noveltoon logo noveltoon
By the way, his name is Jack Frost

Chapter 31

Ch. 31 / 47 Feb 05, 2022

Tila naging isa akong estatwa na walang ibang magawa kundi ang manatili sa kinatatayuan ko. Hindi ko magawang isara ang bibig ko habang pinapanuod si Jack na sunod-sunod na tinatamaan ng itlog. Para akong pinaparusahan habang pinapanuod siya. Naramdaman ko na lang na may mainit na likido na ang bumabasa sa magkabilang pisngi ko.

Napatakip ako sa bibig ko nang may tumamang itlog malapit sa mata niya. Napayuko siya dahil doon at kasabay nang pagyuko niya ay ang pagtulo ng dugo mula sa gilid ng kilay niya. Awtomatiko akong napahakbang papalapit sa kanya pero natigilan ako nang ang ibang estudyante mula sa likuran ko ang lumapit lalo sa kanya dahilan para mabangga ako palayo sa kanya.

Tuluyan na siyang natakpan ng mga tao sa harapan ko at hindi ko na siya makita pa. Alam kong masakit panuorin na ang isang lalaki na ni minsan ay hindi kinakitaan ng kahinaan at labis na tinitingala ng lahat ay nagmukhang kaawa-awa sa harapan ko pero mas kaya kong tiisin ang sakit na „yun kaysa sa wala akong idea kung ano na ang nangyayari sa kanya.

Pilit kong ipinagsisiksikan ang sarili ko sa ibang estudyante upang makapunta sa harapan pero natigilan ako nang may taong humawak sa balikat ko. Dahan-dahan kong tiningnan kung sino iyon at nakita ko si Andrew. Malungkot siyang ngumiti sa akin at saka dahan-dahang umiling. Mahina niya akong hinila palayo sa mga estudyante at dinala kung saan sila nakatayong magkakaibigan.

Lumapit sa akin si Drake at may panyong iniabot. “That was really amazing, Summer, but Jack is as stubborn as you are.” Saad niya.

Napayuko ako.

“He‟ll be all right. After all, he‟s still Jack Frost.” Pag-reassure niya sa akin.

Napapikit ako ng mariin. “I want to see him,” nanghihinang bulong ko. “Gusto kong makita at siguraduhin na ayos lang siya. Na balewala lang sa kanya ang mabato ng itlog. Ayokong magpakasigurado lang sa sinabi mo, Drake. Gusto kong makita mismo ng mga mata ko na ayos lang siya. Yes, maybe siya nga si Jack Frost. But after all, tao pa rin siya. May pakiramdam pa rin siya katulad natin.”

Pagkasabi ko noon ay bigla na lang silang natahimik. Tiningnan ko sila at sabay-sabay silang napabuntong hininga. Nagkatinginan silang magkakaibigan at sabay-sabay na natatawang napa-iling.

“Naramdaman nyo ba „yon?” tanong ni Justine.

“Mukhang pati sa atin ay may epekto siya.” Umiiling na saad ni Andrew.

Napatingin ako kay Samuel nang magsimula siyang maglakad papunta sa mga nagkukumpulang estudyante.

“Anong gagawin mo?” tanong ni Drake sa kanya.

“She wanted to see him. Ano sa tingin mo ang gagawin ko?” sagot ni Samuel at saka ipinagpatuloy ang paglalakad.

“Psh.” Bulong naman ni Israel.

Sabay-sabay naman sina Andrew, Justine at Drake na napahawak sa noo nila dahil sa naging sagot ni Samuel.

“Ibang klase talaga.” Bulong ni Andrew at saka tumingin sa akin.

“Ngayon mukhang naiintindihan ko na kung bakit nababaliw si Jack sa kanya.” Natatawang kumento ni Drake.

Sinundan namin ng tingin si Samuel at pinanuod siyang maglakad papunta sa mesa kung saan ay nakalagay ang iba pang itlog. Nagulat na lang ako nang sipain niya ang mesa dahilan para matumba ito at mahulog ang mga tray na naglalaman ng itlog. Dahil sa pagkakahulog ng mga tray ay nabasag ang mga itlog at napatigil ang mga estudyante sa pagbato kay Jack.

“Oops, my bad.” Halatang nang-aasar na saad ni Samuel.

Galit na lumapit sa kanya ang ibang estudyante. “Nababaliw ka na ba? Alam mo ba kung anong ginawa mo?” hindi makapaniwalang tanong ng isa.

“Are you sure you‟re going to mess with me?” maangas na tanong ni Samuel.

Napatingin ako kay Drake nang walang salita siyang nagsimulang lumakad papalapit kay Samuel. Nagkatinginan naman sina Andrew, Justine at Israel bago nagpasyang sumunod na rin kay Drake. Nang magkatabi-tabi na silang lima ay bahagyang napaatras ang ibang estudyante sa kanila. Mukhang may natitira pa silang takot para sa grupo nila Drake matapos nilang batuhin ng itlog ang leader ng mga ito.

“Bro, may rule ba na hindi natin pwedeng saktan ang mga ito?” tila nang-aasar na tanong ni Justine.

