Sinubukan kong umasta nang maayos matapos marinig ang mga sinabi ni Jack. Binalewala ko ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko at saka umubo ng pilit. Awkward kong ibinalik ang tingin sa saranggolang mapayapa pa ring lumilipad.
“Ang dami mo pa palang hindi naeexperience.” Saad ko para hindi niya mapansin na bigla na lang akong hindi naging komportable sa pag-uusap naming dalawa. “Mabuti pa sigurong bumalik na tayo kela Mama.” Saad ko at saka ibinalik sa kamay niya ang sinulid na nakakonekta sa saranggola.
Mabilis akong naglakad palayo sa kanya at hindi na nag-atubiling lingunin siya.
“Summer, wait.” Pigil niya pero hindi ako huminto.
Nagulat na lang ako nang bigla na lang siyang nakarating sa harapan ko at hinarangan ako sa pag-alis.
“What the f*ck is wrong?” Tila naiinis na tanong niya.
“W-Wala.” Naguguluhang sagot ko. Wala naman hindi ba?
“Don‟t walk away from me like that. Damnit!”
Tiningala ko ang mukha niya at nakitang frustrated siyang nakasabunot sa sarili niya.
“Tell me what is wrong. What did I do wrong?” Pilit niya.
“Sinabi ko na „di ba? Wala nga.” Ulit ko.
Bumuntong hininga siya at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko.
“Don‟t act this way. It scares me.” Seryosong saad niya.
Kunot noo naman akong napatitig sa mukha niya. It scares him? W-What?
Bumuntong hininga ulit siya at saka inalis ang kamay niya sa balikat ko. Nanatili akong nakatulala sa kanya at hindi malaman ang dapat ireact. Frustrate siyang napahawak sa noo niya bago nagpakawala ng malalim na hininga.
“Do I make you uncomfortable? „Cause I don‟t want you to feel that way with me.” Saad niya.
“N-No. You don‟t.” Mabilis na sagot ko.
“Okay. I‟ll hold on to that.” Sagot niya at nagulat na lang ako nang bigla niya akong hilahin papunta sa may likuran niya.
“Did you just let me see your sweet side, Snowman?” Mapang-insultong tanong mula sa taong hinding hindi ako pwedeng magkamali kung sino.
“I did wonder how long you were going to watch us, but now that you‟ve shown yourself … I must say you‟re still impatient, Thunder.” Sagot ni Jack sa kanya.
“You f*cking killed my men. How do you expect me to become patient?”
132
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi niya. J-Jack killed someone?
“Lesson learned then, Thunder? You didn‟t take my words seriously.”
Humigpit ang kapit ko sa damit ni Jack. Is he confirming that he killed someone? Napabitiw ako sa pagkakahawak sa kanya. He kills people? He kills? The idea horrifies me. Hindi kayang tanggapin ng utak ko ang idea na iyon. Lumingon siya sa akin at nakita niya ang hindi maipaliwanag na reaksyon ko. Oh, please. Tell me hindi totoo ang narinig ko.
“I see that was a turn off, Frost. That‟s pretty bad.” Mapang-asar na saad ni Thunder.
Nagkasalubong agad ang tingin namin ni Thunder nang ilipat ko ang tingin ko sa kanya. Mapang-asar siyang ngumiti sa akin dahilan para makaramdam agad ako ng takot. Nagsimulang humakbang papalapit sa amin si Thunder pero pinilit kong huwag humawak kay Jack kahit na natatakot na ako.
“What a priceless view we have here. I have never seen your reaction this miserable, Jack Frost.” Puna ni Thunder at inilipat ang tingin sa akin. “Oh, dearest Summer, look what you have done to him. Poor, Frost.” Saad niya at hahawakan niya sana ako sa pisngi pero kaagad hinawakan ni Jack ang kamay niya.
“What the f*ck is so hard to understand with leave her f*cking alone?” Malamig na tanong niya at saka itinapon pabalik kay Thunder ang kamay niya.
Natawa naman si Thunder at mas lalong lumapit sa amin. “Don‟t you ever forget, Jack Frost, that love ruins people.” Wika niya at nagulat na lang ako nang bigla niyang suntukin si Jack sa tiyan. Hindi pa siya nakuntento at mas idiniin pa niya ang kamao niyang nakatama na sa tiyan ni Jack.
