noveltoon logo noveltoon
By the way, his name is Jack Frost

Chapter 41

Ch. 41 / 47 Feb 05, 2022

Mabilis na natahimik ang buong lugar nang makita nila si Jack Frost na nakatayo sa pintuan ng silid. Nakasuot lamang siya ng t-shirt na kulay puti at naka-maong na pantalon. Nakuha pa talaga niyang magputi kahit na alam niyang ang pupuntahan niya ay isang malaking gulo. Ibang klase. Siya nga talaga si Jack Frost.

Dahan-dahan siyang humakbang papasok sa loob habang hindi inaalis ang kanyang masamang tingin kay Thunder. Napakunot ang noo ko nang mapansing mag-isa lang siya. Huwag mong sabihing nagpunta lang siya mag-isa rito? Nasaan sina Justine?

“Napaaga ata masyado ang pagdating mo. Nagsisimula pa lang ako.” pagbasag ni Thunder sa katahimikan.

Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko nang bumaba ang tingin ni Jack sa akin at nagtama ang tingin naming dalawa. Halos makalimutan ko ng huminga habang nakikipagtitigan sa mga mata. Unti-unting bumaba ang tingin niya sa labi ko at kaagad na napakunot ang noo niya nang makitang nagdurugo ito. Inis niyang inilipat ang tingin niya kay Thunder.

“You‟re going to bleed to death, Thunder.” Banta ni Jack.

Kaagad namang natawa si Thunder sa sinabi niya. “Engk, wrong. You are, Jack Frost.” Sagot niya at saka ngumiti ng nakakaloko.

Nagulat ako nang may mga bagong dating na gangster ang biglang nagsipasok sa silid. Lahat sila ay may kanya-kanyang hawak na baseball bat at hindi biro ang dami nila. Isa-isa nilang pinalibutan si Jack at kitang kita sa mga itsura nila na hindi na sila makapaghintay pang gamitin ang baseball bat na hawak-hawak nila laban sa kanya.

Walang sali-salitang sabay-sabay silang sumugod kay Jack. Mabilis namang kumilos si Jack at kaagad na nakipagsabayan sa kanila. Pinanuod ko siya kung paano naunang pinatumba sa sahig ang ilan sa mga kalaban niya. Kayang kaya niya silang mag-isa kung tutuusin kung wala lang sana silang armas na gamit laban sa kanya.

“Jack!” puno ng pag-aalalang sigaw ko nang mahataw siya ng baseball bat sa likod ng ulo niya. Dahil doon ay saglit siyang napahinto sa paglaban sa kanila. Sinamantala naman ng mga kalaban niya ang pagkakataong iyon at sunod-sunod nila siyang pinaghahampas.

“Itigil nyo „yan! Please!” pagmamakaawa ko.

Ang hirap pagmasdan na si Jack na kilalang pinakamalakas at walang kahinaan ay ngayo‟y sobrang nahihirapan at natatalo sa laban. Napaka-unfair nila. Ganyan ba sila katakot kalabanin ang katulad niya? Bakit hindi na lang sila ni Thunder ang maglaban upang magkaalamanan kung sino talaga ang mas malakas sa kanila? Bakit kailangang ganito? Bakit kailangan pang mapahamak siya ng husto? He may be a cold hearted, arrogant and loathsome gangster but he‟s still a human like all of us. He has feelings and weaknesses too!

Inilipat ko ang tingin ko kay Jasmine na kasalukuyang nakatayo sa tabi ni Thunder. Napakunot ang noo ko nang mapansing tila nasasaktan din siyang panuorin si Jack na nahihirapan. Oo, malinaw na sa akin na isa siyang kalaban. Pero ang nararamdaman niya para kay Jack ang hindi pa malinaw para sa akin. Minahal niya ba talaga si Jack o ginamit lang talaga siya ni Thunder para makapaghiganti?

