noveltoon logo noveltoon
By the way, his name is Jack Frost

Chapter 43

Ch. 43 / 47 Feb 05, 2022

“Sabihin mo nga sa akin, normal ba sa nabugbog ang naninikip ang dibdib ngayon?” seryosong tanong ni Summer.

Napatitig si Storm sa mukha ni Summer at unti-unti rin niyang naramdaman ang paninikip ng dibdib niya habang pinagmamasdan ang dalaga na nasasaktan...nasasaktan dahil kay Jack.

Pinilit niya ang sarili niyang ngumiti at saka niya biglang pinitik sa noo si Summer.

“Aw!” mabilis na angal ng dalaga dahil sa ginawa niya.

Natawa siya sandali bago ginulo ang buhok nito. “Sundan mo siya,” saad niya at saka unti-unting naging seryoso ang mukha niya. “Sundan mo na siya at kausapin. Baka nagtatampo iyon sa iyo.”

Saglit na napatitig sa kanya si Summer nang marinig ang sinabi niya. “Sa tingin mo ba ay kaya hindi niya ako pinansin ay dahil nagalit na naman siya sa akin?” nag-aalalang tanong ng dalaga.

“Ikaw kasi eh. Ang tigas-tigas ng ulo mo. Lagi mo pinapahamak ang sarili mo kaya siguro galit sa‟yo „yun ngayon.” Sagot niya. Pilit niyang itinatago ang panginginig ng boses niya. Ayaw niyang mahalata ni Summer na nasasaktan siya.

Mukhang nabuhayan naman ng loob si Summer sa sinabi niya. “Oh, sige. Hahabulin ko muna siya. Babalikan na lang kita pagkatapos namin mag-usap.” Masayang paalam nito.

Ngumiti siya at saka dahan-dahang tumango. “Sige na. Baka hindi mo na maabutan „yun. Shooo!” pagtataboy niya rito.

Natawa naman si Summer sa pambubugaw na ginawa niya bago ito nagmamadaling tumakbo paalis para sundan si Jack.

Unti-unting nawala ang pekeng ngiting suot-suot ni Storm habang pinagmamasdan ang likuran ng dalaga na papaalis. Dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang kamay at pilit na inaabot si Summer kahit na napakalayo na nito sa kanya. Nang tuluyan nang mawala ito sa paningin niya ay wala siyang ibang nagawa kundi ang pagmasdan lang ang kaawa-awa niyang kamay na pilit inaabot ang bagay na alam naman nitong hindi para sa kanya.

Tingin niya ay oras naman niya ngayon gawin ang ginawa ni Jack Frost para sa kanya noon...ang magparaya...ang magpaubaya. Bumuntong hininga na lang siya bago tuluyang pumasok sa silid ni Jasmine. Pagkapasok niya ay naabutan niya itong nakatingin lang sa pintuan at mukhang inaabangan ang pagpasok niya.

“Hey,” bati niya sa dalaga.

“Akala ko wala ka nang balak pumasok eh. Nasaan si Summer?” sagot nito sa kanya.

Lumapit siya rito at naupo sa upuan na nasa tabi ng higaan ng dalaga. Sa tingin niya ay doon nakaupo si Jack kanina bago sila dumating ni Summer.

“Gusto kasi kitang masolo kaya pinaalis ko muna si Summer.” Biro niya.

Kaagad namang kinuha ni Jasmine ang unan sa tabi niya at ibinato ito kay Storm. “You perv!”

Mabilis na nasalo ni Storm ang unan at saka natatawang niyakap ito. Hindi naman na napigilan ni Jasmine ang mapangiti rin sa kanya. Nakangiti silang dalawa habang magkatitig sa isa‟t-isa.

Akala ni Storm ay ma-a-awkwardan si Jasmine sa kanya nang hindi niya inaalis ang titig niya rito pero nagkamali siya nang batuhin ulit siya ng unan ng dalaga. “Stop staring, pervert!” saad ni Jasmine.

Ngayon ay hinayaan lang ni Storm na matamaan siya ng unan sa mukha. Pagkatama ng unan sa kanya ay pareho silang natawa ni Jasmine at saka nagkatitigan.

“I missed this.” Saad niya sa dalaga habang patuloy na nakatitig sa mga mata nito.