“S-Stop! Oh God, stop!” Pigil ko at itinulak siya nang malakas palayo.
Tumingin siya sa akin at binigyan ako nang mapang-asar na ngiti bago ibinalik ang tingin kay Jack.
“Stop showing me your weak points, Snowman.” Saad niya at saka mabilis na umalis sa harapan naming dalawa.
Walang pagdadalawang isip na pumunta kaagad ako sa harapan ni Jack. Para akong nabuhusan nang napakalamig na tubig nang makitang unti-unti nang nababasa ang damit niya ng sarili niyang dugo.
“J-Jack.” Nanghihinang tawag ko sa kanya. “Kailangan na kitang dalhin sa hospital.” Saad ko.
“N-No.” Nahihirapang saad niya at saka unti-unting napaluhod sa harapan ko.
Hindi ko malaman ang gagawin habang pinapanuod siyang nahihirapan.
“Jack, please. Dadalhin na kita sa hospital. Please.”
Tumingin ako sa paligid namin at wala pa namang nakakapansin sa amin dahil busy sila sa pagpapalipad ng saranggola. Ibinalik ko ang tingin sa kanya at nakitang ang isang kamay niya ay nasa may tiyan niya at pilit pinipigilan ang paglabas ng dugo mula sa saksak niya.
“Jack…” tawag ko sa kanya. Iminulat niya ang mga mata niya at tiningnan ako na kanina pa umiiyak dahil sa panunuod sa kanya. “Please.” Pagmamakaawa ko.
Matagal niya akong tinitigan bago unti-unting natawa at napa-iling. “Okay.” Mahinang saad niya.
❄ ❄ ❄
Tahimik kong pinapanuod si Jack habang mapayapang natutulog nang isang nurse ang pumasok sa kwarto kung saan siya kasalukuyang nakaconfine.
“Miss, mas makakabuti po sa inyo kung babalik na muna kayo sa kwarto nyo. Dahil sa nabawas na dugo mula sa inyo ay maaring nahihilo pa kayo ngayon.” Concern na wika ng nurse.
Nginitian ko muna siya bago ako dahan-dahang umiling. “Ayos lang ako, Nurse. Mas mahihilo siguro ako kung nasa kabilang kwarto ako at walang ibang iniisip kundi siya.” Sagot ko at saka ibinalik ang tingin sa gangster na mahimbing pa ring natutulog.
Kagagaling lang niya sa operating room kung saan tinahi nila ang sugat mula sa saksak na natamo niya. Ako ang nagpumilit sa kanya na pumunta sa hospital kaya hindi ko siya pwe-pwedeng iwan. Gusto kong kapag nagising na ulit siya ay ako ang unang-una niyang makikita. Ayokong iwan siya lalo na‟t alam ko kung gaano niya kaayaw ang hospital.
Napatingin ako sa may parte ng braso ko kung saan ay may bulak na nakatape. Sa parteng iyon nila ako kinonektahan ng tube at kinunan ng dugo para isalin kay Jack. Mabuti na lang talaga at napilit ko siyang dalhin sa hospital dahil kung hindi ay baka raw naubusan na siya ng dugo sa katawan.
Ang buong akala ko ay sa television lang nangyayare ang sitwasyon kung saan ay hindi masasalinan ng dugo ang pasyente dahil naubusan na ang mga blood bank ng type AB na dugo at tanging donor na lang ang maasahan. Buti na lang at type AB rin ako kung kaya‟t nasalinan siya kaagad ng dugo. Ngayon, bukod sa isa siyang arrogant gangster at Jack Frost ang pangalan niya, alam ko na rin kung ano ang blood type niya.
“Sige po, kung „yan po ang gusto ninyo. Pero huwag po muna kayong masyadong maggagagalaw. Kung may kailangan po kayo ay tawagin nyo na lang po ako.” Paalam ng nurse at saka lumabas ng silid.
Muli kong ibinalik ang tingin kay Jack na mahimbing na natutulog. Namumutla pa rin ang mukha niya pero hindi na katulad kanina. Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko nang makitang dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya. Kaagad akong lumapit sa tabi niya at nagsalubong agad ang mga tingin namin.
“G-Gangster…” mahinang tawag ko sa kanya.
