noveltoon logo noveltoon
By the way, his name is Jack Frost

Chapter 33

Ch. 33 / 47 Feb 05, 2022

Tumatawang tumayo si Israel mula sa pagkakaupo matapos siyang suntukin ni Jack. Pagkatayo niya ay humakbang siya papalapit kay Jack habang suot-suot ang mapang-asar na ngiti. Kaagad namang humarang si Storm sa harapan niya bago pa man siya tuluyang makalapit kay Jack.

“What? Pati ba ikaw ay susuntukin ako?” mapang-asar na tanong niya kay Storm.

Nanatili lang akong nakatayo sa harapan nila at hindi magawang igalaw ang buong katawan ko. Pakiramdam ko ay masyado akong nashock sa nangyare. Maging ang mga tao sa bar na kanina ay nagsasaya ay ngayo‟y natahimik at nakatingin lang sa amin.

Inis na hinatak ni Storm si Israel mula sa kwelyo. “Why did you do that?” halatang nagtitimping tanong ni Storm.

“Can‟t I?” nakangiting sagot naman ni Israel.

Nalipat ang tingin ko kay Drake nang lumapit na rin siya kay Israel.

“What the hell is wrong with you, man? Aren‟t you aware—”

“That Jack likes Summer?” putol ni Israel sa sasabihin ni Drake.

Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.

“Shut your f*cking mouth, Israel, before I cut that f*cking tongue of yours.” Saad naman ni Jack.

Napatingin ako sa kanya at nasalubong kaagad ng mga mata ko ang tingin niya. Inis niyang inalis ang mga kamay na nakahawak sa kanya at galit na lumapit sa akin. Mabilis niyang kinuha ang kamay ko at kinaladkad ako palabas sa bar. Hindi ako pumalag sa ginawa niyang paghila sa akin at payapa lang na sumama sa kanya.

Pagkalabas namin sa bar ay binitawan rin niya ako kaagad at saka inis na hinarap. “What the f*ck are you doing, Summer?!” galit na tanong niya pagkaharap na pagkaharap sa akin.

Nanatili lang na tikom ang bibig ko habang seryoso lang akong nakatingin sa kanya. Narinig ko naman kung anong sinabi niya pero bakit wala akong maisip na isasagot sa kanya? Bakit parang hindi ako makapag-isip ng tama? Para akong nakadrugs at ang high ko.

Bigla na lang akong napatakip sa bibig ko nang maramdaman kong masusuka ako. Kaagad akong tumakbo papunta sa may sulok at doon naduwal. Naramdaman ko na lang na may kamay na humahagod sa likuran ko at tila tinutulungan ako sa pagsuka.

Nang sa tingin ko ay naisuka ko na lahat ng maisusuka ko ay pinunasan ko ang bibig ko gamit ang likod ng palad ko at hirap na hirap akong sumandal sa pader na nasa tabi ko. Ipinikit ko ang mga mata ko dahil umiikot na ang paningin ko.

“Bakit ka ba kasi uminom?! F*ck it!” inis na tanong ni Jack na ngayon ay nakatayo sa harapan ko.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at tiningnan ang mukha niya. Halata sa itsura niya ang sobrang pagkainis sa akin pero sa kabila noon ay makikita mo pa rin sa kanya na mukhang nag-aalala siya.

“Because you‟re mad at me.” Sagot ko.

“What?” kunot noong tanong niya.

“Because you‟re mad at me…kaya ako uminom.” Paglilinaw ko.

Unti-unting nawala ang kunot sa noo niya dahil sa sinabi ko. Iniwas niya ang tingin niya at tumingin sa gilid ko. “I‟m not mad, Summer. I‟m hurt. There‟s a f*cking difference between those two damn words.” Inis na sagot niya.

“I-I‟m sorry.” Seryosong paghingi ko ng tawad.

Hindi niya ako sinagot at nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Nagulat na lang ako nang bigla siyang humakbang paalis pero ang mas nakakagulat ay ang mabilis kong paghawak sa braso niya upang pigilan siya. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para hawakan at pigilan siya. Epekto rin ba ito ng alak? Ugh.

“S-Saan ka pupunta?” tanong ko at mabilis na binitawan siya.

“Look at you, Summer. You‟re f*cking drunk. I‟m going back in there to break all the servers‟ faces.” Frustrated na sagot niya.

“What? But why?” gulat na tanong ko.

“Because they let you drink!”

Kaagad nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. “Nababaliw ka na ba?!” hindi makapaniwalang tanong ko.

