noveltoon logo noveltoon
By the way, his name is Jack Frost

Special Chapter 2

Ch. 47 / 47 Feb 05, 2022
Prev Next

Jack Frost‟s 1 Week Stay in New York

“Get ready. We have an important dinner to attend.” Saad ng ina ni Jack pagkapasok niya sa silid ng binata.

Malamig naman siyang tiningnan ni Jack bago nito muling ibinalik ang tingin sa kanyang cellphone. “Not interested,” matipid na sagot ng binata.

“We‟re going to meet the Yuchengcos.”

“So am I meeting now the b*tch you‟ll use to expand your connections?”

“Watch your language,” nagtitimping saad ng kanyang ina. “Please be ready in 30 minutes.”

“I said I‟m not interested.” Pagmamatigas ni Jack.

“Sorry to disappoint you but you don‟t get to decide whether you‟re coming or not, Jack Daryl.”

Natawa ng sarkastiko si Jack at masamang tiningnan ang ina. “Stop making it so clear to me that you only gave birth to us so you can sell us to your business partners, Madam President.”

Humugot ng malalim na hininga ang kanyang ina at kalmadong sumagot. “You might not understand me yet but one day you‟re gonna thank me for setting you up in this marriage.”

Napa-iling na lang si Jack at muling ibinalik ang tingin sa cellphone niya.

“My men will pick you up at 8.” Desididong saad ng kanyang ina. “Just this once, Jack Daryl. Please don‟t humiliate me in front of Yuchengcos.”

Kaagad namang natawa si Jack nang marinig ang sinabi niya.

“Stop forcing me to come. Believe me, you‟re going to regret it.”

Napapikit ng mariin ang kanyang ina. “Fine, I will let you go,” pagsuko nito nang mukhang hindi niya makukumbinsi ang anak. “I will let you comeback in the Philippines after having dinner with them.”

Napangiti si Jack ng nakakaloko at muling tiningnan ang ina. “You really are going to regret this.” Malokong saad niya at saka nagsimulang kumilos upang ayusin ang mga gamit niya pabalik ng Pilipinas.

***

Dumating si Jack sa restaurant na nandoon na ang pamilya Yuchengco. Bakas sa itsura ng mga ito ang gulat nang makita siyang dumating. Hindi naman talaga dapat magulat ang mga ito sa pagdating niya dahil inaasahan siya ng mga ito pero nagulat sila nang dumating siya na may dala-dalang malaking maleta.

“Coming all the way here from your flight must be tiring.” medyo awkward na saad ni Ginang Mariechu Yuchengco para mawala ang akward silence na namayani sa kanila nang dumating si Jack.

Sarkastik namang natawa si Jack dahil sa sinabi nito. Talaga bang iniisip nito na kagagaling lang niya sa flight niya sa Pilipinas at dito na agad dumiretso?

“Take your seat, Jack Daryl.” Nahihiyang utos ng kanyang ina.

Arogante namang naupo si Jack sa upuan sa tabi ng kanyang ina at saka tiningnan ang mga taong nakaupo sa harapan niya. Katapat ng kanyang ina ang mag-asawang Yuchengco habang siya naman ay katapat ang anak ng mga ito.

Tiningnang maigi ni Jack ang babaeng nakaupo sa harapan niya. Nakayuko lang ito at halata sa itsura niya na hindi rin nito gusto ang pagseset ng dinner nila together.

“Your son is good looking. Kamukhang kamukha siya ng kanyang ama, Florencia.” Nakangiting saad ng lalaking Yuchengco sa kanyang ina.

Napangiti ang ina ni Jack dahil sa sinabi nito habang si Jack naman ay natawa. Dahil sa pagtawa niya ay nalipat ang tingin nilang lahat sa kanya.

“I wanna thank you for saying the good looking part but I can‟t agree with the last thing you said.” Seryosong saad ni Jack.

Kaagad na tumahimik ang paligid dahil sa sinabi ni Jack. Bigla na lang naging seryoso ang athmosphere sa pagitan nila.

“How can I look exactly like my dad if I‟m way too good looking than him?”

Mabilis na nagbago ang athmosphere sa paligid at sabay-sabay silang nagtawanan maliban sa anak ng Yuchengcos.

“I like your sense of humor, kid.” Masayang saad ng lalaking Yuchengco.

Tumayo si Jack at biglang inilahad ang kamay niya sa lalaking Yuchengco. “Jack Daryl Frost. Pleased to meet you.”

Napangiti naman ang ina ni Jack at maging ang mag-asawang Yuchengco dahil sa pormal na pagpapakilala nito. Mukhang doon pa lang sa simpleng ginawa niya ay nagugustuhan na agad siya ng mga ito.

“Henry Yuchengco,” saad ng lalaki at kinamayan siya.

Muling bumalik sa upuan niya si Jack at tiningnan ang dalagang nakaupo sa harapan niya. Nakatingin na ito sa kanya pero masama ang tingin na binibigay nito. Iniisip siguro ng dalaga na nagpapa-impress si Jack sa mga magulang niya para matuloy ang arranged marriage nila na ayaw din niya.

