“Snow? Seriously? So hindi lang pala ang gangster na iyon ang may weirdong pangalan kundi pati ang kapatid niya? Woah. Ibang klase pala magpangalan ang mga magulang nila.” Kumento ko at natawa.
Napabuntong hininga si Storm at saka seryosong tumingin sa mga mata ko.
“Jack doesn‟t have parents.” Seryosong saad niya.
Unti-unti ay napatigil ako sa pagtawa. Tinitigan ko ang mga mata niya at mukhang nagsasabi siya ng totoo.
“Ang tanging meron lang siya ay ang kapatid niya, Summer.” Dagdag niya.
Bigla na lang ako nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. “W-Wala siyang mga magulang?” Hindi makapaniwalang tanong ko.
Tumango siya bilang tugon. Hindi ako makapaniwalang napanganga sa natuklasan.
“Pero bakit wala siyang mga magulang? Nasaan sila?”
Nagkibit balikat siya bago sumagot. “Hindi ko alam. Walang nakakaalam. Simula nang makilala ko si Jack noong grade school pa lang kami, ni minsan ay hindi ko nakilala ang mga magulang niya. He never mentioned them too.”
Will that explain why he behaves this way? Dahil wala siyang mga magulang? That gangster. Hindi mo man lang mahahalata sa kanya na may tinatago pala siyang ganitong klaseng sikreto. I can‟t imagine his misery, growing up without parents…without anyone to support him, to guide him.
“Eh ang kapatid niya? Nasaan?” tanong kong muli.
Napakunot ang noo ko nang dahan-dahang umiling si Storm. “Wala na siya.” Sagot niya.
“What do you mean wala na siya?” gulat na tanong ko.
“She‟s already dead, Summer. Tatlong taon na siyang patay.”
❄ ❄ ❄
Three years ago…
Nagmamadaling pumasok si Jack Frost kasama ang mga kaibigan niya sa Emergency Room ng hospital kung saan dinala ang kapatid niya.
“I-Isabella Frost.” Nanginginig na saad niya sa nurse na nasa reception.
Kaagad na tiningnan ng nurse ang records ng hospital upang hanapin ang pangalan na sinabi ng binata. Nang makita niya ang pangalan ng babaeng hinahanap nito ay muli niyang hinarap si Jack upang sagutin.
“Kasalukuyan po siyang dinadala sa operating room ngayon sa second fl—”
Hindi na siya pinatapos pa ni Jack at kaagad na itong tumakbo papunta sa may elevator. Mabilis din namang sumunod sa kanya ang mga kaibigan niya. Nang makarating sila sa second floor ay saktong naabutan nilang nasa stretcher pa ang dalagang hinahanap at kasalukuyan itong itinatakbo papasok ng operating room.
Tila nabuhusan ng napakalamig na tubig si Jack nang makita niya ang kapatid niyang pikit matang nakahiga sa stretcher habang duguan. Ang matagal nang maputlang balat ng kapatid ay mas lalo pang namutla sanhi ng patuloy na pagdurugo ng tama ng bala sa kanang bahagi ng tiyan nito.
Nanginginig na lumapit si Jack sa kanyang kapatid at kinuha ang malamig nitong kamay. Kaagad na sunod-sunod na tumulo ang maiinit niyang luha pagkahawak niya sa kapatid. Walang salita ang makakapaglarawan sa sakit na nararamdaman niya habang pinagmamasdan ang pinakamamahal niyang babae na halos wala ng buhay sa harapan niya.
“Isabella…Oh, God.” Umiiyak na tawag niya sa pangalan ng kapatid. Hinalikan niya ang likod ng palad nito at saka hinaplos ang pisngi. “Kuya‟s here. Please wake up.” Nanginginig na saad niya habang patuloy sa pagbuhos ang mga luha niya.
Parang nabagsakan din ng langit at lupa ang mga kaibigan ni Jack habang pinagmamasdan siyang umiiyak sa harapan nila. Ang lalaking ni minsan ay hindi nila nakitaan ng kahinaan ay walang pakundangan na umiiyak sa harapan nila ngayon.
Nang makarating na sila sa tapat ng operating room ay pinigilan sila ng nurse sa pagsama hanggang sa loob kaya naiwan na lang sila sa tapat ng pinto ng Operating Room at doon tahimik na naghintay.
“She‟s going to be fine, right? Of course she will. She will never leave me.” Saad ni Jack sa mga kaibigan niya na tila kinukumbinsi rin niya ang sarili niya.
Iniwas nila ang tingin nila sa kanya at hindi malaman ang isasagot sa kaibigan. Naawa sila sa itsura nito pero wala silang magawa para sa kanya. Miski sila ay ipinauubaya na lang sa salitang „pag-asa‟ ang paniniwalang magiging okay ang kapatid ng kaibigan.
“Damn! What if she wakes up inside? They should tell her that I‟m here waiting for her and she doesn‟t have any reason to be afraid.” Halatang nagpapanic na saad ni Jack.
Napabuntong hininga na lang ang kaibigan niyang si Drake at hinawakan siya sa balikat.
“Dude, I know that you‟re worried about her. Honestly, we all are. But you need to calm yourself first. Snow will be fine. She‟s strong, remember?”
Matagal siyang tinitigan ni Jack bago frustrate na naisuklay ang mga daliri niya sa buhok niya.
“F*ck. I will f*cking kill them. All of them!” Gigil na saad niya at saka sinipa ang pader.
