A year ago…
“Are you sure that she lives here?” tanong ni Israel kay Jack habang nakatayo sila sa tapat ng isang pangkaraniwan lang na bahay sa hindi kilalang subdivision malapit sa paaralan nila.
“I‟m actually not too sure...” Sagot naman ni Jack sa kanya.
“Hindi mo pa ba nasusubukang pumasok sa loob? Hindi ka pa ba niya naipapakilala sa mga magulang niya?” sunod-sunod na tanong ni Israel sa kanya.
Nanatiling tikom ang bibig ni Jack at walang balak sumagot sa kanya. Sa totoo lang ay iyon din ang mga bagay na matagal nang gumugulo sa isipan niya.
Dalawang buwan na ang lumipas simula nang dumating sa Tan Siu ang isang transferee na nangangalang Jasmine Hererra. Mag-iisang buwan na rin simula nang maging sila ng dalaga. Sa loob ng dalawang buwan ay araw-araw at gabi-gabi niya itong hinahatid-sundo sa kanila pero sa mga panahong iyon ay nakakapagtakang ni minsan ay hindi niya nakitang lumabas o pumasok si Jasmine sa bahay na ito. Sa tuwing darating siya ay lagi nang nakaabang sa labas ang dalaga at sa tuwing ihahatid niya ito ay parati siyang pinapaunang umalis bago ito pumasok sa loob.
“So ano? Tatayo lang tayo rito? Wala ka bang balak kumatok? Kung nahihiya ka sabihin mo lang, ako na kakatok para sa‟yo.” Naiinip na saad ni Israel.
Seryoso niyang tiningnan si Israel at hindi mahanap ang salitang gusto niyang sabihin dito. Gusto niyang itanong sa kaibigan na paano kapag tama siya? Na paano kung nagsisinungaling si Jasmine sa kanya? Na paano kung niloloko pala siya ng kaisa-isang babaeng natutunan niyang mahalin bukod sa kapatid niya? Paano kung tama ang mga hinala niya tungkol dito? Will he be able to handle the pain — from the truth?
Huli na nang malaman niyang kumatok na pala si Israel sa pinto ng maliit na bahay na pinaniniwalaan nilang bahay ni Jasmine. Lumabas roon ang isang ginang na mukhang nasa mid-40s ang edad habang suot-suot ang nagtatakang ekspresyon.
“Ano hong kailangan nila?” nagtatakang tanong nito.
Nanatiling tulala si Jack sa ginang at hindi magawang ibuka ang kanyang bibig. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya naduwag…natakot. He‟s afraid of knowing the truth.
Si Israel na ang sumagot sa ginang nang mapansin niyang tila nagdadalawang isip si Jack. “Uh, itatanong lang po sana namin kung nandyan po ba si Jasmine? Kung bakit hindi siya pumasok kanina? Kung ayos lang po ba siya? Kung may sakit po ba siya?”
Mabilis na kumunot ang noo ng babaeng kausap nila. “Jasmine? Hindi ba‟t pangbabaeng pangalan iyon?” tila naguguluhang tanong nito.
“I guess?” sarcastic na sagot ni Israel.
“Wala akong anak na babae. Mukhang nagkamali kayo ng bahay.” sagot ng ginang.
Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ni Jack at kasabay noon ay ang unti-unting pagkadurog nito. Miski na inaasahan na niya ito ay nasaktan pa rin siya.
“Sigurado po ba kayo? Jasmine po. As in Jasmine Hererra. Kakatransfer lang niya sa Tan Siu.” Pagpupumilit ni Israel.
“Mga hijo, sa tingin ko ay maling bahay talaga ang napuntahan niyo. Walang nakatirang Jasmine Hererra rito. At isa pa, wala rin akong kilala rito sa subdivision namin na nag-aaral sa Tan Siu. Masyadong mahal ang tuition doon at walang taga rito ang makaka-afford noon.”
Hindi makapaniwalang inilipat ni Israel ang tingin kay Jack. “Sigurado ka bang dito mo siya mismo hinahatid at sinusundo? Bakit hindi siya kilala ng sariling nanay niya?”
Napa-iling na lang si Jack at saka mabilis na naglakad palayo.
