“Scalpel, please.” Mahinang paki-usap ng doctor na nasa tabi ko.
Mabilis kong inabot sa kanya ang instrumentong hinihingi niya at saka niya ito ginamit sa maingat na paghiwa sa balat ng pasyenteng nakahiga sa harapan namin. Inihanda ko na rin ang forceps na alam kong sunod niyang hihingin.
I‟ve been a surgical nurse for 4 years now at madami na akong napagdaanang iba‟t-ibang critical cases. Pero sa lahat ng cases na ina-assist ko, ang ganitong klaseng operasyon ang pinakahindi ko gusto. Heart transplant. Bukod kasi sa mahigit walong oras na nakatayo ka at nag-a-assist sa operating room, ang problema kasi sa heart transplantation ay nasa 50% lang ang percentage ng success kaya kung maari ay iniiwasan ko talagang mag-assist nito.
My heart breaks every time na hindi nagiging successful ang operation namin. Maybe because I got addicted to the idea of saving lives. Highschool ako noong una kong magtangkang sumagip ng buhay at masasabi kong napakalaking impact ng pangyayaring iyon sa buhay ko para mapili kong tahakin ang ganitong profession.
Well, hindi lang naman ang pangyayaring iyon ang nagtulak sa akin para piliin kong maging nurse. May isang tao rin ang dahilan sa likod ng desisyong pinili ko. Siya iyong klase ng tao na mas pipiliin na lang ang mamatay kaysa magpunta ng hospital. Pinili kong maging nurse dahil sa kanya…para sa kanya. Para ako na lang ang mag-aalaga sa kanya sa mga panahong kailangan siyang dalhin sa hospital at tututol siya.
Apat na taon ang ginugol ko para makapagtapos sa kolehiyo at makapasa sa board exam, at ngayon ay apat na taon ko na ring pinapractice ang profession na pinili ko. Walong taon na rin pala ang lumipas…at walong taon na rin pala akong patuloy pa rin na naghihintay sa kanya.
“Thank you for your hard work, Summer. Successful na naman ang operasyon dahil sa malaking tulong mo.” Compliment ni Dr. Lopez habang tulong-tulong kaming inaayos ang instruments na nagamit namin sa katatapos lang na operasyon.
Ngumiti ako sa kanya bago dahan-dahang umiling. “Hindi po ba dahil iyon sa magaling kayong doctor?” pagbabalik compliment ko sa kanya.
Kaagad naman siyang natawa at saka napa-iling rin. “Hay naku, kaya hindi ka mapakawalan ng hospital na ito eh. Bukod sa magaling mong skills ay ikaw na ata ang pinakamabuting tao na nakilala namin.”
“Oo nga!” mabilis namang pagsang-ayon ng iba pang doctor at nurses na kasama rin namin sa operasyon kanina.
“Sus! Gusto nyo lang atang magpalibre sa akin mamaya eh!” tanging naisagot ko.
Sabay-sabay silang nagtawanan at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng instruments. Patapos na sana kami sa pag-aayos nang magsalita muli si Dr. Lopez. “Saan niyo nga pala balak lumipat ng hospital?” biglang tanong niya.
Kaagad napakunot ang noo ko sa tanong niya. “Lumipat? Bakit? Lilipat ba kayo?” tanong ko.
Lahat sila ay napatingin sa akin. “Bakit, Summer? Hindi mo pa ba alam?” tanong ni Leslie, ang nurse na pinakaclose ko sa kanila.
“Anong hindi ko pa alam?” naguguluhang tanong ko.
Sabay-sabay silang napabuntong hininga at napayuko. “Isasara na nila ang hospital na „to, Summer.” Malungkot na balita niya.
Hindi ako makapaniwalang napanganga sa narinig.
“Off mo nga pala kahapon kaya pala hindi mo alam. Kahapon lang nila inannounce. Nagpunta dito „yung may-ari ng hospital para lang i-announce na gagawin na lang nilang isang condominium „tong hospital.” Dagdag pa ni Ashley, isa ring nurse.
Unti-unting bumigat ang pakiramdam ko matapos marinig ang sinabi niya. Condominium? Kailan pa naging mas importante ang condominium sa hospital?
