noveltoon logo noveltoon
By the way, his name is Jack Frost

Chapter 35

Ch. 35 / 47 Feb 05, 2022

Hindi alam ni Storm kung ano ang dapat maging reaksyon niya sa sinabi ni Jack. Iniwas niya ang tingin niya sa kaibigan at pinilit niya ang sarili na ngumiti.

“Propose? Hindi ba‟t dapat ay ligawan mo muna siya?” tanong niya. Halata sa boses niya na pilit niyang tinatago ang sakit na nararamdaman niya. Ramdam naman iyon ni Jack pero hindi niya ipinakita kay Storm na nahalata niya iyon.

“We already slept together.” Pormal lang na sagot ni Jack.

Gulat namang ibinalik ni Storm ang tingin niya sa kanya. “What?!” hindi makapaniwalang tanong nito.

Tiningnan maigi ni Jack si Storm at kitang kita niya sa reaksyon nito na hindi lang ito nagulat kundi nasasaktan rin ito.

“I am going to marry her, Storm.” Seryosong saad niya habang nakatitig sa mga mata ng kaibigan.

“Because you slept with her?”

“No,” mabilis na sagot niya. “Because I want to spend the rest of my life with her.”

Saglit na natigilan si Storm sa naging sagot niya. Nanatili silang seryosong magkatitigan at matagal na namagitan ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa bago nagpasyang magsalitang muli ang isa sa kanila.

“Are you telling me these things so that I would f*ck off?” tanong ni Storm.

Mapang-asar na natawa si Jack sa sinabi niya. “What on Earth made you think that way? I just came here to ask for your help in picking a ring for her.”

“Iyon nga ba ang dahilan o may iba pa? You have Morgan to help you pick a ring. Then why choose me, Jack?”

Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ni Jack. “Well after all, my best friend knows me too well.” Bulong niya.

Napa-iling na lang si Storm sa kanya. “Anyway, since special si Summer, ang isusuggest kong singsing sa‟yo ay yung mahal. Ganti ko na rin sa‟yo „yun para sa pananakit mo ng damdamin ko sa ganitong paraan.” saad ni Storm at saka sinimulang lumakad papasok ng building.

“Seriosuly, that is so gay.” Kumento naman ni Jack at sumunod sa kanya.

❄ ❄ ❄

“You‟ve gone crazy.” Umiiling na saad ni Storm habang sinasabayan sa paglalakad si Jack papalabas ng building ng company nila.

“What‟s wrong in buying an expensive ring for the girl you want to marry?” sagot naman ni Jack sa kanya.

“Expensive ring worth four million dollars! That‟s four million dollars. Do you hear me? Four. Million. Dollars.”

Huminto sa paglalakad si Jack at hinarap siya.

“It‟s not my fault if I was born a f*cking billionaire.”

“And what the hell? You decided to buy that ring in just thirty seconds?! Hindi mo man lang pinag-isipang maigi kung bibilhin mo ba „yun o hindi?! Four million dollars out in 30 f*cking seconds!” protesta ni Storm.

“Eh anong magagawa ko? The moment I saw the ring, I already imagined Summer wearing it. Baka kung hindi ko pa bilhin iyon ay may mas mauna pang bumili sa akin.”

“Are you kidding me?! Sino namang bibili ng singsing na worth four million dollars?!”

“Storm, it‟s just four million dollars.” Sagot ni Jack sa kanya at nagsimulang maglakad ulit palabas ng building.

Pagkalabas nilang dalawa ay madilim na dahil lumubog na ang araw.

“Teka, wala ka bang ibang sasakyan na pwedeng gamitin? Baka mamaya mahulog „yang singsing na „yan sa bulsa mo kung magmomotor ka.” Pigil ni Storm sa kanya nang sumakay na siya sa motor niyang ipinarada niya sa harapan ng building ng kumpanya nila.

“You‟re starting to get on my nerves.” Inis na saad ni Jack.

“Masyado ka naman kasing nagmamadali. Magpropropose ka na kaagad ngayon? Hindi ba aatakihin sa puso si Summer sa gulat?”

“Aren‟t you just trying to stop me?”