“Honestly? I think I am.” Seryosong sagot niya. “That is what you do to me, Summer. You f*cking drive me nuts!”

Natigilan ako sa naging sagot niya at natulala sa mukha niya.

“I‟m f*cking pissed at you right now. But do you know what pisses me off more? It is the fact that no matter how hurt I am because of you, I still want to f*cking hug you and take care of you!”

Naiwan akong nakatulala sa mukha niya dahil sa mga sinabi niya. Nanatili lang kaming magkatitigan sa isa‟t isa hanggang sa maagaw ang atensyon namin nang maiingay na sasakyan ng mga pulis na humaharurot na huminto sa harapan ng bar.

“Sh*t.” Biglang mura ni Jack.

Naguguluhan ko siyang tiningnan. “Anong nangyayari?”

Imbes na sagutin ako ay nagulat ako nang bigla niya akong hawakan sa may braso ko. “We must go.” Bulong niya at magsisimula na sana siyang kaladkarin ako pero may isang pulis ang biglang humarang sa harapan namin.

“Dito! May minor na naka-uniporme pa!” sigaw ng pulis.

Napatingin ako kay Jack nang humarang siya sa harapan ko na tila itinatago niya ako mula sa pulis na nasa harapan namin.

“What‟s wrong? We‟re just passing by.” Dahilan niya.

“Just passing by nga ba o tumatakas? Hijo, ala-una na ng madaling araw at nandito pa kayo. Sa tingin mo ba ay maniniwala akong napadaan lang kayo? At ang isa pa, halatang lasing „yang babaeng kasama mo. Ang malala pa, naka-uniporme pa siya.”

Tila nabuhusan ako ng napakalamig na tubig at biglang nagising mula sa pagkakalasing. Napahawak ako sa may laylayan ng polo ni Jack nang makaramdaman ako ng takot dahil sa sinabi ng pulis.

“Mabuti pa ay sumama na lang kayo ng maayos sa amin sa presinto kesa sapilitan.” Saad ng pulis at saka pumunta sa may likuran ko at itinulak ako.

Dahil sa pagtulak na ginawa niya sa akin ay kaagad na humakbang papalapit sa kanya si Jack pero mabilis akong humarang sa daraanan niya bago pa siya makalapit sa pulis. Dahan-dahan akong umiling sa kanya upang sabihin sa kanya na huwag niyang ituloy kung ano man ang ibinabalak niya. I‟m pretty sure he‟ll make things worse.

“F*ck it.” Tila nagtitimping saad niya.

Nagpakawala siya ng malalim na paghinga bago niya ako inalalayan papunta sa may sasakyan ng pulis. Pagkasakay naming dalawa ay sumakay na rin ang pulis at sinimulan na kaming dalhin sa presinto.

❄ ❄ ❄

“Kailangan lang kayong sunduin ng mga magulang niyo rito para makauwi na kayo. Kung wala namang susundo sa inyo, wala kayong choice kundi dito magpalipas ng gabi.” Wika ng pulis habang nakatayo sa labas ng selda.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na rin siya kaagad at iniwan kaming dalawa ni Jack. Ang hirap paniwalaan na sa kauna-unahang pagkakataon kong uminom ay nakulong ako. Hindi na ata ako magkakaroon pa ng lakas ng loob para uminom pang muli ng alak dahil sa pangyayaring ito. Ibang klase.

“Nakulong na nga tayo nagagawa mo pang ngumiti?” iritableng puna ni Jack.

Dahil sa sinabi niya ay saka ko lang narealize na nakangiti pala ako. “Nakakatawa lang kasing isipin na pwede pa lang mangyari sa akin „to. Ang hirap paniwalaan. Pakiramdam ko lasing pa rin ako at panaginip lang „to.” Sagot ko.

“Right. It‟s so f*cking hard to believe. Ngayon lang ako nahuli ng pulis dahil may kasama akong stupid.” Inis na saad niya.

Tiningnan ko siya at inirapan. “Kasalanan mo kaya „to. Sinundan ko lang kayo kaya ako napunta doon.”

“Sinabi ko bang sumunod ka? And what the f*ck? Pumasok ka ng bar habang naka-uniform? Damn!”

Inis akong napakagat sa labi ko at iniwas ang tingin. “Fine! Ako na ang may kasalanan.” Pagsuko ko.

