“Ako ang mahal mo. Ako lang dapat. Ako… Ako… Ako…” paulit-ulit na usal ni Adolph habang pabalik-balik ng lakad sa harapan ni Rose na nakatali sa kinauupuan nito. “Ako si Adolph… Ako ang mahal ni Rose. Ako ang mahal ni Rose. Ako lang. Ako lang!”
Nangangatal ang mga labi ni Rose habang ang buong katawan naman niya ay nanginginig sa takot. Kitang-kita niya ang mapulang mga mata ni Adolph sa tuwing susulyap ito sa kanya. Matalim ang mga tingin. “Adolph, please… Pakawalan mo na ako dito…” iyak niya. Naghahalo na ang luha at sipon sa mukha niya.
Huminto si Adolph sa paglalakad. Muling sumulyap ang namumulang mga mata kay Cristy. Mariin siyang umiling habang mahigpit hawak sa balisong. Hawak na niya ang babaeng pinakamamahal niya. Hindi na siya papayag na mawala pa ito sa kanya. “Hindi… Hindi kita papakawalan. Akin ka! Akin ka lang!”
“H-Hindi na ako makahinga dito sa pagkakatali mo sa akin. Please, alisin mo na ‘to…” muling pakiusap ni Rose na nagbabakasakaling maaawa sa kanya ang binatang lulong na sa droga.
Napalunok ng laway si Adolph na naglakad ng ilang hakbang palapit kay Rose. Bakas sa namumulang balat ng magandang turista ang higpit ng pagkakatali niya dito. Napalunok siya ng akmang tatanggalin na iyo bago biglang huminto. Muli itong umiling. “Hindi! Hindi kita papakawalan d’yan!”
“Please naman, Adolph. Pwede naman tayong mag-usap nang hindi ako nakatali.” Ramdam ni Rose ang pamamaga ng labi niya dahil sa malakas na pagkakasampal ni Adolph sa kanya kanina nang magtangka siyang tumakas, habang pilit siyang ipinapasok nito sa loob ng isang abandonadong bahay. Ang bahay kung saan naganap ang tinatawa na Bloody Night sa Isla Azul. Ang dati nilang bahay ng pamilya niya.
“Putang ina! Sabi nang hindi pwede!” Malakas na hinampas ni Adolph ang hawakan ng balisong sa sariling ulo. “Hindi pwede! Hindi pwede! Hindi pwede!” Tatlong ulit na malakas na hampas na gumawa ng sugat do’n.
“T-Tama na! Tama na, Adolph!” Nanlalaki ang mga matang sigaw ni Rose nang makitang may dugong tumutulo mula sa ulo ng binata pababa sa may mukha nito. “H’wag mo nang saktan ang sarili mo! H-Hindi na… H-hindi na ako a-aalis. Tama na… Itigil mo na ang pananakit sa sarili mo.” Iyak niya. Labis ang konsensyang nararamdaman niya. Hindi ito dapat nangyayari. Ayaw na niyang madamay. Wala naman talagang kasalanan si Adolph, kaya dapat hindi ito dapat mapahamak o madamay pa sa mga planong ginawa niya.
Huminto si Adolph at dahan-dahang lumingon kay Rose. “Bakit ba ang bait-bait mo, Rose?”
Walang maapuhap na salitang itutugon si Rose. Napalunok na lang siya ng laway. Nang pagbuksan niya ito ng pinto kanina ay halos umiiyak na itong nakikiusap na ayusin nila ang relasyon nilang dalawa. Pero nang sabihin niyang wala silang kahit na anong naging relasyon ay pilit na siyang kinakaladkad palabas upang isakay sa sasakyang nakaparada sa labas ng bahay. Ang sasakyan ni Jojo na nakahandusay sa labas ng bahay, duguan ang ulo at walng malay. Pinilit niyang kumawala pero masyadong malakas si Adolph. Sinikmuraan siya nito at nawalan siyan ng malay. Nagising na lamang sya na nakatali sa kinauupuan habang nasa loob ng isang magulo… Madumi… Mabahong lugar. Naiyak kaagad siya nang mapagtantong iyon ang dati nilang bahay.