Dahil sa tanong ni Justine ay mas lalong napaatras ang mga estudyante palayo sa kanila.

“I‟m not sure. Bakit hindi natin tanungin si Jack? As far as I can remember, he‟s the creator of Judgement Day.” Sagot naman ni Drake.

Napakunot ang noo ko dahil sa ginagawa nila. Are they trying to put on a show? Well I must say it‟s effective dahil sa itsura ng mga estudyante. They‟re obviously scared out of their minds.

“Oooohhhh. Si Jack pala ang nagpauso ng Judgement Day? But why is he being attacked right now? Bumaligtad na ba ang mundo? Ang superior na ba ang inaatake ng inferiors?” tanong naman ni Samuel.

“I think these inferiors have the guts to go against the superiors now.” Sagot naman ni Israel.

Superior and inferior. Storm mentioned those things to me before. The bully and the victims.

“W-What are you trying to say? W-We‟re superiors as well.” Nauutal na saad ng isa sa mga estudyante.

“Said who?” tanong ni Samuel habang nakangiti ng mapang-asar.

Kaagad na umingay ang paligid dahil sa kanya-kanyang violent reaction at pagbubulungan ng mga estudyante. Mukhang naguguluhan na sila.

“You don‟t understand, darling. We‟re at the top of the superiors. You may claim that you‟re all superiors but don‟t you ever forget that we are above you.” Saad ni Andrew.

“Therefore, we are the most superior of the superiors.” Mapang-asar na saad naman ni Israel.

Walang ibang nagawa ang mga estudyante kundi ang iiwas na lang ang mga mukha nila. Does this really mean that these boys are above them?

“What should we do with these inferiors who insulted our superiority? ” tanong ni Samuel.

“I have a suggestion, Samuel. Let‟s remove Judgement Day. Because of what they did, that day would no longer be fun. We should change Judgement Day to something else instead.” Nakangiting saad ni Drake.

“Ano kaya kung pabagsakin na lang natin ang mga kompanya nila? Para naman malaman nila kung ano ang consequences sa pag-insulto sa atin.” Suhesyon ni Andrew.

Kaagad na nagkagulo ang mga estudyante nang marinig ang sinabi niya. Sa reaksyon nila ay mukhang kayang kaya ngang gawin nila Andrew ang sinabi nila. Eto ba ang dahilan kung bakit superior sila among the superiors? Dahil mas mayayaman sila kumpara sa ibang estudyante?

“I think that‟s a good idea. Sino kayang magandang unahin sa kanila?” tanong ni Samuel.

“Ah, sino nga ulit ang nagsabi kanina na dapat si Jack ang maging target nila?” tanong naman ni Drake.

Awtomatiko na sabay-sabay na tumingin ang mga estudyante sa isang babae na nakatayo sa gitna nila. Tila naubusan ng dugo ang babae at kaagad na namutla ang mukha niya. Teka, mukhang pamilyar siya.

“Now this is funny. Hindi ko akalain na ganyan ka pala kabitter kay Jack, Cherry.” Wika ni Andrew.

Tama. Naalala ko na siya. Siya „yung babaeng dahilan kung bakit hinalikan ako ni Jack noon. Ugh.

Napatingin ako kay Justine nang ilabas niya ang cellphone niya at may tinawagan. “It‟s me. Gusto ko sanang sample-an ang family ni Cherry Silvano. Can you do that in 10 seconds?”

Hindi ako makapaniwalang napanganga sa narinig. Are they still tryin to put on a show? Is this still an act?

Tiningnan ni Justine si Cherry at saka binigyan ng malawak na ngiti. “That‟s great.” Saad ni Justine sa kausap sa telepono at saka ibinaba ang tawag. “Let me do the countdown for you, Cherry.” nakangiting saad niya. “Ten… Nine… Eight… Seven… Six... Five... Four... Three... Two…. And one.”

Saktong pagkatapos niyang magbilang ay isang cellphone ang kaagad na nag-ring. Sabay-sabay kaming napatingin kay Cherry dahil sa kanya nanggagaling ang tunog ng cellphone. Nanginginig niyang kinuha ang cellphone sa bulsa niya at sinagot ito. “H-Hello?”

Nagulat na lang kami nang bigla siyang mapaupo sa kinatatayuan niya. Nanlalaki ang mga mata kong ibinalik ang tingin kina Justine. Sa tingin ko ay nauunawaan ko na ngayon kung bakit sila kinatatakutan ng marami. Kung bakit sila sinusunod. Kung bakit sila naging superior among the superiors.

“Sino naman kaya ang magandang isunod? Hindi ako satisfied sa reaction ni Cherry.” Saad naman ni Drake.

“T-Tama na.” pigil ng isang estudyante at napanganga ako nang bigla siyang lumuhod. Nagulat na lang ako nang makisabay na rin sa pagluhod ang iba pang mga estudyante. “P-Patawarin nyo kami. Nagkasala kami. Patawarin nyo kami.”