Dahan-dahan siyang ngumiti. “Can we leave now?” Nanghihinang bungad niya.
“Not yet.” sagot ko at pilit na pinipigilan ang maiyak sa harapan niya. Hindi ako sanay na makita siyang ganito. Na mahina. Na nanghihina.
Napakunot ang noo niya nang mapatingin siya sa may parte ng braso ko kung saan ay may bulak na nakatape. “What the f*ck happened to you? Are you okay?” nag-aalalang tanong niya at babangon sana pero kaagad kong hinawakan ang magkabilang balikat niya at pilit na ibinalik siya sa pagkakahiga.
“Ayos lang ako, ano ka ba? Sarili mo ang dapat na inaalala mo. Remember, ikaw ang pasyente.” Saad ko.
“Damn. The only bed I want is my bed and your bed. I hate to lay here. F*ck!” reklamo niya.
Naramdaman ko na lang na uminit ang mukha ko nang banggitin niya ang tungkol sa kama ko. Errr.
“Tatawagin ko lang „yung nurs—”
“No, don‟t leave.” Pigil niya.
“Pero okay ka na ba?” Nag-aalalang tanong ko.
Napatingin ako sa kamay niya nang dahan-dahan niya itong iniangat at hinawakan ang kamay ko. “Now, I am.” Sagot niya nang mahawakan na niya ako.
Iniwas ko ang tingin ko pero hinayaan ko siyang hawak-hawak pa rin ako.
“Do I make you uncomfortable?” mahinang tanong niya.
Ibinalik ko ang tingin sa kanya at nakitang seryoso siyang nakatitig sa akin. Napabuntong hininga ako.
“Gangster, you don‟t make me feel uncomfortable. You frustrate me. All the time. I hope you know that.” Saad ko at saka siya inirapan.
Kaagad naman siyang nagpakawala ng malawak na ngiti.
“The feeling is mutual, then.” Nakangiting sagot niya.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Sabi ko he doesn‟t make me feel uncomfortable pero bakit na-a-awkwardan ako sa sitwasyon namin ngayon? Tiningnan ko ang kamay kong hawak-hawak niya at tila wala na ata siyang balak bitawan ito. Parang kailan lang, ayaw na ayaw niyang hinahawakan siya dahil baka mahawaan siya ng germs. At parang kailan lang din ay ayaw na ayaw kong hinahawakan niya ako dahil nakakairita ang pagiging maarte niya. Ugh. Since when did we two become such good friends?
Mabilis kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang isang nurse.
“Oh, gising ka na pala.” wika nito pagkalapit sa amin.
“Obviously.” Tila naiiritang sagot ni Jack.
Napakunot ang noo ko dahil sa inasal niya. Tiningnan ko ang reaksyon ng nurse at mukhang naoffend siya sa asal ng aroganteng gangster na „to.
“Uhm, gusto ko lang po sanang malaman kung nasabi niyo na sa pamilya nyo ang nangyare sa inyo. Mas makakabuti po kasi sana kung makakausap ng doctor ang magulang o di kaya ang guardian nyo para masabi ang sitwasyon nyo at para na rin may mag-asikaso ng bills nyo.” Saad ng nurse.
Malamig na tumingin sa kanya si Jack at binigyan siya ng mapang-asar na ngiti. “Family? Parents? Guardian?” Tila nang-iinsultong tanong niya. Tumawa siya ng napakasarkastik bago naging seryoso ang mukha niya. “I don‟t have any of those.” Seryosong sagot niya.
“A-Ah ganun po ba,” halatang natatakot na saad ng nurse. “S-Sige po. Babalik na lang po ulit ako mamaya.” Paalam nito at aalis na sana pero natigilan siya nang magsalita muli si Jack.
“I have someone who can settle my bills. I don‟t have a phone but will you call him for me?”
Pinagmasdan kong maigi ang mukha ni Jack. Wala pa ring pagbabago sa ekspresyon niya. Seryoso lang siyang nakatingin sa nurse at tila naiirita siya sa pakikipag-usap rito.
“A-Ah, sige po. Pakisulat na lang po ang number niya at tatawagan ko na lamang po siya.” Sagot ng nurse at saka siya inabutan ng papel at ballpen.
