noveltoon logo noveltoon
By the way, his name is Jack Frost

Chapter 34

Ch. 34 / 47 Feb 05, 2022

Bumaba sa motor ang binatang si Jack at tumingin sa relong suot-suot niya. Nakita niyang saktong alas-dose na at tamang tama lang ang pagdating niya sa tapat ng isang elementary public shool dahil nagsisimula nang maglabasan ang mga estudyante ng paaralan.

Napaayos siya ng tayo nang matanaw na niyang papalabas na sa gate ng munting paaralan ang batang sinadya niya. Lumapit siya sa batang lalaki at humarang sa daraanan nito. Dahil sa pagharang na ginawa niya ay napahinto sa paglalakad ang bata at mabilis siyang tiningala.

“Teka, diba ikaw „yung weirdong lalaki?” bungad ng bata sa kanya.

Inis siyang napakagat sa labi niya dahil sa bungad nito sa kanya. Napatanong tuloy siya sa sarili kung tama ba na nagpunta siya rito. Naiirita pa naman siya sa batang ito dahil sa pagiging annoying nito. Pasalamat talaga ito at kapatid siya ni Summer kaya hindi niya ito pwedeng patulan.

“Anong ginagawa mo rito?” nagtatakang tanong ng bata habang nakatingala sa kanya.

Naupo siya sa harapan nito upang hindi ito mahirapang tumingala. “Yo, Sam. Want to grab a bite?” tanong niya rito. Nanatiling nagtatakang nakatingin lang sa kanya ang bata. “My treat.” Dagdag niya nang mapansing mukhang nagdududa ito.

Napahawak ang bata sa baba niya at umastang malalim na pinag-iisipan ang alok ng binata. “Sorry pero sabi ng ate ko ay hindi dapat ako sumasama sa strangers.”

Hindi makapaniwalang natawa ang binata sa naging sagot nito. “What do you mean by stranger? I‟m your future brother-in-law!” pagdidil-dilan niya sa batang kapatid ni Summer.

“Hindi ka pa naman nagpropropose kay ate ah? Saka „di ba binasted ka niya?” sagot nito.

Inis siyang napapikit at napahawak sa noo niya. “Hindi. Niya. Ako. Binasted.” puno ng pagtitimping saad niya. This little boy really knows how to get in his nerves.

“Whatever. Uuwi na ako.” Sagot naman ng bata at saka mabilis siyang nilagpasan.

Hinabol naman niya agad ito at muling hinarangan ang daraanan.

“Hey, kiddo. I‟m not someone who you can just walk over like that.” Asar na saad niya. Hindi niya magawang tanggapin na nilagpasan lang siya ng batang ito.

“So?” mabilis na sagot naman ni Sam sa kanya.

Napasabunot na siya sa sarili niya. Talaga bang parehas sila ng ate niyang hindi kinikilala kung sino siya? Siya si Jack Frost. Ang banggitin lang ang pangalan niya ay makakapagbigay takot na kaagad sa iba.

“Look, I‟m a very impatient person but I‟m still trying my best to be kind to you. You better be extra cautious with your words while I‟m still being nice because honestly, you wouldn‟t want to see the bad side of me.” He said through gritted teeth.

Napahikab ang bata matapos pakinggan ang napakahabang sinabi niya. “Ganun ba?” ang tanging sagot nito at saka muling nilagpasan siya.

Hindi makapaniwalang napatampal si Jack sa noo niya. Kung pwede lang niyang isako ito at ilibing ng buhay ay ginawa na niya.

“Wooooow! Daebak!”

Napatingin si Jack sa harapan niya nang marinig ang manghang sigaw ng kapatid ni Summer. Nakita niya itong nakanganga at manghang nakatitig sa motor na bagong bili lang niya.

“Sa‟yo ba „yan?”

“Oo, bakit? Gusto mo bang sumakay?”

Tiningala siya ng bata habang kumikinang ang mga mata nito. “Pwede ba?” tanong nito habang magkadikit ang dalawang palad na tila nakiki-usap.

Napangiti ng malawak si Jack dahil doon. “Bingo.” Masayang bulong niya.

❄ ❄ ❄

“Type ni ate?” gulat na tanong ni Sam at saka dinilaan ang ice cream na binili ni Jack para sa kanya.

“Yes. Wala ba siyang nababanggit kung anong gusto niya sa lalaki?” tila desperadong tanong ni Jack.

“Hmmm… Kapag sinagot ko ba „yang tanong mo, isasakay mo ulit ako doon?” tanong ni Sam at saka itinuro ang motor na nakapark sa labas ng ice cream shop kung nasaan sila.

