noveltoon logo noveltoon
By the way, his name is Jack Frost

Chapter 29

Ch. 29 / 47 Feb 05, 2022

“Anak oh, baon mo.” Saad ni Mama at saka inabot sa akin ang isang maliit na bag kung saan nakalagay ang lunch box ko. Tahimik kong kinuha iyon at binigyan siya ng pekeng ngiti.

“Salamat po. Papasok na ako.” Paalam ko at saka sinimulang lumakad paalis.

Pagkalabas ko ng gate namin ay natigilan ako nang may isang tao akong naabutan sa tapat ng bahay namin na naghihintay. Nakapamulsa siya habang nakasandal sa may pader at nang makita niya ako ay kaagad siyang umayos ng tayo. Binigyan niya muna ako ng masamang tingin bago inis na lumapit sa akin.

“Anong ginagawa ng isang gangster sa tapat ng bahay ko?” malamig na tanong ko.

“Alam mo ba kung anong oras na?” tila galit na tanong niya.

Tumingin ako sa relo ko upang tingnan ang oras. “Uhm… quarter to eight.” sagot ko.

Nagtaka naman ako nang bigla siyang inis na natawa dahil sa sagot ko.

“Alam mo ba kung ilang oras na akong naghihintay dito?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Quarter to six pa lang nandito na ako.” inis na saad niya.

“Oh, I see. Kanina ka pa pala dito sa labas.” Walang interest na sagot ko habang seryoso lang ako at nagtatakang nakatingin sa kanya.

“Hindi ka man lang ba pwedeng magpanggap na nakukunsensya ka dahil ang tagal mo akong pinaghintay?”

Sa itsura niya ay parang sasabog na siya sa sobrang inis.

“Ano ba kasing ginagawa mo dito ng ganito kaaga?” tanong ko.

“I know you‟re dumb but I didn‟t know you‟re this dumb.” Mapang-insultong sagot niya.

Tinapunan ko siya ng napakasamang tingin dahil sa sinabi niya. “Pumunta ka lang ba dito ng napakaaga para lang insultuhin ako?” inis na tanong ko.

Napahawak siya sa noo niya at saka inis na napabuntong hininga. “Look, I was gone for a week at pagkadating na pagkadating ko ay dito na kaagad ako dumeretso pero eto lang ang bungad mo?” frustrated na tanong niya.

Tama. He was gone for a week. Nawala na lang siya bigla na walang pasabi at ngayon ay nagagalit siya kung bakit ganito ang pakikitungo ko sa kanya? Sa loob ng isang linggong iyon ay wala man lang akong natanggap na text o miski tawag sa kanya. Matapos niyang sabihin sa akin ang mga salitang sinabi niya noon sa sasakyan ay bigla na lang siyang nawala at wala man lang akong naging balita sa kanya. Tapos ngayon ay nandito siya sa harapan ko at akala mo ay kung sinong umasta?! Wow! At bakit ba naiinis ako kung hindi siya nagparamdam man lang? Psh.

“Ano bang klaseng bungad ang gusto mong gawin ko? Gusto mo bang salubungin kita ng yakap at sabihan ka ng „Hey, Jack, welcome back!‟, ganoon ba?” sagot ko at pilit itinatago ang pagkainis sa boses ko.

“Damn it, woman. Sobrang namiss kita. Hindi mo ba alam „yon?” galit na sagot niya.

Sarkastik akong tumawa at masama siyang tiningnan. “Really? Kaya pala umalis ka na lang nang walang salita at ni hindi ka manlang nagparamdam sa loob ng isang linggo. Tapos ngayon ay magpapakita ka sa akin at sasabihin mong namiss mo ako? Wow!” inis na saad ko.

Napakunot ang noo ko nang bigla siyang natawa.

“Are you mad because I didn‟t call?” natatawang tanong niya.

Inirapan ko siya at binigyan ng sarkastik na ngiti. “Nagpapatawa ka ba? Hanap kang kausap mo.” Inis na saad ko at mabilis na lumakad para lagpasan siya pero agad akong natigilan nang yakapin niya ako mula sa likuran.

“I forgot to save your number. I‟m...sorry.” Seryosong bulong niya habang nakapatong ang baba niya sa may balikat ko.

Tila ang inipon kong inis sa kanya ng isang linggo ay bigla na lang nawala. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko upang alisin sana ang kamay niyang nakapulupot sa akin pero nang sandali kong mahawakan ang braso niya ay mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

“This…” bulong niya. “This is the first thing I wanted to do when I came back. Hug you, hold you in my arms…”

Naramdaman ko na lang ang unti-unting pag-init ng mukha ko.

“How foolish, right? Nasave ko nga ang number ko sa cellphone mo pero hindi ko naman nasave ang number mo sa akin. The fact that you never called me killed me more when I was in America for the week. All I could do was to wait for another week before I could finally hear your voice again.” Saad niya.

