noveltoon logo noveltoon
By the way, his name is Jack Frost

Chapter 12

Ch. 12 / 47 Feb 05, 2022

Namalayan ko na lang ang sarili ko na naglalakad patungo sa may itaas na bahagi ng soccer field kung saan ko hindi sinasadyang naabutan noon ang cursing machine na iyon. Halos sumakit na ang ulo ko sa kaiisip kung anong magandang excuse ang pwede kong sabihin sa kanya kapag tama ang hula ko na naroon nga siya. I even considered lying about unexpectedly bumping into him again but I remembered that he loathes lying. And what the? Since when did I learn to lie? Ugh!

Sa kabila nang dami ng „excuse‟ na naisipan ko ay I still end up trying to make up the right words to apologize to him. Hindi ko alam kung bakit naisip ko na dapat akong magsorry sa kanya. It just feels like he deserves an apology.

Nang makarating ako sa lugar ay hindi ko inaasahan na ang maabutan ko ay ang mga kaibigan ng gangster na iyon may iba‟t-ibang kulay ng buhok. The gang of idiots who go to school and ditch classes. Phew. What‟s the sense of coming to school then? Nag-aaksaya lang sila ng pera.

Napailing na lang ako at aalis na sana dahil hindi naman nila kasama ang lalaking hinahanap ko pero saglit akong natigilan nang marinig ko ang pangalan ko mula sa isa sa kanila.

“What‟s up with that girl named Summer?”

“Sinong Summer?”

“The one who resembles Jasmine, remember her?”

Wala akong balak na makinig sa kanila at gustong-gusto ko na sanang umalis pero nacucurious ako.

“What? You mean the pathetic egg girl? No way. Jasmine is way better than her. That girl is pathetic and foolish. Ugly, even.”

Pakiramdam ko ay bigla na lang kumulo ang dugo ko sa aking narinig. Wow. Did I just got insulted?! Well whoever that Jasmine is, she‟s probably a perfect living thing para maging ganun ang reaksyon nila.

“It‟s funny how Jack and Storm got interested with the same girl, again.”

“Unending saga, huh?”

“Well it sucks to watch this group fall apart because of another girl.”

“But wait… Are you sure they both like her? Storm seemed to like her, but Jack? I think that‟s impossible.”

“I agree. There‟s no way Jack will fall for someone else. We know him. He will never get over with Jasmine. Never.”

Love? That gangster once fell in love? Naalala ko nung dinala niya ako sa bar noon. Ang Jasmine ba na pinag-uusapan nila ang dahilan kaya may trust issues ang gangster na iyon?

Gusto ko pa sanang makinig sa usapan nila pero sa tingin ko ay tapos na sila sa topic na kasama ako kaya tuluyan na akong umalis. Napagdesisyunan kong bumalik na lang sa locker room upang makapagpalit na ng uniform at umuwi na lang ng tuluyan. I think hindi ko na kailangan pang hanapin ang cursing machine na iyon dahil maaring umuwi na iyon dahil din sa badtrip niya sa akin.

Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na may makakasalubong pala akong babaeng may dala-dalang napakaraming kahon at halos hindi na niya makita ang dinaraanan niya. Pababa siya ng hagdan habang ako naman ay papaakyat.

Sinubukan kong tumabi sa daraanan niya pero too late, nabangga na namin ang isa‟t-isa. Ang masama pa, parehas kaming na-out of balance. Nakita kong mahuhulog siya sa hagdan kaya kahit na wala rin ako sa tamang balanse ay sinubukan kong abutin ang kamay niya pero crap! Parehas kaming nalaglag and the next thing I know… nasa clinic na kami.

Inis kong tiningnan ang paa kong nilagyan ng splint. How ironic na hindi ako napilay sa pambubully at pambubugbog na ginagawa sa akin kundi sa sarili kong katangahan.

Pasimple akong sumilip sa kabilang kama. Nandoon „yung babaeng nakabangga ko. May kurtinang nakaharang sa pagitan naming dalawa. Nakayuko lang siya habang tinitingnan din ang splint sa kanyang paa. Nandamay pa tuloy ako ng ibang tao.

Gusto ko sana siyang kausapin, para na rin magsorry sa nangyari sa kanya pero hindi ko na „yun nagawa nang biglang dumating ang isang humahangos na lalaki. Iniangat niya ang ulo niya at tiningnan ang lalaki at doon ko lang nakita ng maayos ang itsura niya. Mukha siyang mabait at inosente.

“Storm,” tawag niya sa lalaking kararating lang and that brought me back to my sanity. Storm?

Tiningnan ko ang lalaking hinihingal pa, and it was really Storm. Naupo siya sa kama ng babae at hinawakan ang kamay nito. What is the meaning of this? Lumayo ako sa kurtina para iwasan ang mga bagay na hindi ko dapat makita.

