“This is not a motel, go get a room.”
Sabay kaming napatingin ni Storm sa lalaking bigla na lang nagsalita sa may tabi naming dalawa. Nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa akin ang namumutlang mukha ni Jack. Nakatayo siya sa harapan namin habang bibit niya pa ang IV stand niya kung saan nakasabit doon ang IV fluid na nakakonekta sa kanya.
“If my memory serves me right, you two were supposed to settle my bills so I could finally leave this hell. Unfortunately, with my two eyes, I see you two talking. What are you two doing here? Having a date? You two could‟ve chosen a better place than this germ infested building.”
Napatingin ako kay Storm nang bigla siyang matawa.
“Don‟t you dare laugh at me!” singhal ni Jack.
Itinaas ni Storm ang dalawang kamay niya na tila hudyat ng kanyang pagsuko kay Jack.
“Dude, relax. We‟re just drinking coffee.” Natatawang saad niya.
“This place is a coffee shop now?” inis namang tanong ni Jack.
Pilit pinipigilan ni Storm ang matawa habang ako naman ay awkward na nakapagitna lang sa kanila.
“Coffee, Jack?” natatawang alok ni Storm.
“No thank you, Storm. I‟ll get Summer now, excuse me.” saad niya at hinila ako papunta sa kanya.
Nanlalaki ang mga mata kong tiningnan siya dahil sa ginawa niya. Hindi naman na napigilan pa ni Storm ang sarili at natawa siyang muli. Napa-iling na lang ako dahil sa itsura nilang dalawa. Tila ang kaninang seryosong pag-uusap namin ni Storm ay napalitan kaagad ng nakakatawang eksena dahil sa pag-asta ng ganster na ito.
Sabay-sabay kaming napatingin sa may harapan namin nang hinihingal na dumating ang mga kaibigan nila. Sa itsura nila ay mukhang tumakbo sila papunta rito.
“Damn it, Frost! Bakit bigla ka na lang nawala? Hindi ba‟t sinabi ko na kami na ang maghahanap sa kanila?” hinihingal na tanong ni Andrew.
“How do you expect me to wait there when they‟ve been gone for more than ten f*cking minutes?!” inis na sagot niya sa kanila.
“Seriously? It‟s not like they‟re not coming back.” sagot naman ni Samuel.
“Psh!” ang tanging naging sagot niya at saka iniwas ang mukha.
Sabay-sabay naman silang frustrated na napakamot sa mga ulo nila. “Hay ibang klase!” reklamo nila at saka isa-isang nag-alisan.
Ibinalik ko naman ang tingin ko kay Storm at nakita kong nakangiti lang siya habang umiiling kay Jack. Lumapit siya sa amin at saka niya ipinatong ang isang kamay niya sa kaliwang balikat ni Jack.
“Oh, pano, ayusin ko na muna ang bills mo para makaalis ka na rito. Sa palagay ko naman ay pwede ka nang umuwi dahil nagawa mo ng tumayo at hanapin kaagad si Summer na nawala lang ng ilang minuto sa paningin mo.” Natatawang saad niya.
“Shut up! Get lost!” inis na utos sa kanya ni Jack.
Tumatawang napa-iling si Storm at saka inilipat ang tingin sa akin. “Paano, Summer, iwan muna kita kay Jack ha?” paalam niya at kinindatan ako bago mabilis na umalis.
Nang tuluyan na siyang makaalis ay galit akong hinarap ni Jack. “You‟re a two timing woman.” Inis na saad niya.
Kaagad naman nanlaki ang mga mata ko. “What?!” hindi makapaniwalang tanong ko.
“I think you forgot that we‟re getting married soon.”
Halos malaglag ang panga ko sa narinig. “A-Ano?!”
“Kung ayaw mong i-set ko ng maaga ang engagement party natin, stop entertaining Storm. Got that?” Seryosong saad niya at saka ako hiniwakan sa may wrist ko at hinila pabalik sa kwarto niya.
Pagdating namin sa tapat ng kwarto ay hawak-hawak pa rin niya ako at papasok na sana kami sa loob pero bigla siyang huminto. Tiningnan ko ang mukha niya at napansin kong napakunot ang noo niya. Umatras siya sandali dahilan para mapaatras din ako. Nagulat na lang ako nang agad niya akong binitiwan at hinarap.
“Something‟s wrong. Stay here. Do not go inside. Do not follow me. Understand?”
Hindi na niya ako hinintay pang sumagot. Dahan-dahan siyang humarap sa may pinto at tahimik na pumasok roon. Nang makapasok na siya ay hindi niya gaanong naisara ang pintuan kaya sumilip ako at nakita ang mga kaibigan niya na tila naging mga estatwa sa mga kinatatayuan nila habang nakatulala at nakatingin lang sa hospital bed ni Jack. Inilipat ko ang tingin ko sa kama at nakitang may papel na nakapatong doon.
“Nandyan na „yan pagkabalik namin.” Wika ni Israel.
“Nandito lang rin siya sa hospital at binabantayan tayo.” saad naman ni Drake.
“Do you notice anything unusual around us?” tanong naman ni Jack.
