noveltoon logo noveltoon
Halik ni Kamatayan

Chapter 4

Ch. 5 / 98 Feb 05, 2022

“Bakit kasi nakalimutan pa ni Tatay ‘yong bayong niya,” naiinis na bulong ni Adolph habang naglalakad pabalik ng bangka nila na nasa may tabi ng dagat. Nakauwi na siya sa bahay nila nang sabihin ng Tatay niya na kailangan niyang balikan ang naiwan nitong bayong na may lamang pera sa bangka. At dahil lasing na lasing ito ay inutusan siya na siya na lamang ang bumalik upang kunin ang bayong. Plano pa naman niyang matulog kaagad pagkauwi kanina dahil napagod siya sa bahay nina Grace at riot nila sa kama nito.

“Kainis talaga si Tatay, nasaan na ba ang bayong na ‘yon?” naiinis na sabi niya nang makasakay ng bangka. “Ah eto ka palang hinayupak ka.” Kaagad niyang kinuha ang bayong at siniyasat muna ang laman. Nang masiguardong naandoon pa ang perang hinahanap ay binitbit na niya iyon.

“Hay wala talagang signal.”

Saktong pagbaba niya ng bangka ay narinig nia ang pamilyar na boses ng isang babae. Inilibot niya ang mga tingin sa paligid at sa tulong ng liwanag ng bilog na buwan ay kaagad niyang nakita ang babaeng kanina lang ay pinagnanasaan niyang kasiping niya. Si Rose na may hawak na cellphone na tila naghahanap ng signal habang naglalakad. Bakas sa mukha nito ang pagkainis. Bahagya rin itong nakatagilid mula sa kanya habang hawak ng mataas ang cellphone. Tumataas tuloy ang suot nitong sando at lumalabas ang pusod at maputing kili-kili.

Napalunok naman ng laway si Adolph nang mas itaas pa ni Rose ang kamay, may bahagi kasi ng dibdib nito ang nakikita niya na unti-unting gumigising sa pagkalalaki niyang kanina lang ay sobrang lambot na nang matapos ang bakbakan nila sa kama ni Grace. Naalala niya tuloy ang pagpapantasya niya kanina kay Rose.

“Adolph?” napakuno’t noo si Rose nang malingunan ang binatang nakatayo malapit sa isang bangka.

“H-Hi Rose!” pinilit ni Adolph na gawing normal ang boses bago naglakad palapit kay Rose. “Sinong kasama mo?”

“Wala,” umiiling na sagot ni Rose na ibinaba na ang kamay at ibinulsa na ang cellphone.

“Alam mo wala talagang signal dito, kung meron man, pasundot –sundot lang,” natatawnag sabi ni Adolph.

“Gano’n ba? Akala ko pa naman kapag malalim na ang gabi, may possibility na magkaroon ng signal. Sa Manila kasi kapag malalim na ang gabi o ‘yung halos madaling araw na, mas mabilis ang internet connection namin,” kwento ni Rose. “Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito?”

“Ah eto, may binalikan lang. Nakalimutan ni Tatay kanina,” sagot ni Adolph na bahagya pang itinaas ang bayong upang ipakita kay Rose.

“I see, so pauwi ka na?” tanong muli ni Rose.

“Actually yes, pero kung mag-i-stay ka pa. I will stay,” sagot ni Adolph habang sa loob-loob niya, ‘Tang-ina Adolph, nag-i-english ka na!’

“Alam mo, naisip ko rin ‘yan. Ayun nga oh, may dala akong balabal kasi iniisip kong mag-stay saglit kasi baka magkaroon ako ng signal maya-maya. Sakto, habang naghihintay ako ng signal, we can have a little chat,” nakangiting sabi ni Rose. “I mean kung okay lang sa iyo. Pero kung –“

“Okay lang of course. Sasayangin ko pa ba naman ‘yong chance na maka…” tumikhim saglit si Adolph. “Maka-kwentuhan ka? Siyempre hindi na ‘no. Baka hindi na maulit eh.”

“Nice. So, let’s go?”

Hindi na tumanggi pa si Adolph at sumunod na sa babaeng pinagnanasaan niyang makasiping niya. At mula sa kinatatayuan ay hinagod niya ng tingin ang kabuuan ng likuran ng dalaga. Mula sa ulo, balikat at tumigil sa may baywang nito. Gaano kaya kasarap sa pakiramdam ang patuwarin ito habang binabayo niya? ‘Tang-ina Adolph, behave!’

Samantalang habang nauunang naglalakad si Rose ay may kakaibang ngiting nakaguhit sa mga labi niya. Bakit parang ang bait sa kanya ng gabi ngayon?