Tila nagdadalawang isip naman si Jack kung kukunin niya ang mga iyon. Hay, napaka-arte niya talaga.
“Uhm, nurse, pwede bang ikaw na lang ang magsulat? I-di-dictate na lang niya sa‟yo „yung number.” Singit ko sa kanila.
Nang ilipat ni Jack ang tingin niya sa akin ay binigyan ko na lang siya ng pilit na ngiti. Ibinalik niya ang tingin sa nurse at saka niya idinictate rito ang number ng taong tinutukoy niya.
“Uhm sige po. Tatawagan ko na po siya. Salamat,” halatang naiilang na paalam ng nurse.
Nagsimula na siyang maglakad papunta sa pintuan pero napatigil siya nang may pahabol pa si Jack.
“His name is Storm Williams.”
Saglit akong natigilan nang marinig ang pangalan ni Storm. Unti-unti ay bumalik sa alaala ko ang naging pag-uusap namin noong isang gabi.
“O-Okay po.” Sagot ng nurse at tuluyan nang lumabas.
Nang masarado na niya ang pintuan ay ibinalik ko ang tingin kay Jack. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga at mukhang frustrated siya.
“Ayos ka lang ba?” tanong ko.
Seryoso niya akong tiningnan bago siya biglang natawa ng pilit.
“If only you have any idea…” saad niya at napa-iling.
Napakunot ang noo ko nang mapansing tila nagbalik na siya sa natural na ugali niya. Hindi iyong tulad kanina na napakaseryoso.
“Bakit ganun ang trato mo sa nurse kanina?”
Kaagad nagbago ang ekspresyon niya at iniwas niya ang tingin sa akin.
“Because they‟re useless.” Malamig na sagot niya.
“Useless?” hindi makapaniwalang tanong ko.
Ibinalik niya ang tingin niya sa akin at seryoso niya akong tiningnan sa mga mata.
“Look, I don‟t trust any of them. They are only good in giving false hope. They are all useless.” Puno ng pait na sagot niya.
Napakunot ang noo ko dahil sa naging sagot niya. Hindi lang ba hospital ang ayaw niya kundi maging ang mga hospital personnel?
Magsasalita sana ako upang sagutin siya pero laking gulat ko nang marahas na bumukas ang pintuan ng silid at nagmamadaling pumasok roon ang mga lalaking iba‟t-iba ang kulay ng buhok.
“Jack!” Puno ng pag-aalalang sigaw nila.
Inis na napahawak si Jack sa noo niya dahil sa biglaang pagdating ng mga kaibigan niya.
“As far as I can remember, I only asked that stupid nurse to call you, Storm.” Wika niya.
Nalipat ang tingin ko kay Storm na nakatayo sa harapan ni Jack. Naalala ko na naman ang naging usapan namin. Pakiramdam ko ay nahihiya akong harapin siya ngayon..
“Magkakasama kami kaya sumama na rin sila. Anong nangyari? Wala ka namang bang ginawang masama sa nurse o doctor mo?” Seryosong tanong ni Storm.
“So mas nauna mo pang itanong kung may ginawa ba akong masama sa kanila kaysa kumustahin ako?”
Napakunot naman ang noo ko nang sabay-sabay silang nagpakawala ng malalim na paghinga.
“Wag na tayong maglokohan, Jack. We know you damn too well.” Saad ni Justine.
“Well, kung nandito pa rin siya, I think wala pa siyang sinasaktang nurse o doctor.” Singit naman ni Drake. Sinasaktan? Ganoon ba talaga siya kabayolente?
Natawa na lang si Jack sa kanila. “Well, you guys do me a favor then. Alisin niyo na ako rito. I can‟t imagine staying here for more f*cking hours.” Saad niya sa kanila.
“What are you doing here, anyway? You‟re not someone who‟ll go to places like this.” Ika naman ni Samuel.
“She brought me here.” Sagot ni Jack at saka iniwas ang mukha niya sa kanila.
Sabay-sabay naman silang napatingin sa akin at nasalubong ko kaagad ang tingin ni Storm. Nagulat na lang ako nang may isang marahas na kamay ang humawak sa akin.
“Man, easy!” utos ni Justine kay Israel na kasalukuyang nakahawak sa akin. Psh. Bakit ba hilig niyang hablutin ako? Ganito ba talaga niya ako kinaiinisan?
