“Adolph, tama na! Itigil mo na ‘to!” pakiusap ni Jin. Mahigpit ang pagkakatali sa mga kamay niya habang magkataliukuran sila ni Harris.
Ngumisi si Adolph at mariing umiling. Pinandilatan ng mga mata si Jin bago malakas na tumawa. “Gago ka ba?! Eto na si Cristy oh… Hawak ko na! Sa tingin mo ba… Papakawalan ko pa ang babaeng pinakamamahal ko?!”
“Ahhh!!!” napasigaw si Rose nang marahas siyang sabunutan ni Adolph at dilaan sa pisngi.
“Putang ina ka Adolph! Bitawan mo si Rose!” nanggigigil na sigaw ni Harris.
“Putang ina ka rin!” Binitawan ni Adolph si Rose. Tumayo siya at lumapit kay Harris bago ito binigyan ng tatlong malalakas na suntok. “Ikaw ang may dahilan kung bakit nasira ang buhay ko! Lahat na lang inagawa mo sa akin! Si Cirty! Si Rose! Ikaw na! Ikaw na lahat!”
“Tama na! Tama na Adolph!”
Nakangising saglit na lumingon si Adolph sa sumigaw na si Cristy bago muling pinagsusuntok sa mukha si Harris.
“Please Adolph! Tama na! Nakikiusap ako! Tumigil ka na! Ako naman ang kailangan mo ‘di ba? Pakawalan mo na sila… Tama na.” Malakas na iyak ni Rose. Kita niya ang pagdugo ng pumutok na labi ni Harris dahil sa malakas na suntok ni Adolph dito. Napasobra na nga siya sa mga ginawa niyang paghihiganti. Masyado nang maraming nadadamay. Masyado nang maraming nasasaktan. At kung siya lang talaga ang kailangan ni Adolph, willing siyang mamatay para lang matapos na ang lahat ng ito. “Ako na lang Adolph… Pakawalan mo na sila… Ako lang naman ang kailangan mo. Sasama na ako sa ’yo.”
Huminto si Adolph sa pananakit kay Harris. Muli ay dahan-dahang lumingon kay Rose. Nanlalaki ang namumulang mga mata… Pawisan ang noo at leeg habang mahigpit pa rin ang hawak sa duguan ng kwelyo ng kababatang doktor. Saglit na nagtaging ang kanyang mga bagang bago binitawan si Harris. Naglakad siya palapit sa nakataling si Rose na nasa sahig. Lumuhod siya sa harapan ng dalaga. “Mamahalin mo na ba ako?”
Nangangatal ang mga labi ni Rose habang walang tigil ang paglandas ng luha sa magkabila niyang pisngi. Malakas ang kabog ng dibdib niya habang pigil ang sarili na humagulhol. “O-Oo.”
Si Adolph naman ang muling naluha. Nanginginig ang mga kamay na bumilanggo sa magkabilang pisngi ng kaharap na dalaga. Ang mga hinlalaki niya ay humahaplos sa nanlalagkit na pisngi ni Rose. Napakasarap sa pakiramdam na magagawa nang tugunan ng babaeng pinakamamahal niya ang nararamdaman niya. “Mahal na mahal kita, Cristy… Mula noon hanggang ngayon… Ikaw lang…” Suminghot-singhot pa siya bago muling nagsalita. “Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng totoo.” Lalo siyang naiyak… Hindi niya dapat pinapahirapan ng ganito ang dalaga. Hindi niya ito dapat sinasaktan. Magagawa na siyang mahalin ni Rose. Magagawa na nitong ibalik ang pagtingin niya para dito. Isang malalim na buntong hininga ang binitawan niya at akmang hahawakan na ang mahigpit na tali sa mga kamay ni Rose na nasa harapan nito nang biglang mapahinto.
“H-Hindi… H-Hindi a-ako m-magagawang mahalin ni Cristy,” biglang nauutal na sabi ni Adolph. Naging malikot ang mga mata niya. Tumitingin sa magkabilang gilid. Umiikot nang paulit-ulit habang mariing umiiling. Hinampas niya ang sariling ulo upang matauhan. Nagsisinungaling si Rose. Oo! Alam niyang inuuto lang siya nito kagaya no’n. At hindi na siya magpapauto pa. Hindi na siya magpapadala sa pagpapanggap nito. Hindi na! Huminto siya sa pag-iling bago matalim na tumingin kay Rose at ngumisi. “Akala mo, mabibilog mo pa ang ulo ko!?”
