Napatingin ako sa orasang nakadikit sa may itaas ng pintuan ng operating room. Mag-aapat na oras na kaming hindi mapakali sa kahihintay na matapos ang operasyon nina Jasmine at Storm. Sabay silang ipinasok sa loob at hanggang ngayon ay wala pa ring doctor ang lumalabas upang balitaan kami kung ano na ang lagay ng dalawa. Wala akong ibang marinig na ingay sa paligid kundi ang mabibigat na paghinga lamang ng mga kasama ko.
Nakaupo sa harapan ko sina Israel, Drake, Justine at Samuel habang nasa tabi ko naman si Andrew. Si Jack naman ay malayo sa amin. Nasa dulo siya ng hallway at nakatulala. Si Thunder naman ay nasa may tabi lang ng pintuan ng Operating Room at nakaupo sa sahig. Bakas pa rin sa mukha niya ang pagkabigla sa nangyare. Hindi ko alam kung kaanu-ano niya si Jasmine para maging ganito siya kaapektado na halos mawala na siya sa kanyang sarili.
“Guardian ni Mr. Williams?”
Sabay-sabay kaming napatayo nang isang doctor ang lumabas sa operating room. Nagmamadali kaming lumapit sa kanya pati na rin si Thunder. Si Jack naman ay nanatili lang na nakaupo at nakatulala sa dulo ng hallway.
“Mga kaibigan po kami ni Storm!” natatarantang saad ni Justine pagkalapit namin sa doctor.
Ngumiti ang doctor sa amin na tila paraan na rin niya ng pagsasabing isang magandang balita ang dala niya.
“Wala na kayong dapat ipag-alala dahil okay na siya.”
Sabay-sabay kaming nakahinga ng maluwag nang marinig ang sinabi ng doctor.
“Mabuti na lang at walang major organ na tinamaan nang masaksak siya. May ibang buto ang nabali sa kanya pero hindi naman namin kinailangang lagyan pa ng bakal dahil kaya namang magheal noon kung lalagyan lang namin siya ng cast. Natahi na rin namin ang sugat na natamo niya sa ulo. He underwent a CT Scan and a MRI at nakita naming wala namang internal bleeding.”
“Thank God.” tila naiiyak na saad ni Andrew at saka napatingala.
“Nasa recovery room pa siya sa ngayon at sinasalinan pa ng dugo dahil napakarami talagang nawalang dugo sa kanya. Maya maya ay ililipat na rin namin siya sa private room niya.”
“Maraming salamat po, Doc.” Pagpapasalamat naman ni Israel.
Ngumiti na lang sa amin ang doctor bilang pagsagot at aalis na sana pero natigilan siya nang hawakan siya ni Thunder sa may braso at pinigilan.
“How about my sister? How is she?” puno ng pag-aalalang tanong ni Thunder.
Teka, sister? Ang ibig sabihin ay kapatid niya si Jasmine? Tinignan ko sina Andrew at hindi ko sila kinakitaan ng pagkabigla sa tanong ni Thunder.
Ibig sabihin ay alam na nilang magkapatid ang dalawa? So ang ibig sabihin ay kami lang ni Storm ang hindi nakakaalam?
“Ah, iyong babaeng nabaril? Nasa operating room pa siya at inooperahan ng ibang doctor. Hintayin niyo na lang matapos ang operasyon at tanungin ang doctor niya dahil wala akong alam kung anong nangyayari sakanya. I'm sorry and excuse me.” sagot ng doctor kay Thunder.
Napayuko si Thunder at saka dahan-dahang binitiwan ang doctor para tuluyan na itong makaalis.
“Mabuti na lang at ayos na si Storm. Kung hindi ay mapapatay talaga kita.” galit at seryosong saad ni Samuel kay Thunder.
Dahan-dahang iniangat ni Thunder ang ulo niya at tiningnan si Samuel. Akala ko ay makikitaan ko siya ng galit na reaksyon dahil sa sinabi ni Samuel pero nagulat ako nang sa pag-angat niya ng ulo niya ay bumungad sa amin ang luhaan niyang mukha.
“If something bad happens to Jasmine, please... Break every bone in my body, burn me alive, rip my heart out, kill me, please.” Umiiyak na saad niya at saka dahan-dahang lumuhod sa harapan namin. “Please kill me...” pagmamakaawa niya.
Bigla na lang akong nakaramdam ng awa dahil sa itsura niya. Laging takot ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya pero ngayon, awang awa ako sa itsura niya.
