Tinitingnan ko ang tuhod kong tinapalan ko ng sandamakmak na band-aid habang naglalakad papasok ng school. Malapit na ako sa kanto na lilikuan ko sana pero natigilan ako ng bahagya nang makita ko ang lalaking nakasandal sa may pader habang nakapamulsa. Nang makita niya ako ay tumingin siya sa relo niya at saka umayos ng tayo.
Humigpit ang hawak ko sa aking bagpack at iniwasan ang tingin niya. Bumwelo pa ako bago ko binilisan ang paglalakad pero di pa man ako nakakalayo ay nahablot na niya ang braso ko. Hindi ko siya nilingon.
“So wala ka pa rin palang balak lumipat ng school?” tanong niya.
Tiningnan ko siya at bumaba ang tingin niya sa tuhod ko. Hinila ko ang braso ko palayo sa kanya at yumuko upang taasan ang medyas ko at takpan ang tuhod ko.
“I said I don‟t want to see you ever again,” saad niya.
“So anong ginagawa mo rito?” pabalang na tanong ko.
“Don‟t come back in Tan Siu. Go transfer in a different school. I‟d pay for your tuition kung wala kang pera panlipat ng school.”
Inis akong tumingin sa kanya. “Ganyan ka talaga kadesperadong huwag na „kong makita?” Hindi siya umimik at sa halip ay umiwas lang siya ng tingin. “Hindi ako lilipat. Kung bwisit na bwisit kang nakikita ako, mas lalo pa kong magpapakita sa‟yo para mabwisit ka,” saad ko at saka sinimulang lagpasan siya.
“Fine. I warned you, Summer.”
Saglit akong natigilan nang tawagin niya ako sa pangalan ko. Nang lingunin ko siya ay nakatalikod na siya sa akin at naglalakad palayo. Napabuntong hininga na lang ako. We could have been friends if only he knows how to listen.
Pagdating ko sa school, nakakapagtaka dahil wala pang nambu-bully sa akin. Naiilang akong tumingin sa mga tao at hindi na nila ako tinitingnan at may kanya-kanya na ulit silang pinagkakaabalahan. Nakakapagtaka. Hindi kaya kahapon lang nila ako napagtripan?
Sa paglalakad ko ay nagulat ako nang bigla na lang may bumagsak sa harapan ko mula sa itaas. Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa gulat habang nakatingin sa lalaking ngayon ay nasa harapan ko na nanggaling sa itaas.
“Nagulat ba kita? Pasensya na ha?” saad niya at saka tumawa.
Siya „yung lalaki kahapon.
“Alam mo, ang taray mo eh „no,” saad niya. Hindi ako sumagot, sa halip, tinitigan ko ang kanyang mukha. Doon ko lang napansin na may sugat siya sa labi na wala naman kahapon.
“Napano „yang mukha mo?” tanong ko.
“Ah eto? Wala „to. He-he. Binigyan kasi kita ng immunity kaya sinuntok niya „ko,” sagot niya sabay kamot sa ulo.
Napakunot ang noo ko. “Sinong niya?” tanong ko. Hindi siya sumagot at nagulat na lang ako nang bigla niya akong akbayan at isinabay sa paglakad niya.
“Namamaga „yung pisngi mo. Nakakainis, ang cute-cute mo pa naman.”
Haharap sana ako sa kanya dahil sa sinabi niya pero nagulat ako nang bigla na lang niyang idinikit ang labi niya sa pisngi ko. Natigilan ako at saglit na natulala dahil sa ginawa niya. Pagkatapos noon ay tumakbo siya palayo sa akin.
“Hindi ka naman sadista „di ba?” tanong niya. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Hindi ko magawang mag-react sa ginawa niya. Why are these people keep on stealing a kiss from me?! Una ang gangster na „yun, at ngayon naman ay ang lalaking ito who came out of nowhere! Ugh! Inirapan ko na lang siya at naglakad papunta sa classroom.
“Oy teka!” habol niya.
Nang makarating na kami sa tapat ng room ko ay mas nauna pa siyang pumasok sa akin. Don‟t tell me classmate ko siya?
“Saan ka banda nakaupo?” tanong niya. Hindi ko siya inimikan at dumiretso lang ako sa aking upuan. Pagkaupo ko ay inayos ko kaagad ang gamit ko. Nagulat na lang ako nang maupo rin siya sa tabi ko.
“Oh bakit? Wala namang nakaupo dito sa tabi mo ah, „di ba?”
“And how did you know that?” tanong ko at tinaasan siya ng kilay.
“Kung meron man, wala siyang choice kundi ang lumipat ng upuan dahil gusto kong katabi kita.”
