noveltoon logo noveltoon
Blackmail Bargain

Chapter 29

Ch. 30 / 42 Feb 05, 2022

"TAMA BA NAMANG I-BLACKMAIL AKO?!"

"Sinabi niya yon sayo?!" gulat na tanong ni Kristine.

"Oo, sinasabi ko na nga ba mas mahaba ang sungay ni Ross kesa sa akin eh. Ako, binlackmail ko siya at sinabing ipapasa ko lang sa girlfriend niya yung mga pictures. Sa girlfriend lang ha! Pero siya, walangya! Sa pamilya ko talaga!"

Nangangatal pa rin ako sa galit. Hindi ata ako mapapakalma ng kape na inorder ni Kristine para sa akin.

"Saan naman niya nakuha yon?" tanong ni Kristine.

"Yun na nga! Eh tayo lang naman dalawa ang may ganun," sagot ko at binigyan ko si Kristine ng makahulugang tingin.

"Pwede ba huwag mo nga akong matingnan ng ganyan! Baka naman kasi pakalat kalat ang phone mo minsan at naipasa na pala niya sa kanya?!"

May point siya, actually.

Napakunot ang noo ko.

"Bakit niya ginagawa sa akin to?! He's acting like siya ang nasaktan noon. Anong gagawin ko kapag ginawa ni Ross ang binabalak niya?! Ghad! Kahit kailan sakit sa ulo talaga yang si Ross Rodriguez!"

"Sakit sa puso kamo," dagdag ni Kristine.

"Teka, paano kapag umalis na si Simon? Eh di mag-isa ka na lang sa apartment?" pag-aalala ko.

"Wag mo akong intindihin. Kaya ko na naman ang sarili ko. And besides, ako naman ang nagtulak sayo sa sitwasyon na 'to diba? I should face the consequences," sagot ni Kristine at humigop siya sa kanyang kape.

Eh mukhang ako naman talaga ang magfe-face sa consequences. Hay.

"So ibig sabihin wala ka na ngang choice kundi sundin ang mga gusto ni Ross?" dagdag ni Kristine nang ibaba niya sa table ang kape niya.

"Yes and no."

Kumunot ang noo niya.

"Yes, as of now. I need to find a way para mawala ang video sa phone niya. No, kasi hindi ako papayag na ako ang maging alipin niya. Ako ang reyna remember?!"

"Back ups," sabi ni Kristine.

"Thank you," sagot ko.

"Thank you? Sa kape? Kaw ang magbabayad nito uy!"

"Ha? Sabi mo baback-up-an mo ako?" nalilito kong tanong.

"Sabi mo kailangan mo mabura ang video ni Ross sa phone, eh anong ginagawa ng back ups? How sure are you na iisa nga ang kopya niya nun?"

Gggggrrrr!! Ross Rodriguez. I hate you. Really!

"Tutulungan mo naman ako diba?" tanong ko kay Kristine.

"Oo naman. After all, we are partners in crime."

"Buburahin ko na nga din ang mga pictures sa phone ko, baka may maidagdag pa ang gagong yun sa pambablackmail niya," sabi ko at nagsimula na akong magdelete ng pictures namin.

Madami dami din pala to. Tsk.

"Akala ko ba buburahin mo? Kailangan titigan muna?? Hahaha!"

"Tse! Ang ganda ko kasi!"

"Nagpunta nga pala si Bryce sa apartment kanina."

Natigil ako sa ginagawa ko.

"Sinabi mo ba kung nasaan ako??" pag-aalala ko.

"Syempre hindi."

"Shit! Magkikita nga pala kami ngayon. Nakalimutan ko na!"

Yes. Yung nakaraang limang araw ay lumalabas ako kasama si Bryce. What do you expect? Alangan naman bulukin ko ang kagandahan ko sa apartment diba?

Isa na din siguro yan sa dahilan kaya malakas ang loob ko na putulin na ang ano mang koneksyon ko kay Ross aside from the fact that I realized na wala palang kwenta ang kalaban ko.

Pero kung kelan naman desidido na ako na tanggalin siya sa sistema ko eh saka naman nangyari to!

Pero di bale, hindi pa rin ako magpapatalo kay Ross! Ibe-break daw niya ang girlfriend niya? I dont really care.

"S-sabi niya he's thinking about breaking up with Jessica," sabi ko kay Kristine.

"O tapos?" she said in a monotone voice.

"Really? Wala ka man lang reaksyon? Friend, he is thinking about breaking up with Ms. Prim and Proper! That's something!" diin ko sa kanya.

I can't believe wala siyang pakialam. Isa yun sa goal namin remember?

"Friend, that's the point. Ross is JUST THINKING of breaking up with her. You want a positive reaction from me? Saka na. Pag break na nga sila," paliwanag niya.

I just pout my lips.

Ah basta. That's something pa din!

Narinig kong tumunog ang phone ko. This time hindi boses ni Adam Levine ang naririnig ko. The tone I'm hearing was assigned for Bryce.

