CHAPTER SEVENTEEN
NAK AKAILANG beses ko nang nasubukang lumipad sa panaginip. Hindi lipad, talon lang nang mataas. Parang lumilipad na rin pero bumabagsak din sa lupa. Hindi pa pala talaga ako nakakalipad sa panaginip. Pero itong paglalakad namin sa campus para sa enrollment, higit pa sa panaginip. Kasing-weird, pero totoo.
Isang gwapong lalaki ang kasabay kong naglalakad, na noon ay hindi ko naisip na magiging karelasyon ko. Hindi ko nga naisip na magkakaroon ako ng karelasyon, babae o lalaki man. Pero ngayon, itong lalaking katabi ko, nililingon ng mga babae, nginingitian ng mga lalaki. Napansin ni Gabriel ang amazement ko. Kagaya ngayon, napansin na naman niya na napapansin ko ang mga “looker” niya. Kaya hinawakan niya ang kamay ko. Para bang sine-secure ako.
“Hanggang tingin lang sila, babe,” sabi ni Gabriel. “Ikaw lang ang makakahawak sa akin.”
Nailang ako. Lalo pa’t nagtataasan ng kilay ang ibang nakakapansin. May mga nagbulungan pa.
“Sayang, ang gwapo, bakla...”
“Baka magkuya. Ang sweet naman...”
“Papa pala...”
Tinangka kong bumitiw. Nahihiya ako.
Humigpit ang hawak ni Gabriel. “No, don’t,” nakangiting sabi ni Gabriel.
“Pero nakatingin sila,” sabi ko.
“Which is good. Ipakita natin kung ano tayo, since nanonood na sila.”
“Gab...” nakayukong sabi ko.
“They can’t accept the things we ourselves cannot be proud of, Alex,” sabi ni Gabriel. “Hindi pwedeng tayo lang ang nakakatanggap sa ating mga sarili.”
Tama si Gabriel. Natanggap ko na kung ano ako. Ipapatanggap ko naman sa iba. Nagtaas-noo ako at humawak nang mahigpit sa kamay ni Gabriel. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Nilingon ko ang mga taong parang nahiya sa kanilang panlalait. Ganoon pala iyon. Kapag proud ka, iyong mga mapanlait, nahihiya sa iyo.
Pero may isang pares ng mga mata na hindi lumingon palayo. Nakatingin lang ang may-ari. Walang ekspresyon. Nakakapanibago. Dahil noon, laging nananakot ang mga mata niya, nanlilisik sa galit. Ngayon, wala. Pero wala na akong pakialam sa kanya. Si Jessie lang siya. At habang hawak ko ang kamay ng lalaking mahal ko, hindi ko siya kailangang isipin.
MARAMI pa kaming ginawa ni Gabriel na lagging magkahawak ang mga kamay. Nag-grocery, nanood ng sine, gumala sa park. Niyaya ko si Gabriel na pumunta sa bahay ni Kuya. Ngayong kami na, ngayong tanggap ko na at niyayakap ko na ang aking pagkatao, dapat lang na malaman ng pamilya ko ang desisyon ko.
“What’s with that look? You’re smiling weird, the two of you,” pansin ni Kuya Albert.
“Kuya, kami na,” sabi ko.
“Ay, hindi na ako hinintay,” sabi ni Mama na lumabas ng banyo.
Agad akong tumakbo at yumakap kay Mama.
“Yes, Tita,” sabi ni Gabriel. “We are officially a couple.”
“Oh!” Walang masyadong malaking reaksyon si Kuya. Bumaling siya sa akin at nagtanong. “Masaya ka naman ba sa desisyon mo?”
“Ang totoo, Kuya, medyo matagal na kami,” sabi ko. “Sorry.”
“Okay,” sabi ni Kuya Albert.
“Nag-alangan ka pa,” sabi ni Mama. “Naisip mo sigurong magbe-break pa kayo kaya ayaw mong i-showcase officially. Or may option ka pang bumalik sa confused stage kapag hindi mo nagustuhan?”
Tumawa na lang ako. Iyon naman talaga ang plano ko. Eh, nag-enjoy ako.
“Well, at least, Alex is not the type who claims to be a bisexual,” sabi ni Gabriel.
“Naman!” sabi ni Mama. “`Yong mga bakla na nag-out na, nahiya pa.”
Nagtawanan sina Mama at Gabriel. Seryoso pa rin si Kuya Albert.
“You still have some explaining to do,” pananakot ni Kuya kay Gabriel. “Mag-uusap pa tayo.”
