noveltoon logo noveltoon
Halik ni Kamatayan

Chapter 6

Ch. 7 / 98 Feb 05, 2022

“Darating pa kaya ‘yon?” bulong ni Adolph habang kanina pa nagpapanggap na may inaayos sa bangka niyang nakadaong sa pampang malapit sa huling pinagkitaan nila ni Rose kagabi. Muli niyang sinipat ang oras sa suot na relong kulay ginto, regalo pa iyon ni Grace noong nakaraang pasko na alam niyang mamahalin. “Alas-diyes y media na, baka hindi na dumating iyon.”

Wala naman silang usapan ni Rose na magkikita ulit ngayong gabi, nagbabakasakali lang siya na lumabas ulit ito ng bahay upang maghanap ng signal ng cellphone nito. Hindi na rin siya nakapunta sa usapan nila nina Mel at Jin dahil kinailangan niya pang pumunta sa bahay ni Grace kaninang tanghali. Hindi niya tuloy nai-kwento at naipagyabang sa mga ito na sa wakas ay nakuha na niya ang virginity ng nobya niya. Pero ang pinaka-ikinakainis niya ay nang mawalan siya ng pagkakataon na makita si Rose sa buong araw. Kaya heto siya ngayon, nagtya-tyagang maghintay at magkutingting ng kung ano-ano sa bangka habang naghihintay sa dalaga. Mahigit isang oras na yata siya doon.

“Tang-ina! Nasayang lang oras ko,” naiinis na bulong pa niya bago sinimulang totoong ayusin na ang mga gamit.

Hindi siya kaagad nakatulog kagabi nang makauwi sa bahay. Hindi maalis-alis sa isip niya ang nangyari sa kanila ni Grace lalo na ang maikling oras ng pag-uusap nila ni Rose. Dapat ay mas matuwa siya dahil sa wakas ay naangkin na niya ng tuluyan ang katawan at pagkababae ng nobya niya pero ang hindi niya maintindihan, mas tumatak pa siya si Rose sa isipan niya. Ang muka nito na nakita niya habang inaangkin ang katawan ni Grace. At para tuluyanng makatulog ay pinaligaya pa niya ang sarili katulong sina Mariang Palad habang sa isip niya ay si Rose ang humahawak, naglalaro at sumusubo ng kanyang pagkalalaki hanggang sa tuluyan na siyang labasan siya.

“Wala pa ring signal…”

Napahinto si Adolph sa ginagawang pagbabalik ng mga gamit at pagkain sa dala niyang bayong. Kaagad na nawala ang inis na nararamdaman niya dahil sa boses na narinig bago dahan-dahan ibinaling ang tingin sa nakatayong babae hindi kalayuan sa bangka niya. “Tang-ina. Nandito na siya.” Mas binilisan niya ang kilos bago bumaba ng bangka. Malamig ang tubig dagat na yumakap sa mga paa at binti niya pero hindi niya iyon inalintana. Kahit na ang malamig na hanging humaplos din doon nang makaahon sa tubig ay saglit niya lang naramdaman. Mas nangingibabaw ang alinsangan at init sa pakiramdam niya lalo na nang makalapit sa may likuran ni Rose na sinimulan niyang pagmasdan. Nakasuot ito ng maikling short, jacket at cap. Hinagod niya ng tingin ang maputi at makinis nitong mga binti, pataas sa maumbok nitong pwet. Napalunok siya nang muling maalala kung paano niya pinagsawaan ang katawan nito sa kanyang imahinasyon habang pinapaligaya ang sarili gamit ang sariling palad. Si Rose na nakaluhod sa kanyang harapan at dinidilaan ang kanyang pagkalalaki. Bumitaw na siya ng isang malalim na buntong hininga bago bahagyang inayos ang kulot na buhok at tuluyan nang lumapit sa dalaga. “Hi Rose.”

“Uy Adolph!”

Muling napalunok si Adolph nang humarap sa kanya si Rose. Nakabukas kasi ang jacket sa harapan nito kaya tumabad sa kanya ang maiksi nitong damit loob na kita pusod at kaunting bahagi ng malusog nitong dibdib na lalo pang naiipit dahil sa strap ng kamera na nakasabit sa leeg nito. Kaagd niyang ibinalik ang tingin sa nakangiting mukha ng dalaga. “Kumusta? Nakahanap ka na ba ng signal sa cellphone mo?”