Kinaumagahan ay hindi pumasok sina Jack at Israel. Nakakapagtaka iyon para sa grupo nila dahil simula nang makilala ni Jack si Jasmine ay walang mintis ang attendance nito. This time ay si Jasmine naman ang nabahala dahil simula pa kagabi ay hindi na niya makontak si Jack. She tried calling him during lunch break and break time pero unattended pa rin ang cellphone ng boyfriend niya hanggang sa mag-uwian na.
Simula nang lumipat siya sa Tan Siu ay eto pa lang ang unang beses na uuwi siya na hindi kasama si Jack. Ang hindi niya alam ay may dalawang pares ng mga mata ang nakabantay sa kanya habang naglalakad siya pauwi. Palinga-linga siya habang naglalakad at halatang chinecheck nito kung may nakakakita ba sa kanya.
Gamit ang sasakyan ni Israel ay pasimpleng sinusundan nina Jack si Jasmine. Ginamit nila ang sasakyan niya dahil hindi pa iyon nakikita ng dalaga. Kaya kung susundan nila siya gamit ang sasakyang ito ay hindi sila nito mapapansin.
Napakapit ng mahigpit si Jack sa manibela ng sasakyan nang ibang daan ang dinaanan ni Jasmine pauwi. Nanatili namang tahimik si Israel at mataimtim lang na nagmamasid. Patuloy lang sila sa pagsunod kay Jasmine hanggang sa mapansin nilang tila pamilyar na sa kanila ang dinaraanan nito.
“What the f*ck? Hindi ba‟t daan ito papunta sa bahay nila—” hindi na natuloy pa ni Israel ang sasabihin niya nang mapansin ang itsura ni Jack. Ngayon niya lamang ulit nakitang nagkaganito ang binata simula nang mawala ang kapatid nito.
Malaki ang pasasalamat niya nang dumating sa buhay nila si Jasmine noon. Dahil sa kanya ay natutunan muli ni Jack ang ngumiti at maging masaya. Simula nang dumating ang dalaga ay tila nagkaroon ulit ng dahilan si Jack para mabuhay. Pero ngayon, tila bigla na lang siyang nagising mula sa pagkakapossess. Tila nawala siya sa sarili at ngayon lang nagbalik sa katotohanan. Ang dating perpektong babae sa paningin nilang lahat ay unti-unti nang nababalot ng dumi sa kanyang paningin. Para sa kanya ay wala na sigurong mas dudumi pa sa babaeng taksil...sa babaeng pinaibig lang ang kaibigan niya. Sa babaeng pinaniwala lang silang lahat.
“Jack.” tawag niya sa kaibigan na kanina pa walang imik. Inilipat ni Jack ang tingin sa kanya.
Tiningnan niyang maigi sa mga mata si Jack. Sa paraan ng pagtingin ni Israel kay Jack ay makikita mong may nais itong sabihin sa kaibigan pero hindi nito magawa. Na halatang iniiwasan nito ang may sabihin na makakasakit sa damdamin ni Jack.
Napabuntong hiningala na lang si Jack at nag-iwas ng tingin. “I know.” wika niya. “I wish that we are wrong. That whatever we‟re thinking right now is just a mistake.”
“But what if we‟re right?”
Hindi nagawang umimik ni Jack sa tanong niya. Tama nga naman si Israel. What if they‟re right? Nahanda na ba niya ang sarili niya sa katotohanan? Magagawa niya kayang tanggapin ito? At ang paulit-ulit niyang tanong sa sarili, will he be able to handle the truth? Will he be able to handle the pain of knowing?
Sabay nilang ibinalik ang tingin sa dalagang sinusundan nila. Huminto ito sa tapat ng isang napakalaking tahanan at kahit na alam na nilang doon talaga ang punta nito ay parehas pa rin silang nakaramdam ng kirot sa dibdib nang panuorin nila itong pumasok sa bahay ng taong ni minsan ay hindi nila naisip na may kinalaman sa dalaga.
Napayuko si Israel at napahawak sa batok niya. “This is totally mind f*cking.” dismayadong kumento niya habang si Jack naman ay nanatili lang nakatitig sa gate na pinasukan ni Jasmine at umaasang sana ay panaginip lang ang lahat ng nasaksihan niya ngayon.
Magdamag silang naghintay sa tapat ng bahay kung saan pumasok si Jasmine pero hindi na lumabas pang muli ang dalaga. Tuluyan nang sumikat ang araw at hindi pa rin nila nakikita si Jasmine na lumabas roon. Pero nang tatlumpung minuto na lang ang natitirang oras bago magsimula ang unang klase nila sa Tan Siu ay saka lang nila itong nakitang lumabas.
