noveltoon logo noveltoon
Blackmail Bargain

Chapter 11

Ch. 12 / 42 Feb 05, 2022

ROSS’ POV

Nagbalik na lang ako sa table namin nang dumating ang lalaking kasayaw kanina ni Cyrah. Hindi daw siya boyfriend. Sabagay, bakit nga naman magpapatali ang isang katulad ni Cyrah? Kung magyosi daig pa ang isang chimney, at iinom inom tapos magrereklamong nahihilo? She has changed a lot. Ibang iba sa Cyrah na kilala ko noon. MY Cyrah.

Napapailing ako kapag naiisip ko ang pagbabago niyang iyon. Nabaling ang atensyon ko sa babaeng dumating.

“JESSICA?!” bulalas ko.

Sabay sabay naman na tumingin sina Dexter, Danny at Rex. Tinabihan niya ako. Narinig ko pang nagbulungan ang tatlo.

“Surprised, Love?” nakangiting tanong ni Jessica. She’s really pretty and sweet.

“How did you know I’m here?”

“I opened your facebook account and I saw a message from your friend and because I really miss you, pinuntahan kita. Hindi ka ba masaya?” Nakayakap siya sa braso ko.

Binuksan na naman pala niya ang facebook ko. Pinilit kong ngumiti para itago ang disappointment sa ginawa niya. Hindi ko rin naman maintindihan ang sarili ko kung bakit nga ba ako pumayag na ibigay sa kanya pati password ko. Siguro kasi ayoko lang na isipin niya na may itinatago ako sa kanya. Pero isang beses nahuli niya na magkachat kami ni Cyrah. Nabasa niya ang mga messages namin. Simula noon, I decided na i-unfriend na lang si Cyrah. Ayoko ng gulo but still I found myself texting her. Pero sa mga nakikita ko ngayon na ikinikilos niya, mas lalo lang niyang pinapatunayan ang sinasabi nila tungkol sa kanya.

“Ehem, ehem,” tikhim ng mga kasama ko.

“Jessica, these are my friends. Dexter, Danny and Rex. Guys, my girlfriend, Jessica,” pakilala ko.

Nakipagshake hands sila kay Jessica.

“Finally, nakilala ka na din namin,” sabi ni Dexter.

“Nakakatuwa naman na gustong gusto niyo pala akong makilala,” sabi ni Jessica.

Binigyan ko ng makahulugang tingin sina Dexter. Alam ko naman ang ibig nilang sabihin. Katulad ng sinabi nila kanina, gusto nilang makita kung ano ang pinagkaiba nina Cyrah at Jessica. Siguro naman ngayon, alam na nila.

“O-oo naman. Syempre, girlfriend ka ng kaibigan namin eh,” palusot ni Danny.

“O-oo nga. Tama,” dagdag ni Rex.

Hindi ko din hinayaan na magtagal si Jessica sa bar. Alam kong hindi siya mahilig dito. Isa pa niyaya na din nina Dexter si Jessica na uminom at hindi ko mapapayagan yon.

“Ang KJ mo naman Ross, isang shot lang naman,” pilit ni Danny. “Okay lang naman Jessica, diba?” baling niya kay Jessica.

Tumingin naman sa akin si Jessica, waring nagpapaalam.

“Hindi siya umiinom,” sagot ko.

“It’s okay. Isa lang ha.”

Nagulat ako sa sagot ni Jessica. Next thing I know, she took a shot, straight pa. Napabuntong hininga ako. I looked at her at niyaya ko na siyang umalis. Bago ako tumalikod palabas, tiningnan ko pa ang direksyon kung nasaan sina Cyrah pero wala na sila. Inihatid ko na si Jessica pauwi.

CYRAH’S POV

That maybe all I need

In darkness she is all I see

Come and rest your bones with me

Drivin’ slow on Sunday morning

And I never want to leave

Nagising ako sa tunog ng phone ko. Kinapa ko ang phone ko sa tabi ko while I am half awake. Ni hindi ko na lang tiningnan kung sino ang tumatawag at basta ko na lang sinagot.

“Hello,” sagot ko sa paos na boses.

“I can sense from your voice na kakagising mo lang. Well, Sleeping Beauty, kailangan mo na talagang gumising dahil kung mananatili kang ganyan na patulog tulog sa pansitan eh tuluyang maaagaw ang Prince Charming mo.”

“Kristine, ang haba mo namang mag-“Hello”,” sagot ko sa kanya. Ano nga ulit ang sinabi niya?

“Hay naku, narinig mo ba ang sinabi ko? Teka nga, bakit ba ang aga mong natulog? FYI lang friend ha, uulitin ko, yung Prince Charming mo, kadate ngayon si Ms. Prim and Proper. Kaya kung ako sayo, bumangon ka na dyan at ilagay si Ms. Prim and Proper sa kanyang PROPER place!”

Nagising ang diwa ko sa sinabi niya. Napabangon ako.

“What?! Nasaan ka ba ngayon?”

“Resorts World and right now kitang kita ng dalawa kong mata kung gaano kasweet ang ex mo at ang suso niyang girlfriend.”

Oo nga pala, niyayaya niya nga pala ako kanina pero tumanggi ako kasi tamad na tamad talaga akong gumala ngayon kaya nga natulog na lang ako eh.

“Shocks friend! May kamukha siyang artista! Hindi ko lang matandaan kung saang palabas?”

Napakunot ang noo ko. Hindi kaya pinagloloko lang ako ni Kristine? Artista? Sino naman?

“Huwag mo ibababa ang phone ha,” utos ko kay Kristine. I dialled Ross’ number. It keeps on ringing at wala atang balak sagutin. I used my earphones.

