noveltoon logo noveltoon
By the way, his name is Jack Frost

Chapter 8

Ch. 8 / 47 Feb 05, 2022

Nakauniporme akong lumabas ng bahay at nagpaalam kay Mama. “Ingat ka, anak. Sigurado ka bang mababait ang mga schoolmates mo ngayon?” tanong niya.

Tumango ako. “Opo, Mama,” pagsisinungaling ko.

Lumungkot ang mukha niya. “Hindi ako naniniwala, Summer. Iyan ang parati mong sinasabi pero lagi kang umuuwing mukhang walang dangal. Ano bang totoo, anak? Binubully ka ba ulit nila?”

Humigpit ang kapit ko sa strap ng bagpack ko. “Alis na po ako, Ma,” iwas ko at saka tumakbo palabas ng bahay namin.

Guilt ang nararamdaman ko habang naglalakad ako papunta sa plaza na malapit sa school namin. Hindi ko maaring sabihin sa mga magulang ko na suspended ako ng tatlong araw dahil napagbintangan akong nagnakaw ng gamit ng kamag-aral ko. Masyado na akong madaming problema na naibigay sa kanila.

Pinalipas ko ang buong araw ko sa plaza. Pakiramdam ko ay nag-cutting classes ako. Tatayo na sana ako mula sa swing pero natigilan ako nang makita ko ang isang pares ng panlalaking sapatos na huminto sa harapan ko. Tumingala ako at agad na kumunot ang noo ko.

“What?” iritableng tanong ko. Imbis na sagutin niya ako ay pwersahan niya akong hinila sa may wrist ko patayo. “Ano ba?!” angal ko. Nanatili siyang walang imik at kinaladkad ako. Where is he taking me again this time?

Sapilitan niya akong isinakay sa sasakyan niya. Ano bang problema ng gangster na „to?! Lalabas sana ako pero agad niyang inilock ang pinto pagkasakay niya. Tiningnan ko siya ng masama. Hindi pa rin niya pinapapandar ang sasakyan pero nakatingin lang siya sa unahan and he looks somehow pissed.

“What‟s wrong with you?” tanong ko.

Inis siyang humarap sa akin. “Shouldn‟t I ask you the same question?”

Hindi ko talaga siya maintindihan. Bakit ba parang I‟ve done something wrong to him pa?!

“Didn‟t you know how bored I was because you were absent today?”

Nanlaki ang mga mata ko in disbelief. “Gosh! Hindi mo ba alam kung gaano ako ka-thankful na suspended ako dahil makakapagpahinga ako ng tatlong araw mula sa pambubully niyo sa akin?”

Kunot noo niyang inilapit ang katawan niya sa akin at itinulak ako pasandal sa upuan at saka inilagay ang seatbelt ko.

“And now, saan mo ako dadalhin?” tanong ko. Hindi siya sumagot at sa halip ay binuhay na niya ang makina ng sasakyan at saka nagsimulang mag-

drive. Napailing na lang ako. Why does he keep on pestering me? What does he want from me? Gulat na lang akong napatingin sa kanya nang marealize ko na ang daan na tinatahak namin ay patungong Tan Siu.

“Are you crazy? Why are you taking me here?” gulat na tanong ko pero nanatili lang siyang tikom ang bibig hanggang sa makapasok na kami sa loob.

Bawat estudyante na nasa paaralan ay napapatingin sa sasakyan niya. Napahawak ako sa seatbelt ko nang bigla na lang niyang inihinto ang sasakyan, dahilan para muntikan na „kong mapasubsob sa dashboard. Gulat akong tumingin sa kanya pero hindi ko man lang siya kinakitaan ng kahit anong ekspresyon. Is he crazy?!

Tahimik siyang bumaba ng sasakyan at umikot upang pagbuksan ako. Napapikit ako ng mariin. Is he tryin‟ to make a scene? Kapag nakita nila akong bumaba mula sa sasakyan niya ay alam kong madadagdagan na naman ang mga maglilista ng pangalan ko sa death note. Ghaaad! This gangster really annoys the hell out of me!