Mas kalmado si Adolph kanina. Nakakausap niya ng maayos. Nakumbinse niya pa itong kalagan ang tali niya. Pero nang subukan niyang tumakas ay kaagad siya nitong kahablot sa buhok at malakas na sinampal.
Napapangiti na lumapit si Adolph kay Rose. Nanginginit ang kamay na humaplos sa pisngi nito. “Nag-aalala ka sa akin?”
Mas lamang ang awa sa nararamdaman ni Rose para kay Adolph kaysa pag-aalala pero hindi niya iyon magawang sabihin. Magulung-magulo ang makapal at kulot nitong na buhok. Tumatagaktak ang pawis sa mukha at leeg. Magkahalong amoy ng alak at sigarilyo ang umaalingasaw mula sa katawan nito. At ilang beses niya ring nakita ang pagsinghot nito ng druga na kinukuha mula sa bulsa.
Nangatal ang mga labi niya at muling lumandas ang mga luha sa magkabilang pisngi.
“Puta! Bakit ka umiiyak?! Tinatangong ko lang naman kung nag-aalala ka ba sa akin?!” Ilang hakbang palayo ang ginawa ni Adolph bago muling pinaghahampas ang sariling ulo. “Puta, Adolph! Bakit kasi ang asyumero mo! Tang ina! Tang- ina talaga!”
“Tama na! Oo, nag-aalala ako sa ’yo, kaya please… H’wag mo nang saktan ang sarili mo!’ umiiyak na sigaw ni Rose. Ano ba ‘tong ginawa niya?! Bakit kailangan umabot ang lahat sa ganito?!
Nanginginig ang kamay na huminto si Adolph sa pananakip sa sarili. Muli ay dahan-dahang naglakad palapit kay Rose. Nangangatal ang mga labi habang nanlalabo na ang mga mata dahil sa luha. Kinulong sa duguang mga palad ang basang pisngi ng magandang turista. “M-Mahal mo rin ako, Cristy?”
Lumunok ng laway si Rose bago kinagat ang nangangatal na labi. Gusto niyang magsinungaling pero pagod na pagod na siya. Ayaw na niyang palakihin pa ‘to. Gusto na niyang maayos ang lahat. Malalim na buntong hininga ang binitawan niya bago dahan-dahang umiling. “I’m sorry, Adolph.”
Lumalim ang paghinga ni Adolph. Mabilis. Nagsimulang manikip ang dibdib niya dahil sa galit na nararamdaman na pilit niyang pinipigilan. “Si Harris ba? Siya ba ang dahilan? Sabihin mo sa akin! Siya ba ang mahal mo?”
Hindi kaagad nakasagot si Rose lalo na nang makita ang walang tigil na paglandas ng mabibigat na luha mula sa mga mata ni Adolph.
“Putang ina! Sumagot ka, Cristy! Tinatanong kita!” muling sigaw ni Adolph na mahigpit pang hinawakan ang magkabilang balikat ni Rose at malakas itong niyugyog.
“Oo! Si Harris! Siya ang mahal ko!” pasigaw na sagot ni Rose na parang gusto niyang pagsisihan dahil sa nakitang paghahalo ng galit at sakit sa mukha ni Adolph.
Muling tila pinipiga ang puso ni Adolph na nasa loob ng dibdib niya. Nahihirapan na siyang huminga dahil nsa matinding galit na nararamdaman ngayon. Saglit niya pang tinitigan ang magandang mukha ni Rose at hinaplos ang pisngi nito. “Bakit siya? Ano bang meron siya na wala ako. Pera ba? Propesyon?!”
Umiling si Rose. “Hindi… Hindi dahil do’n…”
“Pero bakit siya ang paulit-ulit mong pinipili?!” nangangatal ang mga labing tanong ni Adolph. “Ten years ago, siya ang pinili mo. Ibang-iba na ako ngayon, pero bakit siya at siya pa rin ang pinipili mo, Cristy?!”