Napakagat ako sa labi ko nang marinig ang mga sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nakaramdam ng guilt. Why does it sound like it was my fault?

“Ang sabi mo lang naman kasi tatawag lang ako in case of emergency.” Paliwanag ko. Ugh. Why am I explaining myself?

Nagpakawala siya ng malalim na paghinga at saka niya ako dahan-dahang pinakawalan mula sa mga bisig niya. Pagkahiwalay ng katawan naming dalawa ay naiilang akong humarap sa kanya.

“Eto ata talaga ang epekto mo sa akin. Nakakalimutan kong mag-isip ng maayos dahil sa‟yo.” Wika niya at saka ngumiti ng malapad.

Hindi ko alam kung ano ang dapat maging reaksyon ko. I think he also has this effect on me that I couldn‟t think right because of him. Ugh.

“Tara na. Baka malate ka pa.” Nakangiting saad niya at saka nagsimulang lumakad.

Sinundan ko naman siya ng tingin at ilang sandali pa ang lumipas bago ako nagpasyang maglakad upang sumunod sa kanya. Mabagal siyang naglalakad habang ako naman ay nakasabay sa kanya. Wala sa amin ang nagsasalita at tahimik lang kaming naglalakad papunta sa school.

“How was your week without me?” pagbasag niya sa katahimikan.

Sa palagay ko ay nakaramdam din siya ng pagka-ilang dahil sa hindi namin pag-uusap. Nakakapanibago rin dahil hindi kami nag-aaway.

“Peaceful, because you were not around.” Mataray na sagot ko.

“That‟s really sweet.” Nakangiting saad niya.

Patago naman akong natawa at ipinagpatuloy lang ang pagsabay sa kanya.

“So… nagpunta ka sa America?” naiilang naman na tanong ko.

Tahimik siyang tumango bilang sagot.

“Pwedeng malaman kung bakit?”

Bigla siyang huminto sa paglalakad kung kaya‟t napahinto rin ako. Tiningnan ko siya at seryoso lang siyang nakatitig sa akin.

“Uh, okay lang kung ayaw mong sabihin.” Awkward na saad ko at saka tinalikuran siya at sinimulan ulit maglakad.

“I went to see my parents.” Biglang saad niya na nagpatigil sa akin sa pag-alis.

Dahan-dahan akong humarap sa kanya habang may gulat na ekspresyon.

“They heard about what happened to me and I needed to show myself just to assure them that I‟m perfectly fine.” Paliwanag niya kahit na wala akong sinasabing kahit ano.

“I thought you don‟t have a family? Storm told me that you don‟t have parents.” Confused na saad ko.

“I grew up without them and I never mention them to anyone…” seryosong saad niya. “Only now..” dagdag niya.

Tila mas lalong naging awkward ang atmosphere sa pagitan naming dalawa. Sa palagay ko ay isang katangahan ang pagtanong ko sa kanya tungkol sa bagay na iyon. Halatang ayaw niyang pag-usapan ang tungkol doon dahil napakaseryoso ng mukha niya.

Pagkarating namin sa school ay wala ni isa sa schoolmates namin ang napansin kong nakatingin. Sa palagay ko ay aware ang lahat ng estudyante na kapag dumarating siya ay hindi siya pwedeng pagtinginan. Nagulat na lang ako nang biglang may anim na hinihingal na lalaki ang humarang sa dinaraanan namin. Galit nilang ipinagbalik-balik ang tingin nila sa aming dalawa ni Jack.

“Wow, anong ibig sabihin nito? Sabay kayong pumasok?” hindi makapaniwalang tanong ni Drake.

“Sinundo ko siya.” Pormal lang na sagot ni Jack sa kanya.

155

Magsisimula na sanang maglakad ulit si Jack pero humarang ulit sila sa harapan niya.

“Binantayan naming maigi si Summer habang wala ka. Nasaan na „yung ipinangako mong bayad namin?” tanong naman ni Andrew.

Binantayan?! So kaya pala ganoon sila umasta sa akin last week na kulang na lang ay pati paghinga ko ay bilangin na nila. Pati pa nga ang pagkain ko ay kailangan muna nilang kainan upang malaman kung may lason bago nila ipakain sa akin. Psh! Crazy, gangsters!

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay ito na ata ang pinakamasayang araw ko simula nang lumipat ako sa Tan Siu. Marahil siguro ay dahil naging kaibigan ko na rin ang iba pang kaibigan ni Jack. Ngayon, hindi na lang si Storm ang kaibigan ko kundi pati na rin sina Andrew, Drake, Samuel at Justine. Well, si Israel naman ay hindi ko pa rin ganoong kapalagayan ng loob pero hindi na siya masyadong masama sa akin hindi tulad noon.