“Are you bribing me right now? Do you want to know what happens when people bribe me?” Saad ni Jack.

“Ayan!” biglang saad ng bata. “Ayan ang isa sa mga ayaw ni ate. „Yung mga English ng English. „Yung mga feeling sosyal. „Yung nag-eenglish pa pero marunong namang mag-Tagalog!”

Kaagad na sapilitang umubo si Jack matapos marinig ang sinabi ng kapatid ni Summer.

“Talaga? Mabuti na lang hindi ako ganun.” biglang saad niya.

Natawa naman si Sam sa biglaang pagtatagalog niya.

“Oh, anong tinatawa-tawa mo?” inis na tanong niya rito.

Mas lalong natawa ang bata sa kanya dahil mukhang talagang kinarir na niya ang pagtatagalog.

“So bukod doon, ano pang mga ayaw ng ate mo?” tanong pa niya.

Napa-iling na lang si Sam sa pilit na pagsisikap ng binata sa pagtatagalog. “Stop trying so hard. Hindi bagay sa‟yo.” Kumento nito.

“Damn it.”

“Ah ayan! Ayan ang isa pang ayaw ni Ate. „Yung mga taong nagmumura…Iyan. Ang. Pinaka. Ayaw. Niya.” wika ni Sam at talagang pinagdiinan niya na iyon ang pinaka-ayaw ng ate niyang si Summer.

Napahawak si Jack sa noo niya matapos marinig iyon. Paano niya kaya mapipigilan ang sarili sa pag-cu-cuss kung nakasanayan na niya na ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay may kasamang censored words?

“Ah! Ayaw rin pala ni Ate „yung mga taong hindi marunong mag-po at opo. Ayaw niya kasi „yung mga taong hindi marunong gumalang at rumespeto. O kaya „yung mga taong hindi marunong magsorry, please o miski thank you. Ayaw ni ate ng mga taong ganun. Masyado daw kasing matataas ang pride at masyadong mataas ang tingin sa sarili. Kaya dapat maging humble ka.” Advice ng bata sa kanya.

Sapilitang napalunok si Jack at awkward na kinuha ang baso ng tubig sa harapan niya.

“At oo nga pala, ang isa pang pinaka-ayaw ni ate eh „yung mga taong hindi iniisip ang nararamdaman ng iba. „Yung mga taong puro sarili lang ang iniisip.” Dagdag pa nito.

Padabog na ibinagsak ni Jack ang baso sa mesa at inis na tiningnan si Sam. “Niloloko mo ba ako? Everything you‟ve mentioned describes who I am!” asar na saad ni Jack.

“That‟s exactly what I mean. Ayaw ni Ate sa‟yo.” saad ni Sam bago dinalaan ang ice cream niya.

“Kiddo, I can f*cking kill you now.” Banta ni Jack sa kanya.

Natatawang napa-iling na lang si Sam sa kanya. “Don‟t worry. Dahil gusto kita para kay ate, sasabihin ko sa‟yo kung anong mga gusto niya.”

Mabilis na napa-ayos ng upo si Jack matapos marinig iyon.

“Gusto mo pa ng ice cream?” nakangiting tanong niya kay Sam.

Mabilis na umiling si Sam at ngumuso doon banda sa kung saan nakapark ang motor niya.

“Deal.” Mabilis na sagot ni Jack.

Malawak na napangiti si Sam. “Okay!” masayang saad niya. “So hmm… Alam mo ba „yung K-pop?” tanong niya.

“K-pop?” kunot noong tanong ni Jack.

Mabilis na tumango si Sam. “Mahilig si ate sa K-pop.” saad niya.

Kinuha ni Jack ang cellphone niya at idinial ang numero ni Morgan. Nakaka-isang ring pa lang ito ay sinagot na agad ni Morgan ang tawag niya.

“Mr. Frost, what can I do for you?” bungad ni Morgan sa kabilang linya.

“Morgan, do you know what the hell is K-pop?” mabilis na tanong ni Jack sa kanya.

“Please give me a minute. I‟ll research about that.” sagot ni Morgan.

“Okay.” Pagpayag ni Jack at saka ibinalik ang tingin kay Sam na ngayon ay hindi makapaniwalang nakanganga habang nakatingin sa kanya.

“Ibang klase.” Bulong ni Sam at saka napa-iling.

Magsasalita sana si Jack para kausapin siya pero nagbalik na si Morgan sa kabilang linya. “Mr. Frost.” tawag nito sa kanya.

“Go ahead.” Sagot ni Jack.