“Grabe nga eh. Tuwang tuwa pa „ko nung makita ko siya kahapon kasi napakagwapo at bata pa niya. Tapos masamang balita lang pala ang lalabas sa bibig niya. Nakakadisappoint. Hangang hanga pa naman ako dahil sa batang edad ay napakasuccessful na agad niya.” Habol pa ni Camille, ang circulating nurse namin kanina sa operasyon.
Halos manlambot ang mga tuhod ko habang iniisip kung papaano na ang mga pasyente namin sa hospital na ito. Oo, siguradong pati kami ay apektado dahil mawawalan kami ng trabaho at mahihirapang makahanap ng hospital na lilipatan, pero paano naman ang mga pasyente namin? Halos lahat ng pasyente namin ay mga tinanggihan sa iba‟t-ibang hospital dahil wala silang pambayad. Tanging kami lang ang tumanggap sa kanila. Paano na sila?
“Sa pagkakaalam ko ay nalulugi na ang kumpanya nila dahil sa hospital na ito kaya balak na nilang bitiwan ito at gawin na lang condo na mas pagkakakitaan nga naman nila.” Saad naman ni Dr. De Guzman, ang isa pa sa mga doctor na nagsagawa ng operasyon kanina.
“Mabuti nga at binigyan pa tayo ng dalawang buwan para asikasuhin ang mga dapat asikasuhin sa hospital na „to bago tuluyang isara,” dagdag pa ni Ashley.
Sabay-sabay na lang silang napabuntong hininga at sa mga itsura nila ay mukhang natanggap na nila na wala na talaga kaming magagawa pa.
Habang naglalakad ako patungo sa pantry ay pansin na pansin ko ang pagkabahala sa mukha ng mga hospital personnel na nadaraanan ko. Halos masuffocate na rin ako dahil wala na akong ibang marinig na pinag-uusapan nila kundi ang pagpapasara ng hospital.
Kung hindi naman tungkol sa pagpapasara ng hospital ang topic nila, ang may-ari naman ng hospital na nagpunta kahapon ang pinag-uusapan nila. Wala akong ibang marinig kundi napakabata pa raw nito at napaka-arogante rin.
Pagkarating ko sa pantry ay mabilis akong naghulog ng barya sa vending machine upang kumuha ng kape. Inikot ko ang tingin ko sa lugar at nakakapagtaka dahil halos panay mga hospital personnel lang ang nakikita ko. Tila may usapan ang lahat na magtipon-tipon dito.
“Summer!”
Napatingin ako sa pwesto kung saan banda may tumawag sa pangalan ko. Nakita ko ang isa kong kateam na si Fatima na kumakaway sa akin. Mabilis kong kinuha ang mainit kong kape sa vending machine at lumapit sa mesa kung nasaan siya.
“Nandito ka ba para manuod din?” tanong niya.
“Manuod?” nagtatakang tanong ko at napansin na ang pwinestuhan niya pala ay sa may tapat mismo ng t.v. dito sa pantry. “Ay, hindi. Kakatapos ko lang mag-assist. Pumunta lang ako dito para kumuha ng kape.” Sagot ko sa kanya.
“Oh, I see. Oo nga pala noh? Madugo nga pala ang inassist mo ngayon hehe!” bibong sagot naman niya.
Ngumiti na lang ako sa kanya bilang sagot. Sanay na rin naman siya sa pagiging matipid kong magsalita. Dahan-dahan akong humigop ng mainit na kape at ninamnam ang sarap nito. Kahit papaano ay unti-unti nang narerelax ang utak ko at unti-unti nang nababawasan ang bigat ng dibdib ko.
Saglit akong natigil sa pag-inom ng kape ko nang mapanisin na halos ang mga hospital personnel na kasalukuyang nasa pantry ay nakapalibot sa may t.v. Tiningnan ko naman ang palabas sa t.v. at nakitang hindi naman movie ang pinapalabas kundi local news lang.
“Fatima, anong inaabangan niyong ipalabas?” nagtatakang tanong ko.
“Ah, „yung interview sa may-ari netong hospital. Ang sabi kasi babanggitin daw niya sa interview „yung plano niya dito sa hospital.” Mabilis na sagot ni Fatima.
“Ah, I see.” Sagot ko at bigla na lang nabalot ang pagkatao ko ng kuryosidad at interest.