Sabay na bumaba ng sasakyan sina Jack at Israel at kaagad na napahinto si Jasmine sa paglalakad nang makita sila. Nabitiwan niya ang mga librong hawak-hawak niya at hindi makapaniwalang napanganga. Halatang halata sa reaksyon niya ang gulat at takot nang makita ang dalawa.
“Kumain ka ba muna bago pumasok?” sarkastik na tanong ni Israel sa kanya. Ginamit niya ang linyang araw-araw na ginagamit ni Jack para kay Jasmine sa tuwing sinusundo niya ito.
“A-Anong ginagawa niyo r-rito?” utal-utal na tanong ng dalaga.
“Hindi ba‟t ikaw ang dapat naming tanungin ng ganyan, Jasmine? Anong ginagawa mo rito? Sa anong paraan na nakita ka naming pumasok at lumabas sa bahay ni Thunder? How the f*ck would you explain this to us?!” kunot noo at gigil na tanong ni Israel.
Hindi nagawang sumagot ni Jasmine. Imbes ay unti-unti niyang inilipat ang tingin kay Jack na tahimik lang na nakatingin sa kanya.
“J-Jack, please…” nanginginig na saad niya.
“How disappointing, my love.” tanging sagot ni Jack.
Awtomatikong bumagsak ang mga luha ni Jasmine nang marinig ang apat na salitang iyon mula sa kanya. Kung may nakakakita lang siguro na ibang tao ay paniguradong mamamangha ito kung gaano kagandang umiyak si Jasmine. Ngunit hindi iyon magawang maappreciate ni Jack dahil ang dating babaeng tinitingala niya at sinasamba ay ngayo‟y isa na lang babaeng traydor sa paningin niya.
“Jack, kung ano man ang iniisip mo ngayon, nagkakamali ka. Hindi kita niloloko. Hindi. Mahal kita. Totoong mahal kita.”
“Oh yeah? How are you gonna explain this?” singit naman ni Israel.
“Israel, please!” sigaw ni Jasmine. “Kung ano man ang iniisip niyo, mali kayo.”
“Then tell us why the f*ck are you staying in Thunder‟s house?!”
Humugot ng malalim na hininga si Jasmine bago pinunasan ang basa niyang pisngi.
“Because I don‟t have a f*cking choice!” sigaw niya.
“You don‟t have a f*cking choice? What‟s that supposed to mean?” naguguluhang tanong ni Israel.
Napasabunot sa sarili niya si Jasmine at saka kinakabahang lumingon sa bahay kung saan siya nanggaling.
“This isn‟t the right place to talk about it, please.” nanginginig sa takot na sagot niya.
❄ ❄ ❄
“What the f*ck? Are you serious?!” hindi makapaniwalang tanong ni Israel matapos marinig ang eksplenasyon ni Jasmine.
Kasalukuyan silang nasa hideout matapos nilang mapagkasunduang ito ang tamang lugar upang isuwalat ni Jasmine ang katauhan niya sa kanilang dalawa.
Nanatiling tahimik si Jack at hindi magawang iproseso sa utak niya ang lihim na ibinunyag sa kanila ng dalaga.
“Hindi pa rin ako makapaniwala. Ang hirap paniwalaan.” Inis na saad ni Israel.
“I‟m sorry kung hindi ko kaagad sinabi sa inyo. But believe me, wala akong masamang pakay.” Saad ni Jasmine.
“Pero bakit ganun? Kung kapatid ka nga ni Thunder, bakit sa Tan Siu mo piniling pumasok? Bakit hindi sa Avellino?” pagbubusisi pa lalo ni Israel.
Nagpakawala muna ng malalim na paghinga ang dalaga bago siya nito sinagot. “Hindi pa ba sapat na dahilan na dahil doon nagaaral si Thunder? And besides, ang dami ko ring naririnig na masamang balita about Avellino. Sinong gugustuhing pumasok sa paaralan na sobrang gulo.” Paliwanag ni Jasmine.
“Grabe. Hindi pa rin ako makapaniwala.” ulit ni Israel habang umiiling. Napahawak pa siya sa noo niya at hinilot ito. “Ayaw talagang pumasok sa utak ko ang mga sinabi mo, Jasmine.”
Bumuntong hininga na lang ulit si Jasmine at saka inilipat ang tingin kay Jack na kanina pa walang imik.