Masama niya akong tiningnan bago siya tahimik na sumandal sa pader na nasa likuran niya. Magkatapat kaming dalawa pero may seldang nakapagitna sa amin. Mukhang ang bakal na iyon ang naghihiwalay sa lalaki at babaeng preso rito. Ang nakakapagtaka lang ay tanging kaming dalawa lang ang nasa loob ng kulungan at walang ibang kasama.

“Ano pang hinihintay mo? Tawagan mo na ang mga magulang mo para masundo ka na dito.” Sita niya.

“Eh ikaw? Paano ka?”

“I can handle myself. Knowing that you‟re peacefully sleeping in your room instead of being inside this stupid place can put my mind at ease.” Seryosong saad niya.

Napatitig ako sa mukha niya dahil doon. Kung magpapasundo ako at iiwan siya rito, paano naman ako? Sa tingin niya ba ay makakatulog ako habang inaalala siya na nandirito?

“Paano „yan, hindi ko alam ang number nina Mama at Papa.” Pagsisinungaling ko.

“Seriously?!” hindi makapaniwalang tanong niya. Inis siyang napailing at napahawak sa ulo niya. “I just wish that you‟re not going to be this stupid for the rest of your life.”

Binalewala ko na lang ang insultong natamo ko mula sa kanya. Mas mabuti nang makatanggap ako ng samu‟t saring insulto mula sa kanya kaysa iwan siya ritong mag-isa. At isa pa, ano na lang ang sasabihin nila Mama kapag nalaman nilang uminom ako at nakulong? Baka magka-altapresyon pa silang dalawa ni Papa.

“Teka, anong ginagawa mo?” tanong ko kay Jack nang bigla siyang tumayo.

Lumakad siya papalapit sa seldang naghaharang sa aming dalawa at tumayo roon. Nagtataka ko siyang tiningnan nang simulan niyang alisin ang puting long sleeve na suot-suot niya. Nagulat na lang ako nang pagkaalis niya ng long sleeve niya ay ibinato niya iyon sa akin dahilan para malaglag ito sa may ulo ko at matakpan ang mukha ko.

Inis kong inalis ang long sleeve na nahulog sa ulo ko at galit siyang tiningnan. Nang tingnan ko ulit siya ay nakabalik na siya sa pwesto niya kanina at nakapikit na siyang nakasandal sa may pader sa likuran niya.

“Gamitin mong kumot „yan.” Utos niya habang nakapikit siya.

Nanatili akong nakatitig sa mukha niya. Talaga atang mukha siyang anghel kapag nakapikit. Namalayan ko na lang ang sarili kong nakangiti habang pinapanuod siya. Hindi ko akalain na ang pananatili sa presinto ay makakapagbigay sa akin ng ganitong klaseng pakiramdam. I don‟t feel scared or frustrated at all. Pakiramdam ko nga ay nabigyan pa ako ng chance para mapanuod ulit si Jack na natutulog next to me.

Ugh teka ano ba tong sinasabi ko?! Marahas akong napa-iling at padabog na nahiga sa semento. Epekto pa rin ba ito ng alak? Ipinikit ko ang mga mata ko at tumalikod sa side niya. Ano ba Summer, mag-isip ka nga ng matino. Hindi ka dapat nagpapadala sa epekto ng alak. Huwag kang mag-isip ng kung anu-anong bagay. Errrr.

❄ ❄ ❄

“Sigurado kang gagawin mo?”

“Do I look like I‟m not f*cking serious?” boses ni Jack.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang marinig ang boses niya. Teka, nakatulog ba ako? Bumangon ako mula sa pagkakahiga at tumingin sa kanya. Nakita kong may pulis na nakatayo sa harapan ng selda niya at kinakausap siya nito.

“Sige. Umpisahan mo muna sa pagtitimpla ng kape namin.” Saad ng pulis at napakunot ang noo ko nang buksan niya ang selda at lumabas roon si Jack.

Pagkalabas ni Jack sa selda niya ay napatingin siya sa akin dahilan para magtama ang tingin naming dalawa. Dahil nakita niyang gising na ako ay lumapit siya sa may selda ko at huminto sa tapat ng pwesto ko.

“Anong pinag-uusapan niyo?” nagtatakang tanong ko.

“Thirty minutes ka lang nakatulog. Matulog ka muna ulit.” Malayong sagot niya sa tanong ko.

“Bakit pinalabas ka nila?” tanong kong muli.

“I found out something I can do so that we can get out of here. I can‟t stand watching you sleep on the floor.” Sagot niya.

“Anong gagawin mo?” kunot noong tanong ko.

“Just sleep, Summer. I‟ll be here.” Saad niya at saka nagsimulang umalis sa harapan ko.

