“Paps, Jin!”
Napahinto sa paglalakad si Jin at lumingon sa tumawag sa pangalan niya. Si Adolph na nakaupo sa harap ng isang lamesang may mga bote ng alak sa ibabaw na ang iba ay wala ng laman. Lumapit na siya dito at umupo sa bakanteng upuan na katapat nito. “Solo flight?” aniya bago nagbukas ng sariling bote.
“Oo, hindi ko kayo mahagilap kanina eh,” sagot ni Adolph bago lumagok ng alak mula sa sariling bote. “Eto nga manlilibre na sana ako pambawi sa mga lakad nating hindi na matuluy-tuloy. Hindi ko na rin tuloy ma-kwento ‘young gusto kong ikwento sa inyo.”
“Anong kwento, paps?” tanong ni Jin. Kumuha siya ng pulutan na chicharon na nasa lamesa at kaagad na isinubo. Pauwi na dapat siya nang maisipang bumili ng ihaw na isda para sa hapunan niya.
“Alam mo ba paps,” inilapit Adolph ang upuan kay Jin at halos pabulong na nagsalita. “Kakatikim ko lang ng tilapia two weeks ago pero pakiramdam ko –“
“Teka, teka… May nangyari na sa inyo ni Grace?” bulalas ni Jin. Hindi man sila close ni Grace sa isa’t-isa ay alam niyang wala pa itong iba na nagiging nobyo. At ilang beses na ring na-kwento ni Adolph sa kanila na naiinis na ito kay Grace dahil ayaw pang bumigay. Isa lang ang ibig sabihin, nadi-virginized na ng kaibigan niya ang babaeng pakakasalan nito.
“Oo, Jin. Swabe nga eh. T*ng ina bumigay din ang gaga ‘di ba?” nakangising sagot ni Adolph bago saglit na muling lumagok ng alak. “Pero hindi ‘yon ang gusto kong i-kwento. Si Rose pare. Pakiramdam ko, konti na lang talaga bibigay na siya sa akin. Alam mo kung hindi ka nga lang dumating noong nakaraan, baka nga kami na ngayon. Ayoko lang talaga biglain kaya kapag magkasama kami kunwari hindi ko nararamdaman na gusto niya rin ako.”
“Teka, nagkakasama kayo ni Rose? Paano nangyari ‘yon?” Ibinaba ni Jin ang hawak na bote sa ibabaw ng lamesa bago humarap sa kausap. Halatang mas naging intersado na siya sa susunod nitong sasabihin. Hindi niya kasi inaasahan na may ibang araw o gabi pa na nagkakasama ang dalawa bukod sa gabi na nakita niya ang dalawa sa bangka ni Adolph na tila maghahalikan na. Inisip niya kasi na sa kanila ngang magkakaibigan ay wala na itong oras, paano pa sa kalokohan nito kay Rose.
“Pumupunta kasi siya sa pampang para maghanap ng signal,” sagot ni Adolph habang ngumunguya.
“Eh ‘diba sabi mo, busy ka nitong mga nakaraang araw para sa kasal ninyo? Ibig sabihin, malalim na ang gabi kapag nagkikita kayo?”
“Oo paps, mula sa malalim na gabi hanggang sa madaling araw ay magkasama kami. Alam mo, feeling ko nga sinasadya niya talaga ‘yon. Kunwari lang na naghahanp siya ng signal pero ang totoo gusto niya lang akong makita at masolo,” nakangisi pang kwento ni Adolph habang inaalala ang mga gabi na magkasama sila ni Rose. Lalo na ang muntikan nang paglalapat ng mga labi nilang dalawa.
“Ibig sabihin ilang gabi na rin kayong nagkikita ng turista na iyon?” muling tanong ni Jin. Heto na naman ang mukha ni Adolph na may nakaguhit na ngiti sa mga labing umaabot hanggang sa may tainga nito. Ang mga ngiti nitong hindi niya nagugustuhan.
