mansion niya siya.” Balita ko.

“Anong balita? May alam ba siya sa nangyayari? Hintayin niyo kami, papunta na kami dyan.” Natatarantang sagot niya.

“No, Drake. Wait.” mabilis na pigil ko. “Walang kinalaman si Jack sa nangyayari.”

“We all knew it. Dalhin na natin siya sa mga pulis para mapatunayan na wala siyang kasalanan.” Saad niya.

Saglit kong tiningnan muna si Storm bago sumagot ulit. “Pero may problema tayo,” wika ko. Rinig kong bigla silang natahimik sa kabilang linya. Napabuntong hininga muli ako bago nagpatuloy. “Noong nagpunta kami sa hideout, nakita namin si Thunder doon. Nasa kanya si Jasmine at gusto niyang dalhin namin si Jack sa Avellino sa loob ng walong oras. Kapag hindi namin siya nadala…”

Humugot ako ng malalim na hininga at hindi na magawa pang ipagpatuloy ang sasabihin ko dahil alam kong maprapraning na si Storm.

“F*ck.” halatang hindi makapaniwalang reaksyon ni Drake sa kabilang linya. “Kailangan nating iligtas si Jasmine pero hindi natin pwedeng ibigay ang gusto niya.”

Halata ko sa boses niya na bigla siyang nafrustrate.

“Bumalik na muna kayo rito. Kailangan nating pag-isipan kung anong dapat nating gawin.” Boses ni Justine.

“Ayon na nga ang problema. Si Storm…” saad ko at saka tiningnan si Storm.

“F*ck, don‟t tell me…” boses ni Israel.

“Tama, papunta na kami ngayon sa Avellino. Balak niyang pumasok mag-isa roon.”

“Goddamnit, Storm!” narinig kong sigaw ni Andrew.

“F*ck, Summer, gawin mo lahat ng makakaya mo para pigilan siya. Huwag mo siyang hahayaang makapasok sa Avellino. Hintayin mo kami, pupunta na rin kami sa Avellino.”

Mabilis akong tumango. “Oo, sige. Bilisan niyo.”

“Put him on the line,” utos ni Drake.

Tiningnan ko si Storm at iniabot sa kanya ang cellphone. “Gusto ka nilang makausap. Storm, please.” Pagmamakaawa ko.

Nabuhayan ako ng loob nang binagalan niya saglit ang takbo ng sasakyan at kinuha ang cellphone sa kamay ko pero hindi ako makapaniwala sa sunod na ginawa niya. Binuksan niya ang bintana ng sasakyan at hinagis sa labas ang cellphone niya.

“Storm! Nababaliw ka na ba? Hindi ka na nag-iisip ng tama!” sigaw ko.

Nagulat ako nang bigla niyang ihinto ang sasakyan. Hindi ko narealize na nasa tapat na pala kami ng Avellino. Hindi ko siya pwedeng hayaang pumasok sa loob. Ghaad, anong gagawin ko?!

“Storm, please. They‟re already on their way. Hintayin na muna natin sila para makapagplano tayo ng maayos. At isa pa, maawa ka naman sa sarili mo. Kung wala kang pakialam sa sarili mo, pwes ako, I care for you! Ayokong mapahamak ka!”

Tuluyan nang pumatak ang mga luha ko at agad siyang nataranta dahil doon.

“Summer…Oh, God.” Tila gulong-gulong saad niya.

Dahan-dahan niyang iniangat ang kamay niya at pinunasan ang basang pisngi ko at ang sunod na ginawa niya ay hindi ko inaasahan. Hinila niya ako papalapit sa kanya at dahan-dahan niyang hinalikan ang noo ko.

“I‟m sorry. Please don‟t cry…please don‟t cry because of me.”

Mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi niya. “Then, please, makinig ka. Ang kailangan lang natin ay maghintay sandali.” Saad ko.

Dahan-dahan siyang tumango. “Alright. I understand now. I‟m sorry.”

Tila nabunutan ako ng malaking tinik sa lalamunan dahil sa sagot niya. Humiwalay siya sa akin at hirap na hirap na inayos ang upo. Napatingin ako sa damit niyang nababad na sa dugo.

“We really need to bring you to the hospital, Storm.”

“No, hindi ko na kayang mag-aksaya pa ng panahon, Summer. Dalawang oras na ang naubos. May anim na oras na lang kami para pumasok sa loob at itakas si Jasmine.”

“Iyan ba ang planong naiisip mo?”

Napabuntong hininga siya at nilipat ang tingin sa gate ng Avellino High. “Hindi namin pwedeng ibigay ang gusto ni Thunder, Summer. Ang kailangan naming gawin ay magrisk. At eto lang ang nakikita kong pwede naming gawin.”

Sasagot na sana ako sa kanya pero natigilan ako nang bigla na lang kaming makarinig ng isang tunog na tila nagmula sa isang pumutok na baril. Kasunod noon ay narinig namin ang napakalakas na sigaw ng isang babae at hindi ako pwedeng magkamali…boses ni Jasmine iyon. Oh, God. Anong nangyayari?!

Automatic na agad na bumaba si Storm sa sasakyan at tumakbo papunta sa Avellino High. Mabilis din akong bumaba ng sasakyan at hinabol siya at hinarangan ang daraanan niya.

“Storm, please! Paparating na sila!”

Sinubukan niya akong tabigin upang tumabi sa daraanan niya pero hindi ako nagpatinag.

“Makinig ka naman sa akin, please! Huwag kang magpadalos-dalos!” pigil ko pero sa totoo lang ay gusto ko na ring pumasok sa loob pero kung gagawin namin iyon ay maaring mas lalong maging complicated ang mga pangyayari.

“Summer, listen. Lahat ng ito, kagagawan ko. Nawala ang kaisa-isang babaeng minahal ni Thunder dahil sa kagagawan ko. Lahat ng ito, kasalanan ko. Kaya kung may buhay man na dapat mawala dito, akin iyon Summer. Hindi ko pwedeng hayaan na madamay at mapahamak si Jasmine dito.”

Natulala ako sa kanya nang sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya. Dahan-dahan niyang inangat ang mga kamay niya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

“I can‟t promise you na magiging okay ako pagkapasok ko sa loob but I promise na mag-iingat ako. Hintayin mo sila at sabihin mo ang nangyari. Hihintayin ko kayo. May tiwala ako sa inyo.”

Tuluyan na ring tumulo ang mga luha ko at mabilis niyang pinunasan iyon.

“Huwag ka ng umiyak. Magiging okay ako.” Bulong niya.

“P-Please be c-careful.” Umiiyak na saad ko.

Ngumiti siya at unti-unti niyang inilapit ang mukha niya at saka muling hinalikan ang noo ko.

“In case may mangyari man sa akin at mawalan ako ng pagkakataon na sabihin ito….” mabagal niyang inilayo ang sarili niya sa akin at saka niya ako binigyan ng matamis na ngiti. “I love you, Summer.”