CHAPTER TWENTY-FIVE
“BA KIT hindi na tayo?” tanong ko.
“It just has to be this way,” sagot ni Gabriel na patuloy lang sa pagda-drive. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Hindi ko rin sigurado kung alam niya. Patuloy pa rin ang pagtingin niya sa akin paminsan-minsan. May ngiti pa rin siya na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Kung gusto niya akong ngumiti rin, hindi ko magagawa. Isang linggo kong binuo ang pag-asa na magiging okay din kami. At sa isang pag-iling, gumuho ang lahat ng pag-asang iyon.
“You’re not okay, Alex. It’s all right. I’m not okay myself. But we’ll get through this. Ginusto natin ito.”
“Hindi ko `to gusto, Gab. Ang gusto ko, tayong dalawa. Magkasama tayong dalawa. Mahal pa rin kita, Gab.”
“I know that. At mahal pa rin kita. We just have to forget that. Pareho lang tayong masasaktan. You love me, but you love someone more.”
“Hindi ko mahal si Jessie.”
“That’s your talk. Not your walk.”
Bakit ba naiisip ni Gabriel na mahal ko si Jessie? Alam ko sa sarili ko na hindi. Si Gabriel ang mahal ko. Nawala ang ngiti niya. At ang nararamdaman kong dinaramdam niya na tinatago ng saya kanina ay nawawala na. Kung galit man siya sa akin, ito na ang pagkakataon kong tanggalin iyon. Kailangan ko nang magpaliwanag. Pero ang mga naisip ko na noon ay nawala na sa aking bibig. Hindi ko na alam ang sasabihin.
Inuna kong hawakan ang kanyang hita. Hindi niya iyon pinansin. Tumingin lang siya at umiling. Inalis ko ang pagkakahawak ko sa kanya.
“Akala ko naiintindihan mo na ginagawa ko ito para sa sarili ko. Na kailangan kong masagot ang mga dahilan ni Jessie sa pananakit niya sa akin,” paliwanag ko.
“I perfectly understand everything, Alex.” Nagbago na ang boses ni Gabriel, nawala na ang pagpapanggap na okay siya. “Maiintindihan ko. Iintindihin ko. Kaya ko `yon. Desisyon ko `yon. But not this time. You keep on hurting me kahit na sinabi ko nang nasasaktan ako.”
“I’m sorry,” sagot ko. “Hindi ko sinasadya.”
“Never na hindi sinasadya ang pagsisinungaling.”
“Hindi ko talaga alam kung bakit ko siya pinili. Kung bakit ako nagsinungaling,” paliwanag ko. “Pero hindi ibig sabihin n’on na mas mahal ko si Jessie. Hindi ko nga siya mahal.” Sinabayan ko na ang gusto niyang klase ng sagutan. Tumataas na rin ang boses ko. Hindi dahil sa nagmamalaki ako, kundi dahil gusto kong ilaban ang nararamdaman ko.
“Now you’re lying to yourself.” Muli siyang huminahon. “That’s pathetic. Don’t do that to yourself.”
“I’m not,” galit na ring sabi ko. “Bakit mo ba sinasabi `yan, eh, ako na nga ang nagsasabi sa `yo?”
“Alex, I’m not here to have a clean breakup with you.”
Wala akong nasabi. Hindi ko alam kung bakit iyon ang sinabi ni Gabriel. Hindi man lang niya pinansin ang huli kong mga salita.
“There’s no such thing. We can cover all the pain and frustrations and could have been, but it will always be curse the heaven hard.”
“Kaya nga huwag tayong mag-break. Wala namang may gusto n’on.”
“I want. But it can’t be a clean one,” sabi ni Gabriel. “I just want us to empty our chests, our hearts of all the things that would be left unsaid, so it would be easier, not easy, just easier for us to move on. Because my life will really be messy after this. I hope yours won’t, though.”
Ako naman ang umiling. “Hindi. Walang ganito, Gab. Walang magmu-move on, please? Walang messy-messy na `yan. Kung ginagawa mo ito para turuan ako ng leksiyon, natutunan ko na. Alam ko na ang halaga mo. Nabale-wala kita. Huwag mo sanang sabihing too late kasi, nandito pa ako, nandyan ka, buhay pa tayo...”
Nakangiti lang si Gabriel, parang walang naririnig. Kumbinsido siya sa desisyon niya at hindi na iyon mababago.
“Kahit isa pang chance, hindi mo ba ako mapagbibigyan?” Nanghina ako. Parang nagmamakaawa. “Gabriel, inalam ko lang kung bakit pinaglalaruan ako ni Jessie, kung bakit niya ako sinasaktan. Para maintindihan at mapatawad ko siya. At nalaman ko na, no’ng nakita mo kami sa pool. Nakita ko ang ginagawa sa kanya ng tatay niya dahil bakla rin siya.”
Tumingin si Gabriel sa akin na parang naghahanap ng kasunod na paliwanag.
“Gab, naiinggit siya sa akin,” patuloy ko. “Mahal ako ni Mama kahit na malambot ako. Hindi ko kailangang magtago kung ano ako. `Tapos, nang makita ni Jessie na napalaya ko ang sarili ko nang makilala kita, tumindi ang inggit niya, na naging galit, kaya niya ako ginugulo.”