Hindi ako makapaniwalang napatakip sa bibig ko. I can‟t believe this. It‟s so hard to believe this.

“You‟re apologizing to the wrong person.” Seryosong saad ni Samuel sa kanila.

Nang marinig ko ang sinabi ni Samuel ay kaagad na hinanap ng mga mata ko si Jack. Napako ang tingin ko sa kanya nang makita siyang nakatayo sa gitna ng court habang nababalutan ang buong katawan niya ng dilaw mula sa itlog. Mabilis na humarap ang mga estudyante sa kanya at umiiyak na lumuhod. “We‟re very sorry! Please forgive us!” pagmamakaawa nila kay Jack. “Nagkamali kami! Patawad, Jack Frost! Patawarin mo kami!” patuloy na pagmamakaawa nila.

Dahan-dahang iniangat ni Jack ang ulo niya at seryosong tiningnan sila. “Get out. Everyone, get out.” Mahinang bulong niya. There‟s something wrong with the tone of his voice.

Nagmamadaling tumayo ang mga estudyante at nag-uunahang naglabasan ng court. Ilang sandali lang ang lumipas bago tuluyan silang lahat na nakalabas at tanging kami na lang nina Andrew, Drake, Samuel, Justine at Israel ang natira.

Mabagal na lumapit sina Justine sa kanya pero nanatili lang akong nakatayo sa kinatatayuan ko at hindi magawang ihakbang ang mga paa ko. Nagulat na lang ako nang bigla siyang suntukin ni Israel. Kaagad nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwalang napanganga.

“You son of a bitch!” sigaw ni Israel at tatangkain sanang suntukin ulit si Jack pero kaagad akong tumakbo papunta sa kanila at humarang sa harapan ni Jack.

Napapikit ako nang makitang tatamaan ako ng suntok ni Israel pero kaagad kong naramdaman ang isang malakas na paghatak sa akin at kasunod noon ay naramdaman kong may isang yakap ang bumalot sa katawan ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at sa pagmulat ko ay mabagal siyang humiwalay sa akin.

“Are you f*cking nuts?” inis at hindi makapaniwalang tanong ni Jack at binitiwan ako. Frustrated siyang napasabunot sa sarili niya at galit na tiningnan ako. “Paano kung tinamaan ka ni Israel?! Gusto mo bang masaksihan kung paano ko mapapatay ang sarili kong kaibigan ng dahil sa‟yo?!” galit na sigaw niya.

Tiningnan ko sila Israel, Drake, Andrew, Justine at Samuel.

“Mag-usap na muna kayo.” Saad ni Justine at saka nagsimulang umalis.

Isa-isa namang sumunod sa kanya sina Andrew, Drake, Samuel at Israel na halatang disappointed sila sa akin dahil sa ginawa ko. Nang kami na lang ni Jack ang natira ay napakagat ako sa labi ko at napayuko.

“I‟m sorry, Jack. I‟m sorry sa ginawa ko. I‟m sorry kung—”

“Hindi mo ba talaga ako kayang pagkatiwalaan?” putol niya sa sasabihin ko.

Dahan-dahan kong ini-angat ang mukha ko at tiningnan siya. Anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya?

“I‟m always here for you, Summer. Always. Did you ever notice that? No. You never did. That‟s why you‟re also unaware of the things I‟m willing to do just for you.”

“J-Jack…” gulat na tawag ko sa kanya dahil sa mga sinabi niya.

“I have already told you time and time again that you‟re a puzzle to me, Summer. I‟ve never been this confused in my whole life. You‟re a puzzle that I couldn‟t solve no matter how hard I try.” Seryosong saad niya.

Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko upang magsalita. Pati ang paghinga ay tila nalimutan ko na.

“All my life, Summer, I swear, I have never felt the urge to protect someone and keep them safe…until you came.”

Natulala ako sa mga mata niyang seryosong nakatitig sa akin.

“I have never seen a girl like you in my whole damn f*cked-up life, Summer.” bulong niya.

Hindi ko maintindihan kung bakit pero imbes na matuwa ako sa mga sinasabi niya ay tila nasasaktan ako. It feels like the reason he‟s telling me all these things is because he‟s saying goodbye.

Napabuntong hininga siya at iniwas ang tingin. “But you never allowed me to look after you. You never allowed me to keep you...to guard you...to save you from harm…to protect you. You never did, Summer.”

Nanatili akong walang ibang magawa kundi ang titigan lang siya sa mga mata niya.

“And maybe that‟s what pains me the most. Because you never trusted me. You never trusted my good intentions to protect you. And maybe that‟s because you only see what you wanted to see from me. And unfortunately, the only thing you see is the bad side of me.”

Natulala ako sa mukha niya. Pakiramdam ko ay sinampal niya ako ng napakalakas dahil sa mga salitang binitawan niya.

“I guess I‟m okay with that. I know you‟re a strong woman and you don‟t really need me at all. But f*ck, Summer, I really hope that one day, there will come a time that you‟ll need me. And I hope when that day comes, I‟m not yet tired of you pushing away my help.” Saad niya at saka dahan-dahan akong tinalikuran.