“According to the „K-pop for beginners‟ site, K-pop is an abbreviation of Korean pop or Korean popular music. It is a musical genre consisting of electronic, hip hop, pop, rock, and R&B music originating from South Korea.”

Tumango-tango si Jack matapos malaman kung ano ba ang K-pop.

“Okay, great.” Saad niya kay Morgan at ibababa na sana niya ang tawag pero naalala niya ang sinabi ni Sam. “Morgan?”

“Yes, Mr. Frost?”

“Thank you.”

Pagkababa niya ng tawag ay ibinalik niyang muli ang atensyon niya kay Sam. “So what are you trying to suggest? Do you want me to invite her favorite K-pop group to perform in front of her?” tanong niya sa bata.

Naubo naman si Sam matapos marinig ang sinabi niya. “Grabe! Akala ko pa naman matalino ka!” bulalas nito.

“Do you want me to cut your f*cking tongue?” banta niya dahil sa sinabi nito.

“Hay, pambihira ka.” sagot nito sa kanya at saka napa-iling. “Kilala mo ba si G-Dragon?” tanong nito.

“No. Who the f*ck is that? Is he greater than me?”

“Isa „yung K-pop idol at crush na crush ni ate „yun. So dahil crush siya ni ate, I think isa na iyong malinaw na sagot sa tanong mong is he greater than you.” Sagot ni Sam at saka ngumiti ng mapang-asar.

“Crush?! What the f*ck?! Is that the reason why she rejected me?!” hindi makapaniwalang tanong niya.

“Wow! So ngayon aminado ka nang binasted ka ni ate?”

“F*ck, when did I say she rejected me?” paghuhugas kamay niya at iniwas ang tingin.

Natawa na lang si Sam sa reaksyon niya. “Haaaaay. Ano bang nakita mo sa ate ko? Hindi naman siya kagandahan at katalinuhan. Ang totoo pa nga nyan ay parati pa siyang binubully. Kaya nga parati siyang lumilipat ng school eh.” malungkot na kwento ng bata.

Saglit na natigilan si Jack nang marinig ang sinabi niya. “What? She was being bullied even before she transferred in Tan Siu?” hindi makapaniwalang tanong niya.

“Oo, bakit? Hindi mo ba alam „yon?”

Kunot noo siyang napatitig kay Sam. Tila nag-echo sa kanya ang sinabi ng bata. “Ang totoo pa nga nyan ay parati pa siyang binubully. Kaya nga parati siyang lumilipat ng school eh.”

Unti-unting nagbalik sa ala-ala niya ang mga panahon na pinapanuod lang niyang ibully ng mga taga-Tan Siu si Summer. Pati na rin ang Judgement Day noon kung saan pilit niyang inutusan ang dalaga na batuhin ng itlog ang mga babaeng nangframe-up sa kanya.

“Hindi mo pa rin ba maintindihan? They‟re being bullied here. And I‟m a victim of bullying too. And you want me to throw the eggs to them? Hindi mo ba alam kung gaano kahirap sa akin ito, ha? Inuutusan mo „kong mambully ng taong alam ko kung anong nararamdaman!”

Napayuko si Jack at napahawak sa noo niya matapos maalala ang mga iyon. “Damn. I‟ve f*cked up, hard.” frustrated na bulong niya.

Napa-iling naman si Sam dahil sa itsura niya. “Hay, bakit mo ba kasi ako tinatanong ng mga ganitong bagay? Ganyan ba talaga kalakas ang tama mo sa ate ko?”

Ibinalik ni Jack ang tingin niya sa bata at seryoso itong tiningnan. “Honestly? I think knowing her is the only wonderful thing that happened in my whole f*cked up life.” Seryosong sagot niya.

Kahit na wala namang iniinom na tubig si Sam ay bigla na lang siyang nasamid sa sinabi nito. “Woah. Ano bang gayuma ang ginamit ng panget na „yun sa‟yo at mukhang sobrang effective?”

“You kiddo. Don‟t look down on your sister. He may just be an ordinary girl in your eyes but…” Huminto siya sandali at bumuntong hininga. “But now, she‟s my everything.”

Natigilan si Sam sa sinabi niya. Halata sa itsura ng bata na hindi niya inaasahang marinig iyon mula kay Jack.

“And that‟s the reason why I‟m here talking to you. You need to help me make your sister fall in love with me.” Seryosong saad niya.