Lumapit ako sa may bakal at sinundan ng tingin kung saan siya nagpunta pero pumunta siya sa may gilid dahilan para hindi ko makita kung anong ginagawa niya. Lumipas ang ilang minuto at nanatili lang ako sa pwesto ko at inabangan siyang bumalik. Sa ilang sandaling paghihintay ko ay nakita ko na siyang muli pero napakunot ang noo ko nang makitang may bitbit siyang tray at may nakalagay roong mga tasa na may lamang kape. Mas lalong napakunot ang noo ko nang isa-isa niyang inabutan ng kape ang mga pulis. Tila ginawa nila siyang secretary na tagatimpla at taga-abot nila ng kape.

“Ang pait naman ng kape ko!”

Nalipat ang tingin ko sa pulis na sumigaw at nagreklamo. Lumapit sa kanya si Jack at nagulat ako nang padabog niyang inilagay sa tray na bitbitbit ni Jack ang kape niya. Dahil doon ay may tumalsik na kape sa puting sando ni Jack. Nakita kong inis na napakagat sa labi niya si Jack pero bumuntong hininga na lang siya at kalmadong sumagot sa pulis. “Ipagtitimpla na lang kita ng bago.” Saad niya.

Wait, totoo ba „tong nakikita ko? Napakunot lalo ang noo ko nang haplusin ng pulis ang ulo niya na para siyang isang alagang aso. “Ayan ang gusto ko eh. „Yung mga masunurin.”

Naisarado ko ang kamao ko sa inis dahil sa ginagawa ng pulis sa kanya. Hindi ko kayang makitang ginaganito nila siya. Hindi ba nila siya kilala? His name is Jack Frost!

“Oh, eto ang mop. Simulan mo na maglampaso. Pagkatapos dito ay linisin mo naman ang banyo dahil may dumumi pero barado ang inidoro. Pagkatapos noon pwede na kayong umuwi ng kasama mo. Kung gusto mong makauwi kayo agad, bilisan mo na lang ang paglilinis mo.” Utos ng isang pulis kay Jack matapos niyang bumalik mula sa timplahan ng kape.

Walang salitang kinuha ni Jack ang mop mula sa pulis at sinimulan na niyang imop ang sahig. Pinanuod ko siyang nakayuko at tahimik na naglalampaso. Inis na lang akong napahawak sa noo ko nang makitang ang lugar na minomop niya ay dinadaanan nang mga pulis na mukhang nanadya. Dahil doon ay kailangan niyang balikan iyon at lampasuhin ulit.

Hindi ko alam kung paano pa niya nagagawang kalmadong i-mop ang sahig gayong alam ko kung hanggang saan lang ang limitasyon ng pasensya niya. He‟s an impatient gangster! I can‟t believe na nagagawa niya ito dahil lang sa hindi niya kayang makita akong natutulog sa sahig. Hindi niya man lang ba naisip ang nararamdaman ko habang pinapanuod siyang nagkakaganito dahil sa akin?

Unti-unti ay nagbalik sa alaala ko kung paano niya tinanggap ang pagtama ng mga itlog sa kanya sa covered court. Kung paano namantyahan ang uniporme niya ng malapot na kulay dilaw mula sa mga itlog. Kung paano niya ibinaba ang pride niya. Kung paano niya hinayaang pagtawanan siya at tapak-tapakan na ni minsan ay hindi niya naranasan.

Namalayan ko na lang na may luhang umaagos na sa magkabilang pisngi ko. He‟s Jack Frost. He doesn‟t deserve this. Dahil sa akin ay bumababa na ang respeto sa kanya ng iba.

Nang matapos na siyang magmop ay hindi ko na ulit siya nakita pa. Sa tingin ko ay nagpunta na siya sa banyo upang linisin iyon. Ghad, it‟s better kung nagrereklamo siya. Kung naninigaw siya. Kung nagmumura siya sa mga oras na „to. Kung binugbog na niya ang mga pulis na ito. Kaysa sa ganito…na tahimik lang siya at walang angal.

Lumipas ang ilang sandali bago ko siya tuluyang nakitang muli. Naliligo siya mula sa sarili niyang pawis na lumapit sa pulis. “Can we go?” tanong niya sa pulis.

Tumingin ang pulis na kausap niya sa isa pang pulis at tinanguan ito. Ang pulis na tinanguan niya ay lumapit sa selda kung nasaan ako at binuksan ito. “Pwede na kayong umuwi.” Saad ng pulis.