Itinuon ko din ang atensyon ko sa t.v. at nakisama sa pag-aabang. Nagulat na lamang ako nang biglang magvibrate ang cellphone ko. Nang tingnan ko ang screen ay bumungad sa akin ang pangalan ni Storm na tumatawag. Mabilis ko itong sinagot dahil bihira na lang din niya akong tawagan nitong nakaraan. Masyado na siyang busy para isingit pa ako sa oras niya. Siya na kasi ang tagapamahala ng kumpanya nila.
“Napatawag ka?” bungad ko sa kanya pagkasagot ng tawag.
“I miss you.” Kaagad namang sagot niya.
Napangiti ako nang marinig ang sagot niya. “Huhulaan ko, nasa labas ka ng hospital ngayon.” Saad ko.
Narinig ko siyang natawa ng mahina. “Coffee?” tila pagkukumpira na rin niyang tama ako.
“Sakto. Kailangan ko din ng malalabasan ng sama ng loob.” Pag-payag ko sa alok niya.
Sa loob ng walong taon ay hindi niya ako pinabayaan. Well…kahit na takot siya sa karayom, he took nursing too para lang araw-araw niya akong makasama at mabantayan. Yes, isa din siyang nurse pero hindi na niya prinactice pa ang profession namin dahil kailangan na siya sa kumpanya nila. Akala ko nga noon ay itatakwil na siya ng angkan niya nang imbes na business related ang course na kinuha niya ay medical course ba naman ang kunin.
Madami na siyang isinakripisyo sa buhay niya para lang sa akin. Siya ang nagguide sa akin upang makapagsimula ng panibagong buhay. Simula noon, hanggang ngayon, siya ang nagsilbing immunity ko sa mga pagsubok ng buhay.
I gained friends because of him too, and no one dared to hurt me when we were in college. Napakalaki talaga ng pinagbago ng buhay ko nung magcollege kami. At oo, hindi ko grinab ang opportunity na makapag-aral sa New York. Kahit naman hindi ako nagpunta sa New York ay nakapagsimula pa rin naman ako ng panibagong buhay sa Pinas.
“Bakit? May problema ka ba sa trabaho ngayon?” tanong niya.
Napabuntong hininga ako. “Sobrang laking problema.” Sagot ko at saglit na inilipat ang tingin sa t.v.
“Talaga? Then let‟s go. Ibuhos mo na sa akin „yang stress mo.” Masiglang sagot ni Storm pero hindi ko na nagawa pang sagutin siya nang makita ko ang taong nagsasalita sa balita.
Pakiramdam ko ay bigla na lang nalaglag ang puso ko sa sahig at mabilis na nawasak. Mabilis na nagbalik ang mga alaalang pilit kong ibinaon sa limot ng napakaraming taon habang pinapanuod siya.
“Actually, it has been already decided two years ago. I didn‟t want to give up that hospital so easily because I know there are a lot of patients and employees relying on it. That‟s why I still gave it a chance. Sadly, after two years, there‟s still no progress that‟s why we‟re finally closing it.”
Walong taon. Walong taon kong hinintay ang makita siyang muli. Walong taon kong hinintay ang marinig muli ang boses niya. Walong taon akong umasa sa pagbabalik niya. Walong taon. Walong taon akong naghintay para sa kanya.
Napakalaki na ng pinagbago niya. Halos hindi ko na siya makilala. Kulay itim na ang buhok niya at bagay na bagay sa kanya ang suot-suot niyang itim na suit. Napakaprofessional na ng itsura niya. Napakalayo sa itsura niyang mukhang gangster noon.
Maging ang boses niya ay nagbago na rin. Mas lalo itong lumalim kumpara noon. Napakalumanay na rin niyang magsalita at wala manlang akong naririnig na curse words mula sa kanya.
Ibang-iba na siya.
“Uh, Summer? Okay ka lang ba?”
Saglit akong napatingin kay Fatima at doon ko lang narealize na may mga luha na palang bumabasa sa pisngi ko. Hindi ko na siya nagawa pang sagutin at dali-dali akong tumayo at tumakbo paalis. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kung anong dapat kong gawin para makita siya at makausap siyang muli. Gusto kong mayakap siya. Gusto kong mayakap ulit siya. Ilang taon na araw-araw kong namimiss ang presensya niya at umaasang makikita siya. At ngayon… at ngayon na nagbalik na siya, hindi ko na kaya pang mag-aksaya ng panahon. Sapat na ang walong taon para masabi kong totoo ang nararamdaman ko para sa kanya.