“Nakita mo na kung gaano mapaglaro ang buhay, Thunder? Ganito kung bumawi ang karma. Napakatraydor. Ngayon, pinaparanas sa‟yo ng buhay ang pinagdaanan ni Storm at Jack,” saad naman ni Israel. “Hindi ginusto ni Storm ang nangyare noon, Thunder. At hanggang ngayon ay paulit-ulit pa rin niyang ipinagdarasal kung maaring maibalik ang panahon upang maitama niya ang pagkakamali niya.”
Napayuko si Thunder habang patuloy sa pag-agos ang mga luha niya.
“Naiintindihan ko ang galit na nararamdaman mo hanggang ngayon dahil sa pagkawala ng babaeng pinakamamahal mo. Lahat naman tayo nawalan eh. Kami, parang nawalan din kami ng kapatid katulad ni Jack. Ikaw naman ay nawalan ng minamahal.” saad naman ni Andrew.
“Pero hindi lang si Isabella ang nawala sa‟yo Thunder.” singit naman ni Justine. “Nawalan ka din ng mga tapat na kaibigan. Ginawa mo kaming kalaban. Hanggang sa naging mag-isa ka na lang. Napuno ka ng galit at nalason ang utak mo at ang tanging naiisip mo lang na solusyon para matabunan ang sakit na dinaranas mo ay ang maghiganti. Pero tignan mo ang nangyari, hindi ba‟t wala namang magandang naidulot ang paghihiganti mo?”
Habang pinagmamasdan ko sila ay tila nagkakaroon na ako ng idea sa nakaraan nila...Na noon ay minsan silang naging mabubuting magkakaibigan. Nakakapanghinayang.
“Sana ay hindi pa huli ang lahat at may pag-asa pang maayos pa natin ang mga buhay natin. Ni hindi mo pa napapakilala sa amin ng pormal na step sister mo pala si Jasmine.” Saad naman ni Drake.
Mas lalong naiyak si Thunder dahil sa sinabi ni Drake. “I heard you all have been a jerk to her.” tila pagbibiro niya habang patuloy na umiiyak.
“Sinabi niya „yon?! Aba! Eh kung tratuhin nga namin siya sa Tan Siu ay para siyang prinsesa.” Saad naman ni Justine.
Bigla na lang nagbago ang atmosphere sa pagitan nila at nagtawanan silang lahat. Napangiti na lang ako habang pinapanuod sila. Hindi naman siguro impossibleng magkaayos-ayos silang muli at magsimula ulit ng panibagong buhay, hindi ba? Dahan-dahan akong lumingon kung saan nakaupo si Jack pero napakunot ang noo ko nang wala na siya sa inuupuan niya kanina. Saan siya napunta?
Aalis sana ako at iiwan muna sila para hanapin kung saan nagpunta si Jack pero hindi na ako natuloy nang makitang may limang lalaking nakasuot ng pang-pulis na uniporme ang naglalakad papalapit sa amin. Nang makalapit sila sa amin ay may nilabas silang papel.
“May dala kaming warrant of arrest para kay Louise Thunder Villarino.” bungad ng Pulis.
Isa-isa silang lumapit kay Thunder pero agad na nagpumiglas si Thunder. “No!” protesta niya. “I need to stay here! I need to make sure Jasmine is fine!”
“Sumama ka na lang ng maayos.” saad ng pulis at kaagad na nilagyan ng posas ang kamay ni Thunder.
Kitang kita ko naman ang biglaang pagpapanic ni Thunder nang masuotan siya ng posas.
“Didn‟t you f*cking hear me?! My sister is in the operating room! Hindi ko siya pwedeng iwan!” patuloy na pagprotesta ni Thunder pero wala siyang magawa nang pagtulungan na siya ng mga pulis at kaladkarin. “Let me go! F*cking let me go! Please!” pagmamakaawa niya.
Wala kaming ibang magawa kundi ang panuorin lang siyang patuloy na nagpupumiglas sa pagkaladkad sa kanya. “Let me stay just for one hour!” sigaw niya. Unti-unti siyang napaluhod habang may mga luhang naguunahang pumatak sa pisngi niya. “Hayaan niyo muna akong malaman ang resulta ng operasyon niya. Please...” pagmamakaawa niya sa mga pulis.
“Pasensya na pero kailangan ka na naming dalhin sa presinto.” Matigas na sagot ng pulis at tuluyan nang walang nagawa si Thunder kundi ang magpakaladkad sa kanila.
Napahawak si Justine sa batok niya at saka tila pagod na pagod na naupo sa may bench. Mabilis rin namang sumunod sa pag-upo ang buong grupo nila at mga problemado silang napayuko. Naupo rin ako sa inuupuan ko kanina at muling tiningnan ang orasan na nakasabit sa itaas ng pintuan ng operating room. Nakalagay roon na mag-aalas dose na ng madaling araw.