Umiling si Rose bago pinaikot ang mga mata. “Dead spot! Ikaw? Bakit gabing-gabi na, galing ka pa yata sa bangka mo?”

“May inayos lang ako do’n sa bangka. Oo nga pala, may dala ako binallay na gawa ni Aling Maying do’n sa bangka. Gusto mong tikman?” tanong ni Adolph.

“Oo! Favorite ko ‘yon!” kaagad na sagot ni Rose. “Lalo na ‘yung binallay ni Aling Maying!”

“Favorite mo? Ibig sabihin nakatikim ka na ng binallay? Saka kilala mo si Aling Maying?” nagtatakang muling tanong ni Adolph. Bakas kasi sa mukha ni Rose ang pagkasabik na para bang excited itong muling makakain ng binallay.

“Nabanggit ninyo kagabi nina Mel na si Aling Maying ang pinakamasarap gumawa ng binallay dito sa isla, hindi mo natatandaan?” natatawang balik tanong ni Rose. “Saka nakakain na ako no’n sa Manila, sa isang seafood restaurant then binallay ang dessert. Sobrang nasarapan ako, kasi para siyang suman pero mas masarap pa. After ko matikman, naging favorite ko.”

“Ah oo, naalala ko na,” nasabi na lang ni Adolph. Aalalahanin niya pa sana kung paano nabanggit si Aling Maying sa usapan nila kagabi pero ayaw na niyang sayangin pa ang oras na mayroon sila ngayong gabi. Niyaya na niya Rose sa may bangka upang doon nila pagsaluhan ang binallay na dala niya at sinadya pa niyang bilhin kay Aling Mayen, ang pinakamatanda at kilala sa isla na pinakamasarap magluto ng binallay. Mabilis na inihanda ni Adolph ang pagkain at may dala rin siyang inumin. Sa katunayan ay ilalabas na lang niya ang mga iyon mula sa bayong na dala niya dahil halos lahat ay nakaplano na. Hinihintay na lamang niya kanina pa ang pagdating ni Rose.

“Grabe, ang sarap talaga nito! Imagine, last piece na ito eh limang tali ‘yung dala mo kanina ‘di ba?” sabi ni Rose bago isinubo ang hawak na binallay. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o magtataka dahil tila nakahanda na talaga sa bayong ni Adolph ang mga pagkain at inumin. May laman pang paper plates at disposable na kutsara at tinodor ang bayong na hindi naman nila nagamit.

“Hahaha. Hindi nga masyadong halata na favourite mo ang binallay, ang dami mong nakain,” sagot ni Adolph bago iniabot kay Rose ang huling piraso na dapat ay para sa kanya. “Oh sa iyo na lang.”

“Yey! Thank you!” natutuwang pasalamat ni Rose na kaagad na tinanggal ang balat ng binallay.

Napangiti naman si Adolph habang pinagmamasdan si Rose. Para itong bata na sabik na sabik sa isang pagkain na matagal nang hindi natikman. “Rose, maganda ba sa Maynila?”

Muling kumagat ng maliit na piraso sa hawak na binallay si Rose bago sumagot. “Uhmm, may part na maganda pero mostly... Magulo, maingay, madumi… gano’n. Saka kapag ganitong malalim na ang gabi doon, maingay pa rin. May ilang lugar pa nga na may nagsisigawan, nagtatakbuhan at naghahabulan ang mga tao kahit dapat ay natutulog o nagpapahinga na ang lahat para sa trabaho nila kinabukasan. Hindi kagaya dito. Ang payapa ng gabi… Tahimik saka maaliwalas. “

“I see… Alam mo kasi, pinagarap ko ring makapunta ng Maynila noon. Pero noon ‘yon. Ngayon hindi ko na alam,” sabi ni Adolph habang ang tignin ay nasa alon ng dagat. “Ayaw kasi akong pag—aralin ni Tatay sa Maynila noon kaya sa kabilang isla na lang ako nag-college. Gusto ko rin sanang makapagtrabaho ng kahit na ano basta hindi mangingisda. Ayoko kasing sundan ang buhay ni Tatay. Nakakasawa kayai ang buhay dito sa isla. Paulit-ulit na lang na puro bangka, isda at dagat ang nakikita ko. Kaya sabi ko noon, aalis ako dito at hindi na babalik pa. Pero ayin nga, noon ‘yon. Dahil ngayon, hindi ko na alam kung magagawa ko pa ‘yon.”