“How about you, Jack? Naniniwala ka ba sa kanya?” tanong ni Israel.
Tumingin si Jack sa mga mata ni Jasmine at tinitigan niya ito ng matagal. Ilang sandaling namagitan ang katahimikan at tensyon sa pagitan nilang tatlo bago tuluyang sumagot si Jack.
“Of course. She‟s the girl that I love.” sagot niya habang patuloy na nakatitig sa mga mata ng dalaga. “And we must always trust the people that we love.” Dagdag pa ng binata.
“Nagsasabi ako ng totoo. Kung ano man ang gulong meron sa inyo ni Thunder ay labas ako roon. Kung may kasalanan man ako rito, tanging ang hindi ko lang pagsasabi kaagad ay related kami. Natatakot lang ako na baka magkaron ng epekto ang pagiging magkapatid namin ni Thunder sa relasyon natin, Jack.”
Tumayo si Jack at saka inabot ang kamay ni Jasmine. “You don‟t have to explain yourself. I will always believe in you.”
Tila nabunutan naman ng tinik ang dalaga sa kanyang narinig. Kaagad siyang tumayo at niyakap si Jack habang si Israel naman ay hindi na lang makapaniwalang napailing.
Hindi niya matanggap na ganoon lang kabilis na pinaniwalaan ni Jack ang mga sinabi ni Jasmine. Para sa kanya ay hindi sapat ang mga paliwanag ni Jasmine pero anong magagawa niya kung ang taong tanging may karapatan lang na magduda at maghinala ay pinatawad na at tinanggap na kaagad ang paliwanag ng inaakusahang nagkasala.
Lumipas ang ilang buwan na parang walang nangyareng komprontasyon sa pagitan nina Jack, Jasmine at Israel. Minabuti na lang din ni Israel na huwag nang magsalita tungkol rito at kalimutan na lang ang nangyare. Hindi na rin nila sinabi pa ang bagay na natuklasan nila sa mga kaibigan nila dahil ayaw na nilang palakihin pa ang issue.
“Hanggang kailan mo ako patuloy na susundan, Israel?”
Natigilan sa paglalakad si Israel nang marinig niya ang boses ni Jasmine. Tumingin siya sa madilim na parte ng maliit na eskenita na kinaroroonan niya at dahan-dahan doong lumabas si Jasmine.
Pilit na lang siyang natawa sa sarili niya at napakamot sa ulo. “Patay, nahuli ako.” Pabirong saad niya.
Nagcross-arms si Jasmine at saka mas lalong lumapit sa kanya. Nawala na ang mala-anghel na imahe nito kapag magkakasama sila nina Jack.
“Alam ba ni Jack ang ginagawa mo?” kunot noong tanong ng dalaga.
Tuluyan nang inalis ni Israel ang mapagpanggap niyang ngiti at saka seryosong tiningnan si Jasmine. “Bakit? Magsusumbong ka?” tanong niya rito.
Sarkastik na natawa si Jasmine at saka tinaasan siya ng kilay. “Itigil mo na ang pagsunod mo kung ayaw mong isumbong talaga kita. Unti-unti na akong naiirita sa‟yo.”
Natawa ng pilit si Israel sa pagtataray nito. Mukhang ito talaga ang totoong kulay niya. “Kung si Jack naniniwala sa‟yo, ibahin mo ako. I don‟t trust you. At proprotektahan ko ang kaibigan ko kung ano man ang masamang binabalak mo.”
Hindi makapaniwalang natawa si Jasmine matapos marinig ang sinabi niya. “Sinabi ko na, hindi ba? Wala akong masamang balak. And for pete‟s sake, Israel. Mag-iisang taon na tayong magkakakilala. May masamang nangyayari ba? Hindi ba‟t wala?”
“Wala...pa.” pagdidiin ni Israel.
Napailing na lang si Jasmine sa kanya. “Fine. Bumuntot ka hanggang sa magsawa ka.” Pagsuko ng dalaga.
Tatalikuran na sana niya si Israel pero natigilan siya nang magsalitang muli ang binata.
“Itigil mo na ang balak mong sirain sina Jack at Storm. Mabibigo ka lang.”
Gulat na ibinalik ni Jasmine ang tingin sa kanya. “Anong sabi mo?”
“Huli na kita, Jasmine.” Seryosong saad ni Israel.