Nanlaki ang mga mata ni Rose. Napalunok siya ng laway bago tila naging tambol na ang kabog ng dibdib niya. Nanginginig hindi lamang ang mga labi niya kung hindi pati na rin ang buong katawan niya sa takot. Pilit siyang nagsumiksik sa sulok ng bahay habang ang kulot na binata ay nagsimulang gumapang palapit sa kanya. May nakakalokong ngiti ito sa mga labi na labis ang takot na hatid sa kanya. Takot na minsan niyang naramdaman na sa hinagap ay hindi niya inakalang muli niyang mararamdaman.
“H’wag… H’wag A-Adolph… Parang awa mo na…” Pagmamamakaawa ni Rose. Nanginginig siya sa takot hindi lang dahil sa ngiti sa mga labi ni Adolph, kung hindi dahil parang bumabalik siya sa nakaraan. Ganitong-ganito siya umiyak noon. Magmakaawa. Ganitong-ganito ang mga salita at luhang binibitawan niya noon. “H’wag kang lalapit please…”
“Adolph, tama na ‘yan! Maawa ka kay Cristy! H’wag mo nang ulitin ang pinagdaanan niya noon!” umiiyak na ring sigaw ni Jin. Awang-awa siya kay Rose dahil sa nakikitang takot sa mukha ng dalaga. Sigurado siyang muli nitong nararamdaman ngayon ang ginawang pagmamakaawa noon para mabuhay. Pero tila walang naririnig na kahit ano si Adolph mula sa kanya. Nagawa nitong hilahin si Rose at pilit na niyayakap.
“Putang ina ka, Adolph! H’wag mong hahawakan si Rose!” nanggigil na sigaw ni Harris habang pilit na kumakawala sa mahigpit na pagkakatali.
Saglit na tumingin si Adolph kay Harris at ngumisi bago marahas na niyakap si Rose. “Ngayon makikita mo kung paano ko aangkinin ang babaeng pinakamamahal nating pareho!”
“Ahhhh!” sigaw ni Rose nang hablutin ni Adolph na nakapwesto sa may likuran niya ang buhok niya at sinimulan siyang halikan sa leeg. “Bitawan mo ako! Adolph! Please! Tama na!!!”
Tila walang naririnig si Adolph. Ang mga kamay ay marahas na humahaplos sa katawan ng babaeng nakabilanggo sa mga bisig niya.
Nanginginig man ang buong katawan ay nagawang bumwelo ni Rose at buong lakas na inumpog ang sariling ulo sa ulo ni Adolph na nasa likuran niya pa rin.
“Putang ina kang babae ka! Ayaw mo talagang bumigay sa akin kahit dinadahan-dahn na kita!” Nanggigigil na sigaw ni Adolph bago malakas na sinampal si Rose kasunod ang pagsikmura dito.
“Ahhhh!” Namimilipit sa sakit na muling napahiga si Rose.
“Adolph! Adolph, maawa ka kay Rose!” sigaw ni Jin.
“Putang ina ka Adolph! Napakahayop mo! Napakahayop mo!!!!” Hindi na rin napigilan ni Harris ang maiyak.
Nakangising kinakalas ni Adolph ang sinturon na suot bago muling nilapitan si Rose at pinaibabawan. Sinimulan niya itong halikan sa leeg habang marahas na sabunot ang nanlalagkit nitong buhok. Ang isang kamay naman niya ay mbilis na binubuksan ang mga butones sa suot na blouse ng magandang turista. Hindi na siya mag-aaksaya pa ng panahon. Ipapakita niya kay Harris kung paano totoong magpaligaya ng isang babae. At siguradong kapag natikman siya ni Rose, siya na ang pipiliin nitong mahalin. At kung hindi man mangyari ‘yon, sabay-sabay na silang mamatay lahat ngayong gabi.
Hindi na muli pang nanlaban si Rose sa nakaibabaw ng lalaki. Dahil para saan pa? Para lang mas lalo siyang masaktan? Nangyrai na ito sa kanya noon… At wala na sigurong mawawala kung maulit man ang lahat. Mariin niyang ipinikit ang mga mata lalo nang makita ang mga impit na sigaw sa isipan niya.
‘Ayoko po… Maawa po kayo sa akin.’
‘Tama na po…’
‘Ahhhh! Masakit na po! Hindi ko na po kaya… Tama na po! Parang awa ninyo na po! Ayoko na po!!!’
