noveltoon logo noveltoon
Oh, Boy, I Love You

Chapter 8

Ch. 9 / 42 Feb 05, 2022

CHAPTER EIGHT

P AGKATAPOS ng Arki class, kinausap ko si Sir Cabalfin. Ipinakita ko ang plano ng bahay namin, at tinanong ko kung paano mai-improve ang kusina. Gusto kasi ni Mama na palitan ang mga kitchen cabinet.

“Google, girl!” sabi ni Sir. “Nandoon naman ang standard sizes ng mga cabinet.” Pero inayos na rin niya ang lalim at lapad ng mga cabinet. Pati na rin ang itaas at kung saan ilalagay ang mga handle. Pagkatapos ay inilibre ko siya ng lunch sa canteen.

“So dear, Alex, chika-han mo naman ako ng love life mo. Ano na ang score ninyo n’ong bantay mo?”

“Alam n’yo po?” gulat na tanong ko.

“Ang alin?”

“Na ano po si Gabriel.”

“Na ano? Bakla?”

Hindi ako makasagot. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.

“Oo naman,” may pagmamalaking sagot ni Sir Cabalfin. “Some things are hidden from the naked eye. At isa ang mga uri ni Gabriel. Sila `yong mga bakla na bina-vibes, inaamoy, ginagamitan ng gaydar . At nang matapat ako sa kanya… Ay! Nag-vibrate ang aura ko. Check! Plangak ! Pasok sa banga.”

“Bakit hindi ko po `yon nakita agad?”

“Hindi mo naman kasi hinahanap,” sabi ni Sir. “Eh, ngayong knowsung mo na, ano na?”

Hindi pa rin ako makapagsalita. Hanggang sa magbago ang tingin ni Sir. May pagtataka. Kailangan ko nang magpaliwanag.

“Sir, iyon na nga po,” sabi ko. “Hindi pa po ako gano’n.”

“Ay, hindi pa?” gulat na sabi ni Sir. “Naka-schedule?”

“Sir, natatakot pa po ako. Kasi `di ba wala nang balikan `yon? Pero naging gano’n ako kaya baka kami na ni Gabriel.”

“`Kainggit naman. May welcoming committee ang paglabas mo sa closet.”

Para ngang nainggit si Sir. Ibinaba niya ang hawak na kutsara at tinodor, nangalumbaba, at tumingin sa akin na parang batang nakakita ng ice cream. Ikinuwento ko na tuloy ang lahat ng ginawa ni Gabriel para sa akin. Kilig na kilig si Sir.

“Hanggang smack pa lang pala. Eh, kiskisan, plantsahan? Ano’ng plano mo? Top ka ba or bottom?” tuloy-tuloy na banat ni Sir. “Sorry, too much na yata.”

Paano ko gagawin iyong mga sinabi niya? Kiskisan. Plantsahan. Top. Bottom. Ano `yon?

“Naloka ka. Na-take note ko `yan,” sabi ni Sir.

“Top o bottom? Sex na `yon, `di ba? Paano po `yon?”

“Now you are asking the relevant question,” sagot ni Sir. “Pero ang sagot, malalaman mo kapag nando’n na kayo. At kung gusto mong pangunahan ang mga kaganapan, i-google mo na rin. Gusto mo na ba?”

“Actually, Sir, hindi ko talaga naiisip.” Hayan tuloy, ang dami ko nang iniisip. Bakit ba hindi ko naisip na kung gugustuhin kong maging bakla, kailangan ko ring makipag-sex sa lalaki. Kay Gabriel.

“Sorry,” sabi ni Sir. “Binigyan ba kita ng problema?”

“Okay lang po,” sagot ko. “Parang kailangan ko pala talaga itong pag-isipan.”

“Oo naman,” sabi ni Sir Cabalfin. “Sa karakas ni Gabriel, parang hindi natatapos ang linggo na wala iyong kangks .”

Iminuwestra ni Sir Cabalfin sa kamay ang sex. Kinabahan ako. Noong una, iniisip ko kung kaya ko bang mahalin si Gabriel. Ngayon naman iniisip ko kung kaya kong gawin namin iyon ni Gabriel. Ang naïve ko pala talaga. Ang dami ko pang hindi alam. Naputol ang pag-iisip ko sa pagtawag ni Gabriel.

“Nasa canteen ako, with Sir Cabalfin,” paalam ko at saka tinapos ang tawag.