Kaagad akong lumabas ng selda at sa paglabas ko ay sinalubong agad ako ni Jack. Huminto siya sa harapan ko at tahimik lang na nakatingin sa akin. Wala siyang pinapakitang ekspresyon at ang hirap mabasa kung anong iniisip niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at sinimulang lumakad palabas ng police station. Pagkalabas naming dalawa ay may isang itim na sasakyan ang siyang sumalubong sa amin. Mula sa itim na sasakyan ay lumabas roon ang matandang lalaki na tinatawag nilang Morgan. Lumapit siya sa amin at kaagad niyang hinubad ang coat niya at ibinalot iyon kay Jack.

“Where to, Mr. Frost?” tanong niya pagkatapos niyang ibalot kay Jack ang coat niya.

“Summer‟s place.” Malamig na sagot ni Jack at pagkatapos noon ay pinagbuksan niya ako ng pintuan.

Pagkapasok ko ay sumunod rin siya kaagad sa akin. Sumakay na rin si Mr. Morgan sa unahan at sinimulang paandarin ang sasakyan papunta sa bahay ko. Habang nasa byahe ay nanatiling tahimik si Jack sa tabi ko. Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sa kanya.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay gusto kong maiyak dahil sa pagiging tahimik niya. Pero ang pinakanangingibabaw na emosyon na nararamdaman ko ay galit para sa sarili ko dahil dahil sa akin ay kinailangan niyang gawin ang mga bagay na iyon.

Ilang sandali lang ang lumipas at nakarating na kami sa may plaza. Dahil masyadong maliit ang eskenita papunta sa bahay ay hindi pwedeng ipasok ni Mr. Morgan ang sasakyan nila at hanggang dito lang nila ako pwedeng ihatid.

“I will walk you home.” Saad ni Jack at kaagad na lumabas ng sasakyan.

Bumaba rin ako at lumapit sa kanya. Pagkalapit ko sa kanya ay hahakbang na sana siya para magsimulang maglakad papunta sa bahay pero hinawakan ko siya upang pigilan. Napatigil siya sa tangkang pag-alis at nagtatakang humarap sa akin.

“Okay na ako. Hindi mo na ako kailangang ihatid, Jack.” Saad ko sa kanya.

Kaagad na napakunot ang noo niya sa sinabi ko. “But—”

“Stop,” pigil ko sa kanya. “Don‟t do anything. Just don‟t.”

Iniwas niya ang tingin niya at napayuko. “Let‟s end this talk, Summer. I know what you‟re thinking right now.” Pigil niya.

“No, Jack. I need to stop you from doing all of these things because of m—”

“Can‟t you see how pathetic I am right now over you, Summer? This is what I want to do for you and this is not even half of what I am willing to do for you! Stop asking me to stop doing these things because I won‟t!”

“But I don‟t deserve any of these!” mabilis na sagot ko. “I understand that you are starting to like me, Jack. But the thing is…we‟re not meant for each other.”

Saglit siyang natigilan at natulala sa mukha ko dahil sa sinabi ko. “At paano mo naman nalaman na hindi tayo para sa isa‟t-isa?” tanong niya at sa tono ng boses niya ay tila nasaktan siya sa sinabi ko.

Napabuntong hininga ako at iniwas ko ang tingin ko sa kanya. “Dahil ang tanging magagawa ko lang para sa‟yo ay ang i-reject ka, Jack.”

“W-What?” gulat na tanong niya.

“I don‟t have the guts to love anybody, Jack. Dahil miski ang mahalin ang sarili ko ay hindi ko magawa.” Seryosong saad ko.

Saglit na namagitan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nanatili siyang nakatitig sa mga mata ko bago niya napagpasyahang sumagot. “You don‟t have to reject me because my feelings are mine, Summer. I will never force them on you.” saad niya.

Nakaramdam na lang ako ng kirot sa dibdib ko nang makita sa mga mata niyang tila nasasaktan siya.

“I am not asking anything from you in return. I‟m not asking you to like me back as well. There is only one thing that I‟m requesting, Summer. Please stop pushing me away.”

Tila mas lalong nadagdagan ang kirot sa dibdib ko dahil sa sinabi niya.

“If there is one thing in this world that I can‟t do for you, Summer, it is letting you go. I don‟t have the confidence or strength to lose you. You are the reason why I‟m holding on, why I‟m still here. I feel like losing you will make me feel even more lost in this place.” Saad niya.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga at saka yumuko.

“And it sucks to know that I love you so much, much more than my heart could take.” Pag-amin niya.