Pasimple akong tumingin sa bakanteng upuan na nasa tabi ng bintana sa dulong bahagi ng row namin. Napabuntong hininga ako habang inaalala si Jack na dating laging nakaupo roon at parati kong nahuhuling nakatingin sa akin. Bigla na lang akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. Hindi ko alam kung saan galing ang kirot na iyon at kung bakit ko iyon nararamdaman sa tuwing naalala ko siya. Tatlong araw na pala ang lumipas simula nung gabing huli kaming nagkita. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong naririnig na balita tungkol sa kanya.
“Wala ka pa rin bang balita kung nasaan siya?”
Inilipat ko ang tingin ko kay Storm na kasalukuyang nakaupo sa tabi ko. Umiling ako sa kanya bilang sagot. I hate to admit it pero nasasaktan ako. Nakakatawa dahil ipinagtatabuyan ko siya pero ngayong wala siya ay nasasaktan naman ako. How ironic.
Naagaw ang atensyon naming lahat na nasa klase nang may marahang kumatok sa may pintuan. Natigil ang aming guro sa pagtuturo at nagtatakang nilapitan ang mga lalaking nakatayo sa pintuan ng classroom namin. Ang mga lalaking ito ay nakasuot ng pang-pulis na uniporme kaya lahat kami ay nagtaka.
“Nandito ho ba si Mr. Frost?” narinig kong tanong ng isa sa tatlong officer.
Kaagad kaming nagkatinginan nina Storm, Andrew, Samuel, Israel, Drake at Justine. Mabilis na nabalot ang katauhan ko nang takot at pag-aalala. Anong dahilan at hinahanap si Jack ng mga pulis? Posible bang dahil iyon sa nangyareng pagsaksak niya sa lasing na nagtangkang gawan ako ng masama noong nakaraan?
“Tatlong araw na ho siyang di pumapasok, Sir.” sagot ng aming guro.
“Pwede ba naming makausap ang mga kaibigan niya na naririto?” tanong ng isa pang pulis.
Mabilis na lumingon ang lahat kina Storm. Napatingin ang mga pulis sa kanila at agad silang pumasok ng classroom at lumapit sa pwesto namin.
“Kayo ba ang mga kaibigan ni Mr. Frost?”
Hindi nag-aksaya ng panahon si Storm at mabilis na sumagot. “Oo, kami nga.” sagot niya.
“Maari ba namin kayong makausap sa may Principal‟s Office?” tanong ng isang Pulis.
Walang imik na sabay-sabay silang tumayo. Nakikita ko ngayon kung gaano sila kafaithful na kaibigan kay Jack. Kahit na mukhang nasangkot sa gulo ang kaibigan nila ay wala silang balak na itanggi si Jack para lang huwag madamay.
Napatigil si Storm nang bigla kong hawakan ang kamay niya. Nagtataka niya akong nilingon dahil sa ginawa ko. “Sasama ako.” bulong ko at agad na tumayo.
Napatingin ang lahat sa akin dahil sa ginawa kong iyon. Nang makita kong ibuka ni Storm ang bibig niya ay mabilis akong lumakad papunta sa mga pulis. Ayokong pigilan ako ni Storm. Kailangan kong malaman kung anong dahilan at hinahanap ng mga pulis si Jack. At kung tama man ang hinala ko na dahil iyon sa nangyari noong nakaraan ay handa akong ipagtanggol siya. Handa „kong pagtakpan siya. Kahit ito na lang ang maging sukli ko sa lahat ng sakriprisyo niya para sa akin.
“Siguro naman ay alam na ninyong lahat na nawawala si Mr. Frost. Tatlong araw na siyang nawawala at kailangan namin siyang mahanap kaya umaasa kami sa tulong niyong pito,” wika ng isang officer nang kami-kami na lang ang tao sa loob ng Principal‟s Office. Interrogation ata ang tawag sa ginagawa nila ngayon.
“Nawawala? Well, normal na sa amin na pasulpot-sulpot lang siya na parang mushroom.” Halatang sarkastik na sagot ni Israel.