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at susugod sana kay Thunder na tuwang tuwang nanunuod lang sa isang tabi pero natigilan ako nang biglang may humablot sa braso ko. Paglingon ko ay nagulat ako nang ang duguang mukha ni Storm ang sumalubong sa akin. Dahan-dahan siyang umiling sa akin na tila sinasabing isang malaking pagkakamali ang naiisip ko.

Nagulat na lang ako nang bigla siyang sumugod sa mga lalaking pinagkakaisahan si Jack. Naiwan akong nakatulala at walang magawa habang pinapanuod si Storm na nakikipagsabayan din sa suntukan at pilit tinutulungan si Jack. Sa ginawa ni Storm ay nahati ang tulong-tulong na bumubugbog kay Jack. Dahil doon ay nakabawi na ng lakas si Jack at muli siyang nakipagsabayan sa mga kaaway.

Kahit na halatang nanghihina na at hirap na hirap na si Storm ay nagagawa pa rin niyang mapatumba ang ibang gangsters. May nagtangkang humataw sa kanya ng baseball bat pero mabuti na lamang at naiwasan niya iyon. Pumulot siya ng isang baseball bat mula sa isa sa mga napatumba niya at ginamit niya iyon sa mga kalaban.

Ganun na rin ang ginawa ni Jack. Nang-agaw rin siya ng baseball bat at pinanglaban niya rin iyon sa mga gangsters na nakikipaglaban sa kanya. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit sunod kay Jack ay si Storm ang pinakamataas na superior sa Tan Siu. Marahil ay bukod sa pangalawang pinakamayaman si Storm ay pangalawa rin siyang pinakamalakas kay Jack.

Subalit kahit na nagtulong pwersa na si Jack at Storm ay mukhang balewala pa rin dahil sa dami ng kanilang kalaban. Halatang pagod na silang dalawa at nanghihina na pero hindi pa nila nakakalahati ang kumakalaban sa kanila.

Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo ko nang tamaan si Storm ng baseball bat mula sa kanyang likuran. Dahil doon ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga kalaban na sunod-sunod na hampasin siya at pagtulungan. Para akong estatwa na napako sa kinatatayuan ko habang pinapanuod siya na pilit sinasangga ang mga hampas ng baseball bat sa buong katawan niya.

Humugot ako ng lakas ng loob at saka nagmamadaling tumakbo papalapit kay Storm. Hindi ko na alintana pa kung anong mangyayare sa akin. Ang tanging nasa isip ko na lamang ay ang matulungan at mailigtas siya.

Kaagad ko siyang niyakap at sinalo ko ang lahat ng hampas na dapat sana ay para sa kanya. Napakasakit at napakalakas ng mga hampas nila na halos maramdaman ko na ang pagkabali-bali ng buto ko sa bawat pagtama ng baseball bat sa katawan ko.

Habang mahigpit na yakap-yakap si Storm ay nagtama ang tingin namin ni Jack dahil nakatayo pala siya sa likuran ni Storm kaya ang posisyon ko ay nakaharap sa kanya. Saglit siyang natigilan sa pakikipaglaban niya at natulala sa aming dalawa ni Storm. Unti-unti ay nakaramdam na lang ako ng kirot sa dibdib ko habang nakikita sa kanyang mga mata ang sakit na nararamdaman niya.

Walang salitang lumapit siya sa akin at hinila ako palayo kay Storm at saka itinulak ng malakas palayo sa kanila. Dahil sa lakas ng pagkakatulak niya ay tumalsik ako sa may pader at doon malakas na bumangga. Napaupo ako at napasandal sa pader. Ramdam na ramdam ko ang pananakit ng buong katawan ko hindi lang dahil sa pagtama ko sa pader kundi pati na rin sa natamo kong mga hampas mula sa mga kalaban.

Pinanuod ko si Jack na inakay si Storm at pilit tinutulungang tumayo habang patuloy siyang nakikipaglaban. Sinasangga niya ang mga pagtama ng baseball bat sa kanya at kay Storm at pilit siyang gumaganti ng suntok. Pero kahit gaano pa siya kalakas ay nangingibabaw pa rin ang dami ng kaaway. Duguan na ang buong mukha niya at halos maging kulay pula na ang puting t-shirt na suot-suot niya.

