noveltoon logo noveltoon
By the way, his name is Jack Frost

Chapter 15

Ch. 15 / 47 Feb 05, 2022

Kasabay ng iba pang mga estudyante ay tinahak ko rin ang daan palabas ng mala-empyerno naming paaralan. Mukhang totoo nga ang sinasabi ni Storm tungkol sa command na „No one is allowed to touch Summer Pascua‟ dahil mula kaninang umaga hanggang ngayong uwian ay walang nambu-bully sa akin. Ni ang makipag-eye to eye contact sa akin ay hindi nila magawa.

Nang makalabas na ako ng school ay nakahinga ako ng maluwag. Madalas kasi na lumalabas ako na tila nawalan ng dangal. Minsan nga, kapag pumapasok ako sa paaralang iyon ay tinatanong ko pa ang sarili ko kung makakalabas pa ba ako ng buhay. Ngayon lang ata ako makakauwi ng mapayapa.

Tatawid na sana ako ng kalsada nang isang pulang kotse ang biglang humarang sa daraanan ko. Hindi ko alam kung pagharang ba ang tawag doon pero tila nais niya akong sagasaan. Mabuti na lang at nakaiwas ako. Bumaba ang tinted na bintana ng sasakyan at bumungad sa akin ang babaeng may mala-anghel na mukha. Hindi lang pala siya maganda, mayaman rin pala siya.

“May I have a few words with you?”

Binuksan niya ang pintong katabi ng driver‟s seat at isinenyas niya ang ulo niya na pumasok ako kung kaya‟t sumakay ako ng walang pagdadalawang isip pa. Pagsakay ko ay mabagal niya itong pinaandar at hindi ko alam kung saan kami pupunta.

Pinipilit kong pigilan ang sarili kong tingnan siya pero masyadong malakas ang dating niya na tila hinahatak niya ang buong atensyon ko na mapunta sa kanya. Seryoso lang siyang nagmamaneho at diretso ang tingin sa dinaraanan namin pero sobrang ganda talaga niya sa paningin ko. Hindi na ako magtataka kung bakit pinag-aagawan siya ng gangster na iyon at ni Storm.

“Saan mo ko dadalhin?” tanong ko pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya.

Nagulat na lang ako nang mapansin na wala na kaming mga bahay na nadaraanan at mukhang liblib na ang lugar na tinatahak namin. Napatingin na lang ako sa kanya nang ihinto niya ang sasakyan sa gitna ng kawalan. Bumaba siya ng sasakyan at umikot papunta sa pwesto ko at saka ako pinagbuksan ng pintuan. Dito ba niya ako balak patayin dahil sa paniniwalang girlfriend ako ng gangster na iyon?

Hindi na niya ako hinintay pang kumilos sa sarili kong kagustuhan at hinawakan na niya ako sa may pulso ko at hinila palabas ng kotse niya. Iniharap niya ako sa kanya at huminga siya ng malalim bago nagsalita.

“Sino ka ba talaga?” tila naiinis na tanong niya.

Tiningnan ko lang siya ng may pagtataka sa mukha. “I‟m Summer Pascua and I‟m just a transferee.” Pilosopong sagot ko.

Akala ko ay maasar siya sa naging sagot ko pero sa halip ay ngumiti lang siya.

“Now I understand why Storm is nice to you.” Biglang saad niya.

Napakunot ang noo ko sa narinig. “Excuse me?”

“I‟ve been watching you lately. Nakikita kong malapit ka kay Storm. I was wondering why he‟s nice to you at ngayong nakausap na kita, alam ko na ang dahilan. I think that‟s because you remind him of me.”

“Nakakahiya namang iparehas mo ang katulad ko sa tulad mo. Wala akong makitang pagkakaparehas sa ating dalawa. You‟re too perf—”

“You‟re right. We‟re not alike. Hindi ko rin gustong marinig ang sinasabi nilang magkaparehas daw tayo.”

Napayuko ako sa sinabi niya. The way she talks makes me feel like I‟m being insulted in a way.