“Sa katunayan nga nyan ay isang beses pa lang niyang nakukumpletong pumasok ng buong linggo sa school. So hindi porque absent siya ng tatlong araw ngayon ay ibig sabihin ay nawawala na siya, hindi ba?” sabat naman ni Justine.
“So kung iniisip niyong nagtatago siya, we don‟t think so.” Dagdag pa ni Andrew.
Sumimangot ang officer dahil sa mga sinabi nilang tatlo. Mukhang iniisip nito na pinagtatakpan nila o tinatago si Jack.
“Ano nga bang dahilan at hinahanap niyo si Jack?” tanong naman ni Storm.
“May nakarating na reklamo sa amin laban sa kanya kaya‟t kailangan namin siyang mahanap at imbestigahan. Pero sa tingin namin ay nagtatago ang kaibigan niyo.”
“Masyado naman atang maaga para akusahan niyo kaagad si Jack na nagtatago. Tulad nga ng sinabi namin, normal sa kanya ang mawala at hindi mo mahanap kahit anong gawin mong hanap.” Sabat ni Drake.
“Kailan niyo ba huling nakausap o nakita si Mr. Frost?” tanong ng isa sa mga Pulis.
“Last week.” mabilis na sagot ni Drake.
“Saan kayo huling nagkasama-sama?” tanong ng isang officer.
“Sa bar.” Si Samuel naman ang sumagot.
Nanatili lang akong tahimik at nakikinig sa kanila. Ayokong makisali o sumagot sa mga pulis ng basta-basta. Kailangan kong pag-isipang maigi ang magiging sagot ko dahil maaring makakuha sila ng butas laban kay Jack.
“Magkasama kami three days ago.” Biglang sagot naman ni Storm.
Sabay-sabay kaming napatingin sa kanya. Kung nagkita sila three days ago, ibig sabihin ay nagkita rin sila noong araw na huli kong nakita si Jack?
“Pumunta siya sa kompanya namin.” diretsong pahayag ni Storm at hindi na hinayaan pang tanungin siya ng Pulis kung saan sila nagpunta.
“Ano naman ang ginawa niyo? Anong ginawa niya sa kumpanya niyo?” tanong ng officer.
“Sinamahan ko lang siya.”
“Sinamahan saan?”
Inis na napabuntong hininga si Storm. Tila naririndi na siya sa madaming tanong ng mga ito.
“Sinamahan ko siyang bumili ng singsing para sa babaeng mahal niya.”
Gulat kong tiningnan si Storm nang marinig ang sinabi niya.
“Babaeng mahal niya? Si Jasmine Herrera ba ang tinutukoy niyo?” mabilis na tanong ng pulis.
Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang may kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib ko.
“Something‟s strange here.” Biglang imik ni Israel. “Bakit kilala niyo si Jasmine?” kunot noong tanong niya.
Napabuntong hininga ang officer at may kung anong ipinatong sa mesa.
“Ito ang dahilan kung bakit kinakailangan namin ang tulong ninyo.” saad nito.
Mabilis na kinuha ni Israel ang ipinatong ng officer sa mesa. Nakita kong isa itong larawan pero hindi ko makita kung ano ang nasa picture.
“What the—” halatang gulat na gulat na saad ni Israel.
Mabilis namang tumayo si Storm at inagaw ang picture. Nang makita niya kung ano ang naruruon ay bigla na lang siyang natulala. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at inagaw na rin ang picture.
Nang makita ko kung ano ang laman nito ay agad na kumalabog ang puso ko. Hindi ako makapaniwalang napaupo. So hindi tama ang hinala ko? Iba ang rason kung bakit nila hinahanap si Jack.
“S-Sinong hayop ang makakagawa ng ganyan sa kanya?” nanginginig na tanong ni Storm. Alam kong siya ang pinakanapektuhan sa picture na iyon dahil alam ko kung gaano niya kamahal si Jasmine.
Pinilit kong lakasan ang loob ko at tiningnan kong muli ang picture. Nakaupo si Jasmine sa isang upuan habang nakapanty at bra lang. Nakatali ang kamay at paa niya at may packaging tape din ang bibig niya. Punong puno ng sugat at pasa ang mukha at katawan niya. Makikita mo rin na pinutol nila ang mahaba niyang buhok. Halos hindi mo na siya makilala sa itsura niya.
