“SERYOSO NA, `DI NA KITA KIKILITIN, PRAMIS,” sabi ni Makho. “Ano’ng favorite part mo d’yan sa graphic novel?”
Binuklat ni Jhustin ang Zsazsa Zaturnnah at hinanap ang pahinang naglalaman ng paborito niyang eksena. Halos mapangalahati na niya ang libro nang tumigil sa pagbuklat. “`Eto, `kita ko na.” Itinuro niya ang pahina sa kasama. “Basahin mo `tong part na `to.”
Tumambad kay Makho ang isang superhero na kamukha ni Darna, si Zsazsa Zaturnnah. Nakaturo ito sa isang matabang karakter sa likuran niya, si Didi. Tinatanong ng superhero kung sino ang sasama kay Didi para lumaban sa mga zombie.
Ang kasunod na frame ay mga lalaking malalaki ang katawan na nagkatinginan at napaisip sa sinabi ng bida sa kuwento. Nang makapagdesisyon ang mga lalaki ay sabay-sabay silang sumigaw. “Ako! Ako! Sasama ako! Sasama kami sa bakla!”
“Sasama kami sa bakla?” Napahagalpak si Makho. “Panalo `to.”
“Favorite part ko `yan,” nangingiting sabi ni Jhustin. “Sobrang laugh trip.”
“O, sige, tatapatan ko `yan.” Kinuha ni Makho ang kanyang cell phone at nagpipindot sa screen nito. Nang makita ang hinahanap, ibinigay niya iyon sa kaibigan. “Basahin mo `tong blog na `to.”
“Ito pa rin ba `yong sa dati?”
“Oo. New post n’ong writer.”
“New post ng writer o new post mo?”
“Gusto mong mamatay uli sa kakatawa?”
“Joke! Sabi ko nga, `di ikaw `to.” Binasa na ni Jhustin ang bagong blog entry bago pa makapag-react si Makho.
Huling araw ko
Sabi ng anak ng asawa ng kapatid ng kaibigan ko, ang 20s ang edad na may pinakamaraming pagbabagong mararanasan ang isang tao. Kasi raw, ito `yong edad na karaniwang makakatapos ka ng kolehiyo, magsisimulang magtrabaho, magpapakasal, magkakaanak, magpapabinyag, lilipat ng trabaho, at iba pa. Mukhang totoo naman.
Pero para sa isang baklang katulad ko, malabo `yong magpakasal, magkaanak at magpabinyag. `Yong magpalipat-lipat ng trabaho, puwede pa. Kaya karaniwan sa mga katulad ko, feeling stuck at walang naa-achieve o nararating sa buhay. Kasi nga, hindi naman umiiral sa amin `yong “normal” na takbo ng buhay na nararanasan ng mga “hetero” o feeling “hetero.”
Kaya ang ginawa ko (at ginagawa rin ng maraming bakla), itinuon ko ang aking 20s sa ibang bagay. Nilibot ko ang buong Pilipinas. Sinimulan ko na ring maglibot sa Asya at pinaghusay ko pa lalo `yong ilan kong skills. `Yong ibang baklang kilala ko, nag-aral uli, kumuha ng master’s degree, nag-Law, nag-MBA, nagdoktor, etc. Ako? Tinatamad na `kong mag-aral “formally.” Mahilig naman akong magbasa kaya ayos na siguro `yon.
Isa pang napansin ko sa aking 20s, e, `yong mga taong nakilala ko at dumaan sa aking buhay. Marami akong kaibigang nawala na o hindi ko na kaibigan. Mayroon din namang mga nadagdag at feeling ko, e, for keeps. Marami rin namang nag-stay, lalo na `yong mga kaibigan ko since kindergarten.
Sabi pa ng anak ng asawa ng kapatid ng kaibigan ko, kapag tumuntong ka na raw sa iyong 30s, mas magiging stable na ang mga bagay-bagay. Mas okay na ang trabaho, mas sanay ka na sa pag-aalaga ng asawa’t anak, mas gamay mo na ang iyong love life at/o mas madali nang dalhin ang ilang problema, lalo na kung napagdaanan mo na dati.
Para sa baklang katulad ko, hindi ko alam. Aalamin ko pa lang. Pero feeling ko, mas magiging stable din ako pagdating sa career at sa life problems. Sa love life, ewan ko, pero parang mas leaning ako ngayon sa pagiging single na lang. Mas enjoy akong mag-isa, although may mga araw o gabi pa ring nakakaramdam ako ng pangungulila. Pero isang salsal lang naman, tanggal na agad ang loneliness.
`Yon nga lang, ayoko namang umabot ng 40s o senior years na umaasa na lang sa onanism, aka sariling sikap. At hindi ko alam kung bakit napunta ang topic ko rito. Hindi naman ako tigang. Dala siguro ng mainit na panahon. O baka dahil ito na ang huling araw ko sa ikatlong dekada ng aking buhay.
Biglang nanikip ang salawal ni Jhustin pagkatapos basahin ang blog. Tinakpan niya ng kamay ang lumalaking bukol sa kanyang shorts. Pero huli na ang lahat. Napansin ni Makho ang kanyang ginawa. Nahuli niya ang kaibigang nakatitig sa kanyang kamay na nakatakip sa bukol.
Sarisaring tanong ang mabilis na umikot sa isip ni Jhustin: Dadaanin ba niya sa biro ang nakakahiyang sitwasyon? Makikipaggaguhan ba siya kay Makho? O magpapakatotoo na lang? Bakit ba siya tinigasan? Ano ba ang gustong mangyari ng kaibigan niya at lagi siyang pinapabasa ng blog na iyon? At bakit naman niya binabasa?
Umakyat ang dugo sa ulo niya, dahilan para magkulay-kamatis ang kanyang mukha. Laking pasasalamat naman niya nang hindi iyon pansinin ni Makho. Nanatili lang itong nakatingin sa kanya, walang imik pero nangungusap ang mga mata. Kung ano ang sinasabi ng mga ito, hindi na hinulaan pa ni Jhustin. Hindi niya makuhang makipagtitigan nang matagal sa kasama.
“CR lang ako,” sabi ni Jhustin, sabay abot ng phone sa kaibigan. Naiilang siyang tumayo para lumabas ng kuwarto.
“`Uwi na rin ako,” kalmadong sabi ni Makho bago pa makaalis ang kasama.
“Ha?” Napatingin si Jhustin sa kaibigan. “Sure ka? Maaga pa.”
“Naalala ko kasi `yong project sa Filipino. `Di ko pa nasusulat `yong script sa dramatization namin.”
“A, okay... Sige.” Hindi naniwala si Jhustin sa dahilan ng kaibigan, pero hinayaan na lang niya. “`Hatid na kita sa `baba.”
“`Wag na, ayos lang. Mag-CR ka na. Alam ko naman `yong daan palabas.” Nilapitan ni Makho ang kaibigang nakatakip pa rin ang kamay sa harap ng salawal. Tinapik niya ito sa likod. “See you on Monday, bro.”
Hindi na nakapagsalita pa si Jhustin. Sinundan na lang niya ng tingin si Makho habang umaalis ito. Nang makababa ang kaibigan, tumuloy siya sa banyo, nagkandado ng pinto at nagsariling sikap.