Nangatal ang mga labi ni Rose nang marinig ang boses ng isang dalagitang sumisigaw, umiiyak at nagmamakaawa. Ang batang si Cristy na nagmamakaawang mabuhay pero hindi pinagbigyan. Kinagat niya ang mga labi habang ramdaman niya ang marahas na mga hawak at halik ni Adolph sa katawan niya. Umaalingasaw ang magkakahalong amoy ng laway, alak at sigarilyo mula sa katawan ng lalaking nakapaibabaw sa kanya. Ganitong-ganito rin siya noon. Walang kalaban-laban kaya hindi na siya muli pang magmamakaawa dahil alam niyang wala rin namang magbabago. Siguro ito talaga ang karma niya… Ang kapalaran niya… Ang paulit-ulit na pagmalupitan, saktan at pagsamantalahan…
Malalim ang paghinga ni Jin habang ang mga kamay ay nanginginig na sa pagputol na ginagawa sa lubid na nakatali sa mga kamay niya sa likuran gamit ang nakuha niyang pen knife sa bulsa. Naririnig niya ang nakabibinging sigaw ni Harris na lalong nagpapataranta sa kanya. “Shit!” sambit niya nang sa wakas ay maputol ang tali. Saglit niyang ibinaling ang tingin kay Adolph at kay Rose na halos hubad na habang pinuputol ang tali na nasa kamay naman ni Harris. Kailangan niyang mailigtas ang kaibigan niya. Alam niyang iyon ang gusto ni Lila na gawin niya. Ang mailigtas si Cristy na hindi niya nagawa noon para sa babaeng pinakamamahal niya.
“Jin, puntahan mo na si Rose. Ako na ang magpuputol ng tali ko. Iligtas mo na siya bago pa siya tuluyang magawan ng masama ni Adolph!” halos pabulong na utos ni Harris nang malingunan ang ginagawa ni Jin.
Napalunok si Jin bago tumango at ibinigay kay Harris ang pen knife. Tumingin siya kay Adolph na patuloy sa ginagawang pagsasamantala sa babaeng nagpapanggap na turista na ngayon ay hindi na kababakasan ng panlalaban. Nakatulala na lamang na hinahayaan ni Rose na gawin ni Adolph ang gusto nito sa sariling katawan. Inilibot niya ang paningin sa paligid na tanging lampara na lamang ang nagbibigay liwanag. Dahan-dahan niyang nilapitan ang nakitang mahaba at makapal na kahoy na kanina lang ay ginamit ni Adolph na panghampas sa kanila ni Harris. Nang maabot ang kahoy ay muling maingat na lumapit kay Adolph at buong lakas na inihampas sa likuran nito.
“Ahhhh!!!!” Kaagad na tumumba si Adolph. Hirap man ay na pilit na muli siyang bumangon. “Putang ina ka Jin!” Sinapak niya si Jin pero nakailag ito. Hindi niya ito tinigilan hangga’t hindi tumatama ang kamao sa mukha ng binata.
Nagawang makaiwas ni Jin sa mga suntok ni Adolph habang naglalakad paatras. Ang mga mata niya ay pasimpleng sumusulyap kay Rose na naiwang na nakahiga at tulala. Malakas na suntok ang tumama sa mukha niya na nagpabagsak sa kanya. Nakaganti naman siya ng suntok pero muling natumba sa mas malakas na iginanti si Adolph sa kanya.
“Putang ina mo! Napaka-pakialamero mo kahit kailan, Jin!” sigaw ni Adolph bago dinaganan si Jin at sunud-sunod na sinuntok.
Si Harris naman ay naputol na ang mga tali sa kamay. Kaagad niyang nilapitan si Rose pero hindi ito gumagalaw mula sa kinahihigaan. Mahina niyang sinampal-sampal ang pisngi nito. “Rose… Rose… Wake up. Ako ‘to, si Harris. Rose…” naiiyak na niyugyog niya ang dalaga at hindi niya tinigilan hanggang sa salubungin nito ang mga tingin niya.
“H-Harris,” usal ni Rose.
“Thank God…” Mahigpit at naiiyak na niyakap ni Harris ang dalaga. Kaagad na niyang sinimulang kalagin ang tali sa mga kamay nito.
Nang malingunan ni Adolph na magkayakap sina Harris at Rose ay mas lalo siyang nanggigil. Hinawakan niya sa kwelyo si Jin at dalawang beses na sinuntok ang duguang mukha bago binitawan ng tila halos mawalan na ito ng malay. “Putang ina mo talaga Harris! Akin lang si Cristy! Akin lang siya!!!”
Bago pa tuluyang makalag ni Harris ang mga tali ni Rose ay may matigas na bagay ang humampas sa likod niya. Natumba siya sa may tabi ni Rose na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya. Babangon na sana siya pero muli siyang nakaramdam ng malakas na paghampas sa likuran niya na sinundan pa ng isa pang mas malakas.
“Adolph, tama na!” sigaw ni Rose habang pilit na tinatanggal ang tali mula sa mga kamay na medyo maluwag na.
“Papatayin kitang hayop ka!” sigaw ni Adolph bago muling hinampas ang duguan nang si Harris ng hawak niyang malaking kahoy. “Ahhhh!” Napahinto siya sa muli sanang paghampas pa dahil sa madiing kagat ni Rose sa may balikat niya na kaagad niyang malakas na itinulak.