❄ ❄ ❄

Muntik nang mahulog si Storm sa sofa kung saan siya kasalukuyang nakahiga nang biglaang tumunog ang cellphone niya. Tamad na tamad siyang bumangon at kinuha ang tumutunog niyang cellphone. Pagkakuha niya sa

188

cellphone niya ay bumungad sa kanya ang pangalan ni Jack na siyang tumatawag sa kanya.

“Sup?” bungad niya pagkasagot ng tawag.

“What the f*ck took you so f*cking long to answer the goddamn phone?”

Natawa na lang siya at napakamot sa ulo niya. Mukhang mainit na naman ang ulo ng snowman sa isip-isip niya.

“What‟s the matter?” tanong na lang niya rito.

“Can you do me a favor?” mabilis na sagot nito sa kanya.

Gulat niyang inalis sa tenga niya ang cellphone at tiningnan ang screen kung si Jack ba talaga ang kausap niya. Nang makita niyang si Jack talaga ito ay nagtataka niyang ibinalik ang cellphone sa tainga niya.

“Dude, you‟re seriously asking me if I can do you a favor?” hindi makapaniwalang tanong niya.

“Yeah.” Tipid na sagot naman ni Jack sa kabilang linya.

“Well…That‟s unusual. Eto ata ang unang beses na ginamitan mo ako ng „can‟. You usually say „Hey, do me a favor‟. Pero ngayon you seriously asked „Can you do me a favor?‟. Woah, man!” tila tuwang-tuwang saad niya. “But what if I say no?” biglang pagseseryoso niya.

“F*ck you.” Tila nagtitimping sagot ni Jack.

Kaagad naman siyang natawa ng malakas.

“Are you going to help me or do I have to burn your company down?” inip na tanong ng kaibigan.

Agad siyang natigilan nang marinig ang sinabi ni Jack. Natigilan siya hindi dahil sa banta nito kundi dahil mukhang nasa kompanya nila ang binata.

“What are you doing there?” seryosong tanong niya.

“I know that you‟re in my condo right now. I will let you what I want when you arrive. It‟ll only take you ten minutes to get here from there. I‟ll be waiting for you.” Saad ni Jack at saka ibinaba na ang tawag at hindi na hinintay pa ang sasabihin niya.

Kunot noong tiningnan ni Storm ang cellphone niya pagkababa ni Jack ng tawag. Hindi siya makapaniwalang natawa dahil tama ang sinabi ng kaibigan. Kasalukuyan nga siyang nasa condo nito. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at dinampot na niya ang susi ng kotse niya at nagmamadaling lumabas ng unit ni Jack.

Habang nasa byahe papunta sa kompanya nila ay patuloy na gumugulo sa isipan niya kung bakit nandoon si Jack. What on Earth is Jack doing in a company who manufactures and exports jewelry? Yes, their company deals with multimillion-dollar jewelry productions. At anong ginagawa ng isang Jack Frost sa ganoong kumpanya?

Pagkarating niya sa kumpanya nila ay nakita niya kaagad na may tila gulong nagaganap sa tapat ng building nila. Mabilis niyang inihinto ang sasakyan niya at agad na bumaba at lumapit sa mga nagkakagulo. Pagkalapit niya ay nakita niya ang isang matangkad na lalaking may suot-suot na helmet habang naka-cross arms na nakasandal sa isang halatang mamahalin at bagong biling motor. Ang mga taong nakapalibot sa lalaki ay mukhang mula sa security team ng kumpanya nila.

Hindi siya makapaniwalang napahawak sa noo niya nang mukhang kilala niya kung sino ang lalaking nakasuot ng helmet at kasalukuyang pinalilibutan ng mga guards ng kumpanya nila. Napa-isip tuloy siya kung ito ba ang pabor na hinihingi sa kanya ng kaibigan…ang tulungan siyang paalisin ang mga gwardya.

Mabilis siyang lumapit sa kanila at agad na nagsitabihan ang mga guards nang makilala siya. Si Storm Williams, ang nag-iisang tagapagmana ng kumpanya nila.

“Sir.” Pagbibigay respeto sa kanya ng isang guard na mukhang head ng security nila.

“Paulit-ulit po naming sinabi sa kanya na hindi niya pwedeng iparada ang motor niya sa tapat ng building natin pero hindi siya nakikinig. At isa pa, hindi niya inaalis ang helmet na suot-suot niya kaya mas lalo siyang naging suspicious.” Wika ng gwardya.

Hindi niya inimakan ang guard at imbes ay dumiretso siya kay Jack.

“Three minutes early.” Bungad ni Jack sa kanya.

“What are you doing here?” seryosong tanong niya.

“What were you doing in my unit?” pagbabalik tanong nito sa kanya.

