noveltoon logo noveltoon
By the way, his name is Jack Frost

Chapter 24

Ch. 24 / 47 Feb 05, 2022

Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog nang maramdaman kong tila may nakatingin at nanunuod sa akin. Iminulat ko ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang nakaupong gangster sa tabi ko habang naka-cross-arms.

“Pinapanuod mo ba akong matulog? I thought it‟s rude to watch someone sleep?” Inis na tanong ko bago muling ipinikit ang mga mata ko.

Nagulat na lang ako nang sipain niya bigla ang paa ko para gisingin ulit ako. Galit kong iminulat ulit ang mga mata ko at inis siyang tiningnan. Nakita kong nakanguso siya habang masamang nakatingin sa akin.

“Ano bang problema mo? Kita mong natutulog eh.” Reklamo ko.

Gamit ang nguso niya ay tumuro siya papunta sa may gilid. Sinundan ko naman ng tingin kung saan nakaturo ang nguso niya at kaagad akong napabalikwas sa kama nang makita ang mga nakanganga habang dilat na dilat ang mga mata na sina Mama, Papa at Sam.

“L-Let me explain first.” Natatarantang saad ko at saka agad na itinulak si Jack paalis ng kama dahilan para mahulog siya sa sahig.

“What the fu—”

Kaagad kong tinakpan ang bibig niya at awkward na tumingin kina Mama. “He-he!” Pilit na tawa ko.

Bakas pa rin sa mukha nila ang gulat na ekspresyon. Nanatiling silang nakanganga habang palipat-lipat ang tingin nila sa akin at kay Jack Frost.

“Summer.” Tila galit na tawag sa akin ni Papa.

“P-Po!” Natatakot na sagot ko.

“Saan galing ang dugo d‟yan sa kama mo?” Tanong niya habang dilat na dilat pa rin ang mga mata.

Dahan-dahang bumaba ang tingin ko sa kama at hindi ako makapaniwalang napanganga nang makita ang mantsa ng dugo sa bed sheet ko. Mabilis kong hinigaan ang mantsa upang takpan.

“M-Mali ang iniisip niyo.” Tanggi ko. Halos mabali na ang leeg ko sa kaka-iling sa kanila. “H-Hayaan niyo kong magpaliwanag.” Saad ko.

Sabay-sabay nilang inilipat ang tingin sa gangster na nasa gilid ko nang tumayo ito.

“Sige, paano mo ipapaliwanag kung bakit nandito ang kaibigan mong iyan at magkatabi kayong dalawa na nadatnan namin sa kama at kung bakit may dugo d‟yan sa kama mo?”

“Ma, Pa, hindi ko po alam kung paano ipapaliwanag ang lahat pero maniwala po kayo sa akin, mali ang iniisip niyo. Wala pong nangyar—”

“We slept together. That‟s all.” Putol ni Jack sa sasabihin ko.

Sabay-sabay kaming apat na napatingin sa kanya.

127

“Jack!” Pabulong na sigaw ko para sitahin siya.

Bumuntong hininga si Papa at seryosong tumingin sa kanya. “Alam mo, hijo, sa panahon ngayon, kapag ang babae at ang lalaki ay natulog sa iisang kama buong gabi na silang dalawa lang, hindi malabong walang mangyar—”

“If your concern is Summer‟s purity, I can assure you that I didn‟t take that.” Putol niya sa sasabihin ni Papa.

You rude jerk! How dare he cut in with my father talking!

Pilit namang umubo si Mama kaya nalipat ang tingin namin sa kanya.

“Sige, sabihin na nating wala nga. Pero hindi naman kami makakapayag na palagpasin na lang ang pangyayareng ito. Natulog pa rin kayo na magkatabi.” Saad ni Mama.

Saglit na namagitan ang katahimikan sa pagitan naming lahat bago sumagot muli ang gangster na ito.

“If that is your concern, ma‟am, then don‟t worry. I‟ll marry Summer right away after we both reach the right age.”

Hindi ako makapaniwalang napanganga sa narinig. Gulat ko siyang nilingon and he was just standing beside me while looking at my mom sincerely. Hindi ko manlang makita sa mukha niya ang pangamba o ekspresyon na napipilitan siya o miski manlang natatakot. He can‟t be serious!

“Paano naman kami makakasiguro sa sinasabi mo?” Tanong naman ni Papa.

Bumuntong hininga ang gangster na baliw na ito at saka seryosong nakipagtitigan kay Papa.

“My name is Jack Frost. You have my words.” Sagot niya na siyang nagpalamig bigla sa aura ng paligid.