Nagtakbuhan halos lahat ng estudyante papunta sa amin. Gusto nilang makita kung sino ang kasama niya and for sure ay madi-disappoint sila kapag nakita nilang ako ang bumaba. Sinubukan kong hilain pasara ang pinto na binuksan ng annoying gangster na „to para sa akin pero mariin niya itong hinawakan. Napabuntong hininga na lang ako, wala na akong ibang choice kundi ang bumaba.

Pagkababa ko, nakatingin lang silang lahat sa akin. Kahit na halatang masama ang tingin ng ibang babae sa akin ay wala akong marinig na kahit na anong ingay o panlalait. Sobrang tahimik, parang may dumaang anghel. Bumalik ang tingin ko sa gangster na kasama ko nang hawakan niya ulit ako sa may wrist ko. Doon na nag-react „yung mga babaeng nakatingin sa amin.

“H-Hinawakan siya ni J-Jack?!” bulalas nito.

Napatingin sa kanya ang gangster na kasama ko. Agad itong napayuko at halata sa kanyang mukha ang pamumutla. “Lucky that she‟s ugly. I‟m not gonna talk to her,” bulong ni cursing machine.

Tiningala ko ang mukha niya at tinaasan siya ng kilay. “So kapag pangit, hindi dapat kinakausap ng isang taong nagngangalang Jack Frost?!” inis na tanong ko. Hindi niya ako sinagot at sa halip ay kinaladkad na lang ako bigla. Mabilis namang tumabi sa daraanan namin ang ibang mga estudyante.

Hila-hila niya ako hanggang sa makapasok kami sa covered court. Ganun na lang ang aking pagtataka nang makita kong ang daming tao rito. What are we doing here? The last time na nagpunta ako rito ay nawala sakin ang first kiss ko. Baka naman ngayon ay ibang bagay na ang mawala sa akin?!

Pagdating namin sa gitna ay naglapitan sa amin ang mga kaibigan niyang may iba‟t-ibang kulay na buhok.

“Where are they?” bungad niya sa lalaking brown ang buhok. Sa halip na sumagot ay lumingon lang ito at sinundan naman ni Cursing Machine ang direksyong tinitingnan nito. Pati ako ay napatingin na rin at nakita kong may limang babaeng papalapit sa amin na tila ba takot na takot. Magulo ang kanilang buhok at kumalat na ang kanilang mascara. Namumugto rin ang kanilang mga mata at mukhang kanina pa sila umiiyak.

“Oh my God, what did you do to them?!” gulat na tanong ko. Wala na ba talaga silang awa?! I‟m pretty sure na gawa ito ng gangster na ito. He is Jack Frost. He does nothing but horrible things!

“They were the one who framed you up,” sagot ng lalaking may dilaw na buhok.

Natigilan ako nang marinig ko ang sinabi niya. Hindi makapaniwalang tiningnan ko „yung mga babae, ngunit nanatili silang nakayuko. Hindi sila makatingin sa akin ng diretso.

“But what are they doing here? Bakit...Bakit sila nagkaganyan?” naguguluhang tanong ko. If they‟re the ones who framed me up, bakit naging victim din sila ng pambubully? Hindi ba‟t iyon naman ang gusto ng lahat ng tao sa school na ito? Ang masuspend ako? Pero bakit nila ginawa ito? Now I‟m confused!

Nabigla ako nang hawakan ni Cursing Machine ang magkabila kong braso at iniharap ako sa kanya. Kinuha niya ang kamay ko at nilagyan ng isang itlog. Nagtataka ko siyang tiningnan.

“Simple lang ang gagawin mo. Manuod ka.” saad niya at nagulat ako nang batuhin niya ng itlog ang isa sa mga babaeng nasa harapan namin. Tumama ang itlog at nabasag sa mukha ng isa sa kanila. Halos mapanganga ako at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya.

“Are you crazy?! Bakit mo ginawa iyon?!” sigaw ko.

“Dapat ay tinuturuan sila ng leksyon. Babae lang sila kaya maswerte sila‟t hindi ko sila pwedeng saktan.”

“Wow,” sarcastic na sabi ko.

“What‟s wrong with you? Nagkasala sila sa‟yo. Hindi ba‟t dapat ay maging thankful ka pa nga sa akin dahil ipinaghihiganti kita? They deserve this!” saad niya at saka binato ng itlog „yung isang babae. Tuluyan na akong napanganga sa ginawa niya. How could he do that?! Gusto kong maiyak sa inis dahil ginagawa niya ang kasamaan na ito at ako ang ginagamit niyang dahilan!