“Oo paps. Ilang gabi na kaming nagkakasama at nagkakausap. Ilang gabi ko nang nasosolo si Rose. Alam mo Jin, kapag kasama ko si Rose… Ibang klase ‘yung nararamdaman ko. Ang weird eh.”
“Paanong iba?”
“Iba kasi ‘yung dating ni Rose eh. Iba ‘yung tama niya sa akin. Nakakabaliw sa pakiramdam,” kwento ni Adolph. Sa bawat oras o gabi na magkasama at magkausap sila ni Rose ay hinihiling niya na sana ay hindi na mag-umaga pa, para mawalan nang dahilan si Rose na magpaalam na uuwi na. Minsan nga natatagpuan na lang niya ang sarili niyang nakatitig sa mukha ni Rose habang nagku-kwento ito ng mga bagay na hindi na niya naiintindihan pa. “Paps, ano kaya kung… Kung h’wag ko nang pakasalan si Grace at yayain ko na lang si Rose na makipagtanan sa akin.”
“Nababaliw ka na ba Adolph?! Ano bang sinasabi, ni hindi mo pa nga lubusang kilala ang babaeng iyon?!” hindi niya na napigilan ang sarili na magtaas ng boses. Ganitong-ganito ang hitsura ni Mel nang kausap niya kaninang umaga. Ano bang nangyayari sa mga kaibigan niya? Anong ginagawa ni Rose sa mga ito at parang nagsisimula nang mabaliw ang mga ito sa dalaga?!
“Paps, relax. Nagbibiro lang ako,” natatawang pagpapakalma ni Adolph.
Nakahinga naman ng maluwag si Jin dahil sa kasunod na sinabi ng kaibigan. “Gago talaga ito.”
“Teka, nasaan nga pala si Mel? Gusto ko na rin i-kwento sa kanya ito, siguardo akong maiinggit ng sobra ang gago na ‘yon!” Ngayon pa lang ay nakikinita na ni Adolph ang mukha ni Mel sa oras na ikwento niya ang tungkol sa mga oras at gabi na magkasama sila ni Rose. Trip na trip kasi niyang inaagaw at nilalandi ang mga babaeng nagugustuhan at nililigawan nito. Pero sa oras na ito, hindi ang pangti-trip niya kay Mel ang dahilan ng paglapit-lapit niya kay Rose. Si Rose mismo ang trip niyang makuha.
“H-ha? Busy lang ‘yon,” kaagad na sagot ni Jin. May kung anong kaba na siyang nagsisimulang maramdaman.
“Busy saan? May bago bang komiks ‘yon?”
“Oo? Yata? Basta busy ‘yon. Ubusin na lang natin ito para makauwi ka na rin kasi may lakad ka ulit bukas ‘di ba?”
Tumango naman si Adolph bago lumagok ng alak mula sa boteng hawak. “Oo, putsa! Ang busy ko nga lately dahil sa lecheng kasal na ‘yan. Nakakainis na. Hindi tuloy ako makadiskarte kay Rose, nakikita mo ba siya paps. Napapansin mo ba kung may umaali-aligid s akanya?” tanong niya. Tatlong araw na kasi ang nakararaan buhat nang huling beses silang magkasama sa pampang.
Muntik nang maibuga ni Jin ang alak na nasa loob ng bibig dahil sa muling naging tanong ni Adolph. May ilang saglit pa siyang naubo hanggang sa hagurin na ni Adolph ang likuran niya. “Ehem… Ehem…”
“Okay ka lang ba pare? Ano bang nangyari at parang bigla kang nasamid d’yan?” nagtatakang tanong ni Adolph. Alam niya namang hindi mahilig uminom ng alak si Jin, kaya nga nagtataka siya at panay ang lagok nito ngayon mula sa boteng hawak kahit kauupo pa lamang.