“Ahhh!” impit na sigaw ni Rose nang tumama ang sariling katawan sa sira-sirang lamesa. Pakiramdam niya ay may mga buto siya sa likuran na nabali.
Napalunok saglit si Adolph nang makitang nasaktan si Rose. Ipinilig niya ang ulo bago binunot ang balisong mula sa bulsa at binalingan ng tingin si Harris. Kailangan niya nang patayin ang binata para tuluyan nang mapasakanya si Rose. Ngumisi si Adolph bago dahan-dahang naglakad palapit kay harris na hirap sa pagbangon. “Oras na, harris… Oras na para mabura ka sa mundong ito at sa buhay namin ni Cristy.” Pero bago pa man siya muling nakagawa ng hakabang palapit sa lalaking pakay na patayin ay napahinto na siya.
“A-Adolph…” usal ni Jin.
Nanlaki ang mga mata ni Adolph nang bumaba ang tingin niya sa hawak na balisong na nakasaksak sa may tagilirin ni Jin. “J-Jin…”
Pilit na ngumiti si Jin habang ang nanlalamig niyang mga kamay ay pinalit na abutin ang balikat ni Adolph upang tapikin. “T-Tama na, p-paps… I-Itigil na natin ‘to… N-nakikiusap ako -” Hindi na niya natapos ang sasabihin nang bigla na siyang tumumba sa sahig.
Saglit na natulala si Adolph habang mahigpit pa ring hawak ang duguang balisong. Ang tingin niya ay na kay Jin na nakahandusay sa sahig at nagsisimula nang kumalat ang malapot na dugo mula sa nasaksak nitong tagilirin. Nangangatal ang mga labi na maarin siyang umiling. Nagtatalo ang galit at konsenyang nararamdaman niya. “H-Hindi… Hindi ako titigil…” Nag-igting saglit ang mga bagang niya bago muling matalim na tiningnan si Harris. Papatayin niya muna ang karibal niya sa puso ni Rose bago siy tumigil. Iyon lang naman ang tanging paraan para mahalin siya ng babaeng matagal na niyang minamahal. Ang mawala si Harris.
“Adolph!” Niyakap ni Rose sa may binti si Adolph upang mapigilan ito sa paglapit kay Harris na halos naliligo na sa sariling dugo. Siya man ay hirap nang kumilos pero kailangan niyang mapigilan si Adolph sa pakay nitong gawin. “Tama na! Please!”
“Bitawan mo ako, Rose! Papatayin ko ang lalaking ‘yan!” Pilit na binawi ni Adolph ang binti mula kay Rose na mahigpit pa ring nakayakap. “Papatayin ko siya para maging akin – Ahhhh!” Muli sana siyang hahakbang pero nadala niya si Rose na biglang sa may baywang niya naman yumakap. Nawalan siya ng balanse na tumumba patalikod at paibabaw sa dalaga. Nanlaki ang mga mata niya nang dahan-dahang bumaba ang mga tingin sa hawak niyang balisong. Nakasaksak iyon sa t’yan ni Rose na kaagad niyang hunugot. Kaagad niyang hinubad ang sariling tshirt upang pigilan ang pagdurugo ng saksak ni Rose. Pero masyado iyong malalim at walang tigil ang pag-agos ng dugo. Napakaraming dugo. “C-Cristy! Cristy, sorry! Sorry…”
Nangatal ang mga labi ni Cristy. Hinaplos ng nanginginig niyang mga kamay ang mukha ni Adolph. Pilit siyang n gumiti bago umiling. “A-Ako ang dapat magsorry… S-Sorry sa lahat… Adolph… Sorry –”
Bumilis ang tibok ng puso ni Adolp nang tuluyang pumikit ang mga mata ni Rose. Napatay niya si Rose. Napatay niya ang babaeng pinakamamahal niya. Mariin siyang umiling bago naiyak. “H-Hindi… H-Hindi pwede ito.” Niyugyog niya ang duguang katawan ng dalaga pero pikit pa rin ang mga mata nito. Nagsisimula nang mamutla ang mga labi habang ang sahig ay tila binuhusan na ng malapot at pulang pintura. “Rose, gumising ka! Rose!!!”
“R-Rose…” Hirap na kumilos si Harris. Napakasakit ng pakiramdam niya sa buong mukha at katawan, pero mas masaklit pa rin ang halos hindi niya maibangon ang katawan niya para malapitan si Rose na tila wala nang buhay.