Nagulat na lang ako nang biglang may humablot sa braso ko pagkalabas ko ng hospital. Tiningnan ko kung sino ito at nakita ko ang naguguluhang mukha ni Storm.
“Summer? Ayos ka lang ba? Saan ka pupunta?” sunod-sunod na tanong niya.
“S-Storm…” nanghihinang tawag ko sa kanya. Bigla ko na lang naramdaman ang panlalambot ng mga tuhod ko.
Hinawakan niya ako ng maigi at inalalayang tumayo upang hindi ako matumba. “Bakit? Anong problema?”
Mahigpit akong kumapit sa braso niya bago nagsalita. “B-Bumalik na siya, Storm… Bumalik na si Jack.” Saad ko.
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko nang banggitin ko ang pangalan niya. Ilang taon ko ding iniwasan ang pagbanggit sa pangalan niya. Tila naging isa iyong masamang salita na hindi ko dapat banggitin o marinig mula sa iba. Para akong bata ngayon na bigla na lang nakabigkas ng panibagong salita.
Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Storm. Akala ko ay makikitaan ko siya ng gulat na reaksyon pero wala akong ibang nakita kundi tila bigla siyang nasaktan. Napayuko siya at bigla na lang inis na natawa. “Ano ba „yan. Ang bilis mo namang nalaman.” Saad niya.
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. “A-Alam mo na?” hindi makapaniwalang tanong ko.
Iniwas niya ang mukha niya bago dahan-dahang tumango. Inis at hindi ako makapaniwalang natawa bago buong lakas siyang itinulak palayo sa akin. “Alam mo na pero hindi mo sinasabi sa akin?!”
Ibinalik niya ang tingin niya sa akin at seryoso akong tinitigan sa aking mga mata. “I‟m sorry.” Tanging nasabi lang niya.
“What the hell, Storm?!” galit na sigaw ko. “Alam mo kung gaano ako katagal naghintay sa kanya pero wala kang balak sabihin sa akin?!”
Bumuntong hininga muna siya bago dahan-dahang lumapit muli sa akin. “Gustong gusto kong sabihin sa‟yo, Summer. Pero…”
“Pero ano?” inis na tanong ko.
“Pero...” halatang hindi niya matuloy-tuloy ang gusto niyang sabihin.
“Pero ano?!” tuluyan na akong napasigaw.
“Pero wala na siyang pakialam sa‟yo!”
Natigilan ako sa sinabi niya. Wala akong ibang magawa kundi ang matulala sa mukha niya. Hindi ko alam kung anong isasagot sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay bigla na lang akong napahiya.
Dahan-dahan kong iniwas ang mukha ko sa kanya at napayuko. Bakit ganito? Alam ko naman na wala na talaga siyang pakialam sa akin pero iba pa rin pala talaga „yung sakit kapag may iba nang nagpapamukha sa‟yo.
Matagal ko nang alam na wala na talaga siyang paki sa akin. Kasi kung meron naman talaga, edi sana noon pa lang ay kinontak na niya ako.
Kung meron naman talaga, edi sana noong mga araw at gabi na umiiyak ako sa tapat ng mansion nila at nakikiusap na magpakita siya ay kinausap na niya ako.
Kung meron naman talaga, edi sana noong nalaman kong umalis na pala siya ng bansa at ibinigay ni Mr. Morgan sa akin ang number niya at walang tigil ko siyang tinatawagan ay sinagot na sana niya ang tawag ko.
Kung meron naman talaga, edi sana hindi siya nagpalit ng number para hindi ko na siya macontact pa.
Kung meron naman talaga, edi sana nung natuto na akong gumamit ng facebook ay hindi niya ako blinock.
Kung meron naman talaga siyang pake sa akin…hindi niya ako paghihintayin ng walong taon.
“Summer, I‟m sorry. Tulad mo, hinintay ko rin ang pagbabalik niya. Pero nung nakipagkita ako sa kanya, ibang iba na siya. Parang hindi na niya ako kilala. Parang ibang tao na siya. Ayoko lang na magmukha kang tanga sa harapan niya.”
Dahan-dahan akong tumingala at tiningnan ang mukha ni Storm. “Kailan pa?” wala sa sariling tanong ko. “Kailan pa siya nakabalik?”
