noveltoon logo noveltoon
By the way, his name is Jack Frost

Chapter 22

Ch. 22 / 47 Feb 05, 2022

Kasalukuyan kaming salu-salo ng pamilya ko na kumakain ng hapunan nang makarinig kami nang marahang katok mula sa pinto. Nagkatinginan sina Mama at Papa at halata sa reaksyon nila na wala silang inaasahan na bisita. Kaagad akong nakaramdam ng kaba nang biglang pumasok sa isip ko si Thunder at kung paano siya nakapasok sa kwarto ko.

Sabay-sabay silang napatingin sa akin nang bigla akong tumayo. Napakunot ang noo ni Papa at saka tumayo rin.

“P-Pa, ako na lang po ang pupunta. Mukhang „yan na po ang kaibigan ko. Hiniram niya po kasi ang notebook ko at mukhang siya na „yan para ibalik.” Pagsisinungaling ko.

Nagtatakang tumango si Papa at mukhang nagdadalawang isip pa bago naupong muli.

“Oh sige. Bumalik ka kaagad dahil hindi ka pa tapos kumain.” Utos niya.

Tumango ako at kaagad na lumabas ng kusina. Nang makarating na ako sa sala ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang tinitingnan ang nakasarado naming pintuan. Huminga ako ng napakalalim bago dahan-dahang binuksan ang pinto. Tila napakatahimik ng paligid at wala akong ibang marinig kundi ang malakas na tibok ng puso ko.

“Hey.”

Nakahinga ako nang malalim nang makita ang mukha ni Storm.

“Storm.” Tila nabunutan ng tinik na tawag sa kanya.

“Bakit namumutla ka? Ayos ka lang ba?”

Tinitigan kong maigi ang mukha niya at nagbabakasakaling hindi ako nagkamali lang ng nakikita.

“Ayos lang ako. Natakot lang ako. Akala ko ay si Thunder ka na.”

Lumapit siya lalo sa akin at hinayaan na mailawan ng ilaw namin sa sala ang mukha niya. “Ako ito. Wala ka nang dapat ikatakot.” Saad niya.

Napangiti ako at saka tumango. “Teka, kumain ka na ba?” Tanong ko nang mapansin na suot-suot pa rin niya ang uniporme namin at mukhang hindi pa rin siya nakakauwi.

Umiling siya sa akin bilang sagot.

“Gusto mo bang pumasok muna? Sakto kumakain pa lang kami.”

“Hindi na, Summer. Gusto ko lang siguraduhin na ayos ka na kaya napagdesisyunan kong puntahan ka.”

Saglit akong napatitig sa mukha niya matapos marinig ang dahilan niya. “Salamat.” Saad ko.

“Wag kang magpasalamat. Responsibilidad ko iyon.” Sagot niya.

“Still. Thank you.” Pagpupumilit ko.

Natawa siya nang mahina at napa-iling. “How can I stop myself from seeing you? Ngayon pa nga lang na magpapaalam ako ay namimiss na kita.” Nakangiting saad niya.

“M-Magpapaalam?” Gulat na tanong ko.

Napakamot siya sa ulo niya at saka dahan-dahang tumango. “Ang totoo ay bukod sa gusto kong masiguro na okay ka ay pumunta rin ako rito para magpaalam pansamantala.” Diretsong sagot niya.

“Pero bakit?” Kunot noong tanong ko.

Pilit siyang ngumiti at saka tumingala. “Jack threatened me that if I won‟t stop seeing you, he will kill me.” Saad niya.

“H-He did?” Hindi makapaniwalang tanong ko. Ganoon na ba siya kadesperadong mawala si Storm sa tabi ko?

“Yes, he did. Pero alam mo bang kahit na sabihin niya pang papatayin niya ako ay hindi pa rin kita lalayuan?”

Kaagad napakunot ang noo ko sa narinig. “Bakit?” Mahinang tanong ko.

“He knows I‟m the only friend you have. And by that, he can‟t kill me, because he can‟t let you suffer for losing the only friend you have.”

Nanatili akong nakatitig sa kanya habang suot-suot ang naguguluhang ekspresyon.

“If you know that he won‟t kill you, bakit nagpapaalam ka pa rin? Bakit lalayo ka pa rin?” Naguguluhang tanong ko.

“Naalala mo pa ba kung paano tayo unang nagkakilala?” Biglang tanong niya. “You were at the soccer field punishing yourself that time. Noong nakita kita noon, napahanga mo na kaagad ako.” Nakangiting saad niya.

Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko para magreact sa sinabi niya.

“Alam mo ba kung anong ginagawa ko sa field ng mga panahon „yon? I was actually curious about you, Summer. I‟ve heard a lot about you since your first day in school... na ikaw ang babaeng pinapahanap ni Jack... na ikaw ang wanted. And since then hindi na kita nilubayan. I was silently watching you from a distance.” Kwento niya.

Nanatili akong nakatitig sa kanya habang nakikinig sa mga sinasabi niya.

“It‟s true that at first I was just curious as to why Jack is so interested in you. He never gave his attention to anyone the way he gave you his attention, Summer. That‟s why pinilit kong maging malapit sa‟yo, in order to figure things out. To know what‟s with you, Summer. That of all people, it has to be Jack who needs to struggle just to protect you.”

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. “Protect?” Mahinang tanong ko.

Dahan-dahan siyang tumango. “Yes, he has been protecting you all this time.” Sagot niya.

He has been protecting me all this time?

“Summer, do you remember when you said that maybe the reason why I don‟t want you to leave Tan Siu was because I am someone who loves fun? That was the time I started admiring you. Noong panahon na iyon, doon ko lang narealize kung gaano kapatapon ang buhay na meron ako. Binuksan mo ang mga mata ko, Summer.”

Saglit siyang huminto at nagpakawala ng malalim na hininga.

“I never realized na kaya ko ginagawa ang mga bagay na ginagawa ko ay dahil gusto ko lang paglaruan ang buhay ng iba. At nang sinabi mo sa akin ang mga salitang iyon, narealize ko na....doon lang pala tumakbo ang buhay ko...doon ko lang pala pina-ikot ang mundo ko.”

Nagulat na lang ako nang may tumulong luha mula sa mga mata niya.

“S-Storm...” Mahinang tawag ko sa kanya.

“I am indeed a storm. I destroy everything. I screw things up.” Seryosong saad niya habang nakatitig sa mga mata ko at patuloy ang pag-agos ng mga luha niya sa magkabila niyang pisngi.

Dahan-dahan kong iniangat ang mga kamay ko at mabagal na pinunasan ang pisngi niya. “You really are serious in saying goodbye since you told me all these things.” Puna ko.

Napakagat siya sa labi niya at dahan-dahang tumango.

“But why, Storm? Why do you have to leave?”

“Because it‟s no longer fun.” Diretsong sagot niya.

Napakunot ang noo ko nang hindi maintindihan ang sinabi niya. Iniwas niya ang mukha niya at saka napayuko.

“Remember? If Jack is that someone who loves to fight, I am that someone who loves to have fun.”

“So you‟re leaving because it‟s no longer fun? Because I‟m already boring? Because you‟re getting bored as my friend?” Sunod-sunod na tanong ko.

Muli niyang itinungo ang ulo niya at ibinalik ang tingin sa akin.

“I knew I was falling for you but I didn‟t know I already fell hard, Summer. That‟s why Jack said all those things to me earlier. He asked me to stop seeing you in order for me to deny and protest...And when I protested, that was the time I realized I already fell… hard.”

Napakurap ako sa sinabi niya at hindi magawang ipasok iyon sa isip ko.

“I can no longer stop myself from seeing you. Iniisip ko pa lang na hindi na kita pwedeng makita pa, parang hindi na ako makahinga.”

Hindi ako makapaniwalang natawa sa mga narinig. “Isn‟t it ironic? The moment that you‟re confessing is also the moment you‟re saying goodbye.” Sarkastik na saad ko.

Natawa rin siya ng pilit. “That‟s why I said I‟m similar to storms. I ruin things. And right now, I‟m screwing a moment that is supposed to be magical.”

Nanatili akong nakatitig sa mga mata niya habang siya rin ay seryosong nakatitig sa mga mata ko.

“Summer, I admit I became curious about you only because you reminded me of Jasmine before. As time passed by, I also became curious about you… as who you truly are, as Summer. And the more I became curious about you, the more I realized that you two were very damn different.”

Naramdaman ko na lang na may kung anong mainit na tubig ang tumulo sa magkabilang pisngi ko.

“I liked you at first because I was too stupid thinking that you were Jasmine. That maybe, just maybe, someone like you can help me from this pain I‟m receiving from her. That you could be a replacement for Jasmine. But then I fell in love with Summer Pascua.” Iniwas niya ang mukha niya at napayuko. “And that‟s why it‟s no longer fun.” Dagdag niya.