Nang maubos ni Rose ang hawak na binallay ay inabot niya ang kamera bago kinuhanan ng litrato si Adolph.

Kaagad namang napalingon si Adolph dahil sa ingay at ilaw ng kamera. “Oh ang pangit ko, hwag mo akong kuhan,” natatawang saway niya.

“Hindi ah, sinong may sabi. Ang gwapo mo nga dito oh,” sagot ni Rose habang tinitingnan ang litrato ni Adolph sa screen ng kamera niya. Gwapo naman talaga ang binata at maganda ang rehistro ng mukha nito sa kamera. Lalo na kapag nakangiti. “Alam mo pwede ka ngang maging model eh. Ang ganda ng smile mo at ang ganda ng katawan mo. Kung ipu-push mo pa, pwede ka ring maging artista.”

“At kailan ka pa natutong mambola?” Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong klaseng kilig mula sa isang babae.

“Photographer ako at hindi ako bolero kagaya ninyong mga tagarito sa isla ‘no.”

“Ouch! Judgmental!” natatawang sabi ni Adolph na humawak pa sa dibdib.

“Gagi, seryoso ako. Promise, kung luluwas ka ng manila. Pwede mong subukan ang modeling career,” ani Rose bago muling humarap kay Adolph na nakaupo sa katapat niya.

“Ewan ko sa iyo Rose, nahawa ka na nga ata sa mga bolerong taga-rito. Teka, may binallay ka pa sa labi mo oh,” pinunasan ni Adolph ang gilid ng labi ni Rose gamit ang hinalalaki bago iyon isinubo. Pakiramdam niya tuloy ay parang nahalikan niya na ang dalagang kausap. “Sayang. Pagkain pa rin ito. In fairness ha, masarap talaga siya.”

“Gagi,” natawa naman si Rose sa ginawa ni Adolph habang napapailing. “ Pero alam mo sayang...”

“Sayang? Kinain ko naman, bakit sayang pa rin?” pabirong tanong ni Adolph, alam niyang iba ang tinutukoy ni Rose pero hindi niya alam kung tama ba ang nasa isip niya.

“Hindi ‘yun… Uhmm. I mean saying kasi…” bumuntong hininga muna si Rose bago inilayo ang tingin mula kay Adolph. “Sayang kasi taken ka na…”

Unti-unti ay nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ni Adolph. Tama ba ang naririnig niya? Nanghihinayang si Rose dahil may nobya na siya? Nanghihinayang si Rose kasi ibig sabihin ay gusto rin siya nito? Pero paano kung sabihin niya na handa siyang iwanan si Grace? Na handa siyang lumuwas ng Maynila? Na handa siyang makipagsapalaran basta kasama ito?

“Never mind Adolph, h’wag mo na lang isipin ‘yon. Tara ayusin na natin ito?” akmang tatayo na si Rose nang hawaka ni Adolph ang kamay niya.

“Saglit lang, Rose.”

Nagsimulang gumalaw-galaw ang bangka dahil sa biglang pagtayo ni Rose at unti-unti ay nawalan siya ng balanse. “Oh my God!” Sa lakas ng kaba at pagkataranta ni Rose ay naipikit na lamang niya ang mga mata ng mariin.

Ngunit bago pa tuluyang matumba si Rose ay nahila na siya ni Adolph.

At nang imulat ni Rose ang mga mata ay saka lang niya naramdamang nakahiga na siya sa bangka, ang mga bisig ni Adolph ay nakasalo sa may ulo niya at ang binata ay halos nakapaibabaw na sa kanya. Napalunok siya nang magtama ang mga tingin nilang dalawa. Nakikita niya ang pagnanasa sa mga mata ni Adolph at nararamdaman niyang may nagigising na sa pagitan ng mga hita nitong bahagyang nakadikit sa kanya. Iginuhit niya ang ngiti sa mga labi. Isang napakatamis na ngiti.

Samantalang napalunok naman ng laway si Adolph lalo nang ngumiti ang mga labi ni Rose na tila ba inaanyayahan siyang halikan ang mga iyon. Malakas ang kabog ng dibdib niya at muli ay ilang beses na lumunok ng laway. Hindi na siya magaaksya ng panahon. Hindi na niya sasayangin pa ang pagkakataon na iyon. Dahan-dahan ay inilapit niya ang mukha sa mukha ni Rose. Lalapatan niyang ng halik ang mga labi ni Rose. Ipaparamdam niya sa dalaga kung gaano siya kasarap humalik. Kung gaano siya kagaling mag-romansa. At kung bakit dapat ay maging silang dalawa anuman ang mangyari. Bahala na… Bahala na…

“Paps?”