“Go ahead and do your thing with other people. Pero „wag mo naman akong gawing dahilan ng mga kabulastugang pinaggagagawa mo!” sigaw ko.

Biglang natahimik ang buong paligid. Everyone was shocked with what I did. Alam kong lahat sila ay nagtataka kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para sigawan ang isang lalaki na banggitin mo lang ang pangalan ay magtatakbuhan na ang mga kaaway. Sorry, but he‟s getting on my nerves and I hate it! I am not this girl.

“Oh, did I disappoint you?” nang-iinsultong tanong niya habang may nakakainis na ngiting nakapaskil sa labi niya. Bago pa man ako tuluyang makasagot ay binato na naman niya ng itlog „yung isa.

“Please stop doing this nonsense!” saglit siyang natigilan at natulala nang may luhang kumawala sa mga mata ko. He must be really shocked. I can take all the physical pain that they inflict on me, but when it comes to emotional pain… I can‟t take that. I can‟t deal with this.

“Don‟t you understand, gangster?! It‟s painful to see these girls being tortured by you. Do you want to know why? Because they remind me of what I‟ve been through and what I‟m experiencing right now!” sigaw ko at saka pinunasan ang pisngi ko. I want to run away but it feels I‟m stuck here, staring at those girls. I hate the attention that they‟re giving me. Hindi naman nila ako naiintindihan at kahit kailan, hindi nila ako maiintindihan.

Takot akong maging sentro ng atensyon ng mga tao, pero heto ako, nakatayo sa gitna, nasa akin ang atensyon ng halos lahat ng taong nandito ngayon. Ang masama pa, kailangan kong magsalita para lang matigil na ang pinaggagagawa ng Cursing Machine na ito. Bakit kasi hindi niya makuha ang punto ko? Ngayon, umiiyak na ako sa harap nila at ang sakit dahil mas lalo akong nagmukhang katawa-tawa sa kanila.

“They are nothing compared to you, remember that.” bulong niya.

“Hindi mo pa rin ba maintindihan? They‟re being bullied here. I‟m also a victim of bullying and you want me to participate in this madness? Hindi mo ba alam kung gaano kahirap sa akin ito ha? Inuutusan mo akong mambully ng taong alam ko kung anong nararamdaman.”

Umiwas siya ng tingin at tila inis na napahawak pa sa kanyang leeg. “Do what I say Summer, or you‟re going to regret this.” ma-awtoridad na utos niya.

Napangiti ako nang mapakla. “Tama, ano nga naman ba „tong iniisip ko? Paano mo nga naman ba maiintindihan? You‟re Jack Frost and you‟re nothing but a gangster. Why did I even think that you would understand my situation? I should expect dreadful things from you, because you are Jack Frost and your middle name is nuisance!”

He bit his lower lip after hearing what I said.

May marahas na humawak sa braso ko at hinarap ako sa direksyon niya. “You shouldn‟t talk to him like that, b*tch. Know where you stand.” gigil na saad nito.

“Israel…” nagbabantang tawag nung isang lalaki sa kanya.

“What now, Andrew? This b*tch has a sharp tongue.”

Bigla na lang akong inagaw ng cursing machine sa pagkakahawak ng kaibigan niyang nangangalang Israel. Inilapit niya ang mukha niya sa akin at hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko.

“Do you have any idea why I‟m doing this? I‟m trying to teach you how to fight back.” gigil na saad niya. “I don‟t want you to rely with that stupid immunity. I want you to show them that you don‟t deserve to be bullied.”

Tinitigan ko ang mga mata niya at unti-unting nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa pagtitig niya sa akin.

“Throw. That. Egg. At. Them. Summer.” mabagal na utos niya.

Dahan-dahan kong tiningnan ang kamay kong nanginginig habang hawak-hawak ko ang itlog. Tiningnan ko ang limang babae sa harapan ko. Patuloy silang umiiyak habang nakayuko. Huminga ako ng malalim at saka tumingin kay Cursing Machine.

“Remember when I told you I don‟t want to see you ever again? I meant it.” sabi ko at saka ibinato ang itlog.....sa sarili ko.