Napa-iling na lang si Storm sa kanya. “Sasama na lang ako sa‟yo. Ako ang nahihilo sa pinaggagagawa mo eh.” Saad niya at saka sumakay rin sa motor ni Jack.

Wala naman nang nagawa pa si Jack sa kakulitan ni Storm kaya mabilis na lang niyang pinaandar ang motor niya papunta kina Summer. Nang malapit-lapit na sila sa bahay nila Summer ay biglang muling nagsalita si Storm.

“Anong naisipan mo at bumili ka ng motor?” tanong nito.

“It‟s because of Summer.” sagot ni Jack habang patuloy sa pagmamaneho. “Hindi ko siya mahatid sa tapat mismo ng bahay nila kapag gamit ko ang sasakyan ko. Masyadong maliit ang daan papunta sa kanila kaya kinailangan kong bumili ng motor.”

Humigpit ang pagkakahawak ni Storm sa kapitan ng motor nang marinig niya ang paliwanag ni Jack.

“Do you really love her that much?” halatang nasasaktang tanong niya.

“Do I have to state the obvious?” mabilis namang sagot ni Jack sa kanya.

“What if I tell you I want to love her too?”

Muntikan nang mapasubsob si Storm nang biglaang inihinto ni Jack ang motor. Inis na inalis ni Jack ang helmet niya at nilingon si Storm na nakasakay sa likuran niya.

“Get down.” Utos niya.

Walang salita namang bumaba si Storm sa motor at kasunod niya ay bumaba rin si Jack.

“What did you just say?” hindi makapaniwalang tanong ni Jack kay Storm.

Narinig niya ang sinabi nito pero gusto pa rin niyang marinig ito upang makumpirma.

“I want to love her too, Jack,” matapang na sagot ni Storm. “Will you give her up for me?” dagdag pa niya.

Hindi makapaniwalang napanganga si Jack nang marinig siya.

“Are you f*cking nuts?” hindi makapaniwalang tanong ni Jack sa kanya.

“Hindi ba‟t nagawa mo na rin naman „yun before? You gave up Jasmine for me. Why can‟t you give up Summer this time?”

Tuluyan nang napuno si Jack sa kanya at hinila siya sa may kwelyo niya.

“Your joke is not funny, Storm.” Gigil na saad ni Jack.

“Who said I‟m kidding?”

Asar na ngumiti si Jack at biglaan siyang sinuntok sa mukha. Kaagad na napaupo si Storm sa sahig pagkatama ng suntok niya. Pinunasan ni Storm ang dugo mula sa pumutok niyang labi at kaagad siyang tumayo.

“There‟s no way I‟m giving Summer up, Storm. I will never give her up.”

Si Storm naman ngayon ang humila sa kwelyo ni Jack nang marinig ang sinabi nito.

“Then why did you give up on Jasmine, Jack? Bakit si Summer handa mong ipaglaban, bakit si Jasmine hindi mo ipinaglaban?!”

Malakas siyang itinulak ni Jack palayo. “F*ck it, Storm! If you still love Jasmine then she‟s all yours! Why do you want me to love her again?! I‟ve moved on from her, can‟t you see?!”

“Then let me ask you one thing, Jack. You were crazy over her just like how crazy you are now for Summer. Why did you give her up?”

Iniwas ni Jack ang tingin niya at mukhang wala siyang balak sagutin ang tanong ni Storm.

“Believe me, Storm. Knowing nothing is better than knowing the truth. The pain I‟ve been through was a lot harder to handle than what you‟re feeling right now.”

Unti-unting napakunot ang noo ni Storm sa sinabi niya. Napabuntong hininga si Jack at binigyan siya ng pekeng ngiti. “It hurted so much that I couldn‟t even handle it.”

“What are you trying to say? I don‟t get you!”

“I told you! Knowing nothing is better!”

Susugod na sana si Storm kay Jack pero pareho silang natigilan nang may marinig silang tunog ng nabasag na bote di kalayuan sa kanila. Sabay silang napatingin sa direksyon kung saan nanggaling ang ingay at nakita nila ang isang babae na nakatalikod banda sa pwesto nila ang nakatayo sa isang madilim na bahagi ng lugar habang may mga lalaking halatang walang gagawing tama ang kumakausap rito.

