noveltoon logo noveltoon
By the way, his name is Jack Frost

Chapter 4

Ch. 4 / 47 Feb 05, 2022

“Oh, tingnan mo nga naman kung sinong naligaw sa teretoryo natin. Taga-Tan Siu.”

Napatingala ako at nakita ang mga lalaking nakaunipormeng itim habang nakapamulsa at nakapalibot sa amin. Tumatawa sila nang nakakainsulto habang nakatingin ng makahulugan sa gangster na kasama ko.

“At may kasama pala siyang chicks,” saad pa ng isa sa kanila. Isa-isang nagtaasan ang mga balahibo ko. Don‟t tell me, I‟m in trouble nanaman? Tumingin ako sa gangster na katabi ko at tahimik lang siyang nakatingin sa boteng iniinom niya. Ghad, gangster, send them away!

“Mga bata, hindi niyo ba alam kung nasaan kayo? Teretoryo namin ito at bawal ang mga taga Tan Siu rito.”

Napalunok ako. “Right. Bawal pala kami rito. Sorry we didn‟t know. Aalis na lang kami,” kinakabahang sagot ko. Tumawa sila ng sabay-sabay. Mas lalong nagtaasan ang mga balahibo ko. Tiningnan ko ang katabi ko pero wala pa rin siyang imik.

“Aalis na agad? Bakit hindi ka muna mag-stay kasama namin?” tanong ng isa.

“What?! Excuse me?!” napataas ang boses ko. Mukha ba akong kabastos-bastos sa paningin nila?

“Mukhang palaban ah. Iyan „yung mga tipo ko eh.”

Napapikit ako ng mariin. My ghad. I need to get out of here. Isa talagang maling idea ang pagsama ko sa gangster na ito. He‟s not even doing anything para ipagtanggol ako dahil nababastos na ako. Nasaan na ang pagiging best actor niya sa pagiging super hero?

Naupo ang isa sa kanila sa lamesa namin. “Anong pangalan mo, Miss?” tanong ng lalaki. Napalunok ako at nanatiling walang imik habang nakayuko. “Mukhang wala kang balak sumagot ah. Hindi mo ba alam na nakakabastos ka?” tila galit na tanong niya.

Kinakabahan akong tumingin sa kanya when he leaned close to me. Teka, anong balak niyang gawin?! Itinaas niya ang kamay niya at hahawakan sana ang pisngi ko nang bigla na lang may isang bote ng beer ang tumama sa ulo niya at kaagad na nabasag. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa katabi kong cursing machine. Itinulak niya ang lamesa namin dahilan para mahulog ang lalaki na umupo sa ibabaw noon.

Tumayo siya at saka ibinulsa ang magkabila niyang kamay. “She‟s my property. You can‟t touch what‟s mine. F*ck off.” saad niya.

Napalunok ako habang tinitingnan ang nanlilisik niyang mga mata na nakatingin sa mga lalaking nasa harapan namin.

“Aba! Ang tapang mo ah! Alam mo ba kung nasaan ka ha?!” galit na sigaw ng isang malaking lalaki sa kabilang grupo.

Napatingin ako sa paligid, nakatayo na rin ang ibang tao sa bar at masama ang tingin sa cursing machine na kasama ko. Nakaitim rin silang uniporme katulad ng sa mga lalaking nasa harapan namin. We need to get away from this trouble. Ano ba kasing naisip ng cursing machine na ito at dito pa niya naisipang uminom?!

Nagulat ako nang humarap siya sa akin and he gave me a smile. Tumingin siya ng seryoso sa mga mata ko bago nagsalita. “Leave,” mahinahon at seryosong saad niya. Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Why am I seeing kindness in his eyes now?

“No. I‟m not leaving you,” mabilis na sagot ko.

Nagulat na lang ako nang isa-isang sumugod ang mga lalaki sa kanya. Napatayo ako at napaatras. There‟s just so many of them I wonder if he can handle this trouble on his own. Baka mabugbog uli siya just like what happened the first time I met him.

“Gangster, there‟s no way I‟m going to bring you back to the hospital!” sigaw ko sa kanya at saka napapikit. Wala akong narinig na sagot mula sa kanya at sunod-sunod na ingay lang ang narinig ko. Maiingay na sigawan, mga boteng nababasag, at mga bagay na nagbabagsakan.

Nagulat na lang ako nang may biglang humawak sa braso ko at hinila ako patayo.

“Hoy, Totoy! Nakikita mo ba „to ha?!” sigaw ng lalaki at sabay tutok ng isang patalim sa akin. Nanlambot ang mga tuhod ko at napatingin kay cursing machine. Napatigil siya sa pagsuntok na ginagawa niya sa isang lalaki at napatingin sa akin. Bumaba ang tingin niya sa braso ko na hawak-hawak ng lalaki.