“Summer.” Tawag ni Storm na nakaupo sa tabi ko.

Napatingin ako sa kanya at nakitang nakatitig siya ng maigi sa akin. “Bakit?” tanong ko.

Nagpakawala siya ng malawak na ngiti bago sumagot. “Thank you.” wika niya.

“Bakit ka nagtha-thank you?” kunot noong tanong ko.

“I just feel like thanking you.” Nakangiting saad niya.

“Hey, you two. Anong pinag-uusapan niyo dyan? Ang sama ng tingin ni Jack.” Bulong ni Justine na nakaupo sa tabi ni Storm.

Inilipat ko ang tingin ko sa dulong bahagi ng row namin kung saan nakaupo ang gangster na iyon at tama nga si Justine, ang sama nga ng tingin niya. Natawa na lang si Storm at napa-iling. Ibinalik niya ang tingin niya sa harapan at ipinagpatuloy ang pagpapanggap na nakikinig sa teacher namin.

Muli ko namang tiningnan si Jack at ibinalik na rin niya ang tingin niya sa teacher namin. Tiningnan ko ang mga kaibigan nila na kaibigan ko na rin at halata pare-pareho sa mga mukha nila na inaantok sila habang nakikinig sa teacher.

Nang tuluyan nang matapos ang klase at break na ay mukhang nabuhayan na ulit ang klase namin. Halata rin na ang tahimik ng klase namin at tila hindi sila komportable dahil kumpleto ngayon ang magkakaibigan. O baka naman kaya ang hihinhin nila ay dahil nagpapa-impress sila sa mga gangster na „to? Hindi ko rin naman maitatanggi na may itsura silang pito.

Nagulat na lang kami nang padabog na tumayo si Jack mula sa kinauupuan niya. Sabay-sabay kaming napatingin sa kanya nang lumapit siya sa amin ni Storm.

“Get up.” Malamig na utos niya kay Storm.

“Man, this seat is mine.” Sagot ni Storm.

“I said get up. That seat is now mine.”

“Said who?” mapang-asar na sagot ni Storm.

“F*ck it!” inis naman na saad ni Jack at saka sinipa ang upuan na nasa harapan ni Storm dahilan para mahulog ang nakaupo roon. “Fine.” Inis na saad niya at saka inilipat ang tingin sa akin.

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hilain patayo. Malakas niya akong hinatak patungo sa may dulo, sa may tabi ng bintana, kung saan siya nakaupo. Sapilitan niya akong iniupo sa upuan niya at nang makaupo na ako ay naglakad siya pabalik kay Storm at naupo siya sa pwesto ko.

“Problem solved.” Tila batang saad niya habang suot-suot ang mapang-asar na ngiti.

Kaagad namang natawa ang mga kaibigan niya sa asta niya. Napa-iling na lang ako at tumingin sa labas ng bintana. Lumipas ang ilang sandali at nanatili lang na tahimik ang buong klase at mukhang wala ni isa ang nagtangkang mag-ingay. Nagulat na lang kami nang bigla na lang marahas na bumukas ang pintuan. Sabay-sabay kaming napatingin roon at nakita namin ang isang lalaking hinihingal.

“M-May mga kalabang nakapasok! M-Mga taga-Avellino!” hinihingal na saad nito.

Agad na napatayo sina Jack at ang mga kaibigan niya.

“Sh*t!” sigaw ni Andrew at saka mabilis na tumakbo palabas. Kaagad namang sumunod sa kanya sina Israel, Drake, Samuel at Justine.

Susunod na rin sana si Storm pero agad siyang napahinto nang hawakan siya ni Jack sa braso. Nagtataka niyang nilingon si Jack dahil sa ginawa nito.

“Stay here with Summer.” Utos ni Jack sa kanya.

Dahan-dahan akong nilingon ni Storm at tinitigan niya muna ako ng matagal bago ibinalik ang tingin kay Jack. “But—”

“F*ck it, Storm! I don‟t have time to lose. It‟s either you‟ll stay here with Summer or I‟ll stay here.” Seryosong saad ni Jack.

“They need us both, Jack!” frustrated na sigaw ni Storm.

“But if something bad happens to Summer, I will burn this school down. Choose, Storm. One of us needs to stay here with her. So is it you or me?”

Napahawak si Storm sa ulo niya at inis na sinipa ang upuan sa harapan niya. “They need you more than they need me. Go. I‟ll keep Summer safe.” Bulong ni Storm.

Ngumiti sa kanya si Jack at tinap ang balikat niya. “Thanks, man.” Saad nito at saka mabilis na tumakbo palabas ng classroom at iniwan kaming dalawa ni Storm.

Nang makalabas na si Jack ay nanatili akong nakatingin sa pintuang nilabasan niya. What's going on?