“Do you have any idea on what you just did? Masyado ka na ba talagang pakialamera? Bakit dinala mo ulit siya sa hospital?!” galit na tanong niya sa akin.
Inis akong napakagat sa labi ko at iniwas na lang ang mukha ko sa kanya. Ayokong mag-aksaya ng oras para makipagtalo sa kanya.
“Let go of that arm, Israel. Hinayaan ko siyang dalhin ako rito.” Saad ni Jack.
Sabay-sabay naman nilang ibinalik ang mga tingin nila kay Jack.
“What?!” hindi makapaniwalang tanong nila.
So ganito pala talaga ka-big deal ang pagsama niya sa akin sa hospital?
Nang hindi sumagot sa kanila si Jack sabay-sabay silang napa-iling na para bang ang hirap irehistro sa mga utak nila na nagpadala talaga siya sa akin dito sa hospital.
“Dapat siguro ay ayusin ko na ang mga dapat ayusin para makaalis ka na dito kaagad.” Pagbasag ni Storm sa katahimikan.
“Mabuti pa nga.” Sagot ni Andrew at saka naupo sa may sofa. Sumunod naman sina Samuel, Israel, Justine at Drake sa kanya at naupo rin.
Kaming dalawa na lang ni Storm ang nanatiling nakatayo kung kaya‟t nakaramdam kaagad ako ng pagkailang.
“Summer, pwede mo ba akong samahan?”
“H-Huh?” gulat na tanong ko.
Nagpakawala siya ng malungkot na ngiti at saka lumapit sa akin. Nagulat ako nang bigla niya akong hawakan sa may braso at saka hinila at isinabay sa paglabas niya ng silid ni Jack. Nang makalabas na kami at naisarado na niya nang tuluyan ang pintuan ay binitiwan niya rin kaagad ako.
Nanatili kaming nakatayo lang sa tapat ng pinto at hindi malaman kung anong gagawin. Hindi ko akalain na darating ang panahon na hindi kami magiging komportable sa isa‟t-isa. Sabay kaming nagpakawala ng malalim na hininga dahilan para magkatinginan kaming dalawa. Nagkatitigan kami nang matagal bago unti-unting natawa.
“What the hell?” tumatawang wika niya at saka napa-iling.
Napakamot ako sa ulo ko at napa-iling din.
“Well, that was really awkward.” Komento niya.
“I couldn‟t agree more.” Sagot ko.
Nagpakawala siya ng malawak na ngiti at nagulat ako nang bigla niya akong akbayan.
“Tara, kape.” Alok niya at saka sinimulang maglakad. Sumabay naman ako sa kanya dahil akbay-akbay niya ako.
Nang makarating kami sa cafeteria ay dumukot siya ng barya sa bulsa niya at pinili ang coffee in can sa isang vending machine. Kinuha niya ang nalaglag na dalawang kape at iniabot sa akin ang isa. Nagsimula siyang maglakad patungo sa may mga upuan at sinundan ko naman siya.
“Ngayong pumayag si Jack na dalhin mo siya sa hospital, masasabi kong importante ka talaga sa kanya.” Saad niya pagkaupo namin.
“Importante? Ano bang sinasabi mo? Pumayag lang siya dahil nahihirapan na siyang tiisin ang sakit mula sa sugat niya.” Sagot ko.
Ngumiti siya sa akin at dahan-dahang umiling. “Mali ka. Kung papipiliin mo si Jack kung mamamatay na lang ba siya o dadalhin sa hospital, mas pipiliin niyang mamatay.” Seryosong sagot niya habang nakatitig sa mga mata ko.
“Parang wala na ata sa tamang katwiran iyon? Mas gugustuhin niyang mamatay kaysa magpunta sa hospital? Sino namang tao ang mag-iisip ng ganoon?”
Saglit siyang bumuntong hininga bago nagsalitang muli. “Alam mo ba ang rason kung bakit ayaw niya sa hospital?” biglang tanong niya.
“Dahil marumi? Dahil ayaw niya sa germs?” hindi siguradong tanong ko.
Ngumiti siya at saka umiling. “Dahil sa mapait na alaala, Summer,” seryosong sagot niya. “Dahil sa kapatid niyang si Snow.”