“Tatlong araw na nawawala si Miss Jasmine Herrera at ang picture na iyan ay ipinadala sa bahay nila kagabi.”
“Tatlong araw..” narinig kong bulong ni Storm. “Tatlong araw na siyang nahihirapan.”
Nakita kong may luhang kumawala mula sa mga mata niya. God knows how much Storm loves her. At hindi ko alam kung gaano kasakit ang nararamdaman niyang makitang ganoon ang itsura ng babaeng mahal niya.
“Madaming witness ang nakapagsabi na nakita nila si Jasmine kasama si Jack Frost sa isang bar. Mukhang nagtatalo raw ang dalawa.”
Sabay-sabay naming ibinalik ang tingin sa officer matapos niyang sabihin iyon. Pero ako ang kasama ni Jack Frost nang gabing iyon. Possible bang nagkita silang dalawa pagkatapos niyang magpunta sa amin?
“Dahil nabanggit mo na rin na bumili ng singsing si Mr. Frost sa araw na iyon para kay Miss Jasmine Herrera, sa palagay ko ay nagpropose ng araw na iyon ang binata pero tinanggihan siya ni Miss Jasmine. At dahil doon, kinidnap niya ito bilang ganti.”
Hindi ako makapaniwalang napanganga sa narinig. That doesn‟t make any sense!
Padabog na hinampas ni Israel ang mesa. “Don‟t you know how ridiculous this whole thing sounds, officer? Napaka pang-kinder naman ng assumption mo!” gigil na gigil na saad niya.
“Siguro nga sila ang huling nakitang magkasama pero hindi sapat na dahilan iyon para si Jack kaagad ang maging suspect!” sigaw rin ni Andrew.
“But it doesn‟t make him innocent either.” Sabat naman ng isa pang officer. “So kung gusto niyong malinis ang pangalan ng kaibigan niyo, kailangan niyo kaming tulungan upang mahanap siya at maimbestigahan.”
“Napakahirap paniwalaan na magagawa ni Jack Frost iyon kay Jasmine. Walang sapat na ebidensya laban sa kanya! This whole thing is bullsh*t!” sagot ni Justine.
“I‟m sorry pero hanggang hindi nahahanap si Mr. Frost , he will remain as our primary suspect.”
❄ ❄ ❄
“Kailangan natin siyang mahanap.” Frustrated na saad ni Israel pagkalabas namin ng Principal‟s Office.
“Paano? Alam niyo kung gaano siya kahirap mahanap. Hindi ko alam kung saan tayo dapat magsimula.” saad naman ni Andrew.
“Ano sa tingin mo, Storm? May alam ka bang lugar na pwede niyang puntahan?” tanong ni Justine.
Tumingin ako kay Storm na hanggang ngayon ay wala pa ring imik matapos makita ang picture na iyon. Dahan-dahan niyang iniangat ang ulo niya at tiningnan sila isa-isa ng malamig.
“Bakit nga ba natin siya kailangan mahanap? Para ba malinis ang pangalan niya? Hindi niyo man lang ba naisip si Jasmine?” tila galit na tanong niya.
Nagulat ako nang biglang sumugod sa kanya si Israel at hinatak siya sa may kwelyo niya. “F*ck it, Storm. Talaga bang pag dating kay Jasmine ay lagi kang magkakaganyan? Of course we‟re doing this because we want to help her! We need to find Jack para malaman natin kung anong totoong nangyayare. Goddamnit!” sigaw niya at saka itinulak si Storm.
Sabay-sabay silang napahawak sa mga batok nila.
“Mabuti pa ay simulan natin sa apat na lugar na posibleng kinaroroonan niya.” suhesyon ni Samuel.
Napa-isip ako sa sinabi ni Samuel. “Apat na lugar?” wala sa sariling naitanong ko.
“Hula ko lang iyon, Summer. Apat na lugar lang ang posibleng kinaroroonan niya ngayon. Una sa listahan ang condo niya. Pangalawa ay sa mansion nila. Pangatlo ay sa hideout,” sagot niya.
