noveltoon logo noveltoon
By the way, his name is Jack Frost

Chapter 2

Ch. 2 / 47 Feb 05, 2022

Hindi makapaniwalang nilibot ko ng tingin ang buong klase. May mga babaeng busy sa paglalagay ng makeup sa mukha nila habang may iba naman na nagbabatuhan ng kung anu-ano. May iba ring nagpapalipad ng eroplanong gawa sa papel at mayroon ding mga nagwre-wrestling sa likod habang nagsisigawan ang ibang lalaki sa pagche-cheer.

“Class, may I have your attention please?!” sigaw ng aming guro.

Saglit na natahimik ang mga kaklase ko nang magsalita siya. Aba, marunong pa pala silang makinig sa teacher.

“She will be your new classmate. Be nice to her, okay?” ika ni Ma‟am.

Pagkatapos sabihin iyon ng aming guro ay ipinagpatuloy muli ng mga kaklase ko ang mga ginagawa nila. Naging maingay ulit sila at magulo.

“Magpakilala ka na, hija,” tila nahihiyang utos ni Ma‟am sa akin.

Naiilang akong ngumiti sa kanya at saka humarap sa mga kaklase kong hindi naman ako binibigyan ng kahit na anong atensyon.

“Good morning everyone. I am Summer Pascua.” pakilala ko.

Pagkatapos na pagkatapos kong magsalita ay laking gulat ko nang saktong may tumama sa mukha ko na lumilipad na lukot na papel. Dahil doon ay kaagad silang naghalakhakan.

“Sige, hija. Maupo ka na.” nahihiyang utos ni Ma‟am.

Tumingin ako sa paligid at wala ng bakanteng upuan maliban sa likod. Sa likod? Ugh. Uupo ako sa likuran, sa tabi ng bintana at ano? Ang makakatabi ko ay isang annoying na lalaki na magiging Prince Charming ko? How cliché.

Nagsimula na akong humakbang papunta sa upuan ko pero may paang biglang humarang sa daraanan ko. Tiningnan ko kung kaninong paa iyon at sumalubong sa akin ang mukha ng babaeng nagmukha ng clown dahil sa kapal ng makeup niya. Balak niya ba akong patirin?

“Mukhang pamilyar ka ah. Teka…” saad niya at humarap sa katabi niya. “Huy girl, hindi ba sya „yun? Iyong wanted?”

Ano raw? Wanted?

Tumingin sa akin ang katabi niya. “Oo nga! Hawig nga niya! Tang*na mas pangit pala siya sa personal!”

Hindi ako makapaniwalang napanganga nang marinig ang sinabi niya. Ano raw?! T-tang*na?! Oh my God. Paano ako nakapasok sa paaralan na ito? Bakit kahapon, nung nag-entrance exam ako ay mukhang disente ang lahat? Bakit ngayon ay tila nasira ang first impression ko sa Tan Siu International Academy?

“Miss Pascua, maupo ka na.” utos ni Ma‟am.

“Ah, opo.” sagot ko at dali-daling nilaktawan ang paa ng babae.

Naupo ako sa may tabi ng bintana. Nakakapagtaka lang dahil nung umupo na ako ay biglang tumahimik ang buong klase. Lahat sila‟y tumigil sa kanilang ginagawa at nabaling sa akin ang kanilang mga atensyon.

“Uhm, Miss Pascua, may I request you to please choose another seat? That seat is already taken.” saad ni Ma‟am.

“Ah, sige po Ma‟am.” sagot ko at dali-daling naupo sa katabing upuan.

Nanatiling nakatutok pa rin sa akin ang atensyon ng buong klase at nakakabingi na ang katahimikan nila.

“Even that seat is taken, Miss Pascua.” saad ni Ma‟am na may suot na awkward na ngiti.

Tumayo akong muli at pumunta sa pinakadulong upuan, sa may last row kung saan dingding na lang ang makakatabi ko.

“Eh dito po?” tanong ko.

Ngumiti si Ma‟am bilang sagot kung kaya‟t naupo na ako roon. Magsisimula na sana siyang magturo nang bigla-bigla na lang marahas na bumukas ang pinto ng classroom.

“Guys! Dumating na siya! Dalian niyo! Manuod na tayo!” sigaw ng isang pinagpapawisang lalaki at saka tumakbo paalis.

Agad-agad namang nagtakbuhan ang mga kaklase ko palabas ng classroom at sinundan ang lalaking iyon. Ilang segundo lang ang lumipas ay naiwang mukhang matagal nang inabanduna ang classroom namin dahil sa gulo ng mga upuan at dami ng papel na hinahangin.

Nagtataka akong tumingin kay Ma‟am dahil kaming dalawa na lang ang natira. Bigla na lang din siyang lumabas ng classroom. Teka? Anong nangyayari? Dahil naiwan akong mag-isa ay napilitan akong tumayo at lumabas na lang rin ng room. Kung wala rin naman palang klase, uuwi na lang ako at mag-aaral sa bahay. Sa tingin ko‟y dapat ay magself study na lang ako kaysa paulit-ulit na lumipat ng paaralan.

Natigilan ako sa paglalakad nang makasalubong ko ang ibang estudyante na nagtatakbuhan. Sa sobrang dami nila ay naitulak nila ako at nasama sa pagtakbo.

“T-teka lang! „Wag niyo po akong itulak!” sigaw ko pero mukhang wala ring silbi dahil sumisigaw rin silang lahat at miski ang sariling sigaw ko ay hindi ko na narinig.