“Didn‟t I warn you about not touching what‟s mine?” saad niya at saka binitiwan ang lalaking hawak-hawak niya. Namimilipit na napaatras ang mga lalaking nakahiga na sa sahig. Teka, huwag mo sabihin sa aking napatumba niya kaagad ang mga iyan?!

Galit at dahan-dahang lumapit sa amin si Cursing Machine. Halata namang agad na nataranta ang lalaking nakahawak sa akin. “Huwag kang lalapit kung hindi ay sasaksakin ko ang babaeng „to!” sigaw niya pero sa kabila noon ay patuloy pa rin ang cursing machine sa paglapit.

“And what do you think you‟re doing, gangster? „Wag ka raw lalapit or else he‟s gonna stab me!” sigaw ko. Hindi niya ba „yun maintindihan? Or gusto niya lang talaga akong ipahamak? Ugh! Napapikit ako nang mas ilapit ng lalaki ang patalim sa akin.

“Go ahead, stab her and I‟m gonna f*ckin‟ kill yah.”

“Haha! Sa tingin mo ay natatakot ako sa‟yo?!” sigaw ng lalaki.

“Don‟t you know who I am?” tila confident na tanong ng cursing machine.

“B-bakit? Sino ka ba?” kinakabahang tanong ng lalaki.

Nagpakawala muna ng nakakalokong ngiti ang cursing machine bago niya sinabi ang pangalan niya.

“My name is Jack Frost,” at pagkasabi niya noon ay kaagad na natahimik ang paligid. Napanganga ang lahat ng tao sa bar.

Nabitiwan ng lalaki ang patalim na nakatutok sa akin at napaatras. Nagsi-atrasan rin ang iba. Nagulat na lang ako nang nag-uunahan silang nagtakbuhan palabas ng bar. And in a flick of hand, tanging ang mga kalat na lang at sirang mga gamit ang natira sa loob ng bar.

Nagtataka kong tiningnan ang cursing machine na nasa harapan ko. Binigyan niya ako ng makahulugang ngiti at hinaplos-haplos pa niya ang kanyang baba.

“Don‟t you ever underestimate my capabilities ever again,” overconfident na saad niya habang patuloy sa paghaplos sa baba niya.

“Tch! I didn‟t know that you could save the both of us by merely saying your name.”

“I had no choice. They were lucky I didn‟t kill them,” banta niya.

Ngumuso ako at saka lumapit sa lamesa namin kanina at kinuha ang bag ko. “I swear to God, I don‟t wanna see you again,” saad ko.

“Yeah right. Whatever,” sagot niya at saka tinalikuran ako. “See you tomorrow,” dagdag niya at nagsimulang maglakad palabas ng bar.

“But I said I don‟t wanna see you again,” sabi ko.

Huminto siya sa paglalakad pero hindi niya ako nilingon. “Alright. So do you want me to take your eyeballs out?” malokong tanong niya.

Ugh! So frustrating gangster!

“Whatever!” sagot ko at saka inunahan siyang lumabas ng bar.

Inis akong nagmamadaling naglakad pauwi. What a good place to live! Walang kailaw-ilaw plus the fact na wala man lang taxi na dumadaan. And I don‟t even know kung papaano ako uuwi. I think I‟m lost. Bakit ba kasi ako sumama sa gangster na „yun? He kept on dragging me into a lot of trouble!

Ilang bahay na ang nadaraanan ko pero hindi ko pa rin alam kung nasaan ang bahay namin. Pagod na rin ako sa kakalakad and I badly want to take a rest. Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa taong kanina pa sunod nang sunod sa akin.

“Will you please stop following me?” inis na utos ko sa kanya.

“I‟m just making sure you‟ll get home safe,” sagot niya.

“You know what‟s safe? It is a place where you don‟t exist, gangster.”

Natawa siya nang mahina sa naging sagot ko. Inirapan ko na lang siya at saka dahan-dahang naupo sa kalsada.

“I‟m tired,” nanghihinang sagot ko. “I really am tired.”

Simula pa kaninang umaga ay wala na akong energy. Sa loob lang ng isang araw ay naubos na lahat ng lakas ko kasama siya. I can‟t believe na wala pang 24 hours ang lumilipas pero ang dami nang nangyari sa buhay ko kasama siya. Pinagmasdan ko ang mga bituin sa langit at saka dahan-dahang ipinikit ang mga mata ko. “Can I just sleep here?” tanong ko.

“Do you f*cking have any idea of what you‟re doing?” sita niya nang mahiga na ako sa kalsada. “Get up, stupid.”

Napabuntong hininga ako nang hilahin niya ako patayo. “Wala na akong lakas para umuwi. I think I‟m lost,” saad ko.

“I know. But I can‟t let you sleep here.”

Nagulat na lang ako nang bigla siyang yumuko at inalis ang sapatos ko.