“At ang pang-apat?” tanong kong muli. God, Summer. Ngayon pa ba ang tamang panahon para sa kuryosidad mo? Ugh.
“Ang pang-apat?” sarkastik na tanong ni Israel. “Sa tapat ng bahay nyo.” Tila inis na sagot nito at saka nagsimulang umalis.
Saglit akong natulala sa sinabi niya. Sa tapat ng bahay namin? Imposible. At teka, bakit tila galit siya? Nagtanong lang naman ako.
“Sa apat na iyon, unahin natin sa condo niya.” ika ni Justine.
Walang salitang dali-dali silang kumilos at umalis at sinundan si Israel na nauna nang lumakad. Susunod na sana ako sa kanila pero natigilan ako nang hablutin ni Storm ang kamay ko.
“Sa hideout tayo.” bulong niya.
Napakunot ang noo ko nang hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.
“Kailangan nating maghiwa-hiwalay. Sa hideout tayo at sila naman ay sa condo ni Jack.”
“A-Ah, tama.” Pagsang-ayon ko. Mabuti at naisip niya pa iyon sa kabila nang estado niya.
Hindi na kami nag-aksaya pa ng panahon at mabilis na kaming nagtungo sa hideout nila. Pagdating namin ni Storm sa lugar ay wala kaming ibang naabutan kundi tahimik na lugar at puno ng mga kalat.
Inilabas ni Storm ang cellphone niya at may numerong idinial. Ilang sandali lang at may kausap na siya sa kabilang linya.
“Wala siya sa hideout,” bungad niya sa kung sino man ang tinawagan niya. “Sinubukan niyo bang tawagan siya sa cellphone niya? I see. Kami na lang ang pupunta sa mansion nila, kayo na sa bahay nila Summer.” Saad niya at saka ibinaba ang tawag at muli akong hinarap.
“Wala raw si Jack sa condo niya. Wala raw bakas na nagpunta siya roon.” Balita niya sa akin.
Hindi ako umimik at nanatili lang nakatingin sa mga mata niya. Pakiramdam ko ay ibang Storm ang kaharap ko ngayon. Tila nababalot ng itim na aura ang katauhan niya. Laking gulat ko nang bigla niya akong hatakin at itago sa likuran niya. Balak ko sanang magsalita upang tanungin siya kung bakit niya ginawa iyon pero natigilan ako at tila napako sa kinatatayuan ko nang makita ang lalaking nakatayo sa harapan namin.
“Ang tagal niyo namang dumating. Napakatagal niyo akong pinaghintay.” wika nito at katulad ng dati ay mabilis akong kinilabutan dahil sa takot nang marinig ang boses niya.
“Thunder.” tawag ni Storm sa pangalan niya.
Itinaas niya ang kamay niya at kumaway. Nagpakawala siya nang nakakatakot na ngiti at sinilip ako sa likuran ni Storm. Para naman akong bata na nagtago at pinagsiksikan ang sarili ko sa likuran ni Storm.
“Kasama mo pala ang sikat na sikat na babaeng iyan.” Nakangiting puna niya.
“Anong ginagawa mo rito?” halatang galit na tanong ni Storm.
“Hindi ka ba talaga tinuruan ng manners ng magulang mo? Hindi ka ba nila tinuruang mangamusta muna kapag nagkikita kayo ng dati mong kakilala?” mapang-insultong tanong ni Thunder. “Ay, nakalimutan ko. Wala ka nga pa lang magulang. That explains a lot.” Dagdag nito at saka tumawa.
Naitikom ni Storm ang kamao niya. “F*ck you!” sigaw niya.
Natawa naman lalo si Thunder dahil nagawa niyang galitin si Storm. I can‟t believe there can be someone who can be that cruel. Malala na siya.
“Ano ba talaga ang kailangan mo?” lakas loob na tanong ko.
Sumilip siya sa likuran ni Storm at nginitian ako. “Oh, may dila ka pala?” tanong niya sa akin dahil sa pagsabat ko.