Ilang sandali pang nagluksa si Adolph bago tuluyang sumuko sa paggising na ginagawa kay Rose. Isang malalim na buntong hininga ang binitawan niya bago muling inabot ang balisong at tumayo. Nanlilisik ang mga mata niyang binalingan ng tingin ang hinang-hina na si Harris. Nanginginig ang panga at kamay niya sa galit. “Papatayin kita… Ikaw ang dapat na mamatay, Harris. Ikaw!”
“Sige! Patayin mo ako! Pero ito ang tandaan mo! Kahti patayin mo ako, hinding-hindi mababago na ako lang ang mamahalin ni Rose at hindi ikaw Adolph! Hindi ikaw!” sigaw ni Harris.
“Putang ina mo!!! Papatayin kita!!! Papatayin kita!!!”
Tatlong ptok ng baril ang biglang umalingawngaw sa loob ng maliit na bahay.
Napalingon si Adolph sa may pinto kung saan nanggaling ang putok ng baril. Nakita niya si Jojo na nakasandal doon. May hawak na baril na umuusok ang dulo at nakatutok sa kanya. Napalunok siya ng laway. Naramdaman niya ang tila biglang pagyakap ng napakalamig na hangin sa buong katawan niya kasunod ang pamamanhid ng mga kamay niya, dahilan upang mabitawan niya ang hawak na balisong. Dahan-dahang bumaba ang mga tingin niya sa sariling hubad na katawan na nanlalagkit na. Muli siyang napalunok ng laway at nangatal ang mga labi nang makitang ang umaagos ang mga dugo mula sa tatlong butas doon. Umikot ang buong paligid niya kasunod ang panlalambot ng mga tuhod bago tuluyang natumba sa sahig.
Nagsimulang manikip ang dibdib ni Adolph at nahihirapan nang huminga. Bumigat ang pakiramdam niya sa buong katawan pero pinilit niya pa ring gumapang… Gumapang siya palapit sa katawan ng duguang si Rose. Mas lalong bumibilis at lumalalim ang paghinga niya. Mas naninikip ang dibdib niya pero kailangan niyang pa ring makalapit sa dalaga. Gusto niyang mahawakan ang kamay ng babaeng mahal niya. Mayakap ang katawan nito. At iparamdam dito kung gaano niya ito kamahal mula noon hanggang ngayon. “P-Patawad Cristy… Patawarin mo ako. Mahal na mahal kita…”
Cristy
Makikita niya family niya. Yayain siya umalis. Nando’n din si Lila and Jin. Pababalikin siya dahil hinndi pa niya oras. Pero hidni siya papayag. Magtitinginan mga family niya. Sabay-sabay silang maglalakad pabalik sa liwanah kung saan galing ang pamilya niya. “Cristy, sandali…” Isang boses lalaki ang nagpahinto sa paglalakad niya. Nilingon ko ito.
“H’wag kang umalis… H’wag mo akong iwanan. Hindi ko na kakayanin kapag nawala ka sa buhay ko. Please, h’wag kang umalis...”
Cristy
Malamig ang simoy ng hangin na yumayakap sa katawan ko.
Maingay ang huni ng mga ibon.
At nang kumilos ako ay naramdaman ko ang malambot na mga damo na dumidikit sa balat ko. Imunulat ko ang mga mata ko at inilibot ang paningin sa mapunong paligid.
“Nasaan ako?” halos pabulong na tanong ko bago tumayo. Mataas ang sikat ng araw kaya napakaliwanag ng paligid. Saka ko lang napagtantong nakapaa pala ako nang muli kong maramdaman ang malambot na mga damo sa talampakan ko.
Ano bang nagyari? Nasaan ako? Saglit na sumakit ang ulo ko ng subukan kong alalahanin ang mga nangyari bago ako magising kung nasaan man ako ngayon.
‘Pakawalan mo si Rose, maawa ka sa kanya Adolph!’
‘Mahal kita, Cristy.’
‘Rose, nandito na ako.’
Napalunok ako ng laway ng maalala ko na ang lahat. Nasapo ako ang tyan ko pero wala akong naramdaman na kahit na anong sakit mula sa pagkakasaksak sa akin ni Adolph. Inilibot kong muli ang paningin ko sa paligid bago muling napalunok ng laway.
Patay na ba ako?
“Ate Cristy!”
Bago pa ako makalingon sa pinanggalinagn ng boses na tumawag sa pangalan ko ay isang batang lalaki ang yumakap sa may tagiliran ko. Kaagad na nangatal ang mga labi ko pero hindi kaagad ako nakakilos. Walang maapuhap na mga salita ang labi ko.
“Na-miss kita ate…” anang batang lalaki bago tumingala sa akin at sinalubong ang mga tingin ko.