“Ay, ang welcoming c-oh-mmmm-mmmm-ayyyy-titi-eeeeeeeeeeeeh,” tawa ni Sir sa sariling joke.

Natawa rin ako.

“Paano na si Jessie?” biglang hirit ni Sir.

“Bakit po nasali sa usapan si Jessie?” tanong ko na may halong kaba.

“Kung makatingin kaya sa iyo `yon.”

Nagtaka ako sa mga sinasabi ni Sir. “Nababasa din ba `yon ng gaydar ?”

“Minsan. At ayon sa vibes ko, may gusto siya sa iyo.”

“Opo,” sagot ko. “Gusto niya akong patayin.”

Eksaktong dumating na si Gabriel kaya natigil ang usapan.

“Nandito na pala ang welcoming committee mo,” biro ni Sir. “O, siya, babushkaneska na! Gabriel, ha? First-timer ito. Alagaan mo.”

“Of course, Sir,” sabi ni Gabriel na inakbayan ako at idinikit sa katawan niya. “So, pogi, any plans?”

Gusto ko sanang planuhin na namin ang sitwasyon namin. Pero paano ko sasabihin iyon? Kaya pagsakay sa kotse, dumeretso na lang kami sa bahay. Mag-eempake na lang ako. Seryoso si Mama sa paglipat namin.

“Welcoming committee pala ako,” biro ni Gabriel habang nagda-drive.

“Nang-asar pa,” sabi ko.

“Hindi, ah!” sabi ni Gabriel. “Flatterred nga ako.”

“Bakit?”

“Ikinukwento mo ako sa prof mo.” Hinawakan niya ang hita ko. “That’s sweet. Iniisip mo na tayo.”

Nahiya ako at parang napansin ni Gabriel

“Pero hindi ako nagmamadali,” paalala niya. “Take your time.”

“Thank you,” sabi ko saka hinawakan ang kamay niyang nasa hita ko.

“Is this it?” tanong niya sabay ngiti at tingin sa mga kamay namin.

Nagulat ako. Wala naman akong naisip na ganoon. Napahawak ako dahil may gusto akong itanong na hindi ko masimulan. Paano iyong sex kapag naging kami… Baka hindi ko kaya.

“Hindi ko pa alam,” palusot ko.

“Okay, I’ll assume nothing muna.”

Huminto kami sa tapat ng bahay. Nandoon din sa labas sina Mama at Tito Raul. Nakatingin sila sa bahay habang may dalawang lalaking lumalabas na may dalang kanya-kanyang mga plywood. Mabilis kaming bumaba ni Gabriel at lumapit sa kanila.

“Anak, bumagsak `yong kisame,” agad na sabi ni Mama. “Pinapalitan lang ni Tito Raul mo `yong socket ng ilaw, `tapos bumagsak na. Mabuti at hindi siya nadaganan. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ang Tito Raul mo...” Nagpatuloy sa pagkukuwento si Mama tungkol sa nangyari; titigil lang kapag hihikbi at lalakas ang iyak.

“Hala, Alex, lagot ka,” bulong ni Gabriel.

“Bakit naman?” tanong ko.

“Sine-set up na niya,” patuloy ni Gab. “`Di niya kayang mawala si Tito Raul mo.”

“Anak!” sigaw ni Mama habang yakap ako. “Hindi ko kayang mawala ang Tito Raul mo!”

Hala! Iyon na `yon! “`Ma, sine-set up mo lang ba ako?” tanong ko kay Mama.

“Oo, anak,” sabi ni Mama na bumitaw sa akin. Nagpahid siya ng luha at sipon. “Setup lang `to. Ikaw, nagda-drama ako dito, ang lakas mong mambasag ng trip, eh.”

“`Ma, hindi,” sabi ko. “Masaya ako at umiiyak ka ngayon dahil masaya ka.”

“I know,” sabi ni Mama na yumakap uli sa akin. “At dahil diyan, dahil bumagsak ang kisame, wala tayong tutulugan. Gusto mo ba, do’n ka na rin kina Tito Raul mo matulog? Kasi doon ako matutulog. Para makilala mo na rin ang anak niya...”

Gusto ko ba? O sa iba ko gustong matulog? Napatingin ako kay Gabriel.

“Saan ba nakatira si Tito Raul?” tanong ko.