Parehas na napakunot ang noo nilang dalawa nang mapansing suot-suot nito ang uniporme na pang Tan Siu. Subalit ang mas nakapagpakunot sa noo nilang dalawa ay tila pamilyar ang babae sa kanila. Nagkatinginan muna silang dalawa bago sila nagpasyang sabay na lumakad papalapit sa mga ito.

“Anong ginagawa nyo? Huwag kayong lalapit kundi ay tatawag ako ng pulis!” sigaw ng babae sa mga lalaki sa harapan niya.

Sabay na natigilan sa paglapit sina Storm at Jack nang mabosesan nila ito.

“Si Summer.” Bulong ni Storm.

Nakita nilang agad na may dinial si Summer sa cellphone niya upang tawagan. Ayaw namang mag-aksaya pa ni Jack ng panahon at balak na sanang lumapit kay Summer pero natigilan siya nang sa sandaling paghakbang niya ay bigla na lang nagring ang cellphone ni Storm. Gulat siyang napalingon kay Storm.

“It can‟t be her.” Mahinang saad ni Jack.

Naramdaman ni Storm ang pagkabahala sa boses ni Jack. Wala siyang balak kunin ang cellphone niyang mahinang tumutunog sa kamay niya pero lumapit si Jack sa kanya at pwersahang kinuha ang cellphone sa kanya.

Pagkakuha ni Jack sa cellphone ni Storm ay bumungad kaagad sa kanya ang pangalan ni Summer sa screen. Hindi siya makapaniwalang natawa at napa-iling. Ibinalik niya ang tingin kay Summer at nakita niyang nakadikit pa rin sa tainga nito ang cellphone niya at hinihintay na sagutin ni Storm ang tawag.

“Do me a favor, Storm. Get the f*ck out of here.” Nakayukong utos niya.

Ramdam na ramdam naman ni Storm ang pagkagunaw ng mundo ng kaibigan niya. Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon para sumagot dito at tahimik niyang kinuha ang cellphone niya sa kamay ng kaibigan at saka mabilis na naglakad palayo.

Pagkaalis ni Storm ay muling humarap si Jack sa kinaroroonan ni Summer at ng mga lasing na lalaki. Galit siyang humakbang papalapit sa mga ito.

“Pulis? Hahaha! Sige tumawag ka ng pulis! Tingnan natin kung maabutan ka pa nila!” narinig ni Jack na sigaw ng isa sa mga lalaking lasing.

“No need to call the police. Superman is here.” Bungad niya pagkalapit sa kanila.

Kaagad nanlaki ang mga mata ni Summer nang makita siya. Galit na lumapit si Jack sa kanya at inagaw ang cellphone na hawak-hawak niya. Pagkaagaw ni Jack sa cellphone ay agad niya itong tiningnan at nakita niyang si Storm nga ang tinatawagan ng dalaga.

Inis na natawa si Jack sa nakita niya at kaagad na ibinato ang cellphone sa sahig. Mabilis na nabasag ang cellphone dahil sa lakas ng pagkakabato niya. Hindi naman makapaniwalang napatakip sa bibig niya si Summer dahil sa ginawa ni Jack.

Naniningkit ang mga matang inilipat ni Jack ang tingin sa mga lasing. Unti-unting napaatras ang mga ito matapos makita sa mga mata niyang tila makakapatay ito. Balak sana nilang tumakbo upang tumakas pero kaagad na nahila ni Jack ang isa sa kanila. Inagaw ni Jack ang bote na hawak-hawak ng lalaki at binasag ito sa ulo nito. Ang matulis na dulo naman ng nabasag na bote ay kaagad niyang isinaksak sa kanang dibdib ng lalaki.

Hindi makapaniwalang nanlaki ang mga mata ni Summer sa nasaksihan. Nasaksihan niya mismo sa harapan niyang may sinaksak si Jack...na may pinatay ito. Galit siyang hinarap ni Jack at wala pa ring pagbabago sa itsura nito. Napaatras siya nang humakbang si Jack papalapit sa kanya. Tatakbo na sana siya palayo pero kaagad siyang naabutan nito.