“It’s that how you really took it?” tanong ni Gabriel.
“Oo,” sagot ko. “Ano pa ba?”
“Ano pa ba?”
Hindi agad ako nakasagot. Alam ko ang tamang sagot pero pinilit kong itago. Totoo rin ang mga sinabi ko, ang paliwanag ko, mayroon lang akong hindi sinasabi. At alam ko `yon. Ayokong magsinungaling.
“Inggit lang ba talaga?” tanong ni Gabriel.
“Mahal niya ako. Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Hindi ko alam kung kailan ko naramdaman. Pero oo, mahal niya ako, naramdaman ko na lang bigla.”
“Naramdaman mo na, and yet you still kept your distance close to him. Kung hindi mo siya inaakit, then what are you doing? Research? Isn’t Google enough?”
“Oo, Gabriel, na-curious ako. At naisip kong samantalahin ang nararamdaman niya sa akin, para makaganti, para mahawakan siya, para maramdaman kung paano maging mas mataas sa kanya. Pero tapos na `yon. Ayoko na. Gab, isa pang chance naman, o.”
“Chance for what, Alex? You see, I love you and I can do what you’re doing now. I can be pathetic to ask for your love again. But right now, I just can’t. I won’t go to a level where I have to ask for a love that is isn’t for me.”
“Para sa `yo nga lang ito...” naiinis nang sabi ko.
“Ito ang para sa `yo. I’ve been keeping you from letting someone in, in your life. Now I’m letting you go. I’m saying good-bye. Puntahan mo na si Jessie. And see if it was worth it, losing me for him.”
“Gabriel, hindi iyon magiging worth it. Alam ko na ngayon pa lang. Hindi ko kayang mawala ka.”
“Kailangan mong kayanin. Nawala mo na ako. Last week, no’ng hindi ka dumating sa bahay at sumama ka kay Jessie,” umiiling na sabi siya.
“Pero nandiyan ka pa. Nahahawakan pa kita. Kailangan mo lang akong patawarin sa ginawa ko. Katangahan `yon. Kaartehan. Oo, Gabriel, ang tanga-tanga ko. Ang arte-arte ko. Sorry. Huwag na tayong ganito. Mahal na mahal kita.” Nagsimula na akong umiyak. Ito siguro iyong pathetic na sinasabi ni Gabriel na kaya niya ring gawin. Damang-dama ko kung gaano ako kababa. Alam kong mahal pa ako ni Gabriel kaya tanggap ko ang pagpipilit sa sarili ko sa taong itinataboy ako. Nakita ko siyang nagpapahid ng luha.
Nang dumating kami sa Parañaque, sandaling inihinto ni Gabriel ang sasakyan at nag-iwan ng ID sa security guard. Pagkatapos ay tumuloy na kami sa mansiyon. Pinabababa na niya ako nang marinig ko ang pag-click ng lock ng kotse. Bubuksan ko na sana iyon at bababa na pero huminto ako.
“Ano’ng kailangan kong gawin para patunayang hindi ko mahal si Jessie at ikaw lang ang mahal ko?”
Hindi nagsalita si Gabriel.
“Sige na.” Hindi ako sumuko. Siya ang sumusuko sa akin. Kanina pa. Inilaban ko na at ilalaban ko pa. Pero hindi muna ngayon. Pagpapahingahin ko muna si Gabriel. Ang totoo, napagod din ako. Binuksan ko na ang pinto. Bumaba at naglakad palayo. Hindi ko narinig na umalis ang sasakyan. Ang narinig ko ay pagsara ng pinto ng kotse.
“You see, I told myself for a week that I’m ready to lose you,” sabi ni Gabriel.
Hindi ko siya hinarap pero alam kong chance na ito para mag-usap kami.
“But I actually, I still can’t. I just can’t. So I’m giving us a chance. Please do it for us.”
Hinarap ko siya nang nakangiti at saka mabagal na naglakad papunta sa kanya. Para yakapin siya nang mahigpit, halikan, mahalin. Pero hindi ko iyon nagawa dahil umatras siya.
“Not yet, Alex. Galit pa ako, and I’m still ready to lose you.”
“Okay lang,” sabi kong nakangiti kahit napahiya. “Tatanggalin ko `yang galit na `yan. And you won’t lose me.”
“Thank you. Just make it quick.”
Pinanood ko siyang tumalikod at mabilis na sumakay sa kotse. Hindi siya lumingon, hindi bumusina, at tuluyan akong iniwan. Pero nag-iwan siya sa akin ng pag-asa. Break kami. Pero break lang. Parang first year ko sa college. Magbe-break lang, pero tutuloy pa next sem. Hindi pa nawawala sa paningin ko ang kotse ni Gabriel nang marinig ko ang paparating na motorsiklo. Huminto sa harap ko. Bumusina ang driver. Hindi ako nakakilos. Nakatingin lang ako sa kanya, kay Jessie. Hindi niya ako pinapansin. Hanggang sa bumukas ang gate at pumasok na si Jessie. Sumunod ako.
Hindi pa pala tapos ang finals. Tatapusin ko na.