Tiningnan ko ang mga taong masayang nagsasayawan sa harapan ko. Naghihiyawan sila habang masayang-masayang sinasabayan ng indak ang maingay na musikang pinapatugtog dito sa bar. Tiningnan ko ang lamesa sa harapan ko at binilang ang mga boteng wala ng laman. Natawa ako nang mabilang na umabot na pala sa lima ang naiinom ko. Hindi ko akalain na kaya ko pa lang umubos ng ganoon karami. Hindi ko rin akalain na magkakalakas loob akong pumasok sa isang bar habang naka-uniporme pa.
Pasimple akong sumulyap sa mesa kung saan nakapwesto ang pitong magkakaibigan. Sila ang dahilan kung bakit nakarating ako rito dahil sinundan ko sila. Tanging ang mukha lang ni Andrew ang nakikita ko sa kanila dahil siya lang ang nakaharap banda sa pwesto ko. Nalipat ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa harapan niya. Kay Jack. Dahil sa nakatalikod siya sa pwesto ko ay hindi ko makita kung anong itsura niya.
Ibinalik ko ang tingin sa boteng hawak-hawak ko at muling uminom. Pakiramdam ko ay wala na ako sa tamang pag-iisip. Umiikot na ang paningin ko at napakagaan na ng ulo ko. Mahina kong sinampal ang pisngi ko dahil pakiramdam ko‟y namamanhid na ang mukha ko. Naapektuhan na siguro ako ng alak dahil sa dami na ng nainom ko.
Napatingin ako sa gitna nang mapalitan ang tugtog ng isang mabagal na awitin. Kaagad na nagsi-alisan sa gitna ang mga taong walang kapareha sa pagsayaw at tanging naiwan lang ay iyong may partners. Mabagal silang nagsayaw at sinabayan ang mapayapa at romantikong tugtugin.
Naglakas loob akong tumayo at lumakad patungo sa mesa kung nasaan sina Jack. Mukhang tinamaan na talaga ako dahil paliko-liko na ang lakad ko. Nang makalapit ako sa mesa nila ay halata sa mga itsura nila ang gulat nang makita ako.
“S-Summer… A-Anong ginagawa mo rito?” gulat na tanong ni Justine at saka bumaba ang tingin sa katawan ko. “Huwag mong sabihin sa akin na hindi ka pa umuuwi? Naka-uniform ka pa. Hindi pwede ang estudyante rito.” Sermon niya.
“Kayo? Hindi ba kayo mga eshhhtudyante?” mataray na tanong ko.
Nalipat ang tingin ko kay Samuel nang matawa siya sa sagot ko. “Anong nakakatawa?”
“Sorry. Ang cute mo kasi.” Natatawang saad niya.
“Pssssh!” sagot ko at inirapan siya.
Nagulat ako nang may humawak sa may braso ko. Tiningnan ko kung sino ito at nakita kong si Storm pala. May band-aid siya sa may kilay niya at nangingitim ang ilalim ng mata niya. Oo nga pala. Nabugbog siya nang dahil sa akin.
“Lasing ka. Ihahatid na kita.” Seryosong saad niya.
Napakunot ang noo ko at hinila ang braso ko. “Ayoko! Gusto ko siyang makasayaw!” sagot ko at saka itinuro si Israel.
Sabay-sabay silang gulat na napatingin kay Israel at si Israel naman ay hindi makapaniwalang napaturo sa sarili niya. “Ako?!” gulat na tanong niya.
Dahan-dahan akong tumango at saka siya nginitian. Sabay-sabay namang natawa sina Andrew, Samuel, Drake at Justine.
“Huh! You had the guts to laugh at me?! Ako?! Tinatawanan niyo?! Ako na si Shhhhummer Pascua?! Ako?! Huh! Ang lalakassssh naman ng mga loob ng mga gangsters na „to para pagtawanan ako!” sigaw ko sa kanila pero mas lalo silang natawa dahil sa sinabi ko. Ughhh! Pinapainit nila ang ulo ko!
Nalipat ang tingin ko sa lalaking hindi nakikisama sa pagtawa nila. Seryoso lang siyang nakatingin sa mesa sa harapan niya at hindi ako tinitingnan. He‟s obviously ignoring me.