“Albert naman,” sabi ni Gabriel sabay suntok nang mahina kay Kuya.
“Pero itatanong ko uli sa `yo, Alex, one last time. Masaya ka ba sa desisyon mo?”
“Oo, Kuya,” sagot ko at hindi na napigilang tumakbo kay Kuya at yumakap. “Sorry, Kuya. Bakla na ako.”
Napahigpit ang yakap ni Kuya sa akin at narinig ko siyang tumawa.
“Kay Albert ka ba talaga nagso-sorry o sa sarili mo?” tanong ni Mama.
“Hindi ko alam, `Ma.” Nilito ako ni Mama pero parang dapat ko ngang pag-isipan ang tanong niya. Bumitiw na ako kay Kuya. “Bumigay na ako,” sabi ko na lang. Umupo ako at nakitang nakangiti sa akin sina Kuya at Gabriel.
“Ibinigay mo lang sa sarili mo ang dapat,” sabi ni Kuya.
“Ay, ang bongga n’on, Albert!” sabi ni Mama. “At ano pa ang naibigay ng anak ko sa iyo, Gabriel? `Yong totoo!”
“Naku, Tita, wala pa po,” sabi ni Gabriel. “Gusto nyo po, debut muna, `di ba?”
“Good. Jusko , ilang linggo na lang, Alex, mabibinyagan ka na,” sabi ni Mama.
“Tita, mas nae-excite ka pa,” puna ni Albert.
“Well, option ko pa rin naman ang mainis, magalit, at pigilan sila,” sabi ni Mama. “Pero gagawin din naman nila iyon, kaya mabuti na `yong alam ko at masasabihan ko silang mag-ingat. Mas secured na ako, mas masaya. Eh, mukha namang mabait ito, o. Marunong maghintay.”
“Of course, Tita,” sabi ni Gabriel.
“O, siya, magluluto na muna ako para makakain tayo. First family dinner natin ito. Albert, i-text mo ang papa mo na huwag dumaan para walang abala,” sabi ni Mama, saka pumunta na sa kusina.
Nagsalang si Kuya Albert ng DVD at nanood kaming tatlo. Horror. Multo. Nang mapasigaw ako ay yumakap sa akin si Gabriel.
“Sinabi ko na okay lang sa akin `yang relasyon ninyo. But don’t make me the third wheel in my own house,” sabi ni Kuya Albert.
“Sorry,” sabi ni Gabriel.
Kahit ako ay napahiya.
“I’m kidding,” bawi ni Kuya.
Natawa kaming tatlo. Napahilig ako sa braso ni Gabriel na nakapatong sa likod ng sofa. Mula sa braso, napahawak ako sa kanyang dibdib.
“But seriously, Alex, don’t,” sabi ni Kuya.
“Sorry,” sabi ko.
“Go ahead, do your thing,” natatawang sabi ni Kuya. “Nagbibiro lang ako.”
Pero hindi na ako masyadong dumikit kay Gabriel. Kahit pa sabay-sabay kaming napasigaw nang magpakita ang multo sa pinapanood naming pelikula.
“Kapag nakakita ka raw ng multo, huwag na huwag kang titingin directly sa mga mata nila. They will know that you can see them. And that’s when they will start to haunt you,” sabi ni Kuya Albert.
“Two things,” sabi ni Gabriel. “Alex isn’t looking at anybody’s eyes anymore, living or dead because these beautiful eyes are enough.” At binigyan niya ako ng mapang-akit na titig. “Well…?”
“Oo naman,” sabi ko.
“And second, ghost or not, no one will ever haunt my baby anymore. Ako lang.”
“Sige, sweet na kayo,” sabi ni Kuya Albert. “Basta, Gab, ipinagkakatiwala ko sa `yo ang kapatid ko.”
NATUWA ako sa pagiging protective ni Kuya. Pero parang hindi ako mapoprotektahan nito sa pagbabanta ni Gabriel. Huli na. Bago pa man niya sabihin, nakatingin na ako sa mga mata ni Jessie. At dahil sa pagbabanta niya, nagbalik ang mga tanong sa misteryosong pagtingin ni Jessie. Dahil hindi alam ni Kuya na may ibig sabihin ang sinabi ni Gabriel tungkol sa mga multo. May mga multo pa rin ako. Isa lang pala, at muli, paulit-ulit ang pagdalaw nito sa akin. Una, sa panaginip. Nagising ako hindi dahil sa bangungot kundi dahil hindi ko gusto ang nakikita ko.