Matagal na napatitig sa kanya si Jasmine bago ito sumagot. “Yeah. I missed us, too.” sagot ng dalaga at saka unti-unting iniwas ang mukha niya. “And I am sincerely sorry for causing you a lot of pain.”

Naging seryoso ang atmosphere sa pagitan nilang dalawa. Hindi nagawang makapagreact at makapagsalita ni Storm matapos bitiwan ni Jasmine ang mga salitang iyon.

“Dapat ba kitang sagutin ng okay lang? Na naiintindihan ko kung bakit mo nagawa iyon...kahit hindi ko naman naiintindihan talaga?”

Seryosong ibinalik ni Jasmine ang tingin niya sa kanya. “Mas gugustuhin ko siguro kung sasagutin mo ako na hindi mo ako mapapatawad...na kinamumuhian mo ako ng sobra.”

Pilit na natawa si Storm sa naging sagot niya. “When you said you missed us...you should have stopped there. Why do you have to ruin this moment?” inis na tanong niya. “Pagkatapos mong sabihin na namimiss mo „yung tayo bigla mo namang sisingitan ng ganito.”

“Ayoko lang na paasahin ka pa. Hindi porque sinabi kong namimiss ko na rin yung dating tayo ay gusto kong bumalik doon.”

“Huwag kang mag-aalala dahil hindi na ako aasa pa ulit sa‟yo, Jasmine.” Punong puno ng pait na sagot niya. “Masakit maiwan sa ere eh. Hindi ko na gusto pang maranasan ulit „yun. Ayoko na rin bumalik pa doon.” Seryosong sagot niya.

Hindi nagawang sumagot ni Jasmine matapos marinig ang mga sinabi niya. Alam niyang hindi biro ang sakit na binigay niya kay Storm pero wala na siyang ibang magawa kundi ang masaktan din...at magsisi.

“Why did you do it?” biglang tanong ni Storm habang seryosong nakatitig sa mga mata niya.

Iniwas ni Jasmine ang mukha niya. Kung maari lang sana ay ayaw na niya itong pag-usapan pa. Nais niyang sabihin kay Storm na gusto na niya makalimot...na gusto niyang magsimula ng panibago. Pero alam din niya sa sarili niyang hindi siya makakapagsimula ng panibago kung tatakasan lang niya ang nakaraan.

Nagpakawala ng malalim na paghinga si Jasmine bago unti-unting ibinalik ang tingin sa kanya. “Because I hated you so much, Storm. Who wouldn‟t, right? Ikaw ang dahilan kung bakit nawala ang kaisa-isang babaeng minahal ng kapatid ko.”

Tila isang malutong na sampal ang naging sagot niya kay Storm. Iniwas ni Storm ang mukha niya at napayuko. Every time na nabubungkal ang tungkol sa pagkakamali niyang iyon ay wala siyang ibang magawa kundi ang paulit-ulit na masaktan.

“Isang inosenteng buhay ang nawala dahil sa‟yo. I watched my brother suffer. Tatlong buwan siyang hindi lumalabas ng bahay. Araw-araw, gabi-gabi, we would hear him screaming her name. Araw-araw, gabi-gabi, makakarinig kami ng basag sa kwarto niya and we‟ll witness him cut his own wrist every time...”

Saglit na natigilan si Jasmine nang isa-isang mag-unahan ang mga luha niya sa pagpatak. “He was losing so much weight because he can‟t eat and sleep right anymore. Then he‟d always tell me how horrible his dreams were because he kept seeing Isabella lying on a coffin.”

Mas lalong nadudurog ang puso ni Storm habang pinapakinggan si Jasmine ikwento kung paano siya nakasira ng buhay ng iba.

“After 3 months na naging ganun siya, we were able to convince him na magparehab but the rehab was no help.” Inis na pinunasan ni Jasmine ang mga luha niya bago nagpatuloy. “Damn, Storm. Hindi lang ang buhay ni Isabella ang nawala dahil sa‟yo. Pati buhay ni Thunder.”

Nanatiling nakayuko si Storm at hindi magawang tingnan si Jasmine. Ngayon, unti-unti na niyang naiintindihan kung paano umabot ang lahat sa ganito. Kung paano nagawa ni Jasmine na lokohin sila at saktan.