“What happened? You made me so worried about you!” boses ni Storm.

How I wish kaya kong maglakad paalis upang hindi ko na marinig ang usapan nila. I feel like I‟m invading their privacy.

“I‟m sorry. I was careless.” tila naiilang na saad ng babae.

“Are you okay? May iba pa bang masakit sa‟yo?”

“I‟m okay now, Storm. Thank you.”

“Are you really okay, Jasmine?”

Jasmine? Don‟t tell me this is the famous Jasmine na pinagkakaguluhan nung mga gangster? Wow. Parang kanina lang ay nacucurious ako kung sino siya.

“No. I‟m not okay.”

Napakunot ang noo ko. Masyado bang malakas ang pagkakahulog niya? Baka naman dalawa na sila ng gangster na iyon ang pagbabayarin ako sa mga hospital bills na nakukuha nila dahil sa akin. Nako po.

“Do you want me to transfer you to a private hospital? Tell me what you need, Jasmine, and I‟ll do it.”

Nagulat ako nang unti-unti kong narinig ang paghikbi niya. Why is she crying? Masyado bang masakit ang nararamdaman niya?

“My heart hurts so much, Storm.” umiiyak na saad niya.

Natigilan ako sa narinig ko at mukhang pati si Storm na kasama niya ay nagulat sa kanyang narinig.

“I‟m sorry. It was my fault.” boses ni Storm. “I think I better go.”

What?! I‟m confused! What‟s going on?! Ugh! This is the agony of eavesdropping.

“But always remember, Jasmine. I‟m willing to give up everything just for you. Ganun kita kamahal. Sana marealize mo rin na ako ang mas worthy para sa‟yo.”

Matapos noon ay wala na akong narinig pa mula sa kabila kundi ang mahinang pag-iyak ni Jasmine. Wow. I can‟t believe I just heard all those things from Storm. Sumilip akong muli sa may kurtina at nakita ko siyang umiiyak. How can someone cry so beautifully? Napailing ako at balak ko na sanang isara ulit ang kurtina pero may dumating uling lalaki at lumapit ito sa kanya.

Si Gangster, inabutan niya ng panyo si Jasmine.

“J-Jack.” tawag nito sa kanya.

“How sweet.” tila nang-iinsultong puri niya.

“It‟s not what you think it is.”

“Cliché. I knew you‟d say that.”

Inilayo kong muli ang sarili ko sa kurtina. What‟s going on?

“I had to check if you‟re really okay. Until when are you going to pretend that you‟re okay? I know you‟re not fine, Jasmine.”

After hearing those words from him, I realized that he must really know her very well. Maybe he really did fall in love with this girl. Maybe he‟ll never get over with Jasmine. It‟s such a wonderful love story but why does it sounds so tragic?

“It feels good to know that you still care for me, Jack.”

I was expecting he‟d say something rude, but I was shocked when I heard what he said next. “What do you expect? I care for you more than anything else. If I don‟t pay you a visit and check up on you, I probably won‟t be able to go to sleep.”

Unfair. He‟s so unfair. I don‟t even know why I came up with that conclusion. Maybe because he treats her well, while he‟s being rude to everyone. Why can‟t he be just nice to everybody? Why does he have to make my life a living hell?

“Jack, why are you doing this to me?!”

Saglit na katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa hanggang sa marinig kong muli ang mahinang paghikbi ni Jasmine.

“You‟re here telling me all this and then what‟s next? You‟ll still leave me in this fight, alone. You wouldn‟t be there for me when I need you most.”

Matagal bago sumagot ang unfair na gangster na iyon.

“I‟m always here for you, Jas. But please, stop it.”

“Stop what?” tila naguguluhang tanong noong Jasmine.

“Stop being selfish. You already have Storm who loves you dearly. Stop hurting him.”

“How about us?”

“We‟ve broken up, Jasmine. We‟re done. I‟ve got to go.”

“Don‟t go.” pigil niya. “Leave and I die.”

Napanganga ako sa aking narinig.

“Jasmi—”

“I want you back, Jack.”

Matagal na katahimikan ang muling bumalot sa kanilang dalawa bago nagsalita si Gangster.

“You know that‟s not right, Jasmine. We can‟t be together again.”

“Why? Is it because of Storm?”

I heard him sigh. “No. It‟s because we both know I‟m into someone else already, and she‟s actually here. ”

Nagulat ako nang biglang bumukas ang kurtinang nasa tabi ko. Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kanilang dalawa. Isinara ko ang bibig kong napanganga at saka itinaas ang kamay ko at awkward na kumaway.

“Uhm… Hi?” bati ko sa kanila.