“Bitiwan mo „ko! Bitiwan mo „ko!” sigaw niya rito.

Hindi naman siya pinakinggan ni Jack at imbes ay binuhat siya nito patungo sa mas madilim na parte ng lugar at marahas siyang itinulak sa may pader.

“Nababaliw ka na ba?! Alam mo ba kung anong—”

Hindi na natuloy pa ni Summer ang sasabihin niya nang marahas siyang halikan ni Jack. Pilit niyang itinutulak ito palayo sa kanya pero masyadong malakas si Jack at mas lalo pa nitong idiniin siya sa may pader.

“Hmmmm! Hmmmmm!” pilit niyang sinusubukang pigilan ito pero masyadong malakas ang binata kumpara sa kanya. “Hmmmm! Hmmmm!” protesta niya pero parang wala lang ito kay Jack.

Galit na inilayo ni Jack ang mukha niya kay Summer at kaagad siyang nakatamo ng malakas na sampal mula rito. Hindi niya makapaniwalang tiningnan si Summer matapos siyang sampalin nito.

“Baliw ka na ba? Bakit mo ginawa iyon?!” nanginginig na tanong ni Summer sa kanya.

Binigyan siya ni Jack ng isang nakaka-insultong ngiti. “Do you have any idea what I feel right now?” tanong ni Jack sa kanya.

Unti-unting nawala ang kunot sa noo ni Summer nang may isang makinang na likido ang tumulo sa pisngi ng lalaking nasa harapan niya.

“I feel like sh*t.” Saad ng binata at saka napayuko.

Iniwas ni Summer ang tingin niya at hindi magawang tingnan ang binata. Tila may kung anong sumaksak sa dibdib niya habang pinapanuod itong luhaan sa harapan niya.

“Iyan pa ba ang dapat nating pag-usapan ngayon? You just killed somebody in front of me!” sagot niya rito.

“So what? That‟s what they‟re going to do to you anyway.” Mabilis na sagot ng binata.

Hindi makapaniwalang napanganga si Summer sa naging sagot nito.

“Nababaliw ka na ba talaga, Jack? You killed him!” sigaw niya.

“I didn‟t! Hindi ko siya sinaksak sa puso niya! He should thank me! Nagawa ko pang buhayin siya sa kabila ng galit na nararamdaman ko!”

Iniwas ni Summer ang tingin niya. “Dahil ba si Storm ang tinawagan ko at hindi ikaw kaya ka nagkakaganyan?!”

Natawa ng pilit si Jack at napayuko. “You have crossed the line where I can no longer understand you, Summer.”

“You crossed the line too, Jack. I can no longer understand you and your actions.” mabilis na sagot ni Summer sa kanya. “You stabbed someone. Hindi mo ba alam kung ano „yung ginawa mo kani-kanina lang?!”

“I told you! I don‟t mind being a bad guy just for you!” Seryosong sagot ni Jack sa kanya.

“Hindi mo pa rin ba maintindihan kung bakit kita nireject, Jack? Dahil iyon sa ginagawa mo. Ginagawa mo ang mga bagay na ayokong gawin mo ng dahil sa akin!”

Galit na napabuntong hininga si Jack nang marinig ang sinabi niya. “Why can‟t I make you appreciate everything that I show you, Summer? I hate it so much that you always misunderstand my actions. Am I really that evil to you?”

Iniwas ni Summer ang tingin niya dahil hindi niya magawang sagutin ito. Natawa naman ng pilit si Jack dahil sa ginawa niya.

“But do you know what hurts me more? Ni hindi mo man lang napansin ang pagbabagong ginagawa ko para lang sa‟yo.”

Ibinalik ni Summer ang tingin kay Jack at saka niya lang napansin ang pagbabago ng kulay at style ng buhok nito. Kaagad na nakaramdam ng kirot sa dibdib si Summer dahil doon.

Napayuko sandali si Jack bago siya tuluyang nakapagpasyang humakbang palayo kay Summer. “How I wish that hurting me can break you even just a little, Summer.” Saad niya bago tuluyang umalis.