“O-okay lang paps… Ehem...” Huminga siya nang malalim bago muling umayos ng upo.
“Si Mel ba ‘yon?”
‘Tang-ina!’ Napapaltik si Jin nang ituro ni Adolph si Mel sa may likuran niya.
“Oh mga paps, nand’yan pala kayo!” masiglang bati ni Mel na malaki ang ngiti ng makapal nitong mga labi bago naglakad palapit sa dalawang binata.
““Mel, ba’t ka nandito?” tanong ni Jin nang umupo si Mel sa tabi niya.
“Bakit Jin, bawal ba?” nagtataka pero natatawang balik tanong ni Mel bago inabot ang isang bote ng alak. “May painom pala kayo dito, buti napadaan ako bago ako umuwi.”
“’Di ba sabi mo may lakad ka?” muling tanong ni Jin habang nag-iisip pa kung paano ito itataboy.
“Gago paps, wala akong lakad ‘no. Kaninang umaga pa ‘yon,” sagot ulit ni Mel.
“Saan lakad mo kanina?” si Adolph naman ang nagtanong bago kumuha ng pulutan.
“Hindi ka maniniwala paps,” sabi ni Mel bago mas nakalolokong ngumiti at tumingin kay Adolph.
“Oh bakit, may pinopormahan ka na kasi naramdaman mo nang wala kanga pag-asa kay Rose?” pang-aasar ni Adolph. Alam niya kasi na kung may makakaribal man siya sa magandang turista sa isla nila, malamang maalinman kay Harris o Mel iyon. Pero kumpyansa siyang wala nang laban si Mel dahil pagiging bolero at palabiro lang naman ang lamang nito sa kanya. Mas gwapo pa rin siya at mas magaling sa romansa.
“Paps… Mel, alam ko talaga may lakad ka eh,” pangungulit ni Jin. Alam niyang anumang oras ay may tension ng magaganap sa lamesa nila.
“Ano ba Jin, wala nga akong lakad. Baka ikaw, may lakad ka?” pagbabalik ni Mel kay Jin sa sinasabi nito. Nagsisimula na kasi siyang mairita sa paulit-ulit nitong tinatanong sa kanya na para bang gusto na siyang paalisin kaagad. Muli siyang bumaling ng tingin kay Adolph bago mapang-asar na ngumiti. Sa kanilang magkaka-ibigan ay ito talaga ang pinaka-hindi niya gustong nakakasama. Alam niya kasing sinasadya ni Adolph na sulutin ang babaeng nililigawan niya lalo na kapag malapit na siyang sagutin. Pero hindi na siya papayag sa pagkakataong ito. Sisiguraduhin niyang sa kanya mapupunta si Rose at hindi kay Adolph. “Magkasama lang naman kami buong araw ni Rose kanina patii na rin noong mga nakaraang araw. Saka nga pala mga paps, pumayag na si Rose na ligawan ko siya.”
Muntik nang maibuga ni Adolph ang alak na lulunukin pa lang sana niya. Napapailing na ngumisi siya bago pinunasan ang nabasang labi gamit ang likod ng palad. “Nagpapatawa ka ba, paps? Alam ko komedyante ka talaga pero hindi mabenta ‘yang joke mo ngayon.”
“Pare, hindi ako nagdyo-joke. At kahit kailan hindi ko gagawing joke si Rose.” Nabakasan kaagad ni Mel ang pagkainis sa boses ni Adolph. Ito na ang hinihintay niya, ang malamangan ang pina-plastic niyang kaibigan.
“Alam ninyo paps, lumalalim na gabi. Uwi na kaya tayo?” Hindi sigurado si Jin kung narinig ba siya ng dalawang kausap. Ang alam niya, anumang oras ay pwedeng tumaob ang lamesa nila.