Kahit na halatang nahihirapan na siya ay pilit pa rin niyang sinasanggi lahat ng hampas na para sana kay Storm. Kitang kita ko kung paano niya protektahan ang kaibigan niya. Simula nang lumipat ako sa Tan Siu ay wala akong ibang ginawa kundi ang husgahan ang pagkatao niya. Hindi ko man lang nakita kung gaano siya kabuting tao...kung anong klaseng pagkatao ang totoong meron siya.

Habang inaalala kung paano ko namisunderstood lahat ng ginawa niya para sa akin ay mas lalo lang nadadagdagan ang pagkamuhi ko sa sarili ko. Sobrang naging masama ako sa kanya. At ngayon, mas lalo pang nadagdagan ang galit ko sa sarili habang iniisip na bukod sa mga physical na sakit na nararamdaman niya ay dinagdagan ko pa ng emotional pain dahil sa pagtangka kong pagligtas kay Storm.

“J-Jack!” napasigaw ako nang makitang tuluyan na siyang napaluhod.

Gusto kong tumayo at tumulong sa kanya kahit na alam ko namang wala akong maitutulong pero hindi ko magawa dahil halos hindi ko na maramdaman ang buong katawan ko. Hindi ko na magawa pang tumayo. Hindi ko na maramdaman ang mga binti ko. Wala akong ibang magawa kundi panuorin si Jack na nahihirapan.

“J-Jack...” nanghihinang tawag ko sa kanya. Wala akong ibang magawa kundi ang tawagin ang pangalan niya kahit na alam ko namang hindi niya ako maririnig. “Jack, bakit?” nanghihinang tanong ko. Bakit ka pa nagpunta rito? Bakit ka pa nagpunta kahit alam mong mapapahamak ka? Bakit?

Napatingin ako sa may pintuan nang marahas na bumukas ito. Mula roon ay tumatakbong pumasok sina Israel. Bigla na lang akong nabuhayan ng loob nang sa likuran nila ay nakasunod ang mga gangsters ng Tan Siu. Napakarami nila na halos mahigitan nila ang bilang ng mga gangsters na kumalaban kina Jack at Storm.

Hindi na sila nag-aksaya pa ng panahon at agad-agad na silang sumugod. Ang iba sa kanila ay pinulot ang mga baseball bat na nagkalat sa sahig at saka nakipagsabayan sa mga taga-Avellino High. Eto na ata ang makasaysayang gang war sa pagitan ng mga taga-Tan Siu at Avellino.

Napatingin ako kay Jack nang makabangon na siyang muli at nakipagsabayan na rin sa pakikipaglaban. Mabilis na bumaligtad ang sitwasyon at ngayon ay nauubos na ang mga taga-Avellino.

Hinanap ng mga mata ko kung nasaan sina Thunder at Jasmine pero kaagad na nanlamig ang buong katawan ko nang maramdaman kong muli ang pamilyar na malamig na metal na nakatutok muli sa may sintido ko.

Nakita ko si Jack Frost na kaagad na natigilan sa pagsuntok sa lalaking hawak-hawak niya. Maging sina Drake, Andrew, Israel, Samuel at Justine ay natigilan din.

“F*ck you, Thunder. Kapag sinaktan mo si Summer, I swear, we‟ll both meet in hell.” Seryosong saad ni Jack.

Mabilis na natawa si Thunder na siyang kasalukuyang tinututukan ako ng baril. “Hindi mo ako madadaan sa pananakot mo, Jack.”

“You f*cking coward! Hindi mo na kayang makipaglaban ng patas?!” gigil na gigil na tanong naman ni Drake .

Mahigpit na hinawakan ni Thunder ang braso ko at sapilitan akong itinayo. Dahan-dahan niyang kinasa ang baril na hawak-hawak niya habang nakadikit ito sa sintido ko.