Namagitan muli ang katahimikan sa pagitan naming lahat bago pilit na umubo si Papa at tumingin kay Mama. “Ihanda mo ng agahan ang bisita natin.” Utos niya at saka nagsimulang lumabas ng kwarto.

Halata naman ang pagkabigla sa mukha ni Mama. “A-Ah! Sige!” Late na sagot niya bago dali-daling sumunod kay Papa sa paglabas.

Si Sam naman na naiwan ay dahan-dahang umiling sa aming dalawa ni Jack. “Sabi na nga ba.” Saad niya bago sumunod din sa paglabas nina Mama at Papa.

Nang wala na silang lahat ay napabuntong hininga ako bago galit na nilingon ang gangster na nasa tabi ko.

“Nababaliw ka na ba? Bakit mo sinabi iyon?!” Inis na tanong ko.

Itinulak niya ako dahilan para mapausog ako. Pagkausog ko ay saka siya naupo sa tabi ko.

“Don‟t you think we should already set the date of our engagement party?” Nakangiting tanong niya.

128

Hindi ako makapaniwalang napanganga sa tanong niya. Kaagad kong kinuha ang unan sa tabi ko at hinampas iyon sa ulo niya.

❄ ❄ ❄

Humahagulgol na kinuha ni Mama ang box ng tissue na hawak-hawak ko habang nakatuon ang mga mata niya sa pinapanuod naming “Miracle in Cell No. 7”. Kaagad ko din namang inagaw sa kanya ang tissue dahil sa hindi ko mapigilan ang pag-agos ng luha sa mga pisngi ko.

Napatingin naman ako kay Papa nang singahan niya ang tissue na hawak-hawak niya. Maging siya rin ay hindi napigilan ang maiyak. Tumingin naman ako kay Sam na kanina pa wala ring tigil sa pag-iyak. Dala-dala na niya ang kumot niya at iyon na ang ginamit niyang pamunas sa luha niya dahil mukhang hindi sapat sa kanya ang tissue lang.

Napatingin ako kay Jack na tahimik na nakaupo sa tabi ko at kumakain ng popcorn na pinagawa niya sa akin. Nanlilisik ang mga mata kong tiningnan siya nang makitang wala manlang siyang karea-reaksyon sa pinapanuod namin samantalang halos mamatay na kami sa kakaiyak.

“Seriously, Jack Frost, wala ka bang puso?” Inis na bulong ko sa kanya.

Sumubo muna siya ng popcorn bago ngumiti sa akin ng napakalapad. “Of course I have.” Masayang saad niya habang punong puno pa ang bibig niya ng popcorn.

Hindi ako makapaniwalang napa-iling. Nagawa pa talaga niyang ngumiti at kumain ng popcorn sa kabila ng madamdaming palabas na pinapanuod namin?!

Inis kong inagaw sa kanya ang popcorn. “Umuwi ka na nga!” Iritang utos ko sa kanya.

Biglang nawala ang masayang aura niya at masama akong tiningnan. “Give. Me. Back. That. Popcorn. Summer. Pascua.” Mabagal at seryosong utos niya.

Napalunok naman ako dahil sa masama niyang tingin.

“O-oh.” Saad ko at ibabalik na sana sa kanya ang popcorn pero bigla na lang lumapit sa amin si Sam.

“Uy popcorn! Penge ate ah!” Saad niya at kinuha sa kamay ko ang popcorn na hawak-hawak ko at saka bumalik sa pwesto nila nina Mama at Papa.

Napanganga na lang ako habang pinapanuod silang inuubos ang popcorn. Dahan-dahan kong inilipat kay Jack ang tingin at nakita kong halos namumula na ang mukha niya habang kunot na nakatingin sa popcorn na hawak-hawak ni Sam.

Nagulat na lang ako nang lumapit siya sa kanila at kinuha ang popcorn.

“This is my popcorn. This is mine. Mine. Alone.” Mabagal at puno ng awtoridad na saad niya sa kanila bago padabog na bumalik sa tabi ko.

Pare-parehas naman kaming nagtatakang tumingin sa kanya habang galit niyang isinusubo ang natirang popcorn sa kanya.

“Now what?!” Inis na tanong niya habang nagsusumiksik siya sa dulo ng sofa at yakap-yakap pa ang lagayan ng popcorn na tila pinoprotektahan niya ito mula sa amin. Hindi na lang ako makapaniwalang napa-iling. Ganyan ba siya kaposessive sa popcorn?!