Nasa swimming pool ako ng campus. Pag-ahon ko ay iniangat ako ni Jessie at isinandal sa isa sa mga pader ng locker room. Diniin niya ako doon hanggang sa naramdaman ko ang bigat ng katawan niya. Napapikit ako sa takot pero pagdilat ko, ang tingin niya ay walang laman. Walang galit, walang saya, walang ekspresyon. Lumapit ang mukha niya sa mukha ko at doon ako gumising. Napadilat ako sa mukha ni Gabriel na nakaharap sa akin. Hinalikan ko si Gab. Napangiti siya. Hinigpitan ko lalo ang pagkakayakap sa kanya.
Minsan, napanaginipan ko naman si Jessie na sinasaktan ako sa loob ng university. At muli, napapikit ako at pagdilat, ang mga mata niyang walang ekspresyon ang nakaabang. Pero hindi ako gumising, kailangan kong magtanong. Pero bago bumuka ang bibig ko, itinulak na ako ni Jessie at sinalo ng lalaking nakasalamin na may orange na frame. At katulad ng mga panaginip, hindi ko alam kung paano nangyari na nakaupo na kami sa gilid ng bundok at nakatingin sa mga ilaw ng Maynila.
Ngayon ko na lang naalala ang lalaki sa panaginip ko dahil masyado na akong masaya sa mga pagising ko sa piling ni Gabriel.
“Gab, alam mo namang ikaw lang ang nakakaalam ng pananakit sa akin ni Jessie, `di ba?” tanong ko habang nag-aagahan.
“Why am I hearing his name this early in the morning?” tanong ni Gabriel na parang may kaunting galit. “Is he bothering you again?”
“Hindi, hindi. Wala. Ako lang.”
Kumunot ang noo niya sa pagtataka.
“Ano lang kasi… Bago pa tayo maipakilala ni Kuya sa isa’t isa, nagkita na ba tayo?”
Ngumiti na si Gabriel.
“Bakit ka ngumingiti nang ganyan?”
“What’s wrong with my smile, Alex?”
“Ikaw `yon, `no?”
“What?”
“Aminin mo na kasi.”
“Aminin ang ano?” natatawang sabi ni Gabriel.
“Alam na naman kasi niya, ayaw pang sabihin.”
“Let’s see. Let me hear your side of the story.”
Ikinuwento ko ang lahat ayon sa mga naaalala ko. Iyong ibang bahagi, hindi ko na matandaan kung galing lang sa panaginip ko o nangyari din talaga. Basta ikinuwento ko ayon sa pagkakaalala ko.
“So, that guy with those orange glasses has been in your dreams pala. That’s sweet.”
“So, ikaw nga `yon?”
Napangiti ako. Romantic ang kwento ko kung si Gabriel talaga iyon. Parang umikot na ang lahat ng mga pangyayari at happy ending na.
“Ayaw na lang kasing sagutin.”
“Would it make you very happy, if that guy, in fact is me?”
“Nang sobra,” sagot ko.
“Well, I have an orange pair in my cabinet. It is my favorite. I wear them in our performances,” sabi ni Gabriel.
“Napansin ko nga, eh.”
“So, do you think it is me?”
“Sabihin mo na lang na ikaw.”
Napangiti na ako at yumakap. Alam kong pinapaikot lang ako ni Gabriel. Tinutukso. Alam niya kung paano ako biruin.
“Okay. Let’s keep it a mystery. Para kapag nag-away tayo, you still have another hero waiting for you,” sabi ni Gabriel.
“Ang daming drama, theater person talaga,” sabi ko.
“Pero dahil masaya pa tayo, sige, I was the guy who brought you to Antipolo, who offered you your first beer, the guy who picked you up from Jessie’s beating.”
“At ikaw na ang ilalagay kong mukha sa panaginip ko. Gabi-gabi `yon sa panaginip ko. Nawala lang nang makilala na kita at gawin mong parang panaginip ang mga araw ko.”
“That’s poetic,” sabi ni Gabriel. “And romantic.”
Napangiti ako.
“I just wish that I can stay even in your dreams. So you wouldn’t miss me even in your sleep.”
Oo nga. Sana si Gabriel na uli ang makita ko sa panaginip ko. Paano? Tumigil ako sa pananaginip sa aking anghel na tagapagligtas nang makilala ko si Gabriel. Pero ang bangungot ko, may mga pagkakataong bumabalik pa rin. Baka mawala lang ang demonyo sa pagtulog ko kapag naharap ko na si Jessie. Kailangan ko nang harapin si Jessie.