Halos masilaw ang dalawang nasa bangka dahil sa ilaw ng flashlight na nakatapat sa mukha nila.

Kaagad namang napatingin si Adolph sa pinanggalingan ng boses na alam niyang siya ang tinatawag. Ilang saglit pa bago nag-adjust ang panigin niya sa liwanag ng flashlight at makilala ang salarin sa naudlot niyang kaligayan. Si Jin. ‘Tang ina naman, wrong timing ka pare!’ gusto niya tuloy bulyawan at paalisin ito.

Kaagad naman nang kumilos si Rose at bumangon kasabay ang paglayo ni Adolph sa kanya. Inayos niya ang sarili bago bumaba nang bangka kasunod si Adolph na palapit kay Jin.

‘Ikaw na naman?’ pinigilan ni Jin ang mga salitang iyon na lumabas sa labi niya. Napakunot ang noo niya nang maaninag ang mukha ng babaeng kasama ni Adolph sa bangka na inakala niyang si Grace. Bakit ba parang laging nakadikit si Rose sa dalawang kaibigan niya? Mali. Parang laging nakadikit si Rose sa kanilang magkakaibigan.

“Hi Jin, nice to see you again,” nakangiting bati ni Rose kay Jin. Saglit na tila kinausap ng mga mata niya ang singkitin nitong mga mata bago bumaling kay Adolph. “Uhmm. Medyo gumagabi na, kailangan ko nang bumalik sa bahay.”

“Ihahatid na kita,” prisinta ni Adolph.

“No, hindi na kailangan. Malapit lang naman ang bahay nina Tatay Poncio kung dito ako dadaan. Sige, una na ako,” muling ibinalik ni Rose ang tingin kay Jin. Ngumiti. “Bye Jin.”

Halos sabay na nakahatid tanaw sina Jin at Adolph sa naglalakad papalayo na si Rose.

“Tang-ina paps, ano ba kasing ginagawa mo dito!? Alam mo bang malapit na iyon!? Malapit na malapit na!” inis na sabi ni Adolph nang wala na Rose sa paningin nila.

“May pinakuha kasi si Lolo Ambo sa bangka ni Abet,” sagot ni Jin na ang tinutkoy ay ang bangka ng pinsan niya. Lumiit lalo ang mga mata niyang tumingin kay Adolph. Nagdalawang isip pa siya kanina nang may makita dalawang bulto ng tao sa bangka. At nang mapagtanto na bangka iyon ni Adolph at may nangangahas na doon maglampungan ay nagdesisyon na siyang sawayin ang mga iyon. Hindi niya inaasahan na si Adolph ang makikita niya sa bangka pero ang mas hindi niya inaasahan ay ang mukha ng babaeng halos patungan na ng kaibigan niya. “Ikaw, anong ginagawa mo kasama ang turista na ‘yon?”

Umasim ang mukha ni Adolph sa inis nang maalala kung gaano na kalapit ang mukha niya sa mukha ni Rose kanina. “Alam mo paps kung hindi ka lang dumating at nang-istorbo, malamang kinakain ko na siya ngayon.”

“Gago Adolph, seryoso ako. Bakit kayo magkasama ng ganitong oras? At sa ganong pwesto?” muling tanong ni Jin habang nagtatalo sa isipan niya kung babanggitin ba dito na kanina lang ay kasama ni Rose ang kaibigan nila na si Mel. “H’wag mong sabihin na dapat sa bangka pa talaga kayo gagawa ng kasalanan kay Grace. Adolph, ikakasal ka na ah!:

“Alam mo Jin, ang O.A. mo! Wala ‘yon. Ni hindi ko nga nahalikan ‘di ba?! Niyaya ko lang siya kumain ng binallay sa bangka. Sige na paps, uwi na ako. Bad trip ka eh.”

Hindi na nakapagsalita pa si Jin nang maglakad na palayo si Adolph sa kinatatayuan niya. May kakaiba sa mga nangyayari. Alam niyang may kakaiba talaga. May kakaiba sa ikinikilos ng mestisang turista sa kanilang isla. May kakaiba sa bawat ngiti ni Rose sa kanya. At pakiramdam niya, anumang oras ay pwedeng may mangyaring hindi maganda sa Izla Azul.