❄ ❄ ❄

Sabay naming pinanuod ni Jack Frost sina Papa at Sam habang sinusubukang paliparin ang saranggola na pinaghirapan nilang gawin sa park malapit sa bahay namin. Namalayan ko na lang na nakangiti na pala ako habang pinapanuod silang dalawa na enjoy na enjoy sa ginagawa nila.

“For a step father, he‟s fine.” Bulong ni Jack na nakatayo sa tabi ko.

Tumingala ako upang tingnan ang mukha niya at nakita kong seryoso siyang nakatingin kina Sam at Papa. Napangiti ako at saka ibinalik ang tingin sa dalawa.

“I can‟t believe I‟m hearing a compliment coming from you.” Pang-aasar ko.

Akala ko ay may pang-asar siyang igaganti sa akin pero wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya. Muli kong ibinalik ang tingin sa kanya at nakitang seryoso lang niyang pinagmamasdan ang kapatid ko at ang step father ko.

Napatingin naman ako kay Mama na nasa likuran namin na bising-busy sa paglalatag at pag-aayos ng pagkain namin sa may damuhan. Hindi ako makapaniwalang lumabas kami para magpicnic kasama ang gangster na ito. Masyado ata nilang pinapakita na welcome na welcome siya sa pamilya namin. At isa pa, baka masayang lang din ang effort nila sa paghahanda sa picnic na „to dahil sigurado akong hinding-hindi uupo si Jack sa may damuhan at mas lalong hinding-hindi siya kakain doon dahil maarte siya.

“Oh, tapos na kayo magpalipad ng saranggola?” Tanong ni Mama habang nakatingin sa may harapan namin. Ibinalik ko ang tingin sa harap at nakita nga sina Papa at Sam na naglalakad na papalapit sa amin.

“Opo, kakain muna kami.” Sagot ni Sam at kaagad naupo sa telang nilatag ni Mama sa damo.

Napatingin naman ako sa gangster na nasa tabi ko nang bigla-bigla siyang tumingin sa akin.

“I wanna try it too.” Saad niya.

“H-Huh?” Gulat na sagot ko.

Imbes na linawin niya kung ano ang gusto rin niyang subukan ay nagulat na lang ako nang hawakan niya ako at kaladkarin papunta sa paliparan ng saranggola.

“Teach me.” Demand niya pagkarating namin sa gitna ng mga nagpapalipad din ng saranggola.

Inis ko siyang inirapan dahil sa pagiging demanding niya. Hindi ako makapaniwalang nasisikmura kong makasama siya sa halos isang buong araw na. At mas lalong hindi ako makapaniwalang hinahayaan ko lang siyang utus-utusan ako!

Tinuruan ko siya kung paano magpalipad ng saranggola. Mabuti na lang at hindi siya gaanong tanga at nakuha rin naman kaagad niya kung paano. Napatitig ako sa mukha niya na nakatingala at nakangiti habang pinapanatili ang paglipad ng saranggola niya.

“Don‟t stare at me.” Puna niya.

Kaagad ko namang iniwas ang tingin ko. Psh.

“You wanna try it too?” Alok niya.

“No, than—”

Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang hawakan niya ang kamay ko at nilagay roon ang sinulid. Nagtataka ko siyang tiningnan pero nanatili lang siyang nakatingala habang nakangiti. Wala na akong nagawa kundi hawakan na lang din ang sinulid at panatilihin na lumilipad ang saranggola.

“Today, I experienced many first times with you.” Bulong niya.

Napatingin ako sa kanya pero nanatili siyang nakatingala.

“It was my first time to sleep in other people‟s room. It was my first time to watch a movie that was not store bought. It was also my first time to go outside and have a picnic. Flying this kite…it‟s my first time too.” Saad niya.

Nanatili akong nakatingala sa mukha niya habang siya naman ay pinapanuod ang lumilipad niyang saranggola. Dahan-dahan niyang ibinaba ang tingin niya sa akin. Balak ko sanang iiwas ang mukha ko pero nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang pisngi ko.

“Out of all my first time‟s today, my favorite first time was that popcorn you made. It was my first time to eat popcorn.” Saad niya.

Hindi ko alam kung anong dapat kong ireact. Para akong nagpapalpitate habang pinagmamasdan ang mga mata niyang seryosong nakatingin sa akin.

“Do you want to know why it was my favorite?”

Nagpakawala muna siya ng malalim na paghinga at saka ngumiti.

“It may sound crazy but it is because it was the first thing you ever prepared for me.” Saad niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko at halos habulin ko na ang hininga ko habang nakatitig sa mga mata niya. It‟s funny because I think it‟s my first time to feel something like this, too.