Sh*t! He cancelled my call! The nerve!!

Hindi na naka-hold si Kristine.

“What was that? Bakit kumunot ang noo ni Ross at may tiningnan sa cellphone?” tanong ni Kristine.

“I tried to call him but he cancelled it,” sagot ko.

Narinig kong tumawa si Kristine. Kung inaakala ng Ross na yan na mananalo siya sa akin, nagkakamali siya. I sent him a text message.

Hi lover boy! Meet me at MARU. Asap.

Ang lugar na tinutukoy ko ay isang Korean Restaurant. Halos mabitiwan ko ang phone when I received his reply.

i'm currently having a romantic dinner date with my girlfriend, go find another guy.

Ah ganon?! Romantic dinner date pala? Tingnan nga natin kung may mas roromantic pa sa ipapakita ko sayo?

I sent him our picture. The one na magkakiss kami sa resort. Isa sa mga kuha ni Kristine. Lahat ng kuha ni Kristine, nacopy ko na agad dito sa phone ko.

Nilagyan ko pa ng caption. don't you want to talk about this?

“Friend, bakit biglang namutla si Ross?” tanong ni Kristine mula sa kabilang linya. Yeah, she’s still on the line.

Napangiti ako sa sinabi niya. Effective naman pala.

“Pero ngumingiti na siya ngayon,” biglang dagdag ni Kristine.

Tumunog ang phone ko, hudyat na may new message. From Ross.

The option delete item was made not to talk about something stupid like this image you sent.

GRRRRR!!

Ross Rodriguez! You messed up with the wrong person!

Agad akong tumayo, take a quick shower and wear the sexiest dress I have in my closet. Something stupid pala ha?! Tingnan natin kung sino ang magmumukhang stupid ngayong gabi!

Nakarating agad ako sa Resorts World at hinanap si Kristine. Naglakad kami patungo sa mesa nina Ross. Mahihiya ang mga ramp model sa paglalakad naming dalawa. Nag-angat ng tingin sina Ross at Jessica.

“Oh! Hi Ross! Fancy seeing you here! I believe di pa kayo tapos kumain. Do you mind?” tanong ko at itinuro ang dalawang bakanteng silya. Kundi rin naman tanga, ang dami namang bakanteng mesa na good for two eh bakit itong pang apatan ang kinuha nila. Well, everything happens for a reason, right?

Kita ko ang pagtagis ng bagang ni Ross. Ganyan nga Ross, normal na reaksyon lang yan sa mga ginagawa mo.

“As you can see, I’m having a date with my girlfriend,” sagot niya at hinawakan pa ang kamay nung babae.

Bumaling ang tingin ko sa tinutukoy niyang girlfriend.

“Oh? She’s your girlfriend? Really? You look familiar!” bulalas ko. Ngayon ko lang nakita ang babaeng ito nang malapitan. Palihim ko siyang sinusuri. Mukha nga siyang hindi makabasag pinggan. Nakatitig lang siya sa akin, waring iniisip kung saan ba ako nakita.

I’m sorry darling pero mahihirapan kang makilala ako. Bukod sa kinulot ko na ang babang bahagi ng buhok ko ngayon, nakacontact lens din ako. And besides, if ever she tried to stalk my facebook account which I believe is her hobby, hindi niya pa rin ako mamumukhaan. Old pictures ko ang nandoon sa account na friend ko si Ross, and since he unfriend me, hindi na niya naabutan ang mga latest pictures ko.

“Artista ka ba?” tanong ni Kristine.

“Saang teleserye nga ba yon?” baling ko kay Kristine.

“Movie ata,” sagot ni Kristine.

“Ah alam ko na! Dun sa ‘Matakot Ka sa Karma’!”

“Friend, ‘Matakot ka sa Kulam’ yon,” pagtatama ni Kristine.

“Ay! Mali pala ako. Akala ko nga din ‘Snakes on a Plane’. Anyway, can you take us a picture?” pakiusap ko kay Ross at iniabot ko sa kanya ang phone ko.

Si gago, tinanggap naman. Namutla siya pagkakita sa wallpaper ko. Picture lang naman namin na dalawa. Yung picture na nakahalik siya sa may ibabaw na bahagi ng boobs ko. Nakasmile na nga ako at katabi ko na si Jessica. Nakatingin na ako kay Ross. Alam kong alam ni Ross kung anong ngiti ang ipinapakita ko sa kanya ngayon.

“Ross? Okay ka lang? Hindi ka ba marunong kumuha ng pictures? Madali lang yon,” pukaw ko kay Ross.

“I’m sorry, pero hindi ako artista,” sabi ni Jessica.

Humarap na ako sa kanya.

“Awww. Sorry, akala ko kasi artista ka. Nagkamali pala kami. Sige, got to go. Sa iba na lang pala kami kakain. See you around,” paalam ko at binawi ko na kay Ross ang phone ko.

“Love, are you okay?” narinig ko pang tanong ni Jessica kay Ross pagkatalikod namin ni Kristine.

“Yes, I-I’m okay.:

Pagkalabas namin ng Resorts World, nagtext si Ross.

WHAT WAS THAT, CYRAH?!

May mali yata sa phone niya? All caps? Tumawa ako ng bahagya at ipinabasa pa kay Kristine ang text ni Ross. At dahil ayokong isnabin ang napakagalang na text ni Ross, nagreply ako.

I just want you to know what can I do if you continue being hard headed, pag sinabi kong mag meet tayo sa gnitong place mag memeet tayo!

Makalipas ang limang minuto, habang naghihintay kami ng taxi, nagsalita si Kristine.

“He’s here.”

Lumitaw ang aking evil smile. I’m powerful, ya know!