“Summer, tama na „yan. Ihahatid na kita.” bulong ni Storm sa tabi ko.
“Ayoko sabi ehhhh!” saad ko at saka lumapit kay Israel.
Katabi niya si Jack kung kaya‟t madadaanan ko muna si Jack bago makapunta sa kanya. Pero imbes na huminto sa harapan ni Israel ay huminto ako sa harapan ni Jack. Tiningnan ko muna si Jack bago ko inilipat ang tingin kay Israel at inilahad ang kamay ko sa kanya. “Dance with me.” Seryosong saad ko.
Naramdaman ko na lang na may mainit na luha ang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata ko. Siguro marahil ay dahil iyon sa pagbabalewala sa akin ng lalaking nakaupo ngayon sa harapan ko. Hindi ako sanay na hindi niya ako kinakausap. Kahit na lagi siyang galit sa akin, kinakausap niya pa rin ako. But now, he‟s completely ignoring me…and I didn‟t know it‟ll hurt like this.
Mukhang napansin ni Israel na maiiyak na ako kung matagal pa akong mananatiling nakatayo roon kung kaya‟t tumayo na siya at hinila ako palayo sa mesa nila. Dinala niya ako sa pinakagitna ng dance floor at mukhang sinadya niyang doon kami pumwesto para matakpan kami ng ibang nagsasayaw at hindi makita ng mga kaibigan niya.
“You can cry now.” Mahinang bulong niya.
Pagkasabi niya noon ay tuluyan nang tumulo ang mga luhang kanina pa nagbabadyang pumatak. Nanatili lang kaming nakatayo at magkaharap sa isa‟t-isa at hindi sumasayaw.
“Nababaliw na ata talaga ako.” nakangiting saad ko at pinunasan ang nabasang pisngi ko.
Napabuntong hininga siya bago malamig na nagsalita. “Epekto lang „yan ng alak,” saad niya. “Bakit ka kasi umiinom kung hindi mo naman pala kaya?” tanong niya.
“Galit ba siya sa akin?” malayong sagot ko sa kanya.
Napabuntong hininga siya at iniwas ang tingin. “Ayokong maging comforter. Magpahatid ka na kay Storm.” Saad niya.
Hahakabang na sana siya para umalis pero natigilan siya nang hawakan ko siya sa may braso.
“Hindi mo ba ako pwedeng samahan kahit saglit lang? Ayokong maging dependent kay Storm. Parati na lang siyang nandyan para sa akin…ayokong maging abuso.” Saad ko at may luhang muling tumulo mula sa mga mata ko.
Frustrated siyang napahawak sa noo niya bago muling bumalik sa harapan ko. Halata sa itsura niya na napipilitan lang siya. “Thank you.” saad ko. “Thank you dahil hindi ka umalis kahit na ayaw mo sa akin.”
“Huwag mong isipin na dahil dito ay kaibigan na ang turing ko sa‟yo.” Diretsong sagot niya.
Ngumiti ako at dahan-dahang tumango. “I know.” Nakangiting sagot ko.
Napatitig siya sa mukha ko at bigla na lang nag-iwas ng tingin. “Huwag mo akong ngitian ng ganyan. Baka magbago ang isip ko at iwanan kita.” Saad niya.
Kaagad akong sumimangot pagkasabi niya noon. “Why do you hate me so much?”
Seryoso niya akong tiningnan. “I don‟t hate you. I just don‟t trust you.” Sagot niya.
“A-Ano?”
“I doubt everything about you, Summer. I doubt everything you say…every word that comes out from your mouth. I doubt your kindness…your thoughts….your sincerity…your thoughtfulness. I doubt everything about you.”
Mas lalong napakunot ang noo ko sa mga sinabi niya. “Anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ko.
“You‟re just too damn good to be true, Summer. That‟s why I have doubts.” Seryosong sagot niya.
Hindi ko alam kung dahil ba sa epekto ng alak kaya hindi ko maintidihan ang sinasabi niya.
“You‟re too perfect, do you know that?” tila naiinis na saad niya.
“Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan.”
Napabuntong hininga siya at inis na tiningnan ako. “Ang buong pagkatao mo, Summer, ang perpekto. In Jack and Storm‟s eyes, you perfectly fit in their style, and that‟s why I can‟t trust you.”
“W-What?!”
“Your character, Summer…That‟s the kind of thing Jack and Storm would always fall for. Is it true or is it just a coincidence that you have all of those traits?”
Hindi ko nagawang makapagsalita dahil sa mga sinabi niya.
Napabuntong hininga siya at seryoso akong tiningnan. “You‟re aware that you remind everyone of Jasmine, right?”
Gulat ko siyang tiningnan nang bigla niyang isama sa usapan ang babaeng iyon. “I told you, hindi kami magkatulad.” Inis na sagot ko.
“I hate to say this, but...magkatulad kayo, Summer.” Sagot niya.
Galit kong naisara ang kamao ko dahil sa sinabi niya. “Huwag mo akong igaya sa kanya.”
Napabuntong hininga siya at seryoso akong tiningnan. “The character that Jack and Storm would always fall for…meron din si Jasmine ng mga iyon, Summer.” Seryosong saad niya.
Mas lalong napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. What does he mean? Ang ibig ba niyang sabihin ay kaya nagustuhan ni Jack at Storm si Jasmine ay dahil sa character na meron siya? At ang ibig sabihin ba nito ay kaya ako nagustuhan ng dalawa ay hindi dahil I remind them of Jasmine kundi dahil ang character na meron ako ay ang tipo mismo nina Jack at Storm? Naguguluhan ako. Hindi dapat ako uminom ng marami. Ughhh.
“Tama na. Ayoko nang marinig pa kung ano man ang sasabihin mo.” Naiinis na utos ko.
Ngumiti siya ng mapang-asar at nagulat ako nang ilagay niya ang palad niya sa likuran ko at hinila niya ako papalapit lalo sa kanya. Pero mas lalo akong nagulat nang bigla niyang inilapit ang labi niya sa may tenga ko.
“Kung ayaw mong masabihan na kagaya ka lang niya, then here‟s a tip,” bulong niya. “Huwag mong gayahin ang ginawa niya. Never betray Jack and Storm.”
Mahina ko siyang itinulak palayo sa akin at naguguluhan ko siyang tiningnan. What does he mean by that?
“You don‟t have any idea of the things they are willing to give up just for you.” Seryosong saad niya.
“A-Ano?” naguguluhang tanong ko pero imbes na sumagot siya ay nagulat na lang ako nang ilipat niya ang kamay niyang nasa likod ko papunta sa may waist ko at dahan-dahan niyang ipinadausdos ang kamay niya pababa sa may hips ko.
“A-Anong ginagawa mo?” gulat na tanong ko.
Ngumiti siya ng mapang-asar at inilapit ang mukha sa akin. “I‟m going to show you one of the things they will throw away just for you without having second thoughts.” Seryosong saad niya.
Unti-unti ay inilapit niya ang mukha niya sa akin. Nang malapit ng magdikit ang labi naming dalawa ay bigla na lang siyang ngumiti.
“Friendship, Summer.” Bulong niya at laking gulat ko na lang nang may marahas na humila sa akin palayo sa kanya.
Gulat akong tumingin sa taong humila sa akin at kaagad nanlaki ang mga mata ko nang makita si Jack. Galit niyang hinarap si Israel at malakas na sinuntok ito.
“You f*cking bastard!” sigaw niya at muling sinuntok si Israel. “I will f*cking kill you!” sigaw niya at sinuntok muli ang kaibigan. Kaagad na umawat sina Justine at pumagitna sa kanilang dalawa. “Let me go! You son of a b*tch!” sigaw ni Jack at pilit na kumakawala sa pagkakahawak ng mga kaibigan niya.
Naguguluhan kong tiningnan si Israel na ngayon ay nakaupo na sa sahig. Napakunot ang noo ko nang binigyan niya ako ng mapang-asar na ngiti bago niya pinunasan ang dugo mula sa pumutok niyang labi. And at that moment…..I realized what he meant.