noveltoon logo noveltoon
By the way, his name is Jack Frost

Chapter 40

Ch. 40 / 47 Feb 05, 2022

“W-What?” ang tanging salitang lumabas mula sa mga labi ni Storm matapos marinig ang sinabi ni Jasmine. Bakas sa mukha niya ang labis na pagkabigla sa natuklasan. Maging ako ay aminado rin na hindi ito inaasahan. Anong ibig niyang sabihin na siya ang superior nila? Ibig sabihin ba noon ay kalaban siya? Na friname up niya lang kami?

Kahit na narito na sa harapan ko ang sagot sa mga katanungan ko ay hindi ko pa rin magawang ipasok sa utak ko ang katotohanan. Paanong naging si Jasmine Hererra ay isang kalaban? For we all effin‟ know, Jack and Storm love her so dearly! Anong ibig sabihin nito?

“Kahit kailan talaga, hindi mo pa rin ginagamit ang utak mo, Storm. Anong klaseng pag-iisip ba ang meron ka at naisipan mong pumasok mag-isa rito?” matapang na tanong ni Jasmine.

Ibang iba ang itsura niya ngayon at halos hindi ko na siya makilala. Nawala na ang mala-anghel na imahe niya.

“What the hell is going on?” gulong-gulong tanong ni Storm sa kanya.

“Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin alam? Wow, I didn‟t know you were that stupid.”

Naisara ko ang kamao ko matapos marinig ang sinabi ni Jasmine. Hindi ko napigilan ang sarili ko at nakisabat na sa kanila. “I didn‟t know you were that evil.” Puno ng galit na saad ko.

Mabilis na nalipat ang atensyon niya sa akin. She crossed her arms at bahagyang lumapit sa akin pero mabilis na humarang si Storm sa daraanan niya. Natawa naman siya ng napakasarkastik sa ginawa ni Storm.

“Dalawang pathetic. Wow, perfect match.” Sarkastik na puri niya.

Mas lalo akong napuno sa sinabi niya. “Paano mo nagagawang sabihin iyan? Hindi mo ba naisip na kaya nagkaganyan si Storm ay dahil sa pag-aakalang napahamak ka? Hindi mo ba naisip na kaya naglakas loob pumasok si Storm dito mag-isa ay dahil nais ka niyang iligtas?!” tuluyan nang napataas ang boses ko.

Tama ako. Noong unang kita ko pa lang sa kanya ay alam ko nang may masamang halimaw ang nagtatago sa likod ng mala-anghel niyang mukha.

“Well, my dearest super heroes, you should‟ve known what you did is not f*cking heroic. It‟s f*cking suicide.”

Inis na lang akong napakagat sa labi ko at hindi na magawa pang sagutin siya dahil tama siya. Isang suicide talaga ang ginawa namin ni Storm. Tapos ganito pa ang kinalabasan. Hindi namin inaasahan ito. Para kaming naambush attack.

“Why, Jasmine?” nanghihinang tanong ni Storm.

“I have my reasons.” matipid na sagot ni Jasmine at saka dali-daling lumakad palayo sa amin.

“Jasmine…” Saglit siyang natigilan sa pag-alis nang tawagin ni Storm ang pangalan niya. “Thank you…”

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Storm. Si Jasmine naman ay naguguluhang lumingon sa kanya.

“Thank you,” ulit ni Storm. “Thank you for being okay.”

Halata sa reaksyon ni Jasmine na hindi niya inaasahang marinig iyon mula kay Storm. If I were her I‟m pretty sure she‟s expecting Storm to loathe her and curse her to death, but it turned out this way.

“Isa lang ang nasa isip ko habang tinataya ko ang buhay ko papasok dito. Iyon ay ang masiguradong okay ka. At ngayon na nakikita kong nakatayo ka sa harapan ko na walang galos at pasa, makakahinga na ako ng maluwag. Kaya salamat.”

Saglit na namagitan ang katahimikan sa pagitan namin hanggang sa unti-unting natawa ng sarkastik si Jasmine nang makabawi na siya mula sa pagkabigla sa mga sinabi ni Storm. “You‟re indeed pathetic.” tanging nasabi niya at saka tuluyan nang umalis.

Pagkalabas ni Jasmine ay nagulat na lang ako nang makitang matutumba si Storm.

“Storm!” sigaw ko at dali-daling tumakbo papalapit sa kanya at sinalo siya. “Oh my God. Ayos ka lang ba?” puno ng pag-aalalang tanong ko at dahan-dahan siyang inalalayan paupo sa sahig.

Pagkaupo namin ay nanatili lang siyang nakayuko at nakatulala. Nagulat na lang ako nang may luhang nag-uunahang tumulo sa kanyang magkabilang pisngi.

“S-Storm...” nanghihinang tawag ko sa kanya.

“He‟s right.” Saad niya at saka ngumiti ng pilit habang may mga luhang patuloy na bumubuhos sa kanyang pisngi. “It hurts so bad.”