Lumapit siya sa kotse niya at doon siya sumandal. “Frankly, I don‟t care if you‟re close with Storm.”

Bigla na lang akong nakaramdam ng sakit sa dibdib ko. Storm is a good friend to me at ako ang nasasaktan para sa kanya matapos marinig mula sa babaeng mahal niya na tila isa lang siyang tuta para rito at wala siyang kamuang-muang na ipinamimigay.

“However, I do mind Jack paying attention to you.”

Napakunot ang noo ko. “W-What?”

Ngumiti siya at saka lumapit sa akin. “I love Jack and I want us back.”

“At ano naman ang kinalaman ko roon?” tanong ko.

“I see you as a threat.” diretsong sagot niya.

Muntik na akong mapanganga sa sinabi niya. “W-What?” hindi makapaniwalang tanong ko.

“From what I see, Jack seems interested in you.”

Natawa na lang ako at hindi makapaniwala sa sinabi niya. “Saan mo naman napulot „yan? That‟s impossible. I‟m not interesting.” saad ko.

Ngumiti siya sa akin pero tila may mali sa ngiting iyon.

“It‟s a good thing that you know that you really are not that interesting, Summer. He‟s interested in you not because you are Summer Pascua but because we‟re similar. Napapansin ka lang niya dahil magkaparehas tayo. So don‟t assume, alright?”

Napakagat ako sa labi ko dahil tila napahiya ako sa sinabi niya.

“Mukhang hindi mo pa gaanong kilala si Jack. Tell me, anu-ano na bang alam mo tungkol sa kanya?”

Humugot ako ng malalim na hininga bago sumagot. “Other than the fact that he‟s an arrogant gangster and his name is Jack Frost? Wala na kong alam pa tungkol sa kanya.”

Napakunot ang noo ko nang matawa siya sa kanyang narinig mula sa akin.

“Sa sagot mo ay mukhang hindi maganda ang trato niya sa‟yo. I see. Sa akin lang naman siya mabait.”

Tumango-tango ako sa kanya. “May nag-eexist pa palang salitang „bait‟ sa pagkatao ng gangster na iyon?”

Nagulat ako nang isang malakas na sampal ang naging tugon niya sa akin. Gulat akong napatingin sa kanya habang nakahawak sa mahapdi kong pisngi.

“Ang lakas ng loob mong sabihan ng ganyan si Jack. Hindi mo siya kilala kaya wala kang karapatang husgahan siya.” puno ng pagtitimping saad niya.

“Sinampal mo ako dahil lang sa gangster na „yon?” hindi makapaniwalang tanong ko.

“Wag mong nila-lang si Jack, you b*tch.”

Napanganga ako sa aking narinig mula sa kanya. Kahit pala ang isang anghel ay pwedeng maging demonyo dahil lang sa gangster na iyon. I can‟t believe this.

“This conversation isn‟t supposed to end like this.” saad ko.

Huminga siya ng malalim at saka lumapit sa sasakyan niya. Binuksan niya ang pinto at may brown envelope na inilabas mula roon.

“I know that Jack is using you to push me away. Pero, hindi ako matatahimik hanggat nag-eexist ka sa mundo niya.”

“W-What?” gulat na tanong ko.

“Tulad ng sinabi ko kanina, I see you as a threat. Therefore, I am talking to you right now just to get rid of you. You can call me whatever you want but I don‟t care. I only want Jack, and nothing more. Intindihin mo nalang kung bakit ko ito ginagawa.”

Iniabot niya sa akin ang envelope na hawak-hawak niya. Kunot noo ko naman iyong kinuha at tiningnan. Nang makita ko ang laman noon ay gulat na gulat kong ibinalik ang tingin ko sa kanya.

“Kumpleto na iyan para sa lahat ng kakailanganin mo sa paglipat ng school. I chose Avellino High for you. Nagpasa na ako ng application para sa‟yo at hindi mo na kailangang mag-entrance exam dahil inasikaso ko na ang lahat.”