Matagal na hindi nakapagsalita si Jasmine at hindi na niya nagawa pang sumagot kay Israel. Natawa na lang siya nang mukhang nahuli na talaga siya nito.
“So ano pang ginagawa mo? Bakit hindi mo pa sabihin kay Jack kung talagang alam mo na?” tanong ng dalaga.
“Ayokong saktan si Jack, Jasmine.” mabilis na sagot ni Israel.
Kaagad na iniwas ni Jasmine ang kanyang tingin matapos marinig ang naging sagot niya.
“Hindi kita maintindihan. Kitang kita naman sa mga mata mo na mahal mo si Jack pero bakit mo ginagawa ito? Utos ba „to ni Thunder? Plano niyo bang dalawa „to?”
Dahang-dahang umatras palayo sa kanya ang dalaga. “Wala kang alam kaya mabuti pang lumabas ka na lang sa sitwasyon, Israel. Huwag ka nang makisawsaw pa sa gulo.”
“Wala pang gulo, Jasmine. Dahil hindi ko hahayaang magkaroon ng gulo. Kaya ngayon pa lang pinipigilan na kita sa kung ano man ang posibleng mangyare.”
“You don‟t understand, Israel.” inis na saad sa kanya ng dalaga. “Hayaan mo akong gawin kung anong ginagawa ko. Huwag mo akong pigilan.”
“Well, I‟m sorry Jasmine pero tulad nga ng sinabi ko, ayokong masaktan si Jack. Madaming paraan para masira ang pagkakaibigan ni Storm at Jack. Huwag mong gamitin ang paraan na ito. Pare-parehas lang kayong masasaktan.”
Umiling sa kanya si Jasmine. “Gawin na lang nating simple ang usapang „to, Israel. Patuloy ko pa rin gagawin ang ginagawa ko. Bahala ka na kung paano mo „ko mapipigilan.” saad ng dalaga at saka tuluyang umalis sa harapan niya.
❄ ❄ ❄
Tahimik na naglalakad si Storm sa hallway ng Tan Siu nang bigla na lang may lalaking marahas na humablot sa braso niya at pwersahan siyang ipinasok sa loob ng isang bakanteng classroom di kalayuan sa kanila.
“What the hell, man? You startled me!” gulat na saad ni Storm nang makita niyang si Israel lang pala ang humablot sa kanya.
“What the f*ck are you doing, Storm?” kunot noong tanong ni Israel sa kanya.
“What? Anong pinagsasabi mo?” clueless na tanong ni Storm.
“Hindi mo ba alam kung gaano ka pinagkakatiwalaan ni Jack?”
Kaagad na nawala ang kunot sa noo ni Storm. Tila nabuhusan siya nang malamig na tubig nang marinig niya ang sinabi ni Israel.
“Sa lahat ng tao, tang*na bakit ikaw pa? Mas pinagkakatiwalaan ka niya kaysa sa akin o kahit kanino pa man, Storm.”
Iniwas ni Storm ang tingin niya at napahawak sa ulo niya. “But I love her.”
Isang malakas na suntok ang kaagad na tumama sa mukha niya pagkasagot noon. “Ang daming iba, Storm! Handa kitang ipakilala sa kapatid ko o pati sa mga pinsan ko. Huwag lang siya!”
“Hindi mo ako naiintindihan. Hindi ko rin ginusto „tong nararamdaman ko para sa kanya.”
Inis na napahawak si Israel sa ulo niya. “Hindi mo ba alam kung gaano kasakit ang mararamdaman ni Jack kapag nalaman niyang may relasyon kayo ni Jasmine? Mapapatay ka niya!”
“Alam ko.” sagot ni Storm at saka napayuko. “Pero anong magagawa ko? Habang pilit kong pinipigilan ang nararamdaman ko, mas lalo ko siyang minamahal.”
Iniwas ni Israel ang tingin niya at saka inis na sinipa ang pader na nasa tabi niya. Gusto niyang sabihin sa kaibigan na plano lang ni Jasmine ang sirain sila ni Jack pero hindi niya alam kung papaano niya sasabihin ito rito. Katulad kay Jack ay ayaw rin niyang masaktan ito.
“You are so f*cked up, Storm.” ang tanging nasabi niya at iniwan ito.
❄ ❄ ❄
“You look so troubled lately.” puna ni Jack kay Israel habang naglalakad sila patungo sa hideout ng grupo.