Sabay-sabay na lang silang napa-iling. Naupo si Andrew sa upuan at sumunod naman sa kanya ang iba habang nanatiling namang nakatayo si Storm. Si Jack naman ay naupo sa sahig habang nakasandal ang likod niya sa pader. Isinubsob niya ang mukha niya sa mga palad niya at pilit na pinapakalma ang sarili.
Makalipas ang ilang minuto ay may isang lalaki ang hinihingal na dumating. Nang makita niya si Jack ay kaagad niya itong hinablot sa may kwelyo at hinila patayo.
“What the f*ck is going on?”
Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin kay Jack habang si Jack naman ay nanatiling nakayuko.
“Thunder, calm down!” awat ni Storm sa kanya.
Galit niyang hinarap si Storm at binigyan ito ng malakas na suntok sa panga.
“Calm down?! How the f*ck do you expect me to calm down?!” Gigil na sigaw niya at napasuntok sa pader. “F*ck!” frustrate na sigaw niya.
Namagitan ang katahimikan sa pagitan nilang lahat. Halata sa mga itsura nila ang halo-halong emosyon ng galit, awa at pag-aalala. Wala silang sawa sa pagtingin sa oras at pabalik-balik na pagsilip sa pintuan ng operating room kahit na wala naman silang makitang kahit ano sa loob.
Sabay-sabay silang napatayo nang lumabas na mula sa operating room ang doctor. Sa itsura pa lang niya ay may hinala na sila kung anong sasabihin nito pero pilit pa rin silang nag-iisip ng positibo. Lumapit sa kanya sina Jack at Thunder.
“How is she?” Puno ng pag-aalalang tanong ni Jack.
Dahan-dahang umiling sa kanya ang doctor. “We‟re very sorry.” Wika nito.
Ang tatlong salitang iyon ay parang isang bomba na malakas na sumabog at winasak ang pag-asang meron sila. Nabalot ang paligid ng malamig na aura. Tila ang mga mundo nila ay bigla na lang huminto sa pag-ikot.
“S-Sorry?” tanong ni Jack at saka pilit na natawa. “What do you mean you‟re sorry? What do you mean? Why are you sorry? Why?!” sunod-sunod na tanong niya at saka hinila ang kwelyo ng doctor. Nag-uunahang tumulo ang maiinit na luha ni Jack habang hawak-hawak ang doctor. “Tell me she‟s okay!” Desperadong utos niya.
Umiling sa kanya ang doctor. “We did our best, sir.” Sagot nito sa kanya.
“Where is she now? What time will she wake up?”
“We‟re really sorry but she‟s gone.” Malungkot na balita ng doctor.
Pagkasabi niya noon ay kaagad siyang sinuntok ni Jack sa mukha.
“She‟s gone? F*ck that joke! That wasn‟t even funny!”
Lumapit sa kanya ang mga kaibigan niya at hinawakan siya upang awatin.
“Jack…” malungkot na tawag nila sa kanya.
Inis silang itinulak ni Jack palayo sa kanya at saka frustrated na napasabunot sa sarili. “No. No way. You‟re kidding right? Tell me you‟re just kidding! Tell me! Tell it to my face! She‟s f*cking alive and breathing!” sigaw niya sa doctor.
Umiling na lang ang doctor sa kanya at saka umalis sa harapan nila.
“No! F*ck! No way! This is just a joke, right?! Isabella! F*ck no!” sigaw niya at saka nagmamadaling pumasok sa loob ng operating room.
Mabilis namang sumunod ang mga kaibigan niya sa kanya. Pagkapasok nila sa loob ay naabutan nila ang maputlang babae na nakahiga sa isang kama na animo ay mapayapang natutulog lang. Nang mapansin ni Jack na babalutan na ng nurse ang kapatid niya gamit ang puting kumot ay kaagad niya itong tinabig at itinulak palayo. Nanginginig niyang hinaplos ang malamig nang pisngi ng kapatid niya habang patuloy ang mga luha niya sa pag-agos.
“Do something! F*ck! She‟s still alive! Do something! Revive her!” pagmamakaawa niya sa nurse na nasa gilid niya.
Nang wala itong ginawang kahit ano ay siya na mismo ang kumilos at binigyan ng CPR ang kapatid. Lumapit sa kanya ang mga kaibigan niya upang awatin siya pero itinulak niya lang ang mga ito palayo sa kanya. Nagpatuloy siya sa ginagawa niya at tila wala siyang kapaguran na pilit binubuhay ang kapatid niya.
“Jack…” Tawag ng mga kaibigan niya sa kanya. Hinawakan siya ni Storm sa balikat niya na saglit na nagpatigil sa kanya. “Jack, wala na siya. Wala na talaga siya…” Bulong nito.
“No… No… No…” bulong niya.
Hinagis niya ang kung ano mang bagay na nasa paligid ng kama na hinihigaan ng kapatid niya. Lahat ng bagay na mahawakan niya ay pinagbabato niya. Nanginginig siyang lumapit muli sa kapatid niya at hinawakan ang malamig nang kamay nito. “Isabella… No…” Nanginging na saad niya.
Galit siyang hinila ni Thunder at itinulak papunta sa may pader. “Kasalanan mo ang lahat ng „to.” Saad ni Thunder na kasalukuyang luhaan din katulad niya. “Kasalanan mo ang lahat ng „to!” sigaw niya at binigyan ng suntok si Jack.
Pagkasuntok niya kay Jack ay unti-unti siyang napaluhod sa kinatatayuan niya at saka tuluyang napahagulgol. Wala ni isa kina Storm, Samuel, Israel, Andrew, Justine at Drake ang makakapag-imagine kung gaano kasakit ang dinaranas ngayon ng dalawa na parehas na labis na minahal ang dalaga.