Naalala ko bigla si Jack Frost. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik. Umalis na kaya siya? Pero bakit siya umalis? Hindi ba‟t dapat ay nandito lang siya upang abangan kung kumusta na si Jasmine dahil ito ang nagligtas sa buhay niya? Simula kanina ay hindi pa namin siya nakakausap. Napakatahimik lang niya at madalas ay nakatulala lang siya kaya minabuti naming hayaan muna siya dahil maaring sobrang nagulat siya sa nangyare.
“Ms. Hererra‟s guardian?”
Sabay-sabay kaming napatayo nang sa wakas ay lumabas na ang nag-opera kay Jasmine. Dali-dali kaming lumapit sa doctor at nagpakilalang mga kaibigan niya.
“Hmmm, sa ngayon ay hindi ko pa masasabing okay na ang pasyente dahil under observation pa siya. Tumama ang bala sa lungs niya kung kaya‟t nahirapan kami sa operasyon. Nagkadugo ang lungs niya kaya kung mapapansin niyo mamaya pagkalipat namin sa kanya sa ICU ay may nakakabit na tubo sa may tagiliran niya. Iyon ang mag-aalis ng lahat ng dugo na namuo sa lungs niya.”
Tumango-tango kami sa paliwanag ng doctor.
“Sa ngayon ang magandang balita lang na masasabi ko sa inyo ay ligtas na siya at naalis na namin ang bala sa katawan niya. Hintayin na lang natin ang pasyente na magising at doon na lang kami magsasagawa ng iba pang tests para masigurong okay na siya.”
Sabay-sabay kaming nagpasalamat sa doctor bago ito umalis. Ang mahalaga ay ligtas na siya. Sana ay magising na rin siya para tuluyan na kaming makahinga ng maluwag.
❄ ❄ ❄
Mag-uumaga na nang tuluyang magising si Storm matapos ang operasyon sa kanya. Pagkagising niya ay hindi niya alam kung nasaan siya dahil wala na siyang malay nang dalhin nila siya sa hospital. Dahan-dahan siyang naupo mula sa pagkakahiga at saka niya naguguluhang tiningnan ang sarili niya. Una niyang napansin ang nakacast niyang kaliwang kamay. Doon lang niya narealize na nasa ospital siya.
Tiningnan niya ang paligid niya at bumungad sa kanya ang mga natutulog na mga kaibigan niya sa may upuan. Dahan-dahan siyang napatingin sa babaeng nakayuko sa kama kung saan siya kasalukuyang nakahiga. Mahimbing itong natutulog at mukhang magdamag siyang binantayan.
Unti-unting nadudurog ang puso niya habang pinagmamasdan ang kamay at braso nito na punong puno ng pasa at sugat. Dahan-dahan niyang hinawi ang buhok na nakatakip sa mukha nito at nakita niya ang namamagang pisngi at halos magkulay ube na ang labi ng dalaga.
“Summer...” mahinang tawag niya rito at hinaplos ang namamagang pisngi nito.
Nagising naman si Summer at kaagad na napabalikwas sa kanyang kinauupuan. “Storm,” gulat na tawag ng dalaga sa kanya at mabilis na hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa pisngi nito. “Salamat at nagising ka na. Kumusta ang pakiramdam mo?”
Ngumiti siya bago sumagot. “Maayos na ako. Pinagalala ba kita?”
Napangiti si Summer sa sagot niya at saka nakahinga ng maluwang. “Hindi. Alam ko namang masamang damo ka kaya magiging okay ka din.” Sagot ng dalaga kahit ang totoo naman ay labis na nagalala ito.
Tinitigan ng matagal ni Storm ang mukha niya hanggang sa unti-unti niyang naalala ang nangyare kay Jasmine. “Sh*t!” biglang sigaw ni Storm. “What happened to Jasmine? Where is she? Is she alright?” sunod-sunod na tanong niya.
“Kakalipat lang nila sa kanya sa private room. Nung una kasi ay nasa ICU siya pero nung naging stable naman na ang vital signs niya ay nilagay na lang siya sa private room para madali lang naming siyang mabalik-balikan. Nagagalit na kasi „yung nurses kasi ang dami naming pabalik-balik doon sa ICU eh bawal ang bisita doon.” Pag-iinform sa kanya ni Summer.
“Help me. Bring me to her.” Saad ni Storm at nagmamadaling bumaba ng kama niya.