Napalunok ako ng laway at saglit nangatal ang mga labi ko kasunod ang paglandas ng mga luha sa magkabila kong pisngi. Ang nanginginig kong mga kamay ay dahan-dahang humaplos sa pisngi ng batang lalaki na nakayakap sa akin. Hindi ako makapaniwala nang maramdaman ko ang mainit niyang pisngi. “N-Nonoy?”
Lumapad ang ngiti sa mga labi ni Nonoy. “Ako nga ate. Na-miss mo rin ba ako?”
Mahigipit na yakap ang sinagot ko sa kanya habang walang tigil ang pagluha ng mga mata ko. Dinarama ko ang init ng yakap ng kapatid ko. Totoo si Nonoy… Nayayakap ko siya. Nararamdan ko ang init mga yakap niya.
“A-Ate… H-Hindi ako makahinga…” natatawang sabi ni Nonoy.
Pigil na rin ang mga ngiti ko nang palayain ang maliit niyang katawan mula sa pagkakayakap ko. Pinunasan ko ang mga pisngi ko na wala pa ring hinto sa paglandas ng mga luha mula sa mga mata ko, bago sinuklay ng mga daliri ng kamay ko ang buhok ni Nonoy at hinaplos ang pisingi niya. Hindi pa rin ako makapaniwalang nakakausap ko na siya. Nahahawakan. Nayayakap. Napakatagal ko nang gustong mangyari ito. Ang muling makasama ang kapatid ko. “K-Kumusta ka na?” sa wakas ay sabi ng nangangatal ko pa ring mga labi.
“Ayos naman ate… Eto, namimiss ka na. Sobra! Pero may mga mas nakaka-miss sa ‘yo,” nakangiting sagot niya.
At sa paghakbang paatras ni Nonoy palayo mula sa akin ay tila biglang nagliwanag ang pwesto sa may likuran niya. Nakasisilaw na liwanag na unti-unting nawala hanggang sa maaninag ko ang dalawang imahe ng tao na lalong nagpaiyak sa akin. “P-Papa… M-Mama…”
Kaagad ko silang nilapitan at sabay na niyakap.
“Kumusta ka na Cristy?” Narinig kong tanong ni Papa.
“Ang laki-laki mo na anak. Ang ganda-ganda mo na lalo.” Ang boses ni mama.
Ramdam ko ang pagtugon nila sa mga yakap ko. Ang paghaplos nila sa buhok ko. Sampung taon… Mahigit sampung taon na hinihiling ko na sana ay mangyari ito kahit sa panaginip lang. At kung sakaling panaginip lang talaga ang lahat ng ito, sana…. Sana hindi na ako magising pa. Dahil ayoko nang malayo sa pamilya ko. Hindi ko na kakayanin.
“Mama… Papa…” wala na akong ibang masabi at magawa kung hindi ang umiyak na lamang. Si Nonoy ay nakayakap na rin sa may baywang ko. Ayoko nang matapos ang sandaling ito. Ayoko nang muling mapalayo sa kanila.
“Tahan na anak… Sige ka, baka pumanget ka n’yan...” nakangiting sabi ni Mama. Nang kumalas ang mga yakap namin mula sa isa’t-isa ay hinaplos niya ang mga pisngi ko. “Ang ganda-ganda mo anak…”
“Napakalaki ng pinagbago mo. Sobrang proud ako at kinaya mong mabuhay kahit mag-isa ka lang,” sabi ni Papa bago gumuhit ang isang malungkot na ngiti sa mga labi niya. “Pero anak… Sana matandaan mo pa rin ‘yung sinabi ko... Sana matutunan mo kung paaano ang magpatawad.”
Pinunasan ko ang mga luha ko habang umiiling. Nagmatigas ako. “Hinding-hindi kop o sila mapapatawad papa. Kahit ilang beses pa po silang mamatay, hinding-hindi na po nila maibabalik pa ang mga naging kasalanan nila sa inyo. Sa ating lahat. ”
Bumuntong hininga si Papa habang ang ngiti ay hindi nawawala sa medyo maputla niyang mga labi. Ikinulong niya sa mga palad niya ang magkabila kong pisngi. Saglit pa akong pumikit upang mas maramdaman ang mainit na mga palad ng iniidolo kong tatay. “Cristy, naiintindihan ko ang galit na nararamdaman mo ngayon. Pero ayokong habambuhay kang may dala-dalang mabigat na poot d’yan sa dibdib mo. Marunong magpatawad ang D’yos, kaya dapat… Tayo rin na mga taong nilikha Niya ay gano’n don. Ang bawat kasalanan ay may kaparusahang naghihintay sa kabilang buhay, kaya hindi natin dapat iyon inilalagay sa mga kamay natin.”