“While my brother was suffering, I saw you guys being fine. I wondered how you guys can still manage to live well after ruining other people‟s lives. Na parang wala kayong nasirang buhay. You were already starting over with your lives while my brother was still trying to stand up and walk again.”

Dahan-dahang iniangat ni Storm ang mukha niya at tiningnan ang luhaang si Jasmine.

“That‟s why I did these things.” seryosong saad ni Jasmine habang nakatitig sa mga mata niya. “Gusto kong sirain ang panibagong buhay na binubuo niyo. Gusto kong makita din kayong nagdurusa. Gusto kong magkasira-sira din ang buhay nyo katulad ng sa kapatid ko. Gusto kong katulad ni Thunder ay hindi na rin kayo makabangon pa. Only then, it will be fair. Only then, it will hurt less.”

Tumango ng dahan-dahan si Storm sa huling sinabi niya. “Tama ka. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit at paano mo nagawang saktan at iwan ako sa ere.”

“I am so sorry, Storm...for everything. If only you know how much I am regretting what I did.”

Iniangat ni Storm ang kanyang mga kamay at dahan-dahang pinunasan ang basang pisngi ni Jasmine. Ang babaeng labis niyang pinoprotektahan at iniingatan ay matagal na pala niyang nasaktan.

“No, Jasmine. Naiintindihan ko. At hinding hindi ako magtatanim ng galit sa‟yo. Kasalanan ko ang lahat at tanggap ko iyon.”

“Just like my brother, hatred consumed me and I didn‟t realize that not only did Isabella and Thunder lose their lives. You lost yours too.”

Saglit na napayuko si Storm. Totoo naman talaga ang sinabi ni Jasmine. Halos nawalan na rin siya ng buhay noon. Walang araw na hindi niya sinisisi ang sarili niya sa nangyare. Walang gabi na hindi siya nagpapakalasing para lang makatulog. Pero ang hindi alam ni Jasmine, ang buhay na nawala kay Storm ay nagbalik noong nakilala siya nito.

Ibinalik ni Storm ang tingin niya kay Jasmine at tinignan niya ito ng napakatagal. Ngayong malinaw na ang lahat para sa kanilang dalawa, sa tingin niya ay wala nang dahilan para guluhin pa niya ang buhay ng dalaga. She needs to start over with her life too. At ang tanging magagawa lang ni Storm upang makatulong sa kanya sa muling pagsisimula ay ang mawala sa buhay nito.

“I think I should let you rest now. Kagigising mo pa lang at masyado na kitang nai-stress.”

Ngumiti ng matamlay si Jasmine bago tumango. “Ikaw din. Kailangan mo din magpahinga at magpagaling kaagad.”

Tila unti-unting sinasaksak ang puso ni Storm habang iniisip na ito na ang huling beses na makikita niya si Jasmine. Hindi man niya kaya pero kailangan.

Tumayo na siya at tinulungang humiga si Jasmine. Inayos niya ang pagkakalagay ng kumot sa dalaga at pagkatapos ay yumuko siya at hinalikan ito sa noo.

Ngumiti si Jasmine sa kanya at kumaway bilang paalam. Wala manlang itong kaide-idea sa plinaplano ni Storm na pag-alis.

“Bago pala ako umalis may gusto pa sana akong malaman.” Saad ni Storm bago tuluyang iwan ito.

Nagtataka naman siyang tiningnan ni Jasmine. “Ano „yun?”

“Gusto ko lang malaman...” humugot muna ng lakas ng loob si Storm bago nagpatuloy. “Sa lahat ng pinakita at ginawa mo sa akin noon, mayroon ba kahit isang beses na totoo at hindi pawang arte lang?”

Saglit na natulala si Jasmine sa kanyang mukha nang itanong niya iyon. Halatang hindi nito inaasahan ang tanong niya. Dahan-dahan itong napayuko at iniwas ang mukha niya. At sa ginawa niyang iyon ay nakuha na ni Storm ang sagot sa tanong niya.

Napangiti ng mapait si Storm at pilit pinipigilang tumulo ang luhang nangingilid sa kanyang mga mata. “How about your feelings for Jack?” tila desperadong tanong niya.