“Let her go, Thunder.” Ma-wtoridad na utos ni Justine.

“What if I don‟t?”

“F*ck you, Thunder! Nandito na ako so let her go!” saad naman ni Jack at kitang kita ko sa mga mata niya ang takot na nararamdaman niya.

Kaagad na natawa si Thunder nang marinig ang sinabi ni Jack. “Akala mo ba ay ikaw talaga ang kailangan ko?”

“What else do you want then?!” nanggagalaiting tanong ni Jack. Ngayon ko lang ata siya nakitang nagkakaganito...ang hindi malaman ang gagawin.

Alam naming lahat na hinding hindi magdadalawang isip si Thunder na pasabugin ang bungo ko. Iyon marahil ang dahilan kung bakit nakikitaan ko ng takot si Jack ngayon sa kauna-unahang pagkakataon.

Napapikit ako nang mas lalong idiniin ni Thunder ang baril sa sintido ko.

“Please don‟t hurt her. Please!” natatarantang saad ni Jack.

Halos umalingawngaw sa buong lugar ang mga katagang binitiwan niya. Alam ko kung gaano kataas ang pride niya at ngayong nasa bingit ako ng kamatayan ay tila napakadali lang niyang binitiwan ang salitang please sa harapan ng mga kaaway at mga kaibigan niya, maging sa harapan ng mga kamag-aral namin.

Natawa ng pagkalakas-lakas si Thunder dahil sa pagpapanic ni Jack. “Kung alam mo lang kung gaano ka mukhang kaawa-awa, Jack Frost.” Saad ni Thunder. “Dahil lang sa babaeng ito ay handa kang magpunta rito ng mag-isa at isugal ang buhay mo?”

“Huwag mong maliitin si Summer. Handa akong pumatay ng ilang libong tao para sa kanya.” Diretsong sagot ni Jack sa kanya.

Kaagad na tumalbog ang puso ko na parang bola dahil sa sinabi niya.

“Hanggang ngayon ba ay wala ka pa ring kadala-dala? Walang maidudulot na maganda sa‟yo ang pag-ibig, Jack. Sisirain ka lamang nito. Tulad ngayon. Tingnan mo ang sarili mo. Nagpapakabaliw ka sa isang babae na hindi ka naman kayang tanggapin at mahalin...na ang tanging tingin sa‟yo ay isang halimaw.”

Dahan-dahang inilipat ni Jack ang tingin niya sa akin. “Tanggap ko naman iyon at hindi ko naman hinihiling na suklian niya ang nararamdaman ko.” Saad niya habang nakatitig sa mga mata ko.

“How stupid.” kumento ni Thunder.

“Tang*na, ano ba! Kaya mo ba ginagawa ito ay para iconfess ni Jack ang nararamdaman niya kay Summer? Wala naman kaming pake doon kaya pakawalan mo na si Summer!” galit na sigaw ni Israel.

“Itigil mo na ang kalokohang ito, Thunder. Talo ka na. Tapos na ang paghahari-harian mo. Tanggapin mo na ang pagkatalo mo at ibalik mo na sa amin si Summer!” singit naman ni Andrew.

“Bakit nyo namang naisip na talo na ako? Kung papatayin ko si Summer ay hindi ba‟t sa ating lahat, kayo ang pinakatalo? Siya na lang ang nag-iisang alas ko, bakit ko pa siya papakawalan?”

Mas lalo akong nakaramdam ng takot dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin, wala talaga siyang planong buhayin pa ako. Hindi pala si Jasmine ang nagmistulang hostage kundi ako. Nakakatawang isipin na nahulog kami sa patibong niya.

“Why are you doing this? Hanggang ngayon ba ay dahil pa rin sa paghihiganti? We‟ve moved on, Thunder. Ikaw na lang ang hindi!” saad ni Justine.

“Napakadali para sa inyong sabihin iyan dahil hindi kayo ang nawalan.” Biglang naging seryosong sagot ni Thunder. “Ngayon, kayo naman ang makakaranas ng pinagdaanan ko.”