“W-What?!” hindi makapaniwalang tanong ko.

“Nasa sasakyan ko na rin ang bagong uniforms na gagamitin mo. At kung itatanong mo kung saan ang Avellino High, tumingin ka sa likuran mo.”

Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko ang isang malawak na paaralan sa bandang likuran ko. Anong klaseng paaralan ito at nasa liblib na lugar?!

“Malapit lang din ito sa Tan Siu kaya siguro naman ay hindi ka mahihirapang umuwi. At wag kang mag-alala, hindi ka na magugulo pa ni Jack dahil hindi pwede ang mga taga-Tan Siu sa paaralang iyan. Wala pang taga-

Tan Siu ang nagtangkang pumasok sa Avellino. In your case naman, huwag mo na lang ipaalam na ang school na pinanggalingan mo ay Tan Siu. It‟s for your own safety, Summer.”

Hindi ko mapigilang hindi mapahigpit ang hawak sa envelope na galing sa kanya. Gusto kong magwala at magalit pero masyado siyang kalmado at kung ipapakita ko sa kanyang nagagalit ako, magmumukha lamang na ako ang talo. Pakiramdam ko‟y gustong sumabog ng dibdib ko sa inis pero may kung anong pumipigil sa akin.

“Don‟t think that I am too selfish for doing this. Makikinabang ka rin naman dito. I‟m also giving you a chance to start a new life…to start over.”

Tinitigan ko ang mga mata niya at wala akong ibang makita kung hindi sinseridad. Natawa na lang ako ng pilit sa ideya niyang iyon. What a selfish girl. She reminds me of that gangster.

“Akin na „yung uniform.” saad ko.

Napangiti siya sa naging sagot ko at agad na may kinuha sa kanyang sasakyan. Kinuha niya mula roon ang isang itim na paper bag at iniabot sa akin.

“Thank you, Summer.”

“Don‟t thank me, Jasmine. Hindi ko ito ginagawa para sa‟yo. Ginagawa ko ito para sa sarili ko. I feel sorry for Tan Siu. Punong-puno ito ng mga mapanglinlang na tao at isa ka na roon. Maganda sana ang Tan Siu pero dahil sa mga katulad mong nag-aaral doon, napakamiserable na ng tingin ko sa paaralan na „yun.”

Hindi siya makapaniwalang napanganga dahil sa kanyang narinig mula sa akin.

“At tama ka. Hindi tayo magkatulad. Nakakainis isipin na ikinukumpara nila ako sa katulad mo lang. Yup, lang. Ang mga taong kagaya mo, hindi dapat tinitingala. I almost believed that you‟re perfect pero nagkamali ako. Lumagapak ang tingin ko sa‟yo.”

Napakasamang tingin ang ipinukol niya sa akin. Nawala na ang mala-anghel na ngiting meron siya.

“Kung nasaktan man kita sa mga nasabi ko, I‟m sorry but I‟m not sorry,” saad ko at saka ko siya binigyan ng sincere na ngiti. “Gusto sana kitang hangaan sa klase ng pagmamahal na meron ka sa gangster na iyon pero hindi ko magawa dahil sa maruming paraang ipinakita mo.”

Mas lalong nalukot ang mukha niya. I don‟t know kung saan ko nakukuha ang lakas ng loob ko para sabihin sa kanya ang mga bagay na ito pero sa palagay ko, masyado lang akong napuno.

“But I also have good news for you, Jasmine. You and Jack both deserve each other. Parehas na parehas kayo. Congrats!”

Pagkasabi ko noon ay tinalikuran ko na siya at hinarap ang bagong paaralan na papasukan ko simula bukas. Hindi na ako nag-abala pang lingunin siya. Hindi ko alam kung anong meron siya at dalawang lalaki ang handang sirain ang pagkakaibigan nila para sa kanya. Nakakatawang isipin na parehas lang ang tipo nila sa isang babae. And sad to say, I‟m very disappointed with their taste.