“Pero inilagay nila sa mga kamay nila ang buhay natin. Nang dahil po sa kanila…” Muli ko nang hindi napigilan ang sariling kong umiyak. Bakit kasi napakabait ng papa ko. Paano niya nagagawang magpatawad ng ganito sa mga hayop na taong pumatay sa amin. “Nang dahil po sa kanila, nawala kayo sa akin.”
Niyakap na ako ni Papa ng mahigpit habang hinahaplos ang likod ko. Palagi niya iyong ginagawa noong bata pa ako at umiiyak para patahanin ako. “Pero kinaya mo naman ‘di ba? Kinaya mo kahit wala na kami sa tabi mo. Kahit hindi mo na kami kasama.”
“Tama ang papa mo, Cristy. Walang may gusto na mangyari ang lahat ng ito pero alam nating may dahilan. Siguro isa na do’n ‘yung para mas lalo kang maging matatag. At kinaya mo ‘yon. Kinaya mo mag-isa kahit hindi tayo magkakasama.” Hinawakan ni Mama ang kamay ko at pinisil. “Alam namin na kakayanin mo pa rin.”
“Saka, h’wag kang mag-alala ate. Masaya naman kami nina Mama at Papa. Excicted na nga ako na makasama ka ulit eh,” sabi ni Nonoy.
Kahit paano ay napapagaan ni Nonoy ang loob ko. Nakangiti akong tumingin sa kanya at malambing na kinurot ang pisngi niya. Hindi ko alam kung paano ko susundin ang sinasabi ng mga magulang ko. Oo, nakapaghiganti na ako pero hindi ibig sabihin no’n na napatawad ko na ang mga taong pumatay sa kanila. Mahirap. Napakahirap gawin ang pagpapatad. Pero ngayong kasama ko na ang pamilya ko, susubukan kong ibigay sa mga pumatay sa kanila ang totoong kapatawaran. “Magkakasama-sama na ulit tayo, Nonoy. Hinding-hindi na ulit tayo magkakahiwalay.”
Si Nonoy naman ang umiling. Nakangiti siya pero ramdam ko ang lungkot. “Hindi pa Ate Cristy, dahil ang sabi nina Mama at papa… Hindi pa raw pwede ngayon.”
Kumunot ang noo ko bago makahulugang tumingin sa mga magulang ko. May lungkot din sa mga mata nila kahit nakangiti ang mga labi. Hindi na ako papayag na muli pang mahiwalay sa kanila. Ayoko na… Ayoko nang mawala sila sa akin. “Sasama na po ako sa inyo. Ayoko na pong mag-isa.”
“Hindi ka naman mag-iisa Cristy. Alam namin ‘yun. May mga tao pang naghihintay at nagmamahal sa ‘yo,” sabi ni Mama.
Muling nagliwanag ang isang puno hindi kalayuan sa pwesto namin kung saan saglit kaming napatingin.
Bumuntong hininga si Papa. “Paano ba ‘yan anak, kailangan na muna ulit naming umalis.”
“N-No…” Hinawakan ko ang kamay nina Papa at Mama. Niyakap ko si Nonoy. Ayoko na… Hindi na ako mag-iisa pa. Hindi na ako magpapaiwan pa. Hindi na kami magkakahiwa-hiwalay pa. Ayoko nang mawala ulit sila sa akin. “Sasama po ako sa inyo. Sasama na po ako. Please, isama ninyo na po ako.”
Umiling si Mama habang may malungkot na ngiti sa mga labi. Pinunasan niya ang pisngi niyang basa na rin ng luha. “Hindi pa pwede anak… Hindi pa pwede ngayon.”
Nangatal na ang mga labi ko habang patuloy na umiiyak. Bigla kong naalala ang masasayang araw na magkakasama kaming apat. Ang unang araw nang pagtungong namin sa Isla Azul. Ang pagse-celebrate namin ng birthday ni Nonoy. Ang pagdarasal at pagsisimba namin ng sama-sama. Ang pagkain namin ng hapunan ng sabay-sabay. Gusto ko nang ibalik ‘yung dating kami. Ayoko nang malayo sa kanila. Ayoko nang mag-isa… Pagod na ako. Pagod na pagod na akong mag-isa. “Papa… Mama… Please, isama ninyo na po ako. Ayoko na pong mag-isa. Pagod na pagod na po akong mag-isa. Gustung-gusto ko na po kayong makasama.”
“Ate, hindi ka naman nag-iisa. Kasama mo naman kami kahit hindi mo kami nakikita palagi. Niyayakap nga kita kapag natutulog ka sa gabi eh.” Umiiyak na rin si Nonoy habang nagsasalita. “At alam kong nararamdaman mo ‘yun. H’wag kang mag-alala ate, sabi nman nina Papa at Mama… Darating ang araw na magkakasama-sama ulit tayo. Kaya please, h’wag ka na palaging umiyak. Nalulungkot din kasi ako kapag nakikita kitang umiiyak nang mag-isa.” Pinunsan ni Nonoy ang mga luha niya bago ako niyakap ng mahigpit. “Mahal na mahal kita Ate Cristy.”
