noveltoon logo noveltoon
Blackmail Bargain

Chapter 28

Ch. 29 / 42 Feb 05, 2022

Cyrah’s POV

“I am packing my things now, aalis na ako sa apartment ni Ross.”

“What? Seryoso ka na talaga?”

Pinalipas ko ang limang araw bago ako bumalik sa apartment ni Ross. Mabuti na lang hindi ako pinalayas ni Kristine sa loob ng limang araw na yon. Naramdaman niya siguro na nag-iisip na din ako. And this time, kailangan kong magmadali para hindi ako maabutan ni Ross habang nagiimpake.

“Huwag kang magaala hindi ako babalik sa apartment natin, hindi ko kayo guguluhin ni Simon. Nakapagdesisyon na ako. I’m over it. I’m over this game. Pinagisipan ko to ng mabuti and I realized all this time wala naman palang kakwenta kwenta ang kalaban ko and I started asking myself, ano nga ba ang ipinaglalaban ko? Matagal na kaming tapos ni Ross. Magsama silang dalawa.”

Mabuti na lang hindi pa bumabalik si Ross.

“Magsama silang dalawa? Friend, linya yan ng mga taong nagseselos pa rin,” sabi ni Kristine.

“Hindi. Linya yun ng mga taong gusto ng magmove on,” pagtatama ko.

“Gusto ng magmove on, pero nagseselos pa rin!” diin niya.

Nagpaalam na ako kay Kristine at sinabi kong kailangan ko talagang magmadali at baka nga abutan pa ako ni Ross at kapag sineswerte nga naman, biglang dumating ang taong gustong gusto kong takasan.

“Where have you been for the past few days? Are you with that guy?” tanong niya. Patuloy pa rin ako sa pagiimpake ng damit ko.

Kung nasa mood lang ako, kanina ko pa ‘to inaway. Ano namang karapatan niyang itanong kung kasama ko si Bryce for the past few days? Ni wala nga akong pakialam sa kanya at sa slow niyang girlfriend kung anong ginawa nila nung mga nakaraang araw.

“Aalis na ako,” sabi ko. Eh kasi naman kanina pa ako lagay ng lagay ng damit ko sa maleta pero hindi niya napapansin.

“Hindi naman kita pinapaalis diba?”

“Last time, pinagtatabuyan mo na ako diba?”

“Noon yon, hindi na ngayon.”

Itinigil ko ang pagiimpake at tiningnan siya sa mga mata niya. Nakakakita ako ng lungkot sa mga mata niya. Imposible! Bakit naman siya malulungkot eh aalis na nga ako?

Ipinagpatuloy ko ang pagiimpake ko pero nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko na siyang nagpatigil sa ginagawa ko.

“You are not going anywhere.”

“If you are getting worried about the pictures, I won’t send it to your girlfriend. I’m done with this game. I’ll delete all the files kahit pa ang mga back ups ni Kristine, ipapadelete ko na din yun sa kanya. I have to move on, Ross and I know you will let me.”

“I am not worried about the pictures. I am worried about you, letting me go. I am worried about you not being next to me. You may call me selfish, pero ayokong mag-move on ka.”

Hinila ko ang kamay ko na hawak pa rin niya.“You are worried about me not being next to you? Ross, baka nakakalimutan mo, for the past few years ibang babae naman ang kapiling mo diba? You chose her over me, right?!”

Nagsisimula ng tumaas ang boses ko kasabay ng unti unting pamumuo ng mga luha sa mata ko. This is the part I hate the most. Yung babalik lahat ng sakit na nararamdaman mo. Yung sobrang dami ng efforts ang nagawa mo para lang mapagtakpan lahat ng sakit and then with just a snap babalik lahat.

“I did not choose her over you. Ikaw ang nagbigay sa akin ng dahilan para magkaganito ako. Ikaw ang gumawa ng dahilan para magalit ako sayo. Ikaw ang nauna Cyrah, hindi ako.”

And the hardest part is kahit anong gawin mo, kahit anong sabihin mo, ikaw pa rin ang lalabas na masama. Gusto pa ata niyang palabasin na ako ang may kasalanan kung bakit ako nasasaktan ngayon.

“Kasi iyon ang sinabi nila sayo at iyon ang pinaniwalaan mo. Kasi naunahan ka ng takot. Kasi wala kang tiwala sa akin.” This time malumanay na ang sagot ko.

“Hindi totoo yan. Bakit hindi mo masabi na nagbago ka naman na talaga? You are not the same Cyrah.”

Sumbatan ang peg?! Sigaw ng utak ko.

“See? Lumabas na din sa bibig mo. Sila ang pinaniwalaan mo.” Itinuloy ko ang pagiimpake. Nang mailagay ko ang lahat ng gamit ko sa maleta, binitbit ko na iyon at naglakad palabas ng pinto.

“It’s okay Ross. You don’t have to explain anything. Tanggapin na lang natin na tapos na tayo.”

“Tapos na nga ba Cyrah?” tanong niya.

Hindi ko siya nilingon.

“Hindi ka aalis Cyrah.”

This time nilingon ko siya at binigyan ng mapait na ngiti.

“Aalis ako Ross, and you know there is nothing that can stop me.”

Next thing I know, inilabas niya ang phone niya at ipinakita niya sa akin ang video na kinuhanan ni Kristine noong nasa resort kami.

“Sa tingin mo anong magiging reaksyon ng pamilya mo pag nakita nila to?” naghahamon niyang tanong.

“Paano napunta sayo yan?” tanong ko sa kanya. “Hindi mo gagawin yon Ross. Hindi mo magagawa sa akin yon!”

“Hindi ko gagawin kung hindi ka aalis dito,” confident niyang sagot.

“Kapag ginawa mo yun, isesend ko na talaga sa girlfriend mo ang mga pictures and even that video!” pananakot ko sa kanya.

“Go ahead. I’m thinking of breaking up with her anyway.”

Ha?? Really? As in ganun lang? Sinabi ko lang na aalis na ako sa apartment niya, makikipagbreak na siya sa Jessica na ‘yon?! I need to text Kristine!

“If I were you, ibalik mo na ang mga gamit mo sa kwarto. Baka kasi di ko mapigilan at isend ito sa kapatid mo.”

Seryoso talaga siya?!

Nagngingitngit man ako sa galit, wala akong nagawa kundi ibalik ang maleta ko sa kwarto.

Malay ko ba kung hanggang saan ang kayang gawin nitong si Ross diba? Kinuha ko lang ang maliit kong bag at lumabas na ulit ng kwarto. Naitext ko na si Kristine kung saan ba kami magkikita. Nakaupo na siya sa sala at nanonood ng tv.

“O saan ka pupunta?!” tanong ni Ross.

“Hindi kita iiwanan okay?! Huwag na huwag mong maisend yan sa pamilya ko kung hindi mapapatay talaga kita! May pupuntahan lang ako!”

Dali dali akong umalis at sumakay sa taxi.

TAMA BA NAMANG I-BLACKMAIL AKO?!