“Sa Parañaque?” sagot ni Tito Raul. “Sayang, wala si Je-Ar ko. Naka boardinghouse ngayon. Hindi kayo mag-aabot.”

“May next time pa naman,” sabi ni Mama. “Overnight lang naman tayo, `nak. Siguro bukas, maaayos na ng karpentero ang kisame.”

“Naku, maaga ang pasok ko bukas, Tito,” sabi ko. “Male-late ako kung sa Parañaque ako manggagaling.”

“Well, nakausap ko na si Albert,” sabi ni Mama. “Okay lang daw kung dumoon ka.”

“Okay, kay Kuya muna ako,” sabi ko. Pero bago pumunta kay Kuya Albert, kailangan ko ng mga pamasok na damit. Nagpasama ako kay Gabriel sa loob ng bahay. Maalikabok nga. Parang bumagsak ang kisame dahil sa bigat ng alikabok na natambak sa itaas. Kita ang bubong ng bahay pag-akyat namin ni Gabriel. Sa tapat ng kwarto ko, may isang plywood na kisame na nakasabit pa. Papalapit ako nang tuluyan itong bumagsak. Napaatras ako at natalisod. Mabuti na lang at nasalo ako ni Gabriel.

Itinayo ako ni Gabriel at sumayad ang likod ko sa harapan niya. Naramdaman ko rin ang bahagyang paglapit ng katawan niya sa katawan ko. Ang pagkakasalo ay naging yakap. Napatingin ako sa kanya. Nakapikit siya at napahinga nang malalim.

“Let’s go,” sabi ni Gabriel pagdilat at pagluwag ng yakap.

May naramdaman akong pagtitimpi kay Gabriel. Sa pagkakataong ito, hindi ko alam pero parang ayaw ko ang kanyang pagpipigil. Nagpigil na lang din ako kahit pa kaming dalawa lang ni Gabriel ang papasok sa kwarto ko.

Nauna si Gabriel at binuksan ang pinto. Hindi damaged ang kwarto. Hinubad ni Gabriel ang sapatos at humiga sa kama habang kumukuha ako ng shorts, T-shirt, medyas at briefs. Hindi na ako nagdala ng towel. Hihiram na lang ako kay Kuya. Kinuha ko rin ang coloring materials, drafting tools, books and notebooks. Pagkalagay ko sa isang bag, tumabi ako kay Gabriel. Hinawakan uli niya ang kamay ko. Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya. Mahaba ang araw. Napagod ako. Nakahanap ako ng pahingahan sa tabi ni Gabriel.

“Mami-miss ko ang room na ito,” sabi ko. “First time ko yatang hindi matutulog ditto. Hinsi ako sanay sa iba.”

“Really?” sabi ni Gabriel. “I just got used to it. Mahirap mag-uwian sa Baguio kaya nag-apartment kami ni Ate dito.”

“Akala ko, wala kang kasama sa bahay?” Napatingin ako kay Gabriel.

“Ate used to stay with me. Pero pagka-graduate, naghanap siya ng place na malapit sa work. Umuuwi pa rin naman siya once in a while. Ngayon, wala siya. Gusto mo ba akong samahan?”

Nagyaya ni Gabriel na may ngiti. Ako, biglang kinabahan. Napayuko ako at napatingin sa bukol sa harapan ng katabi ko. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Lalo pa nang makita ko ang harapan kong may mga Boy Scout na rin na nagtayo ng tent.

“Are you okay?” pansin ni Gabriel.

Napansin din niya na nakatingin ako sa harapan ko. Kinuha ko ang unan at ipinantakip.

“Normal lang `yan,” sabi ni Gabriel. “Sa akin nga, sa pinto pa lang.”

“Kailangan ba nating…” Hindi ko kayang tapusin.

“Oo sana,” natatawang sabi ni Gabriel. “Pero alam kong hindi ka pa handa. We don’t have to, if you are not ready.”

“Seryoso?”

“Yes.”

“Thanks,” sabi ko sabay yakap sa kanya. Isa na naman sa mga biglaan kong desisyon. “Salamat talaga. Hintayin mo ako, ha?”

“Oo naman,” sabi niya na nakatitig sa akin. “Kahit hindi ako sigurado kung isusuko mo ang pagkalalaki mo sa akin.”

“Hala,” sabi ko. “May ibig sabihin ba `yon?”

Tumawa na lang si Gabriel.