Sinagot ko ang mga yakap ng nakababata kong kapatid. Mahigpit. Dahil hindi ko na alam kung kailan ko ulit magagawa iyon. “Mahal na mahal ka rin ng ate. H’wag mong kakalimutan ‘yun, Nonoy.”
Yumakap na rin sina papa at mama sa aming dalawa.
“Iingatan mo ang sarili mo. Magpakatatag ka, Cristy.” Bilin ni Mama sa akin. “Palagi kang magdadasal at tatandaan mo na palagi ka ring kasama sa mga dasal namin.”
“Basta anak, magkakasama-sama ulit tayo. Sa ngayon, hanggang panaginip na lang muna tayo magkikita-kita. Mahal na mahal ka namin ng Mama at kapatid mo…” Muli akong niyakap ni Papa na sinundan nina mama at Nonoy bago sila nagsimulang maglakad palayo mula sa kinatatayuan ko.
Gustung-gusto ko silang sundan at pigilan pero hindi na makakilos pa ang mga paa ko na tila may humaharang sa lalakaran ko. Umiiyak ko na lamang silang inihatid ng tanaw hanggang sa makarating sila sa nakasisilaw na liwanag.
“Bes…”
Napalunok ako ng laway nang biglang ko na lamang makitang nasa harapan ko si Lila.
“B-Bes… I’m sorry…” Lalo akong naiyak nang mahigpit ko siyang niyakap. Napakatagal kong hiniling na muling makita si Lila para humingi ng tawad sa kanya. Hindi ko natupad ang pangako ko. Nawala ako sa tabi niya ng mga oras na kailangan niya ako. Hindi ko siya naipagtanggol. Hindi ko siya nayakap noon…
Nakangiting umiling si Lila. “Wala kang kasalanan kaya hindi ka dapat magsorry. Basta ha? Iyakap mo ako kayna Tatay at Nanay. Sabihin mo sa kanila na mahal na mahal ko sila.” Basag na ang boses niya habang nagsasalita hanggang sa tuluyan na ring lumandas ang mga luha mula sa mga mata niya. “Mag-iingat ka palagi bes… Miss na miss na kita.” Isang malalim na buntong hininga ang binitawan niya kasunod ang pagbitaw ng mga kamay niya sa kamay ko. “Kailangan ko na ring umalis. Kailangan na naming umalis ni Jin.”
Nangatal ang mga labi ko nang makita ko si Jin mula sa likuran niya, nakangiti siya sa akin.
“Paki-deliver din ang yakap ko kayna Lolo Ambo at Lola Cita.” Sabi ni Jin pagkatapos niya akong yakapinn. “At ito ang tandaan mo, h’wag na h’wag mong sisisihin ang sarili mo sa lahat ng nangyari. At mas lalong h’wag mong ipagdadamot sa sarili mo… Ang sariling kaligayahan mo.”
“Kailangan na naming umalis. Basta Bes ha? Gusto ko na maging masaya ka rin…” Saglit na ngumiti si Lila kay Jin at hinawakan ang kamay nito. “Kagaya ko…”
Isang mahigpit na yakap pa ang binigay nina Jin at Lila sa akin bago sila naglakad patungo sa liwanag kung saan nakatayo sina Papa, Mama at Nonoy na tila naghihintay sa kanila. Sabay-sabay silang kumaway sa akin bago tuluyang pumasok sa liwanag.
Naiwan akong mag-isa. Yakap ang sarili at patuloy na umiiyak. Bakit ba hindi pa ako nasanay na mag-isa. Sampung taon. Mahigit sampung taon ko nang kinakaya na mabuhay mag-isa pero bakit hanggang ngayon ay masakit pa rin para sa akin ang maiwanan?
Sana kasi sinama na lang nila ako kung saan sila pupunta. Ayoko nang mabuhay. Ayoko nang mag-isa… Ayoko nang masaktan. Pagod na pagod na ako…
“Cristy…”
Pinunsan ko ang mga pisngi ko bago lumingon sa pinanggalingan ng boses na tumawag sa pangalan ko. Isa ring nakasisilaw na liwanag ang sumalubong sa mga mata ko na bahagya kong tinakpan ng kamay ko. Hanggang sa nakita ko ang isang imahe ng tao. Muli kong narinig ang pamilyar na boses. Boses na kahit kailan ay hinding-hindi ko makakalimutan kung sino ang nagmamay-ari.
“Bumalik na tayo, Cristy…”