“Wala naman akong napansin. Miski na sumusunod ay wala akong napansin.” Sagot naman ni Andrew.
Lumapit si Jack sa kama at kinuha ang papel na nakapatong doon. Napatakip ako sa bibig ko nang maalalang nakatanggap na rin ako ng katulad sa papel na iyon. Sigurado akong galing kay Thunder iyon.
Binuksan ko ang pinto upang pumasok pero laking gulat ko nang sa sandaling pagtapak ko ng isa kong paa sa silid ay kaagad na may marahas na humatak sa akin papasok at saka malakas akong isinandal sa may dingding. Naramdaman ko na lang din na may kung anong matulis ang nakatutok na sa may leeg ko.
“S-Summer?” Gulat na tawag ni Justine sa pangalan ko na siyang kasalukuyang tulak-tulak ako sa dingding. Para akong hihimatayin sa takot nang makitang patalim ang nakatutok sa leeg ko. “Jeez, I‟m sorry. I thought you were someone else.” Paliwanag niya at mabilis na inilayo ang sarili niya sa akin.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga at nanginginig na napahawak sa dibdib ko pagkalayo niya. Mabilis namang lumapit sina Drake at Andrew at hinawakan ako dahil tila matutumba ako mula sa kinatatayuan ko.
“I‟m sorry. I didn‟t mean to scare you.” Paghingi ng tawad ni Justine.
“Hey!” sigaw ni Jack at mabilis na lumapit sa amin. “Do you guys have any idea who you are touching? Let go of her arm!” Utos niya kina Drake at Andrew at kaagad akong hinila papunta sa kanya.
Napa-iling na lang ang mga kaibigan niya sa ginawa niya. Inis niya akong tiningnan at iniangat ang baba ko upang suriin ang leeg ko kung nasugatan ba mula sa patalim ni Justine.
“Damn, woman. I told you to wait outside.” Galit na sermon niya.
Hindi ko na napigilan pa ang hindi mapakapit sa braso niya. Pakiramdam ko ay matutumba ako dahil sa panginginig ng mga tuhod ko matapos ang ginawa ni Justine. Hindi halata sa kanya na kaya niyang gawin ang tulad sa bagay na „yun. Sa palagay ko kasi ay siya ang pinakabata sa kanila at mukha ring maamo ang mukha niya.
Nagulat na lang ako nang matahimik ulit sila at sabay-sabay na napatingin sa may pinto. Tila napakalakas ng pakiramdam nilang lahat at alam nilang may tao sa may pintuan. Dahan-dahang lumapit sa may pinto si Justine at muli niyang inilabas ang patalim na ginamit niya sa akin kanina.
Napatunayan na may tao nga sa labas nang makita kong dahan-dahang umikot ang knob ng pinto at may pumasok na tao mula roon. Tulad ng ginawa sa akin ni Justine kanina ay hinila niya ang taong pumasok pero napakabilis ng pangyayare at nakita ko na lang na nabitiwan ni Justine ang patalim na hawak-hawak niya at siya na ngayon ang nasa posisyon kung anong posisyon ko kanina pagkapasok.
“What the f*ck, Justine?! Why would you attack me?!” gulat na sigaw ni Storm.
Sabay-sabay silang magkakaibigang napahawak sa ulo nila.
“Damn it, Storm! You should have said it was you before going in!” inis na saad naman ni Drake.
Binitiwan ni Storm si Justine at humarap sa amin.
“What‟s going on?” gulat na tanong niya.
“Thunder left a message while we‟re not here.” Sagot ni Israel.
“What does it say?” tanong ni Storm.
Sabay-sabay silang tumingin kay Jack dahil nasa kanya ang papel. Nagpakawala ng malalim na paghinga si Jack at mabagal niyang nilukot ang papel.
“A warning.” Matipid na sagot niya.
“F*ck. He‟s not going to stop.” Wika ni Andrew at napahawak sa noo niya.
Frustrated silang isa-isang nagsi-upo sa upuan.
“Storm, give me your phone. I‟m calling Morgan.” Biglang utos ni Jack. Inilabas naman agad ni Storm ang cell phone niya at hinagis ito papunta sa kanya. Pagkasalo ni Jack ng cell phone ni Storm ay may number siyang kaagad na dinial.
“Morgan, it‟s me.” Bungad niya. Who‟s Morgan? “St. Peter‟s Medical Center. Be here in twenty minutes. Don‟t forget to buy me two mobile phones.”
Pagkatapos noon ay inihagis na ni Jack pabalik kay Storm ang cellphone at hinila niya ako papunta sa may kama at doon ay sapilitang itinulak paupo. Pare-parehas namin siyang sinundan ng tingin nang pumunta siya sa may mesa sa kabilang bahagi ng kama. Sinalinan niya ang basong naroon ng tubig mula sa pitsel at saka umikot pabalik sa akin.
Nagtataka ko siyang tiningnan nang iabot niya sa akin ang basong napupuno ng tubig. Natahimik rin ang mga kaibigan niya at nagtataka lang ding nakatingin sa kanya.
“You‟re shaking. Drink some water to calm you down.” Saad niya.