Note. If I assigned a ringing tone for you, you're special.

"Hello, Im sorry I wasn't able to text you... Ahhhmm if you want puntahan mo na lang ako dito..."

Sinabi ko na lang kay Bryce ang lugar na ito.

"Oh well mukhang kailangan ko ng umalis. Good luck sa date mo," at tumayo na si Kristine.

"Pag nagbreak na sila, babalitaan agad kita!" pahabol ko.

She just rolled her eyes and mouthed "ang tagal".

While waiting for Bryce, I recieved a text from Ross.

'WHERE THE HELL ARE YOU?! Bumalik ka na dito!'

Nagmake face lang ako sa harap ng phone ko acting like si Ross ang kaharap ko.

"Manigas ka dyan Ross! As if naman malalaman mo kung nasan ako?! Hahaha!" sabi ko pa sa phone ko.

Pag-angat ko ng mukha ko, I saw a man standing in front of me.

"Bakit ka tumatawa?" tanong niya.

"Bakit ka nandito?"

No. He's not supposed to be here. Parating na si Bryce. Parating na ang date ko!

"Hindi ka ba marunong magreply o tumawag?" galit niyang tanong. Daig pa niya ang isang ina na hindi nireplyan ng anak kung makapamagsermon.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit kita itetext? Nanay ba kita? Boyfriend ba kita? Tsaka pwede ba umalis ka na dito. May hinihintay ako."

"Sasama ka sa akin," utos niya at hinawakan niya ang braso ko.

"Ross! Bitiwan mo nga ako! May date pa ako," pagpupumiglas ko.

Binitiwan naman niya ako. See? Ako pa rin talaga ang nasusunod.

"Okay. Eh di hihintayin kita matapos makipagdate," sagot niya at umupo siya sa silya na katabi ko.

Hinarap ko siya.

"Nababaliw ka na talaga! Hindi ko kailangan ng chaperon. Umuwi ka na nga!"

"Sa pagkakataong ito Cyrah, hindi na ikaw ang masusunod, naiintindihan mo?"

Inilabas niya ang kanyang cellphone.

Ghad! Wala ba siyang originality? Ako ang gumagawa nun diba? Ako!!

Noon.

I closed my eyes and took a deep breath.

"I swear! Isusumbong kita sa girlfriend mo!" pananakot ko sa kanya.

Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

"Ano namang isusumbong mo?" naghahamon niyang tanong.

Sabay kaming napalingon sa harapan nang may marinig kaming boses.

"Nakakaabala yata ako?" tanong niya.

Napatayo ako at nilapitan ko siya.

"No! Of course not! Actually, dumaan lang si Ross para ibili ng cake yung girlfriend niya. It just happened na nagkita kami," sagot ko habang nakangiti at habang nakatingin kay Ross.

Magpasalamat siya at hindi ko siya katabi at nandito si Bryce dahil kung hindi kanina ko pa siya nasipa sa ngisi niya.

Nakakaasar!

Yung ngisi na nagsasabing "sinong niloko mo?!"

"And ang totoo niyan, paalis na siya," dagdag ko pa at inilipat ko na ang tingin ko kay Bryce. I caught him looking at Ross at nakakunot ng konti ang noo niya.

"Really Cyrah? Hindi pa nga ako nakakabili ng cake eh," sagot ni Ross at dahilan kung bakit nabura ang ngiti ko.

Anak ng! Plano niya talagang ilagalag ako?!

Ibinalik ko ang ngiti ko kasabay ng pagbalik ko ng tingin sa kanya.

"Oo nga, kasi nga diba sabi mo wala dito yung flavor ng cake na hinahanap mo?" diin ko.

Tinitingnan ko na din siya ng masama pero nakakainisi kasi lalo siyang numingisi.

"Nagtanong na ba ako?" pahabol niya.

Tumawa ako sa tanong niya.

"Hahahaha! Napakamakakalimutin mo talaga! Oo, nakapagtanong ka na. Anyway, Bryce mabuti pa sa ibang lugar na lang tayo kumain. Favorite ko din kasi yung cake na hinahanap niya kaya nagkape lang ako kasi wala talaga. Let's go?"

Iniba ko na kaagad ang topic, baka kung ano pa maidagdag nitong si Ross. Mahirap na.

Tumingin si Bryce sa table ko.

"I'm with Kristine kanina. Iniwan na niya ako nang malaman niyang pinapapunta kita dito," depensa ko nang makita niyang dalawang tasa ng kape ang nasa mesa.

"Let's go," sabi niya.

"Bye Ross," paalam ko at tinalikuran na namin si Ross.

"Saan kayo bibili nung cake? Huy! Teka, sumama na lang kaya ako?!" pahabol niya.

Nang-aasar talaga!

Hindi ko siya pinansin at dirediretso lang kami sa paglalakad.

"You know what, I'm starting to hate that guy," bulong ni Bryce sa akin.

"Yah. Me too," sagot ko.

Of course that's a lie! I'm not starting to hate Ross.

The truth is..

I ALWAYS HATE HIM!