Napayuko siya at napabuntong hininga. “Last year pa.” malungkot na sagot niya.
Hindi ko napigilan ang hindi matawa. “Wow.” Amazed na amazed na sagot ko. “Wow!” puno ng pait na saad ko. “Wow…” saad ko at unti-unti ay napaupo sa kinatatayuan ko. “Wow…” umiiyak na saad ko.
Malakas kong hinampas ang dibdib ko. “Wow grabe. Wow.” Hindi makapaniwalang saad ko habang patuloy sa pagpatak ang maiinit na luha ko.
Ang hirap tanggapin. Hindi ko magawang tanggapin.
“Walong taon, Storm. Walong taon akong naghintay.” umiiyak na saad ko. “Walong taon kong hinintay na masabi sa kanya na…mahal ko siya.”
Dahan-dahang lumuhod sa harapan ko si Storm at pinunasan ang pisngi ko. “Walong taon din, Summer,” bulong niya. “Walong taon ko ding hinintay na sana sabihin mo na lang sa akin iyan.”
❄ ❄ ❄
Dalawang linggo na lang bago tuluyang isara ang hospital at halos lahat ng mga kasama ko ay may mga lilipatan na samantalang ako ay wala pa. Nagsubmit na ako ng resume sa iba‟t-ibang hospital pero hanggang ngayon ay wala pa ring kumokontak sa akin.
Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang magvibrate ang phone ko. Tiningnan ko ito at umaasang isa ito sa mga hospital na pinasahan ko ng resume pero nadisappoint ako nang pangalan ni Storm ang nakalagay sa screen.
“Huy, grabe naman na „yang away nyo. Two weeks na ata kayong LQ.” Biglang saad ni Fatima.
Kilala nilang lahat si Storm. Sa apat na taon ba naman naming nagsama-sama dito sa hospital ay impossibleng hindi nila siya makilala dahil halos araw-araw ako kung sunduin ni Storm. At isa pa, mabilis na nakilala si Storm sa hospital. Syempre, gwapo eh.
Kapag tinatanong nila ako kung kaanu-ano ko si Storm ay lagi ko lang silang sinasagot na kaibigan ko lang siya. Pero sila na ang nag-assume na boyfriend ko si Storm dahil sa sweetness na pinapakita niya tuwing pumupunta siya sa hospital para bisitahin ako.
Napabuntong hininga na lang ako at ibinalik sa bulsa ko ang cellphone ko.
“Gaano ba kalaki nagawa niyang kasalanan sa‟yo at hanggang ngayon ay ayaw mo pa rin sagutin ang tawag niya?” tanong niya.
“Wala siyang kasalanan sa akin, Fatima.” Tanging sagot ko sa kanya.
Nang papauwi na ako ay natigilan ako sa paglabas ng hospital nang makita ko si Storm na nakatayo sa may waiting area at halatang kanina pa naiinip. Napabuntong hininga na lang ako at napagdesisyonang kausapin na siya.
Kaagad siyang napatayo nang makita niya akong naglalakad papalapit sa kanya.
“Summer…” halatang kinakabahang tawag niya sa akin pagkahinto ko sa harapan niya.
“Storm—”
Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang bigla niya akong mahigpit na niyakap.
“I am so sorry. Hindi ko na ipipilit pa ang sarili ko sa‟yo. Just please, huwag mo naman akong iwasan. Mababaliw ako.” saad niya habang yakap-yakap ako ng mahigpit.
Dahan-dahan siyang humiwalay sa akin at nagulat ako nang bigla niya akong pitikin sa noo.
“Aw!” mabilis na reklamo ko.
“Hindi mo manlang sinagot ang mga tawag ko kahit isang hello lang!” inis na saad niya.
Magdadahilan pa sana ako sa kanya pero laking gulat ko nang bigla na lang niya akong hilahin at kaladkarin patungo sa sasakyan niya.
“T-Teka? Saan mo ko dadalhin?” nagtatakang tanong ko sa kanya.
Sumakay muna siya sa driver‟s seat bago ako sinagot. “Malalate ka na sa appointment mo. Ikaw naman kasi eh. Hindi mo man lang sinasagot ang mga tawag ko.”
“Wait, what? Appointment ko? Appointment para saan?” naguguluhang tanong ko.