Nakarating ako sa covered court ng paaralan nang hindi inihahakbang ang sarili kong mga paa. At kahit puno na ang tao sa loob ng covered court ay pinilit pa rin ng mga estudyanteng tumutulak sa akin na makapasok sa loob. Halos mayupi na ang maliit at payat kong katawan dahil sa panunulak nila sa akin.

Dahil sa awang-awa na ako sa sarili ko ay lumuhod na lang ako at gumapang papunta sa lugar kung saan maluwag at walang tao. Patuloy ako sa paggapang hanggang sa mapahinto ako nang bigla na lang may lalaki na bumulagta sa harapan ko.

Natatakot akong napaupo at napaatras. Tumingala ako at nakita pa ang ibang lalaking nagbabagsakan. Tinakpan ko kaagad ang mga mata ko dahil ayokong nakakasaksi ng brutality.

“Grabe, ang lupit niya! Kahit mag-isa lang siya ay kaya niyang patumbahin ang isang gang!”

“Nabalitaan mo ba? Nilagyan daw ng mga g*gong „yan ng kung ano „yung alak niya kaya nalasing siya at nawalan ng malay. Buti nga sa kanila.”

Napatingin ako sa dalawang babae sa tabi ko na may hawak-hawak na camera at vini-videohan ang kung ano man ang pinagkakaguluhan ng lahat. Nagulat ako nang bigla silang mapatingin sa akin kung kaya‟t kaagad akong nag-iwas ng tingin.

“Teka. Look b*tch, hindi ba sya „yun? „Yung wanted?”

Napabalik ang tingin ko sa kanila nang marinig ko na naman ang salitang wanted na iyon. Tiningnan nila akong maigi at may papel silang inilabas mula sa mga bulsa ng uniporme nila. Tiningnan nila iyon bago sila muling tumingin sa akin.

“Oh God, siya nga „yung nagdala kay Jack sa ospital!”

Mabilis na kumalabog ang puso ko. O-ospital? W-Wanted? Huwag mong sabihing nandito si Cursing Machine?!

Dahan-dahan akong tumayo at nilapitan ang dalawa.

“Uhm...Kilala nyo „ko?” naiilang na tanong ko.

Dahan-dahan silang tumango bilang sagot.

“P-paano?” kinakabahang tanong ko.

Mabagal nilang ipinakita sa akin ang papel na hawak-hawak nila at doon ay nakita ko ang mukha ko na halatang drinawing at pinaphotocopy upang ipakalat. Tila isa akong missing person na nakidnap at pinaghahanap ngayon, „yun nga lang ay iba ang nakalagay rito. Ang nakalagay dito sa papel ay “Wanted: Dead or Alive!” at mayroon pang pabuya na...Fifty thousand pesos?! You‟ve got to be kidding me!

Ibinalik ko ang tingin ko sa dalawang babae upang kausapin sana sila pero nagtataka kong ikinunot ang noo ko nang tila natatakot silang umatras palayo sa akin. Napatingin ako sa paligid at napansin kong halos ang iba ay gulat na nakatingin sa akin.

Okay, what‟s going on? This is really freaking me out because I don‟t want anybody‟s attention. Please, gusto kong iiwas nila ang tingin nila sa akin. Natatakot ako. Pakiramdam ko‟y sasaktan nila ako.

Laking gulat ko na lang nang biglang may yumakap sa akin mula sa likuran ko. Lahat ng tao ay sabay-sabay na napasinghap nang mangyare iyon.

Kumalas din kaagad ang taong nakayakap sa akin, pero hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat at iniharap niya ako sa direksyon niya.

“There you are, silly. Finally.” saad ng lalaking yumakap sa akin habang nakangiti nang makahulugan.

Nanlalaki ang mga mata kong nakatitig sa kanya. How in the world did this happen? How?!

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong inakbayan at hinarap sa isang babae na hindi maipinta ang mukha dahil sa sobrang pagkasimangot at pagkakunot ng noo. Naka-closed fist pa ito at tila isa siyang aso na nag-ge-grrr.

“Meet my new girlfriend. Now it‟s proven, isn‟t it?”

Muntik na akong mapanganga sa narinig ko. Anong sinabi niya?!

“Paano ko naman mapapatunayan iyon eh ginamit mo lang din naman ako, di ba? Pinaniwala mo lang din ang iba na girlfriend mo „ko dahil bitter ka pa rin kay Jasmine!”

Napatingin ako kay cursing machine nang maramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa balikat ko.

“You want proof? Fine.” halatang inis na sagot niya. “Damn, I f*ckin hate public display of affection,” saad niya at bigla-bigla ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at inilapit niya ang mukha niya sa akin.

Tumingin siya ng seryoso sa mga mata ko at saka umismid.

“You f*cking liar. I really am going to cut your tongue,” saad niya.

Kaagad nanlaki ang mga mata ko sa sunod na ginawa niya. Tila huminto sa pag-ikot ang mundo ko matapos niyang angkinin ang mga labi ko.

Ilang sandali ang lumipas at inilayo rin niya agad ang labi niya sa mga labi ko. Umayos siya ng tayo at saka tumingin sa babaeng nasa harapan namin habang ako ay nanatiling nakatulala dahil sa ginawa niya.

“Need more proof?” saad niya habang nakasmirk sa babae sa harapan niya.

Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko at hinawakan ang labi ko. It‟s the first day of class and I‟ve already lost my first kiss to this…ugh! Jerk?! I don‟t even know who he is! This is... Oh, God!