Nilakasan ko pa lalo ang loob ko at umalis sa likuran ni Storm. “Mas may importante pa kaming bagay na dapat gawin kesa makipag-usap sa taong katulad mo na nalalason na ang utak dahil sa galit.”
Mabilis na nawala ang ngiti sa labi niya at naging seryoso ang mukha niya. “Masyadong matulis ang dila mo, nakakapagtaka na hanggang ngayon ay hindi pa napuputol iyan ni Jack Frost,” sagot niya.
Ngumiti ako ng sarkastik sa kanya. “Kung wala ka ng sasabihin, if you‟d excuse us, kailangan na naming umalis.” Saad ko at saka hinila si Storm.
Nang malampasan namin siya nang wala siyang ginagawang kahit ano ay nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para sumagot sa kanya but it‟s a good thing na nagawa kong lumaban sa kanya.
Malapit na sana kami sa may pintuan nang bigla ulit siyang magsalita. “Oo nga pala, may balita ba kayo kay Jasmine?”
Kaagad akong natigilan habang si Storm naman ay mabilis na inalis ang kamay kong nakahawak sa kanya at binalikan si Thunder. Dumampot siya ng isang bote ng alak na nakakalat sa sahig at binasag ito. Napakabilis ng mga pangyayari. The next thing I know ay tulak-tulak na niya si Thunder against the wall habang itinututok niya ang basag na bote sa may leeg nito.
Napaupo ako at napatakip sa bibig ko. Hindi ko na makilala si Storm sa hitsura niya. Tila bigla na lang siyang naging halimaw. Napakunot ang noo ko dahil imbes na matakot ay natawa pa si Thunder nang malakas habang may nakatutok na matulis na bagay sa may leeg niya.
“Bago mo ako tutukan ng bubog sa leeg, Storm, sigurado ka bang kaya mo akong patayin?” mapang-insultong tanong niya.
Lalong kumunot ang noo ni Storm at idiniin pa siya lalo sa may pader. “Don‟t f*cking mess with me right now.” Banta ni Storm pero imbes na matahimik si Thunder ay mas lalo pa itong natawa.
“Hindi ko akalain na ganyan ka pala kabaliw sa babaeng iyon. Hindi mo ba alam kung gaano siya karumi?” natatawang tanong niya.
“F*ck you!” sigaw ni Storm at umastang sasaksakin na siya pero agad akong sumigaw upang pigilan siya.
“Storm, don‟t!”
Napatigil naman siya at dahan-dahang napatingin sa akin. Umiiyak akong umiling sa kanya. I just can‟t imagine how I‟ll deal with witnessing another crime. I know this world is too cruel but I hope its cruelty won‟t turn them into monsters.
“Storm, you‟re better than this.” Saad ko.
Matagal niya akong tinitigan bago tila unti-unting natauhan. Dahan-dahan niyang nabitiwan ang basag na bote na itinutok niya kay Thunder bago niya ito tuluyang pinakawalan. Napayuko siya at sa pagyuko niya ay may luhang sunod-sunod na tumulo sa pisngi niya.
“You can insult me all you want, you can hurt me and beat me up until I die, but keep Jasmine out of this. She‟s too weak.” bulong niya. “Alam kong napakalaki ng atraso ko sa‟yo. Kung naniningil ka na ngayon, sa akin na lang. Huwag mo nang idamay pa si Jasmine. Nagmamakaawa ako.”
Iniwas ko ang tingin ko kay Storm. Hindi ko kayang panuorin siyang nagmamakaawa sa isang masamang tao.
“Well, hindi convincing ang pagmamakaawa mo. May kulang.” mapang-asar na sagot ni Thunder.
Wait, don‟t tell me gusto niyang… Iniisip ko pa lang ang mangyayari ay agad nang lumuhod sa harapan niya si Storm. “Please….” Mahinang bulong ni Storm habang nakaluhod. “Please..please…please.”
Napatakip ako sa bibig ko at nag-uunahang tumulo ang mga luha ko. This feels too torturous. Storm doesn‟t deserve any of these!