“And this is our daughter…” saad ni Henry at tiningnan ang anak niyang nakaupo sa tabi niya.

“Eleanor.” Tipid na pakilala ng dalaga pero nakakunot ang noo nito.

“What a beautiful name for a beautiful young lady,” saad ng ina ni Jack habang si Jack naman ay umismid lang.

Nagsimula na ang mga magulang nilang galawin ang mga pagkain sa mesa pero si Jack at Eleanor naman ay nanatili lang na nakatingin sa mga pagkain.

“You don‟t like the food?” tanong ni Henry sa kanyang anak.

“I don‟t like this marriage.” Diretsong sagot ni Eleanor.

Kaagad namang napangiti ng pilyo si Jack. “Me neither,” singit niya.

Gulat silang lahat na napatingin sa kanya.

“Jack Daryl.” Galit na tawag ng kanyang ina sa kanya.

Nagkibit balikat lang si Jack at seryosong tiningnan ang dalagang nakaupo sa harapan niya. Bakas sa mukha nito ang gulat na reaksyon.

“Isn‟t it fascinating? We have one thing in common. Is that a coincidence or fate?” mapang-asar na tanong ni Jack habang nakatitig sa dalaga.

“Jack Daryl, please.” Nagtitimping sita ng kanyang ina.

Mas lalong lumawak ang pilyang ngiti na nakapiskil sa labi ng binata.

“Let me ask, how many billions are your parents selling you?” diretsong tanong niya kay Eleanor.

Hindi makapaniwalang napanganga si Eleanor. “Excuse me?” gulat na tanong niya.

Napatayo si Henry at galit na tiningnan si Jack. “What the hell are you talking about?!”

“I am so sorry, Henry.” Kaagad namang sagot ng ina ni Jack at saka galit na binalingan ng tingin ang kanyang anak. “Jack Daryl!” galit na tawag niya rito.

Tumayo rin si Jack at seryosong hinarap ang ama ni Eleanor.

“Were you also a billion dollar deal before?” tanong niya rito.

Imbes na mainsulto ay natawa si Henry sa tanong ni Jack at saka inilipat ang tingin kay Florencia.

“You got a bold son, Florencia. You raised him too well.” Saad niya.

Sarkastik naman na natawa si Jack sa sinabi nito. “Oh, please. Cut the desperation, will you? Are you sure you want me to be your son-in-law?”

“Of course. Who would not want a son-in-law that‟s worth 500 billion dollars?” mapang-asar na sagot ni Henry sa kanya.

“I didn‟t know I was that cheap, Madam President.” Sagot ni Jack at binaling ang tingin sa kanyang ina. “If you‟re going to sell your son, you should have at least valued him generously.”

“Will you please stop, Jack Daryl?!”

“I warned you, didn‟t I?” tanging sagot ni Jack sa kanya at saka binalingan ang mga Yuchengco. Tumingin siya kay Eleanor na ngayon kasalukuyang kunot noong nakatingin sa kanya.

“Since you‟re the first one who claimed you didn‟t want this marriage, I think ruining this dinner is somehow me just doing you a favor.” Malokong saad ni Jack.

“W-What?!” hindi makapaniwalang sagot ng dalaga.

“Sorry, I still have a flight to catch.” Malayong sagot ng binata at kinindatan siya.

Akmang aalis na si Jack pero natigilan siya nang magsalitang muli si Eleanor.

“How strange. I think I wanna marry you now.”

Hindi makapaniwalang ibinalik ni Jack ang tingin niya kay Eleanor. “What did you just say?” gulat na tanong niya.

“Well, must be love at first sight?”

Hindi makapaniwalang napa-iling si Jack. “What game are you trying to play?” inis na tanong niya sa dalaga.

Imbes na sagutin siya ni Eleanor ay binigyan lang siya nito ng pilyang ngiti. Hindi naman makapaniwalang natawa ng pilit si Jack. He underestimated her. This girl is a smart one. Ngayon na sinabi niya sa harapan nilang lahat na gusto na niyang pakasalan si Jack ay si Jack naman ang maiipit dahil lumalabas na siya na lang ang tutol sa engagement nila. Alam niyang ayaw pa rin ni Eleanor na makasal talaga silang dalawa pero ang babaeng ito ay pilya at gustong si Jack mismo ang tumutol upang hindi siya ang maipit. Clever.

Tumayo ng maayos si Jack at hinarap ng seryoso si Eleanor.

“Sorry but I will never marry you.”

Napangiti si Eleanor at tinaasan siya ng kilay. “Aw, so I just got rejected. But why? Am I not pretty?” pilyang sagot nito.

Ngumiti ng mapang-asar si Jack sa kanya. Mukhang gusto talaga ng babaeng ito na makipaglaro sa kanya.

“Summer Pascua.” Seryosong saad ni Jack.

Lahat naman sila ay napakunot ang noo dahil sa malayong sagot nito.

“That‟s the name of the girl I am going to marry.” Dagdag ni Jack at saka nagsimulang maglakad paalis hila-hila ang maleta niya.