noveltoon logo noveltoon
By the way, his name is Jack Frost

Chapter 27

Ch. 27 / 47 Feb 05, 2022

“A-Anong kinamatay ng kapatid niya?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Storm.

Bumuntong hininga muna siya at saka uminom ng kapeng binili niya bago ako muling hinarap at tiningnan ng seryoso sa mga mata. Pinagmasdan niya muna ako ng matagal bago tuluyang sumagot. “I killed her.” Mahinang bulong niya.

Natigilan ako at natulala sa kanya matapos marinig ang sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa mga mata niya at pilit na hinahanap sa itsura niya ang ekspresyon na nagbibiro lang siya.

Imposible. Imposibleng si Storm, na siyang palaging nandyan para sa akin, ay magiging dahilan ng pagkamatay ng babaeng napaka-importante sa buhay ni Jack. At isa pa, kung siya talaga ang pumatay sa kapatid ni Jack, bakit magkaibigan pa rin sila?

Ibinalik ni Storm ang tingin niya sa akin at binigyan niya ako ng pekeng ngiti. “Hindi ka naniniwala?” nakangiting tanong niya.

“Hindi.” Sagot ko.

“Ganyan pala kaganda ang imahe ko sa‟yo.” Saad niya at saka ngumiti ng pilit.

“Why not? Eh napakabuti mo namang tao sa akin. Wala akong makitang dahilan para umiba ang tingin ko sa‟yo.” Mabilis na sagot ko.

Dahan-dahan siyang napayuko at itinuon ang tingin sa kapeng hawak-hawak niya. “Alam mo ba kung bakit madalas tayong nasasaktan?” Nanatili akong walang imik at nakatitig lang sa kanya. “It‟s because we trust too much, give our trust so quickly.”

Ibinalik niya ang tingin sa akin at seryoso akong tiningnan sa mga mata. “So please, don‟t trust me, Summer.” Malungkot na bulong niya.

Iniwas ko ang mukha ko at nanginginig na binuksan ang kape ko at nilagok iyon. Binalewala ko ang pait na lasa nito at inubos ko iyon nang isang lagukan lang.

“What the hell, Storm? How can I not trust the only friend I have?” inis na tanong ko nang hindi tumitingin sa kanya.

Narinig ko siyang napabuntong hininga. “I know that‟s too much to ask, Summer, but can‟t you do that for me? Can‟t you do that for your friend?”

Hindi makapaniwalang ibinalik ko ang tingin sa kanya. “How could you ask me such favor, Storm?” Napataas na ang boses ko.

“I don‟t want to disappoint you too, like I disappointed everybody else!” Napataas na rin ang boses niya.

Parehas kaming natahimik at nanatiling magkatitigan hanggang sa ako na ang unang nagbawi ng tingin.

“What makes you think I‟ll be disappointed with you?” mahinang tanong ko.

“Because that‟s what I‟m best at. Disappointing people that trust me so much.” Sagot niya.

Laking gulat ko na lang nang biglang nag-uunahang tumulo ang mga luha niya.

“S-Storm.” Mahinang tawag ko sa kanya.

“It was my fault, Summer,” seryosong saad niya. “Nakabangga ng grupo namin ang isang gang noon dahil sa akin…dahil inagaw ko ang girlfriend ng leader ng gang nila. Now you see, I‟m a total jerk.”

Hindi ako makapaniwalang napanganga matapos marinig ang sinabi niya. Napayuko siya at humigpit ang pagkakahawak niya sa can na naglalaman ng kape niya.

“But the thing is…hindi nila kami kayang labanan. Kaya—”

“Kaya ginamit nila ang kapatid ni Jack laban sa inyo?” putol ko sa kanya. Dahan-dahan siyang tumango bilang sagot. Hindi naman ako makapaniwalang natawa in disbelief. “Gosh! They‟re a bunch of cowards!” galit na saad ko.

Inis akong napakagat sa labi ko habang iniisip ko kung paano nasayang ang isang buhay dahil sa kaduwagan ng kung sino mang mga tao iyon. At ang masaklap pa rito, hindi ko maimagine ang pinagdaanang sakit ni Jack matapos mawalan ng kapatid.

“Nasaan na sila ngayon? Nakulong ba sila?” frustrated na tanong ko.

“Six feet under the ground.” Matipid na sagot niya.

“Y-You mean…patay na sila?”

Natawa siya ng pilit at saka muling uminom ng kape. “Sa tingin mo ba‟y basta-bastang babae lang ang kinuhaan nila ng buhay? Pinatay nila ang ka-isa-isang babae sa buhay ni Jack at Thunder. Tingin mo ba‟y hahayaan sila ng dalawa na mabuhay pa?”

“W-Wait.” Gulat na pigil ko sa kanya. “You said Thunder?”

Napakagat siya sa labi niya at napayuko. “Jack‟s sister is Thunder‟s first love.” sagot niya.

Nanatili akong nakatitig sa kanya habang nakanganga.

“So that explains why Thunder loathes you.” hindi makapaniwalang saad ko. Napahawak ako sa noo ko nang biglang sumakit ito. Pakiramdam ko‟y hindi magawang i-absorb ng utak ko ang mga nalalaman ko.

“Do you hate me now?” mahinang tanong niya.

Tiningnan ko siya at nanatili siyang nakayuko habang nakatingin sa kape na hawak-hawak niya.

“Sa totoo lang? Hindi ko maintindihan kung bakit hindi pa rin ako umaalis sa tabi mo at hindi pa rin kita kinamumuhian ngayon.”

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo. Tiningala ko siya at nakita kong kunot noo siyang nakatingin sa akin.

“Stop trusting me this much, Summer. I‟m begging you.”

“Why? Why couldn‟t I give you my trust, Storm?!” kunot noong tanong ko.

“Because I can‟t be trusted.” Diretsong sagot niya.

Nanatili kaming magkatitigan sa isa‟t-isa hanggang sa siya na ang unang nagbawi ng tingin at muling naupo sa tabi ko. “Betrayal never comes from your enemies. Always remember that, Summer.” saad niya pagkaupo.

“So what are you trying to say here? That you‟re going to eventually betray me?” tanong ko.

Nagpakawala siya ng malalim na paghinga at seryoso akong tiningnan. “Summer, you trust me so much that you even believe that I am not capable of hurting Jack. But the truth is I already have hurt him… twice.” Kunot noong saad niya. “You see, I was the reason behind Jack‟s sister's death. Despite that incident, he still considered me as his best friend. I never heard any words from him blaming me about his sister‟s death. Do you want to know what I gave him in return? I betrayed him by loving the only girl he ever loved aside from Snow.”

Saglit akong natulala sa kanya nang marinig ang huling sinabi niya.

“S-Si Jasmine ba ang tinutukoy mo?” mahinang tanong ko.

Dahan-dahan siyang tumango. “I told you, I‟m really similar to a storm.” Dagdag niya at saka iniwas ang tingin.

“But why, Storm? Why betray someone who did nothing but to trust you?” nanghihinang tanong ko.

Natawa siya ng pilit at saka tuluyan nang inubos ang kape niya. “I honestly don‟t know.” Sagot niya at saka ibinalik ang tingin sa akin. “I knew it was wrong. Pero ano bang magagawa ko? Hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko. Tulad na lang ngayon. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko habang nakatitig lang sa‟yo.” Malungkot na saad niya.