“And what do you think you‟re doing?!” gulat na tanong ko.

“You won‟t have your shoes back unless sasakay ka sa likod ko para ihatid ka pauwi,” seryosong sagot niya.

“What? Nababaliw ka na ba? Why would I do that?”

“Because you‟re tired. Now sasakay ka ba sa likod ko at ihahatid kita or you‟ll walk barefooted?”

Umatras ako palayo sa kanya. No way. I‟d rather walk barefooted than to ride on his back.

“Just as I thought,” bulong niya at nagulat ako nang ibato niya ang sapatos ko sa may bakanteng lote.

“Are you crazy?! Bagong bili ang mga „yon!” sigaw ko.

Nagulat ako nang imbes sagutin ay bigla na lang niyang hinawakan ang blouse ng uniform ko. And the next thing I knew... he can almost see my undergarments. Kaagad kong tinakpan ang dibdib ko. “What the hell?! Bakit mo sinira ang uniform ko?!” sigaw ko. I swear if only killing was made legal, I would kill him first!

Natawa siya nang malakas dahil sa naging reaksyon ko habang ako naman ay ramdam na ramdam ang pag-init ng mukha ko. Ugh!

“I saw nothing alright? As if I wanted to see that,” natatawang saad niya. Kung kanina kaya ko pang tiisin ang mga pinaggagawa niya, ngayon hindi na. Pakiramdam ko ay umuusok na ang ilong ko sa galit. Hindi ko na maisara ang uniform ko dahil nagtalsikan na ang mga butones nito. Kung alam ko lang na mangyayari sakin „to sana ay nagsando ako.

Tinalikuran ko siya at aalis na sana para iwan siya pero hinila niya ako sa braso. “I didn‟t ruin your uniform for nothing. Now, sumakay ka na sa likod ko.

If throwing your shoes didn‟t work for you, I guess kailangan na kitang hubaran. Or do you want me to do something more than this?”

Napailing ako. Ibang klase. He‟s someone who‟ll give you no choice. It‟s either susunod ka sa gusto niya na walang angal or susunod ka sa kanya nang pwersahan. He knows how he‟ll get what he wants. And since he left me without a choice, napilitan akong sumakay sa likuran niya.

“Nakasakay ka na ba nyan? Parang wala naman akong binubuhat.”

I don‟t know why but napangiti na lang ako. Regardless of his monstrous image, may mabait pa rin naman pala siyang side.

Tahimik lang kami habang hinahanap ang bahay namin.

“What‟s your real name?” tanong ko out of the blue pero hindi siya sumagot at sa halip ay nagpatuloy lang sa paglalakad. Napabuntong hininga ako. “Mine is Summer,” saad ko nang hindi pa rin siya umiimik.

Nagulat ako nang bigla siyang huminto sa paglalakad. “Are we trying to get to know each other here?” tanong niya.

Natawa ako nang mahina. “I think there‟s no point in hiding my real name. You‟ve already found me, in just a span of one week.” Hindi na siya nagsalita pa at saka ipinagpatuloy na lang muli ang paglalakad. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at pumikit sandali.

“How did you find me?” tanong naman niya.

Kumapit ako nang maigi sa kanya bago sumagot. “May mga lalaking sumisigaw nun and they caught my attention. Ikaw „yung binubugbog nun. I thought you were dead already pero hindi pa pala so dinala kita sa hospital.”

Natahimik ulit kami hanggang sa huminto siya sa paglalakad.

“Oh bakit?” tanong ko.

“There‟s a man,” sagot niya. “I think he‟s looking for you.”

“H-ha?!”

Napatingin ako sa harapan namin at nakita ko si Papa. Kaagad akong bumaba sa likuran ni Jack Frost at inayos ang sarili.

“P-pa...”

“Summer?” kunot noong tanong niya. “Ikaw na ba „yan?”

Kinakabahan akong tumango. “Opo,” sagot ko.

“Alam mo ba kung anong oras na?!” galit na tanong niya at napatingin sa kasama kong cursing machine. “Magpaalam ka muna sa kasama mo at mag-uusap tayo,” saad niya at saka pumasok sa loob ng bahay.

Napatingin ako kay cursing machine at nakitang matalim ang tingin niya sa akin. “Is he your father? I thought he‟s dead?” tila galit na tanong niya. “Lying about your name is somehow forgivable. But this time it isn‟t. I thought you were different. You disappointed me,” dire-diretsong saad niya at saka ako tinalikuran.

“W-Wait.” pigil ko.

“You don‟t want to see me again, right? So am I. I don‟t want to see you anymore. Don‟t show me your disgusting face ever again,” walang emosyong sabi niya.

Napanganga ako sa narinig ko. “Aren‟t you going to listen to me first?” naiinis na saad ko.

“There‟s no way you can fool me again. Good bye,” saad niya. And with that, he left.