“Nakausap ko kasi si Fatima nung isang linggo. Nabanggit niya sa akin na wala ka pa rin hospital na malilipatan. Kaya ayun, naghanap ako ng pwede mong lipatan at may nahanap ako kaso hindi hospital.” Sagot niya habang mabilis na nagdrdrive.
“Eh? Kung hindi hospital „yun eh ano pala?” mabilis na tanong ko.
“They‟re looking for a private nurse. Naisip ko na dun ka muna habang hindi pa natatayo „yung hospital na pinapatayo ko para sa‟yo.”
“W-What?! Nagpapatayo ka ng hospital?!” hindi makapaniwalang tanong ko.
“He-he-he.” Tanging sagot niya.
Nababaliw na ba siya? Akala niya ba ay nagpapatayo lang siya ng isang bahay-kubo? It‟s a freaking hospital!
Saglit siyang tumingin sa relos niya bago muling ibinalik ang tingin sa dinaraanan namin. Napakabilis ng takbo niya at mukhang ayaw niyang mamiss ko ang oportunidad na ito. Nakaramdaman na lang ako ng guilt dahil sa ginagawa niya. Kahit na iniwasan ko siya ng mahigit isang buwan, heto at tinutulungan pa rin niya akong makahanap ng trabaho.
“Now, we‟re here.” Saad niya nang ihinto niya ang sasakyan sa tapat ng isang mataas na gusali.
Inilabas ko ang ulo ko sa bintana ng sasakyan at tiningnan kung gaano kataas ang building. Bakit sa building na ito ang appointment ko? Isang taong may mataas na posisyon ba ang magiging pasyente ko?
“Mauna ka na sa loob. May 5 minutes ka pa bago malate sa appointment mo. Baka kasi kapag pinark pa natin „tong sasakyan at sinamahan kita ay tuluyan ka pang malate. Mas mabuti nang mauna ka na at susunod na lang ako.”
Halata sa itsura niya na seryoso siya sa appointment na sinet niyang ito para sa akin. Nakakahiya naman kung bibiguin ko siya kaya kahit na nagdadalawang isip ako ay wala na akong ibang nagawa kundi ang bumaba ng sasakyan niya at pumunta sa floor na sinasabi niya.
Nang nasa elevator na ako ay tumingin ako sa relos na suot-suot ko. Ang sabi niya ay 7pm ang appointment ko pero 8:15pm na ang oras sa akin. Teka, hindi kaya sira na ang oras nun ni Storm?
Tumingin ako kung nasaang floor na ako at nakitang nasa 15th floor na. Ayon sa kanya ay sa 28th floor nakaset ang appointment ko and I should look for Beatrice Hernan. I-a-accommodate pa kaya nila ako ngayong mahigit isang oras na akong late?
Tuluyan na akong nakarating sa 28th floor at lalabas na sana ako kaagad ng elevator pero natigilan ako nang makilala ang lalaking makakasalubong ko. Halata sa itsura niya na kanina pa siya naiinip na naghihintay sa sa pagdating ng elevator. Sasakay na rin sana siya sa loob pero katulad ko ay agad din siyang natigilan nang makilala ako.
Tila saglit na tumigil sa pag-ikot ang mundo ko habang magkatitigan kami sa isa‟t-isa. Di tulad sa t.v. ay mas nag-iba pala ang itsura niya sa personal. Walong taon din ang lumipas bago ko siya muling nakaharap ng ganito kalapit.
Dati ay lagi kong iniisip kung anong gagawin ko kung sakaling magkita na kaming muli. Pero ngayong nasa harapan ko na siya, bakit wala akong ibang magawa kundi ang damhin ang unti-unting pagkirot ng dibdib ko?
Para akong kakapusin ng hinanga nang unti-unting magsimulang magsara ang elevator dahil sa tagal naming magkatitigan. Unti-unti ay nagkakaroon muli ng harang ang pagitan naming dalawa. Unti-unti ay nahaharangan muli ang mukha niyang matagal kong ninais na muling makita. Unti-unti ay malalayo akong muli sa kanya.
Tuluyan nang sumara ang elevator pero laking gulat ko nang muli itong bumukas. Sa pagbukas nito ay muling bumungad sa akin ang mukha niya. Nanatili ang kamay niya sa pindutan ng elevator at mukhang ginagawa niya iyon upang hindi ito muling magsara.
“Summer Pascua, you had me waiting for more than an hour.”
Fin.