“F*ck you! Hindi lang ikaw ang nawalan ng babaeng minamahal. Maging si Jack ay nawalan din ng kapatid!” saad naman ni Israel.

“Kung talagang nawalan siya, bakit nasisikmura pa rin niyang makita ang lalaking dahilan kung bakit nawala si Isabella?”

Kaagad na natahimik ang buong paligid sa naging sagot ni Thunder. Ganito pala talaga niya minahal ang kapatid ni Jack para umabot siya sa puntong handa siyang pumatay ng ibang tao makapaghiganti lang. Gusto ko man siyang intindihin pero hindi magawang tanggapin ng isipan ko ang katwiran na meron siya. Alam kong nasaktan siya ng sobra sa nangyari pero hindi masusulusyunan ang isang problema ng panibagong problema.

“Ako lang naman ang dahilan ng lahat ng ito, hindi ba? Bakit hindi na lang ang buhay ko ang wakasan mo? Huwag mo nang idamay si Summer. Wala siyang kinalaman dito.”

Sabay-sabay kaming napatingin kay Storm na hirap na hirap na nakatayo sa likuran nila. Unti-unting nadudurog ang puso ko habang tinitignan ang kalagayan niya.

“Tingin mo ba kung gusto talaga kitang patayin ay magagawa mo pa ring huminga ngayon?” mabilis na sagot ni Thunder sa kanya. “Hindi ako nag-aksaya ng tatlong taon para lang umabot sa araw na ito at patayin ka Storm. Ganoon ba kababaw sa tingin mo ang galit ko sa inyo?”

Nagulat na lang ako nang walang salitang bigla na lang lumuhod si Jack. Halos lahat ay natahimik at hindi inaasahan iyon.

Hindi naman makapaniwalang natawa si Thunder sa ginawa niya. “Talagang lahat ng paraan ay gagawin mo mailigtas lang ang babaeng ito. Too bad, hindi epektibo ang paraang iyan sa akin, Jack Frost.”

Dahan-dahang tumingala si Jack at seryosong tiningnan si Thunder. “Hindi ako lumuhod dito para magmakaawa sa‟yo. Ginagawa ko „to para humingi ng tawad.”

“W-What?” gulat na tanong ni Thunder dahil sa sinabi niya.

“I‟m sorry kung inaakala mo man na balewala lang sa akin ang pagkamatay ng kapatid ko but believe me, God knows how it ripped me apart.”

Unti-unting lumuwang ang pagkakahawak ni Thunder sa braso ko. Mukhang hindi niya inaasahan na maririnig iyon mula kay Jack.

“I‟m sorry if I‟ve been a good person who accepts someone‟s apology. Kung bakit napatawad ko si Storm sa pagkakamaling alam kong hindi rin naman niya ginusto.”

Nanatiling tahimik si Thunder na nakikinig kay Jack.

“I‟m sorry if you thought you were alone with all the pain you‟ve been through...that no one was there to help you to stand again.” Saglit na napahinto si Jack at napayuko. “I‟m sorry if we were able to move on a little sooner than you because we already decided we wanted a new life and start over.”

“Stop it.” Tila nanghihinang utos ni Thunder sa kanya.

“And I‟m sorry...kung ngayon lang ako humingi ng tawad sa‟yo.”

“I said stop it! You think apologizing will make change anything? I‟m sorry but you‟re too late!” sigaw ni Thunder at nagulat na lang ako nang alisin niya ang pagkakatutok ng baril sa akin at inilipat iyon kay Jack.

“J-Jack!” kinakabahang sigaw ko at tatakbo na sana patungo sa kanya pero huli na nang paputukin ni Thunder ang baril.

Malakas na umalingawngaw sa lugar ang ingay mula sa pumutok na baril at kasabay noon ay tila huminto sa pag-ikot ang mundo naming lahat nang makita ang katawan ni Jasmine na