Ibinalik ko ang tingin ko kay Thunder nang tumawa ito ng ubod ng lakas. Laking gulat ko na lang nang pulutin niya ang boteng binasag ni Storm. Oh, God. Please don‟t tell me…
“Storm!” sigaw ko at napatakbo papalapit kay Storm nang yumuko si Thunder at saksakin siya sa tiyan. Agad na namimilipit na napahiga si Storm habang hawak-hawak ang duguan niyang tiyan. Natataranta akong naupo at hindi malaman ang gagawin. Dugo…napakaraming dugo.
“Napakasama mo!” umiiyak na sigaw ko kay Thunder.
Binigyan lang niya ako ng sarkastik na ngiti at saka binitiwan ang boteng hawak-hawak niya. Naglabas siya ng puting panyo at pinunasan ang kamay niyang nabahiran ng dugo.
“I hope you know now that what disgusts me most are people begging. That‟s what you get for being a coward, Storm. I don‟t need you to beg. I didn‟t wait for this long para lang sa pagmamakaawa mo.”
“Ano ba talagang kailangan mo? It‟s still about revenge?!” hindi makapaniwalang sigaw ko.
“S-Stay out of this, S-Summer.” Nanghihinang bulong ni Storm.
Ngumiti si Thunder sa sinabi niya. “He‟s right. Stay out of this kung ayaw mong maramdaman ang mga nangyari kay Jasmine.”
“W-What do you mean?! May kinalaman ka sa pagkawala ni Jasmine?!” hindi makapaniwalang tanong ko.
Hindi niya ako inimikan at imbes ay lumakad siya patungo sa may mesa at may kinuhang maliit na kahon roon. Bumalik siya sa amin at ibinagsak ang kahon sa harapan namin.
“Hindi ikaw ang kailangan ko, Storm. Si Jack ang kailangan ko. Bibigyan kita ng walong oras para dalhin siya sa akin. Kapag hindi mo nadala sa harapan ko si Jack ngayong gabi, tanging iyang laman na lang ng kahon na iyan ang magiging alaala mo kay Jasmine.” Banta niya at saka nagsimulang lumakad paalis.
“F*ck, wait!” pigil ni Storm pero hindi na ito lumingon pa.
Nang tuluyan na siyang mawala ay hirap na hirap na bumangon si Storm at binuksan ang kahon. Pagkabukas niya rito ay agad siyang napasampal sa noo niya.
“F*ck!” sigaw niya at saka nanghihinang nahiga sa sahig. “F*ck!” walang magawang sigaw niya.
Tiningnan ko ang laman ng kahon at inalala ang hitsura ni Jasmine sa larawang ipinakita sa amin ng mga Pulis kanina. Sa pagkakatanda ko ay maiksi nga ang buhok niya sa picture. Hindi mo maipagkakailang buhok niya nga ang nasa karton na ito. Ngayong alam na naming na kay Thunder si Jasmine, what should we do now?
“S-Summer.” nanghihinang tawag sa akin ni Storm.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at tinulungan siyang maupo.
“Storm, kailangan nating magpunta ng hospital. Napakarami ng dugo ang nawawala sa‟yo.” Naiiyak na saad ko.
Dahan-dahan siyang umiling. Halata sa mukha niya na hirap na hirap na siya. “Kailangan kong pumasok sa Avellino. Kailangan ako ni Jasmine.”
“Nababaliw ka na ba?! Hanggang ngayon ba ay siya pa rin ang iniisip mo sa kabila ng lagay mo? Mamamatay ka kung hindi kita dadalhin sa hospital!” sigaw ko.
“Mas ikamamatay ko kung may mangyayaring masama sa kanya,” seryosong sagot niya at saka tumayo.
Mabilis din naman akong tumayo para maalalayan siya. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Gusto kong makatulong. Gusto ko siyang tulungan. Pero paano? Wala akong maisip na paraan. I‟m still a pathetic and useless person.
“Kailangan nating mahanap si Jack. Kailangan naming iligtas si Jasmine.” Tila desperado nang suhesyon ni Storm.
Wala naman akong ibang nagawa kundi ang tumango at sumang-ayon. Sa palagay ko ay iyon na lang ang natitira naming pag-asa at solusyon. Si Jack Frost.