Wala akong ibang nagawa kundi ang panuorin lang siyang tahimik na lumuluha sa tabi ko. Nais ko siyang icomfort pero wala akong mahanap na tamang salita na siyang magpapatahan sa kanya. Hindi ko maimagine ang pighati na pinagdaraanan niya ngayon. He literally gave up everything for that girl yet in the end, he ended up being alone and betrayed.

Mas lalo nang namumutla ang mukha niya ngayon kumpara kanina. Nagpatong-patong na lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon. Pero alam kong kumpara sa sakit sa natamo niyang saksak ay di hamak na mas masakit ang sakit sa puso na pinagdaraanan niya ngayon. And it‟s funny how all I could do is to watch him go through it all.

Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas simula nang makulong kaming dalawa ni Storm. Mabuti na lamang at nakatulog siya. Hinayaan ko siyang matulog muna sa may hita ko, at kahit na namamanhid na ako kanina pa ay tiniis ko na lang para matakasan niya muna ang bangungot na dala ng reyalidad sa kanya.

Napatingin ako sa may pintuan nang dahan-dahan itong bumukas. May isang lalaki ang pumasok habang may dala-dala siyang tray na naglalaman ng pagkain. Mukhang kahit na mamamatay na kami dito ay gusto pa rin nilang busog kami.

Dahan-dahan kong iniayos ang ulo ni Storm at ipinatong muna sa may sahig. Mabuti na lang at hindi siya nagising.

Inobserbahan ko lang ang lalaking may dala-dalang tray. Mukhang nautusan lang talaga siyang maghatid ng pagkain sa amin. Hindi ko alam kung tama ba ang naiisip ko pero mukhang ito lang ang tanging paraan para makaalis kami. Ibinalik ko ang tingin kay Storm na mahimbing na natutulog. Huwag kang mag-alala, Storm. Iaalis kita rito.

Tinignan kong muli ang lalaking bagong pasok. Sinuri ko muna kung may nakakamatay bang armas na nakalagay sa bulsa niya at nakahinga ako nang maluwang dahil wala. Tumingin ako sa paligid at humanap ng bagay na maari kong gamitin laban sa kanya pero wala akong ibang nakitang pwedeng gamitin kundi ang tray lang na dala-dala niya.

Sinasabi ng isip ko na this is not a good idea, definitely it isn‟t, pero kung hindi ako kikilos ngayon, hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari.

Nakarating na nang tuluyan sa harapan namin ang lalaki. Saglit siyang yumuko upang ipatong sa harapan namin ang tray. “Your dinner.” saad niya.

Pasimple akong sumilip sa likuran niya at nakita kong naiwan niyang bukas ang pintuan. Aalis na siya pero kaagad ko siyang pinigilan.

“Sandali,” pigil ko. Iritable niya akong tiningnan. “I need to pee. Where‟s the comfort room?” tanong ko at saka dahan-dahang tumayo.

Sarkastik siyang natawa at napakamot sa kilay niya. Bigla na lang nagtaasan ang balahibo ko. Masyado ata akong nagpalinlang sa mukha niya. Nakakatakot pala siya.

“Tingin mo ba talaga magagamit mo sa akin ang taktikang iyan? Masyado ka nang makaluma, mag-isip ka naman ng bago.” Saad niya.

“Ah, ganun ba.” Mabilis kong sagot at bigla-bigla ay sinipa ko siya sa may pagitan ng kanyang hita.

“Uggggghhhh!” kaagad siyang napahawak sa sinipa ko at namimilipit na napaupo.

Kinuha ko naman ang pagkakataong ito upang tumakbo papuntang pintuan. Nagmamadali akong lumabas roon at mabuti na lang dahil walang ibang tao na nag-aabang sa may labas. Patuloy lang ako sa pagtakbo at minabuti na lang na huwag lumingon dahil baka marami ang humahabol sa akin.

Sa sobrang laki ng paaralan ay hindi ko alam kung saan ako nakarating. Madilim na sa buong campus dahil gabi na at walang mga ilaw ang hallway. Ang kailangan kong gawin ay ang makahanap ng paraan upang makalabas sa school na ito at humingi ng tulong sa mga pulis.

Magsisimula na sana ulit akong maglakad upang ipagpatuloy ang paghahanap ng exit pero kaagad akong natigilan nang maramdaman ko ang isang malamig na metal na dumikit sa may sintido ko. Nanlamig ang buong katawan ko nang tingnan ko ang metal na nakatutok sa akin at nakitang isa itong baril.

“Don‟t confuse stupidity for bravery, Summer.” Saad niya at saka kinasa ang baril habang nakadikit pa rin ito sa aking sintido.

“J-Jasmine.” Nanginginig na tawag ko sa kanya.

“Bang!” bulong niya at diniin lalo sa sintido ko ang baril bago tuluyang inalis.

Halos mapaupo na ako sa kinatatayuan ko sa sobrang takot nang ilayo niya ang nakakatakot na metal na iyon sa akin.