Saglit na natigilan si Israel sa ginawang pagpuna nito pero pinilit niya ang sarili niyang umasta ng normal. Iniisip niya tuloy kung masyado na ba siyang halata na namromroblema sa pinaggagagawa nina Jasmine at Storm at maging si Jack Frost na kilala sa pagiging insensitive ay napansin na ang pagiging balisa niya.
“Madami lang talaga akong iniisip.” sagot niya at saka mas binilisan ang paglalakad. Nang nasa tapat na sila ng pintuan ng hideout ay bubuksan na sana niya ang pinto pero natigilan siya nang biglang magsalita ulit si Jack.
“Do you have anything you need to tell me?”
Gulat niyang ibinalik ang tingin sa kaibigan. “What? Wala!” napakadefensive na sagot niya.
“You look like you want to tell me something but you‟re holding back.” nagdududang sagot naman ni Jack.
“Wala, ano ka ba.” Umiiling na sagot ni Israel at saka tuluyan nang binuksan ang pinto.
Pagkabukas niya ng pinto ay papasok na sana silang dalawa ni Jack pero parehas silang natigilan nang hindi nila inaasahang may dalawang tao pala silang maaabutan sa loob.
Tila kaagad na nagunaw ang mundo ni Jack nang makita niya ang babaeng pinakamamahal ay may kahalikang ibang lalaki, at ang masaklap pa ay ang bestfriend pa niya ito.
Hindi napigilan ni Israel ang sarili at agad siyang sumugod patungo sa dalawa at mabilis na hinila si Storm palayo kay Jasmine at binigyan ito ng suntok sa mukha. Kaagad namang napahiga sa sahig si Storm at halata sa itsura niya ang pagkabigla. Si Jasmine naman ay kaagad na napatayo at natatakot na tiningnan si Jack na nanatiling nakatayo sa may pintuan habang nakatulala.
“J-Jack...” kinakabahang tawag niya rito.
Dahan-dahang iniangat ni Jack ang tingin niya sa mukha ng dalaga.
Hindi malaman ni Israel ang gagawin niya. Napahawak siya sa ulo niya at napasabunot sa buhok niya.
“Wow.” tanging lumabas na salita sa bibig ni Jack.
Agad na may pumatak na luha mula sa mga mata ni Jasmine habang pinagmamasdan si Jack. Hindi ito ang gusto niyang mangyare. Wala ito sa plano niya.
“L-Let me explain.” nanginginig na saad ni Jasmine.
Natawa ng pilit si Jack. “Explain? Explain what?” halatang galit na tanong ng binata.
“J-Jack... Please.” Dahan-dahang lumapit sa kanya si Jasmine at balak sana siyang hawakan ng dalaga pero mabilis niyang itinulak ang kamay nito palayo.
“Don‟t you f*cking touch me.”
Mas lalong bumuhos ang mga luha ni Jasmine habang si Storm naman ay kaagad na tumayo at lumapit din kay Jack. “Kasalanan ko „to. Please, hayaan mo muna siyang magpaliwanag.” Saad ni Storm pero pagkalapit niya ay agad siyang nakatanggap ng napakalakas na suntok sa mukha galing kay Jack.
“F*ck you!” gigil na sigaw ni Jack. “I f*cking trusted you! How could you?!”
Napatakip sa bibig niya si Jasmine at dahan-dahang lumapit muli sa binata. “J-Jack...please.”
Napahilamos sa kanyang mukha si Jack bago gigil na tiningnan muli sa mga mata si Jasmine. “Why?” nanghihinang tanong niya sa babaeng pinakamamahal. “Why, Jasmine? What did I do wrong?”
“Jack...” tanging sagot lang ng dalaga.
“I trusted you. I trusted you to not destroy me. I gave you all the love that‟s left in me. How could you, Jasmine? How could you make me be more broken than I was before?”
Napayuko si Jasmine at hindi siya magawang tingnan. “I‟m sorry, I‟m really sorry. Jack, please...”
“Don‟t tell me you‟re sorry, Jasmine. People are only sorry for the things they never meant, not for the things they planned to do.”
Mas lalong naiyak si Jasmine sa mga salitang binitiwan ng binata. Nasaktan niya ito ng lubusan pero mas doble ang sakit para sa kanya dahil siya ang nanakit rito.
“Jack...Please...”
“But maybe it‟s my mistake...because I trusted you too much.”
Tiningnan muna siya ng binata ng puno ng pagkadismaya bago ito tuluyang umalis at iwan sila.