I feel pathetic habang walang ibang magawa kundi ang maawa habang pinapanuod si Storm na hirap na hirap na minamaneho ang sasakyan niya patungo sa sinasabi nilang tunay na bahay ni Jack. Namumutla na ang mukha niya at halos naliligo na siya sa sarili niyang dugo.
“Don‟t worry about me. I‟m fine.” Bulong niya nang mahalata niyang sobra-sobra na akong nag-aalala sa lagay niya.
“You‟re not.” mabilis na kontra ko.
Hindi na niya ako inimikan pa kung kaya‟y inilipat ko na lang ang atensyon ko sa dinaraanan namin. Ilang sandali ang lumipas bago niya inihinto ang sasakyan sa tapat ng isang malawak na gate. Sobrang taas ng gate at hindi ito pangkaraniwang gate na maari mong makita kung anong klaseng bahay ang nasa likod nito. Hindi ka binibigyan ng ideya nito kung ano ang meron sa loob.
Kahit na hindi pa sinasabi ni Storm na nasa tapat na kami ng bahay nila Jack ay alam ko nang sa kanila ito dahil halata mo sa gate pa lang ay sobrang yaman na ng nakatira sa loob. Hindi na siguro ako magtataka kung sa pagpasok namin ay makakakita ako ng kamangha-manghang mansion dahil sa gate pa lang ay masyado nang pinagkagastusan.
Dali-daling bumaba si Storm sa sasakyan at sumunod rin naman agad ako. Mukhang may cctv ang gate at nang makita kaming dalawa ni Storm na bumaba ng sasakyan ay bigla na lang itong kusang nagbukas. Pagkabukas ng gate ay hindi ko inaasahang may tao agad ang sasalubong sa amin.
“I‟m sorry to say this but Mr. Frost is not in the right condition to have any visitors.” bungad ng matandang lalaki na tinatawag nilang Morgan. So tama nga. Nandirito si Jack.
“Tell him it‟s important, and I‟m with Summer.” Nanghihinang sagot ni Storm.
“That‟s exactly the reason why you can‟t come in. He doesn‟t want to see Summer.” ika ni Mr. Morgan.
Hindi ako makapaniwalang napanganga sa narinig. He doesn‟t want to see me? The hell is wrong with that cursing machine?!
“Please, Morgan. Kailangan ko siyang makausap.”
Matagal na tumitig si Mr. Morgan sa aming dalawa bago nagpakawala ng malalim na paghinga. Dahan-dahan siyang tumabi sa harapan namin na tila pagbibigay hintulot na rin niya sa amin na pumasok. Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Storm at kahit na hirap na hirap siya ay nagmamadali siyang tumakbo papunta sa loob.
Pagkapasok namin ay hindi na ako nagkaroon pa ng panahon para mamangha sa kalawakan at kagandahan ng lugar dahil dumiretso kaagad kami ni Storm sa tapat ng isang silid na sa tingin ko ay kwarto ni Jack. Hindi na nag-abala pang kumatok si Storm at dire-diretso na lang pumasok sa loob habang hila-hila ako.
Isang napakagulong silid ang bumungad sa amin pagkapasok. Napakaraming bote ng alak ang nakakalat sa paligid at may mga basag pang mga gamit. Tila dinaanan ng bagyo ang loob ng kwarto.
“You have thirty seconds to leave before I kill you both.”
Sabay kaming napalingon sa gilid ni Storm nang manggaling doon ang boses ni Jack. Kaagad na kumalabog ang puso ko nang magtagpo ang tingin naming dalawa. Napansin ko kaagad ang kulay ng buhok niya. Nagbalik na ito sa pagiging kulay gray. Napansin ko rin ang sugat sa may kilay at labi niya. Nakipag-away nanaman ba siya?
“Jack.” Tawag ni Storm sa kanya at mabilis siyang nilapitan.
Kahit na nasa harapan na niya si Storm ay hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa akin. At heto ako, tila naging estatwa sa kinatatayuan. Hindi ko magawang gumalaw. Miski ang ibuka ang bibig ko upang batiin siya ay hindi ko magawa.