“Nakakatawa ka. Hindi ko inakala na ganyan ka pala talaga katanga.” Pangkukutya niya. Lumapit siya lalo sa akin at hinawakan ako nang mahigpit sa braso ko. “Tingin mo ba sa gagawin mo ay makakatulong ka? Sa gagawin mong iyan ay papatayin nila si Storm. Naisip mo ba iyon bago mo siya iniwang duguan mag-isa?”

Natatakot kong tiningnan ang mukha niya at may nakita akong kakaiba sa mga mata niya. Hindi ko alam kung tama ba ang interpretasyon ko rito pero tila may pake rin siya kay Storm.

“Huwag mong sayangin ang napakarami kong effort para iligtas ang buhay nyong dalawa. Maswerte kayo‟t hanggang ngayon ay humihinga pa rin kayo.” Saad niya at saka ako hinila ng marahas pabalik sa dinaanan ko.

Hindi ko maintindihan kung tama ba ang mga narinig ko mula sa kanya o kung tama ba ang iniisip ko. She‟s trying to save us? What does she mean?

Pagkabalik namin sa silid na pinanggalingan namin ay bumungad sa akin ang napakaraming gangster na nakapalibot kay Storm. Nakita kong ang iba pa sa kanila ay may hawak-hawak na baseball bat. Kaagad akong kinabahan nang mapansing may mga dugo ang dulo ng baseball bat na hawak-hawak nila.

“S-Storm!” sigaw ko at mabilis na tumakbo papunta sa kanya. Hinawakan ko ang mukha niya at hinarap sa akin. “Oh my God, Storm, sinaktan ka ba nila?” naiiyak na tanong ko.

“S-Summer...” nanghihinang tawag niya sa akin. Napatakip ako sa bibig ko nang may dugo ang bigla na lang dahan-dahang tumulo mula sa ulo niya. Tuluyan na akong napahagulgol.

“Mga hayop kayo! Paano niyo nagawang saktan ang taong walang kalaban-laban?!” sigaw ko sa mga lalaking nakapalibot sa amin.

Nagulat ako nang biglang may humila sa buhok ko, nang tingnan ko kung sino ito ay kinalabutan ako nang makitang si Thunder ito.

“Nakita mo na ang resulta ng pagiging padalos-dalos mo?” tanong niya habang nanatiling hila-hila ang buhok ko.

“B-Bitiwan m-mo siya.” hirap na hirap na saad ni Storm at sinubukan siyang itulak palayo sa akin pero iniwasan lang ni Thunder ang kamay niya dahilan para nanghihina siyang napahiga sa sahig.

“S-Storm!” puno ng pag-aalalang tawag ko sa kanya habang patuloy sa pagbuhos ang mga luha ko. “Storm...” umiiyak na tawag ko sa kanya.

Napahawak ako sa may ulo ko nang mas lalong hilahin ni Thunder ang buhok ko. “Hindi na uso ang magpakabayani sa mundong ito, Summer. Ikaw lang ang gumagawa ng dahilan ng ikapapahamak nyo, hindi ako.”

Nanlulumo at puno ng galit ko siyang tiningnan. “Nakakaawa ka.” Puno ng pait na saad ko.

“Anong sinabi mo?” hindi makapaniwalang tanong niya.

“Nakakaawa ka.” Ulit ko.

Hindi siya makapaniwalang natawa at mas lalong hinila ang buhok ko. Masakit man pero hindi ko iyon ininda at nanatiling masamang nakatingin sa kanya.

“Ikaw na ang pinakamababang klase ng tao na nakilala ko, Thunder. Nakakaawa ka. Punong puno ng puot at galit ang pagkatao mo. Hindi ko alam kung paano mo pa nagagawang mabuhay sa mundo—”

Isang napakalakas na sampal ang nagpatigil sa akin sa pagsasalita. Mabilis kong nalasahan ang dugo mula sa pumutok kong labi resulta ng pagkakasampal niya. Imbes na ipakita sa kanya na nasaktan ako ay ibinalik ko lang ang masamang tingin ko sa kanya at unti-unti siyang tinawanan.

“Hindi ko magawang masikmura na nagawa mong hawakan ako. Hindi kaya mahawa ako sa kasamaan mo?” inis na tanong ko.

Isang malutong na sampal ang muli kong inabot sa kanya. Saglit akong natigilan pero unti-unti lang ulit akong natawa sa ginagawa niya. Ibinalik ko ang tingin sa kanya. “Nakakaawa ka talaga.” ulit ko.

Umasta siyang sasampalin sana ulit ako pero natigilan siya nang isang pamilyar na boses ang biglang nagsalita.

“Touch her again and I swear I‟m going to f*cking kill you and your entire family line, Thunder.”

Ang mga salitang iyon... Ang boses na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali.

Dahan-dahan kong inilipat ang tingin ko sa direksyon kung saan nanggaling ang boses at tama nga ako. “Jack...” mahinang tawag ko sa pangalan niya.