Mabagal na nagpalakpakan ang mga kaibigan niya. “Wow! So sweet of you, Snowman!” komento ni Andrew at sabay-sabay silang nagtawanan.
Kinuha ni Jack ang unan sa tabi ko at binato sila. “Shut up before I pull your tongue out of your mouth.” Utos niya.
Awkward ko na lang na kinuha ang tubig na inaabot niya at saka ininom. Naupo siya sa dulong bahagi ng kama at pagkaupo niya ay makahulugan silang magkakaibigan na nagkatinginan.
“So what do we do now?” tanong ni Samuel.
“We don‟t need to do anything. We‟ll just have to wait.” Sagot ni Drake.
“This is not the right place to talk about this. We‟ll meet at the hideout soon as I drop Summer at her place.” Sagot ni Jack sa kanila.
Tumango naman sa kanya ang mga kaibigan niya. Mayamaya rin ay tila walang nangyare at balik ulit sila sa pag-aasaran. Kanya-kanya sila sa paglalaro sa mga cellphone nila at pagpapataasan ng score. Natigil lang sila sa ginagawa nila nang biglang may kumatok sa pintuan. Sabay-sabay silang napatayo at nagkatinginan.
Lumapit si Storm sa may pintuan.
“Code?” mahinang bulong ni Storm.
“White Christmas.” Sagot mula sa may pintuan at boses matandang lalaki ito.
“It‟s Morgan.” Saad ni Storm at binuksan ang pinto.
Mula sa pinto ay pumasok roon ang isang lalaking halatang nasa 40-50s na ang edad. Nakasuot siya ng itim na suit at may dala-dalang paper bag. Yumuko siya sa amin tila paraan na rin niya ng pagbati.
“It‟s been a while, Morgan.” Bati sa kanya ni Justine.
Ngumiti lang ang matandang lalaki sa kanya at saka inilipat ang tingin kay Jack na nakaupo sa dulo ng kama kung saan din ako nakaupo.
“Everything‟s ready, Mr. Frost.” Pormal na wika niya.
Napatingin ako kay Jack at nagulat ako nang hilain niya paalis ang karayom na nakatusok sa kanya at nakakonekta sa IV fluid. Agad siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa may wrist. “Let‟s go.” saad niya at sinimulan na niya akong hilahin.
“See you later.” Paalam niya sa mga kaibigan niya nang hindi manlang sila tinitingnan. Hindi na rin ako nagkachance pa magpaalam sa kanila dahil mabilis niya akong kinakaladkad.
Pagkarating namin sa labas ng hospital ay isang itim na sasakyan ang huminto sa harapan namin. Pinagbuksan ako ng pintuan ni Jack at sapilitang ipinasok sa loob. Pagkapasok ko ay nakita ko kaagad na si Morgan ang nagmamaneho. Pagkasakay ni Jack ay sinimulan na niyang magmaneho paalis.
Ilang sandaling namagitan ang katahimikan sa pagitan namin. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nakaramdam ng pagkailang. Napatingin ako kay Jack nang kunin niya ang kulay puting paper bag na dala-dala kanina ng tinatawag nilang Morgan. May inilabas siyang isang puting maliit na kahon na may nakalagay na „iPhone‟ at iniabot sa akin. Nagtataka ko siyang tiningnan at hindi kinuha iyon.
“Take it.” Utos niya.
“Bakit ko kukunin iyan?” nagtatakang tanong ko.
“Because I‟m giving it to you.” Mabilis na sagot niya.
“So kapag ba bigay mo ay dapat tanggapin ko?”
Inis niyang naisuklay ang daliri niya sa buhok niya bago ibinalik ang tingin sa akin. “Look, I‟m afraid something would happen to you and I wouldn‟t know it. That‟s why I‟m giving you this, so you can call in case something bad happens.” Seryosong saad niya habang nakatitig sa mga mata ko.
Tila nalunok ko ang dila ko at hindi magawang sagutin siya. Kinuha niya ang isa pang kahon na nakalagay sa paper bag at inilabas niya roon ang isa pang iPhone. “I‟ll be using a new phone too since I lost the old one because of your stupid decision about studying in Avellino High.” Ngitngit niya.
Binuksan niya ang kahon na ibinibigay niya sa akin at inilabas roon ang kulay gray na iPhone. Halos kamukha ito ng nawala niyang iPhone. May kung anu-ano siyang pinagpipindot doon at nang matapos na siya ay kinuha niya ang kamay ko at ipinatong doon ang iPhone.
“I already saved my number and Storm‟s number there. You must always call me first if something happens, okay? Just on case I‟m not answering your call, that‟s the only time you can call Storm, got that?”
Nanatili akong walang imik at nakatingin lang sa kanya.
“I will do everything to keep you safe, Summer. I don‟t mind killing them all. I don‟t mind going to jail. I don‟t mind going to hell for you.” Seryosong saad niya.
Kaagad kong naramdaman ang pag-init ng mukha ko matapos marinig ang sinabi niya.
“You have no any idea of what risk I‟m putting myself into, Summer.” Saad niya.
“R-Risk?” kinakabahang tanong ko.
“Risk of falling in love…again.” Diretsong sagot niya.