Bumuntong hininga muna si Jasmine bago seryosong ibinalik ang tingin sa kanya. Tinitigan siya ng maigi sa mga mata ni Jasmine bago nito tuluyan siyang sinagot. “My feelings for him are real.”

Dahan-dahang tumango si Storm sa sagot niya. “I see,” saad niya at saka muling pilit na ngumiti. “Oh, paano, una na ako.” Paalam niya.

Tuluyan na niyang tinalikuran ang dalaga at dire-diretso siyang naglakad palabas ng silid na hindi ito nililingon. Nang tuluyan na siyang makalabas at maisara ang pinto ay unti-unti siyang napaupo. Hindi na niya napigilan pa ang mga luhang kanina pa nagbabadya sa pagpatak. Kaagad itong bumuhos at mabilis na binasa ang kanyang magkabilang pisngi.

❄ ❄ ❄

[Summer]

“Jack, sandali!” sigaw ko nang tuluyan ko nang maabutan si Jack sa parking lot ng hospital.

Saglit siyang napahinto sa paglalakad patungo sa kotse niya nang marinig ang boses ko. Nagmamadali akong lumapit sa kanya at huminto sa harapan niya. Ibinaba niya ang tingin niya sa akin pero hindi ko siya nakikitaan ng kahit anong reaksyon. Tila tiningnan lang niya ako upang sabihin ko na kaagad kung ano man ang kailangan ko sa kanya.

Inis akong napakagat sa labi ko dahil sa asta niya. Hindi ko na kaya pang makipaglaro ng walang pansinan sa kanya. Hindi ko na kaya dahil...inaamin ko, hindi ko alam kung bakit pero nasasaktan na ako.

Tuluyan nang naubos ang pasensya ko nang hindi manlang siya nagsasalita at malamig lang akong tinitingnan. Parang wala lang sa kanya na hinabol ko siya. Sa katunayan nga ay parang pinapakita niya pa sa akin na wala siyang interest sa kung ano man ang sadya ko sa kanya.

“Why are you doing this?” naiinis na tanong ko.

Kaagad niyang ikinunot ang noo niya. “Doing what?”

“This!” sigaw ko.

Sarkastik siyang natawa sa sagot ko. “I‟m not doing anything to you, Summer.”

Bigla na lang akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko nang tawagin niya ako sa pangalan ko. May mali sa tono niya kumpara sa paraan niya ng pagbanggit ng pangalan ko noon.

“Ayun na nga eh...” my voice shakes. “Wala kang ginagawa.”

Hindi ko alam kung bakit sa simpleng pagsagot lang niya sa akin ng ganitong paraan ay nasasaktan na ako. Tama naman siya, wala nga naman siyang ginagawa. Pero bakit ganito? Bakit nasasaktan ako?

Napailing siya at natawa ng sarkastik dahil sa napakawalang kwentang sagot ko. “You‟re crazy.” Tanging sagot niya at agad akong tinalikuran.

“Sandali lang,” mabilis na pagpigil ko sa kanya at hinawakan siya sa braso upang iharap sana sa akin pero laking gulat ko nang marahas niyang alisin ang kapit ko sa kanya.

“Don‟t f*cking touch me! Don‟t you know how dirty your hands are?!”

Natulala ako sa mukha niya dahil sa ginawa niyang pagsigaw. Namalayan ko na lang na may luhang nag-uunahang pumatak sa pisngi ko.

“Sh*t, Summer. What‟s wrong with you?” tila frustrate na frustrate na tanong niya at saka napasabunot sa buhok niya.

Mabilis kong pinunasan ang pisngi ko. Stupid tears. Sinong nagbigay permisyo sa inyong tumulo?

Sa itsura niya ay tila iritang irita siyang makita ako at gustong gusto nang umalis. Ganito ba siya kaexcited umuwi para malutuan ng pagkain si Jasmine?

“W-Why?” nauutal na tanong ko.

“What now?” iritableng tanong niya. At talagang pinaparamdam at pinapakita niya sa akin na naiirita siya.

“Why are you being so cold to me?” diretso kong tanong sa kanya.

Saglit siyang natigilan sa tanong ko. Iniwas niya ang mukha niya at saka bumuntong hininga bago ulit binalik sa akin ang tingin niya.