Nagtatakang tiningnan ko lang siya. What is he up to? Napunta sa harapan ang atensyon ko nang dumating na ang teacher namin. Pinilit ko ang sarili kong maintindihan ang tinuturo niya kahit na nagwawala na naman ang mga kaklase ko. Ang katabi ko naman na Storm daw ang pangalan ay panay lang ang pagkuha ng picture naming dalawa kahit na hindi naman ako tumitingin sa camera niya.
“Anong pangalan mo sa Facebook?” tanong niya.
“I don‟t have an account in Facebook,” mataray na sagot ko.
“Gawan na lang kita ha?” paalam niya. Hindi ko na lang siya pinansin. Nakinig na lang uli ako sa teacher naming nakakaawa.
“Oh ayan, may Facebook ka na. Summer Pascua ang pangalan mo „di ba?” Gulat akong napatingin sa kanya. “Nabasa ko lang dyan sa I.D mo,” sabi niya.
Bumaba ang tingin ko sa I.D ko. “Ah..” sagot ko.
“Akala mo stalker ako „no?” tanong niya at saka tumawa. Napahawak na lang ako sa noo ko. Ang kulit niya kasi.
“Tingnan mo, eto „yung profile picture mo. Parehas tayo,” saad niya habang ipinapakita sa akin ang picture niyang nakangiti habang ako naman ay nakasimangot at nakatingin sa harapan.
“Oo nga pala, hindi ka naman magagalit kung ilalagay kong in a relationship tayo, „di ba?”
Gulat akong napaharap sa kanya. “What?” hindi makapaniwalang tanong ko. Hindi niya ako kinibo at ipinagpatuloy lang niya ang ginagawa niya sa kanyang iPhone.
“Bakit wala kang Facebook?” tanong niya after niyang manahimik
“Madami kasi akong hater,” mapait na sagot ko.
“Don‟t worry, you have me. I like you.” Napatingin ako sa kanya. Seryoso lang siyang nakatitig sa akin at mukhang wala siyang balak bawiin ang sinabi niya.
Nakuha ng cellphone niya ang atensyon naming dalawa nang biglang tumunog ito.
“Uh oh. The mad man is calling now,” nakangiting saad niya at saka mahinang natawa.
“Hello, snowman,” bati niya sa tumawag sa kanya. “Uh huh. Actually she‟s right here beside me and I‟m actually holding her hand right now.” Bigla na lang siyang tumawa ng malakas. “Alright I‟m coming.”
Nang maibaba niya ang cellphone niya ay tiningnan niya uli ako. “Tawag ako ni Master. Alis muna ako ha?” Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Do I look like someone who cares kung aalis na siya?
“Bye sweetie,” paalam niya at laking gulat ko nang halikan niya ulit ako sa pisngi. Just like earlier, hind ko alam kung anong dapat ireact ko. I know I should punch his face pero nakaalis na siya sa tabi ko bago pa „ko nahimasmasan. Ugh!
Patuloy pa rin sa pagtuturo ang teacher namin nang may kumatok na guard sa may pintuan ng classroom.
“Yes?” sabi ni Ma‟am.
“Ma‟am, meron lang ho kaming inspection na gagawin. May student ho kasing nawawalan ng cellphone and wallet.”
“Oh, sure come in.”
Pumasok ang tatlong guards at ginawa ang pakay nila. Tiningnan nila isa-isa ang mga bags ng mga kaklase ko pati na „yung akin. Confident kong ibinigay sa kanila ang bag ko. I don‟t have a phone so I think wala naman silang makikita sa bag ko right? Or...
“Miss, sa inyo ba „tong cellphone na „to?” Just as I thought. So if they can‟t bully me, they would just frame me up?
“No,” sagot ko sabay iwas ng tingin.
“Pwede ka ba naming isama sa office?” Tumango ako at walang gatol na sumama sa kanila. So this is how they play their games?
Nang makarating kami sa office ay naupo agad ako sa harapan ng principal. “This is a serious offense,” bungad niya. “We can‟t tolerate actions like this.”
Seryoso ko siyang tiningnan bago ako nagsalita. “So you‟ll kick me out?” diretsong tanong ko.
“We‟ll discuss this matter first with the school‟s president. But for now, we have to suspend you for three days.”
“Okay. So pwede na po ba akong umalis?” tanong ko. Tumango naman siya at inabot sa akin ang suspension letter. Kinuha ko ang gamit ko at saka lumabas ng Principal‟s Office. Balak ko na sanang umuwi na pero masyado pang maaga at paniguradong magtataka sina Mama at Papa.
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nagto-tour sa loob ng school. Tan Siu International Academy. Unang pasok ko pa lang dito, I already knew I don‟t belong here.