“Kinidnap ni Thunder si Jasmine.” Agad na balita ni Storm sa kanya.
Dahil sa narinig ay dahan-dahan niyang inilipat ang tingin kay Storm pero walang pagbabago sa ekspresyon ng mukha niya. Tila hindi man lang siya nagulat sa sinabi nito.
“If that‟s the reason why you‟re here, leave. Jasmine will be fine.” Malamig na sagot niya at saka nilagpasan si Storm at nagtungo sa may kama niya. Kinuha niya ang isang bote ng alak na nakapatong sa mesa katabi ng kama niya at tinungga iyon.
“F*ck it, Jack. They took her! We need to help her!” inis na saad ni Storm at muling lumapit sa kanya.
“I need more f*cking time alone.” Mabilis na sagot niya at saka pasimpleng inilipat ang tingin sa akin bago ibinalik kay Storm. “So if you‟re done here, f*cking walk out of my house now.”
Hindi makapaniwalang natawa si Storm sa inis. “Hindi mo man lang ba naisip kung gaano kaawa-awa si Jasmine ngayon? F*ck! Kailangan natin siyang iligtas!”
“I don‟t have f*cking time for this, Storm. She‟ll be fine! If you don‟t trust me, then go and f*cking save her!”
Tuluyan nang napikon si Storm at sinuntok siya sa mukha. “Talaga bang wala kang pakialam sa kanya?”
Pinunasan ni Jack ang pumutok niyang labi at inis na tiningnan si Storm. “It‟s none of my f*cking business,” sagot ni Jack at saka tumayo at lumakad papunta sa may pintuan ng kwarto niya at binuksan ang pinto ng napakalapad. “Leave me alone.” Saad niya.
Hindi ako makapaniwalang napanganga. Si Jack nga ba talaga ang kaharap namin? Paano niya nasasabi ang mga bagay na iyon? Akala ko ba ay minahal niya ng sobra si Jasmine?
“You‟re f*cking disappointing, Jack Frost.” Gigil na saad ni Storm at saka nauna nang umalis.
Nanatili akong nakatayo sa kinatatayuan ko at nakatingin lang kay Jack na nakatayo sa may pintuan.
“Talaga bang wala kang balak tumulong?” lakas loob kong tanong. Tinitigan kong maigi ang mukha niya. I didn‟t know I missed him this much.
Tumawa siya ng napakasarkastik sa tanong ko. “Why would I help them?” tila nang-iinsultong tanong niya.
“Bestfriend mo si Storm at minahal mo si Jasmine….wala ka ba talagang pakialam?” hindi makapaniwalang tanong ko.
“How the f*ck do you expect me to help them when I can‟t even handle my own pain?!”
Hindi ako makapaniwalang natawa sa sagot niya. “Ayaw mong tumulong dahil lang broken hearted ka? Hindi mo ba naisip kung anong posibleng mangyari kay Jasmine at Storm?” inis na tanong ko.
Napakunot ang noo ko nang asar siyang natawa. “Dahil lang broken hearted?” tila nainsultong tanong niya. “Tell me, what do you even know about having your heart broken?”
Saglit akong natigilan sa tanong niya at hindi magawang makasagot.
“Oh, I forgot. What do you even know about love? You don‟t even love yourself.” Dagdag pa niya.
Kaagad akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko matapos marinig iyon. Namalayan ko na lang na may luhang nag-uunahang pumatak sa pisngi ko pero dali-dali ko iyong pinunasan.
“How dare you.” mahinang bulong ko.
Nagpakawala siya nang malalim na paghinga bago muling nagsalita. “I used to f*cking care about you, Summer. Until I realized how pathetic I was to care over someone who didn‟t even care about me.” saad niya.
Tila paulit-ulit niya akong sinasaksak sa mga salitang binibitawan niya. Pakiramdam ko ay sinasabi niyang pagod na siya sa akin at handa na niya akong bitiwan…at hindi ko gusto na nasasaktan ako sa ideyang iyon.
“Go and love yourself, Summer. I‟m done with loving you.” saad niya at sinirado ang pinto ng padabog.