“Let me ask you too. Why are you doing this?” kunot noong tanong niya.

Hindi ko inaasahan ang naging tanong niya at naiwan lang akong nakatulala sa mukha niya. Ang simple lang ng tanong niya pero hindi ko magawang mahanap ang sagot.

Mukhang naiinip na siya sa paghintay sa sagot ko kung kaya‟t napailing na lang siya at akmang aalis pero katulad kanina ay muli ko siyang pinigilan. “Sandali lang...” naiiyak na pigil ko.

Pakiramdam ko ay napakadesperada ko na sa paningin niya pero anong magagawa ko? Hindi ko siya kayang umalis.

Inis siyang humarap sa akin. “Tell me, what do you want?” naiiritang tanong niya.

Hindi ko na kayang pigilan pa ang mga luha ko at hinayaan ko na itong tumulo. Nanatili lang akong nakatingala at nakatingin sa mukha niya. Hindi ko alam kung paano nangyare ito pero pakiramdam ko ay ibang tao na ang kaharap ko.

“Damn, you‟re wasting my precious time.” Tila galit na niyang saad at sa muling pagkakataon ay nagtangka ulit siyang umalis sa harapan ko pero pinigilan ko ulit siya.

“What, Summer? Tell me, ano pa bang kailangan mo sa akin? Kasi naibigay ko na ang lahat ko sa‟yo at ubos na ubos na ako!” sigaw niya.

Tuluyan na akong napahikbi nang sigawan niya akong muli. Hindi ko alam kung bakit ganito. Kung bakit ko ba siya paulit-ulit na pinipigilan pero hindi ko naman masabi-sabi kung ano ba talagang kailangan ko sa kanya.

“Why are you doing this?” umiiyak na tanong ko. “Kung nagkakaganito ka dahil hindi ako nakinig sa‟yo at ipinahamak ko ang sarili ko then I am sorry. Gusto ko lang talagang makatulong dahil hindi ko kayang pabayaan si Storm.”

Natawa siya ng pilit nang marinig ang mga sinabi ko. “Why am I doing this, you ask?” tanong niya habang iritang nakatingin sa akin. Sa asta niya ay tila hindi niya masikmura ang tingnan ako. “Hindi ba‟t ito naman ang gusto mo? Ang lumayo ako?”

Mas lalong nadudurog ang puso ko habang nakatingin sa mga mata niyang nakikita kong punong puno ng galit at hinanakit.

“Ilang beses mo akong tinaboy, Summer. At ngayong tuluyan na akong lumalayo, bakit kailangan mo pa akong pigilan?”

“Dahil ayokong mawala ka!” mabilis na sagot ko.

Sarkastik siyang natawa at napa-iling. “Dahil ayaw mong mawala ako o dahil ayaw mong mapunta ako sa iba?” tila nang-iinsultong tanong niya.

Inis akong napakagat sa labi ko. “Ganyan na ba talaga ang tingin mo sa akin?” hindi makapaniwalang tanong ko.

Muli niyang iniwas ang mukha niya dahil sa tanong ko. “I can‟t understand you anymore.” saad niya. Pinunasan ko ang pisngi ko at napayuko. “Me, neither.”

Natawa siyang muli sa naging sagot ko at ibinalik ang tingin niya sa akin.

“Naalala mo pa ba „yung araw na sinabi kong sana dumating din „yung araw na kailanganin mo ako?” tanong niya. Dahan-dahan akong tumingala at tiningnan ang seryoso niyang mukha. “Pagod na ako pero hanggang ngayon hindi pa rin dumarating „yung araw na „yun.”

Ang mga salitang binitiwan niya...Para silang nagmistulang matatalim na kutsilyo na sinaksak ang puso ko.. Pagod na pagod na siya. Sobrang pagod na.

“I tried so hard to be everything that you need, Summer. I tried so hard to be the right person for you because you said I wasn‟t. I tried so hard not to give up on you no matter how many times you‟ve pushed me away because you‟re everything that I wanted.”

Saglit siyang huminto at nagpakawala ng malalim na paghinga.

“I f*cking tried so hard, Summer. And now I‟m tired...so I‟m going stop trying.”