“Absent ka kaya nagpunta ako doon pero wala ka pagdating ko.”

Tumango-tango si Jack pagkarinig ng sagot niya. “I see. How about Summer? How is she?”

Kunot noong tiningnan ni Storm ang kaibigan. “Ano ba talagang dahilan at nandito ka?” tanong niya.

“Hindi ba niya ako hinanap? Wala man lang ba siyang sinabing namiss niya ako?”

Napabuntong hininga na lang si Storm at hinarap ang mga guards na hanggang ngayon ay nakapalibot pa rin sa kanila. “Kaibigan ko siya. Ako na ang kakausap sa kanya. Iwan nyo muna kami.” Utos niya sa mga ito.

Pagkautos niya ay walang salitang mabilis na nag-alisan ang mga ito. Pagkaalis nilang lahat ay muli niyang hinarap si Jack.

“Kailan ka pa nagkaroon ng motor?” seryosong tanong niya sa kaibigan.

“Hindi mo sinasagot ang mga tanong ko.”

Napabuntong hininga na lang si Storm at napakamot sa ulo niya. “Talaga bang kakausapin mo ako ng nakahelmet ka? Wala ka bang balak alisin „yan?” tanong niya.

“Hindi ito ang tamang lugar para alisin ko ang helmet na „to.” Mabilis naman na sagot ni Jack sa kanya.

“Teka, pansin ko lang kanina ka pa diretsong nagtatagalog ah. Anong meron?”

Kaagad na naubo si Jack at iniwas ang tingin. “Bakit? Hindi ba ako pwedeng magtagalog?” mabilis niyang pagtatanggol sa sarili.

Pilit namang pinigilan ni Storm ang sarili na matawa.

“F*ck you, man. Tutulungan mo ba ako o hindi?” inis na tanong ni Jack sa kanya.

“Ano ba kasing pabor ang hihingin mo?”

“Sa loob ko na sasabihin,” sagot nito at magsisimula na sanang lumakad papunta sa building nila pero hinawakan niya ito at pinigilan.

Nagtataka namang ibinalik ni Jack ang tingin nito sa kanya.

“Dude, kung gusto mong makapasok sa loob, kailangan mo munang alisin „yang helmet mo. Kung hindi mo aalisin „yan, hindi kita papapasukin sa loob.” Seryosong saad niya sa kaibigan.

Inis na napabuntong hininga si Jack dahil mukhang hindi talaga siya makakalusot at kailangan niya talagang alisin ang helmet niya.

“F*ck your company.” Galit na saad ni Jack bago tila nagdadalawang isip na inilagay ang kamay niya sa helmet na suot-suot niya.

Pinanuod siya ni Storm na mabagal na inaalis ang helmet. Nang tuluyan na niyang maalis ang helmet ay hindi makapaniwalang napanganga ang kaibigan nang makita ang itsura niya.

“What the hell?!” gulat na bulalas ni Storm.

Hindi na napigilan pa ni Storm ang hindi mapahawak sa tyan niya at tuluyan na siyang natawa. Inis namang napakagat sa labi niya si Jack dahil sa naging reaksyon nito.

“Don‟t you f*cking laugh at me Storm! I will kill you!” banta niya sa kaibigan pero balewala dahil patuloy pa rin ito sa pagtawa.

Inis na lang niyang naisuklay ang daliri niya sa buhok niyang kulay itim na ngayon. Bukod sa kulay itim na ang buhok niya ay nakabagsak na rin ito at bahagyang natatakpan na ng buhok niya ang isang mata niya. Kumpara sa dating ayos ng buhok niya na parating naka-wax at nakataas ay mas bagay sa kanya ang bagong hair style niya at heto nga‟t pinagtitinginan kaagad siya ng mga kababaihan.

“F*ck it. Sinabi ko na kasi sa‟yong this is not the f*cking right place to take that goddamn helmet off!” inis na saad niya kay Storm na hanggang ngayon ay hindi pa rin natitigil sa pagtawa.

“So ano ba „yang pabor na hihingin mo?” natatawa pa ring tanong ni Storm.

“Help me pick a ring.” Diretsong sagot niya rito.

Unti-unti ay nawala ang ngiti sa mukha ni Storm. Bigla na lang naging mabigat ang pakiramdam niya at tila nahihirapan siyang makahinga.

“Singsing? Anong klaseng singsing?” tanong niya at halatang sinusubukan niyang umasta ng normal sa harap ng kaibigan.

Napabuntong hininga si Jack at seryoso siyang tiningnan sa mga mata. “I‟m going to propose to Summer.” Seryosong saad niya.