“P-Pero—”
“Kaya ko ang sarili ko, Summer. Please. Kailangan kong masigurong ayos lang talaga siya.” Pagputol ni Storm sa kanya.
Tinitigan muna ng matagal ni Summer si Storm bago unti-unti siyang napabuntong hininga. “Fine. Pero sandali lang tayo doon, okay? Pwede naman natin siyang bisitahin ulit. Para makapagpahinga ka pa.” kundisyon ng dalaga.
“Alright.” Mabilis namang sagot ni Storm.
Inilalayan ni Summer si Storm patungo sa silid ni Jasmine. Mabuti na lang at hindi iyon gaanong kalayuan sa silid ni Storm kung kaya‟t hindi sila nahirapan at mabilis silang nakarating.
Pagdating nilang dalawa sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Jasmine ay papasok na sana sila pero parehas silang natigilan nang marinig nilang may nag-uusap sa loob.
“What do you want to eat then?” boses ni Jack.
“Hmmm... let me think. How about food that is especially prepared by you?” malambing na sagot ni Jasmine.
Gising na pala ito. Noong huling bisita kasi ni Summer sa kanya kani-kanina lang ay hindi pa siya nagigising.
“You can‟t be serious. I suck at cooking and you know that.” Tila naglalambing din na sagot ni Jack.
Bigla na lang nakaramdam ng kirot sa dibdib si Summer nang marinig kung paano malambing na mag-usap ang dalawa. Sa boses at paraan pa lang ng pag-uusap nila ay maiimagine mo nang tila ang saya-saya nila.
“Oh, c‟mon. I thought you were going to take care of me? Ilang months ko ng hindi natitikman ang luto mo. Pagbigyan mo na ako, please?” Saad ni Jasmine at mukhang nakapout pa ito sa tono ng pagsasalita niya.
“Fine. Make sure you‟re going to eat everything so you can recover quickly. Is that a deal?”
“Okay, deal.”
Nanginginig na inalis ni Summer ang pagkakahawak niya sa doorknob at unti-unti siyang napaatras palayo sa pinto. Hindi naman kinuwestyon pa ni Storm kung bakit ganoon ang naging reaksyon ng dalaga dahil narinig din niya ang usapan sa loob.
“Summer,” mahinang tawag ni Storm sa kanya. “Siguro ay mas mabuti pang bumalik na lang tayo mamaya.”
Nanatili namang nakayuko si Summer at tila hindi narinig ang sinabi niya.
“Summe—”
Hindi na natuloy pa ni Storm ang pagtawag niyang muli kay Summer nang bigla na lang bumukas ang pinto. Sabay silang napatingin ni Summer sa lalaking papalabas na sana ng silid. Si Jack. Halata rin sa itsura ni Jack na hindi niya inaasahang naroroon ang dalawa.
Tinignan ni Summer ang mukha ni Jack pero kaagad nitong iniwasan ang tingin niya. Bigla na lang siyang nakaramdam ng awkwardness sa pagitan nilang dalawa. Parang sa isang iglap ay bigla na lang nagbago si Jack at naging malamig sa kanya.
“Storm,” pagbasag ni Jack sa katahimikan. “I see you‟re okay now.” Puna nito.
“Uh, yeah...” tila awkward din na sagot ni Storm.
Saglit na tiningnan ni Jack si Summer. “Visiting Jasmine?” tanong niya at saka ibinalik ang tingin kay Storm.
“Uh, yes...” naiilang na sagot muli ni Storm.
“I see. Go ahead. I need to go home first to prepare Jasmine some food.” Sagot ni Jack.
Mas lalong nakaramdam ng kirot sa dibdib niya si Summer matapos marinig ang sinabi ni Jack.
“Uh, okay...” sagot muli ni Storm at saka tiningnan si Summer. “Tara na sa loob, Summer?”
Dahan-dahang iniangat ni Summer ang tingin niya kay Jack bago sumagot kay Storm. “S-Sige,” sagot niya habang hindi inaalis ang tingin kay Jack. Hindi niya maintindihan kung bakit halatang iniiwasan siya ni Jack. Ni hindi manlang siya nito tinitingnan. Ni hindi manlang siya nito kinamusta. Hindi niya ba nakikita ang kaawa-awang itsura ni Summer?
“See you later.” Tuluyan nang paalam ni Jack. Saglit niyang pinadaanan ng tingin si Summer bago tuluyang lumakad paalis.
“Storm...” nanghihinang tawag ni Summer kay Storm habang patuloy na nakatingin sa papalayong si Jack. “Sabihin mo nga sa akin, normal ba sa nabugbog ang naninikip ang dibdib ngayon?” seryosong tanong niya.