Napaismik naman si Adolph bago umiling. Natatawa siya sa inis sa sinasbai ngayon ni Mel. Napakadesperado nito para gumawa ng kwento sa harap nila ni Jin. “Mel, pwede ba! Gumising ka nga sa panaginip. Bakit ka naman sasamahan ni Rose?! Hitsura mong ‘yan?! Saka isa pa, ilang beses na kaming nagkakasama sa gabi sa may pampang. At siguradong-sigurado ako na may gusto siya sa akin.”
“Nagkakasama kayo ni Rose sa gabi?” si Mel ang nagtatakang umulit sa sinabi ni Adolph.
“Oo, pare magkasama kami hanggang madaling araw,” nakangisi pang sagot ni Adolph.
“Hindi. Hindi totoo ‘yan.” Nagsisimula nang manggigil si Mel sa inis. “Sa akin lagi nagpapasama si Rose na mamasyal kaya alam kong –“
“Kaya alam mong ano!?” kaagad na putol ni Adolph sa sinasbai ni Mel na tinaasan pa niya ng mukha. “Tang-ina pare, h’wag ka ngang ilusyonado. Iispin mo nga, kailan ka ba nanalo sa akin pagdating sa babae?! Never. Never pa. Dahil sa tuwing makukuha mo na sila, bumibigay na sila sa akin. Natitikman ko na sila. At ganoon din ang gagawin ko kay Rose. Ganoon din ang mangyayari sa kany. Bibigay din siya sa akin sa kama.”
“Tang ina mo talaga Adolph!” tumayo na si Mel at susugurin na sana nang hilahin ni Jin.
Tumayo na rin Adolph ngunit maagap na pumagitna si Jin.
“Pwede ba! Pwede ba! Tumigil na kayo! Para kayong mga gago eh!” awat ni Jin. Madalas mag-asaran ang dalawang ito lalo na pagdating sa babae. Madalas asarin ni Adolph si Mel. Pero ngayon niya lang nakitang mag-away ng ganito kalala ang dalawa. Parang mga batang nag-aaagawan sa iisang laruan.
“Bakit kasi hindi mo sabihin sa kanya Jin, na totoo ang sinasbaing kong ilang araw na kaming lumalabas ni Rose!” baling ni Mel sa kaibigang nakapagitna sa kanila.
Kunot ang noong tumingin si Adolph kay Jin habang naghihintay ng sasabihin nito.’
“Ano Jin, ba’t di ka magsalita d’yan! Sabihin mo dito sa mayabang nating kaibigan na hindi ako nagsisinungaling! Na magkasama kaming namamasyal ni Rose!” halos sigaw ni Mel. Nakukuha na nila ang atensyon ng ilan sa mga tao sa ihawan pero wala siyang pakialam.
Hindi naman kaagad nakasagot si Jin. Ayaw niya kasing lumabas na may kinakampihan siya sa dalawa. Hangga’t maaari ay gusto niyang pumagitna sa away ng mga ito.
Napailing na lang Adolph bago bumuntong hininga. “Alam ninyo, tama na ito. Itigil na natin itong nakakagagong usapan na ito. Aalis na ako.”
“Adolph, sanadali lang!” habol ni Jin na hahawakan sana sa braso si Adolph pero hindi na nagpapigil pa at kaagad nang naglakad palayo sa kanila. At sa pagbaling niya kay Mel ay nakaalis na rin ito sa tabi niya. “Mel!”
Hindi na lumingon si Mel at tiimbagang naglakad palayo.
Napaupo naman muli si Jin bago uminom ng ilang lagok sa kinuhang bote ng alak at padabog na ibinalik sa lamesa. Napailing siya. Nag-aaway-away naman silang magkakabarkada noon. Pero hindi kagaya nito. Alam niyang iba ang nangyayaring away sa pagitan nina Adolph at Mel. “Tang ina. Ano bang nagyayari sa mga kaibigan ko? Sino ka ba talaga Rose!? Anong pakay mo sa isla namin?! Anong pakay mo sa mga kaibigan ko!?”