Namilog ang mga mata ni Rose. Hindi ito pwedeng mangyari… Bumalik na ang mga alaala ni Adolph. Nangangatal na ang mga labing umiling siya. “N-Nagkakamali ka Adolph. H-Hindi ako si Cirsty…”
Napaismik si Adolph. “H’wag ka nang magkaila. Kilala na kita at alam ko na ang mga plano mo.”
Muling natameme si Rose sa kaharap na binata. Lalo siyang nagsimulang manginig sa takot.
“Bago ka makauwi kanina, pinasok ko ang bahay nina Tatay Poncio. Pinakialaman ko ang mga gamit mo. Hindi mo siguro binuksan ulit ang maleta mo kaya hindi mo nakita… Kung gaano ‘yon kagulo.” Nakita ni Adolph ang mga lumang litrato ni Rose sa gamit nito. Ang maliit nitong notebook kung saan nakasulat ang mga pangalan nilang lahat. Pati na ang mga panagalan ng magulang nila. Muli siyang bumuntong hininga at naiyak. “Alam mo wala naman akong pakialam sa putang inang mga plano mo na ‘yan! Kahit patayin mo pa silang lahat! Ang hindi ko lang maintindihan… Bakit paulit-ulit mo siyang pinipili? Bakit hindi moa ko magawang mahalin?!” Noon pa man ay ramdam na niya ang pagtitinginang namumuo kayna Harris at Rose. Nasasaktan na siya dati pa lang pero hindi niya pinapahalata. Pero hindi na niya kayang kimkimin pa at itago ang lahat ngayon. “Cristy, malaki na ang pinagbago ko oh… Bakit sa pagkakataon na ito, siya pa rin ang pinipili mo?” Nangangatal ang mga labi at boses niya. Walang tigil ang pag-agos ng luha sa magkabila niyang pisngi na humahalo sa dugo mula sa ulo niya. “Bakit hindi ako?”
“Dahil mahal ko si Harris, at kahit kailan… Hindi nawala ang pagmamahal na ‘yon…”
“Pero kahit kailan, hindi rin nawala ang pagmamahal ko para sa ‘yo!” Umiiyak na lumuhod si Adolph sa harapan ni Rose. Pinunasan ang sariling pisngi bago mahigpit na hinawakan ang magkabilang balikat ng dalaga. “Mahal kita Rose. Please naman oh… Ako naman ang piliin mo ngayon. Ako ang mahalin mo. Kahit ngayon lang…”
Awang-awa si Rose sa nakikitang hitsura ni Adolph ngayon. Para itong bata na nagmamakaawang bigyan ng candy. Sana nga gano’n lang kasimpleng ibigay ang gusto nito. Pero hindi eh. Dahil ang panghabambuhay na kaligayahan na nilang dalawa ang pinag-uusapan dito. Kahit magsama pa silang dalawa at pumayag siya na subukan itong mahalin, pareho lang silang magiging miserable. Kagat ang mga labi na marahan siyang umiling. “I’m sorry… I’m sorry Adolph pero – Ahhh!!!” Napaawang ang mga labi niya dahil sa biglang marahas na pagsabunot ni Adolph sa buhok niya. Kung kanina ay para itong nakakaawang batang umiiyak ngayon ay parang naging tigreng nanggagalaiti sa galit at gutom. Nanlalaki ang mapula at ugating mga mata, labas ang mga litid sa pinagpapawisang leeg, malalalim ang paghinga at nanginginig ang mga kamay.
“Kung hindi ka mapupunta sa akin, hinding-hindi ka na rin mapapakinabangan ng iba!” gigil na sa sabi ni Adolph.
“Rose! Adolph?! Nand’yan ba kayo sa loob?”
Sabay na napalingon sina Adolph at Rose sa may pinto. Bago pa makasigaw si Rose para humingi ng tulong ay nabusalan na kaagad siya ni Adolph sa bibig.
Nakangising napapailing si Adolph. “Nand’yan na pala ang prinise mo… Ngayon makikita niya kung paano ko aangkinin ang babaeng pilit niang inaagaw sa akin! Walang ibang pwedeng makinabang sa ‘yo, kung hindi ako lang. Tandaan mo ‘to…
AKIN KA LANG!!!”