noveltoon logo noveltoon
Blackmail Bargain

Chapter 27

Ch. 28 / 42 Feb 05, 2022

Cyrah's POV

“We have a winner! 2 winners actually!” narinig kong sigaw ng host pagkatanggal ko ng blindfold. Unfortunately, hindi ako kabilang sa mga nanalong ‘yon.

I let go of his hand.

“Sabi ko naman kasi sayo, yakapin mo na ako kanina,” bulong sa akin ni Bryce pagkalapit niya.

Kung literal lang na nagaapoy ang mata ni Jessica, malamang kanina pa nasunog ang restaurant na ‘to. Matalim ang tingin niya sa akin. I excused myself at nagtungo sa powder room.

“Pinipilit kong kumbinsihin ang sarili ko na baka mali ako. Na baka wala ka naman talagang gusto sa boyfriend ko, pero ngayon sigurado na ako base sa mga titig mo sa kanya.”

Naghuhugas ako ng kamay at pag-angat ko ng tingin mula sa salamin, nakita ko ang reflection ni Jessica.

“Excuse me?” sabi ko at napatigil ako sa ginagawa ko.

“Wag ka ng magmaang-maangan pa. Yung T-shirt na suot mo na may penguin, nakita ko na nilalabhan ni Ross yon.”

Ohhh. That’s explains why. Itinuloy ko na ulit ang paghuhugas sa kamay ko.

“Alam ko naman na nandaya ka sa laro kanina. Sigurado ako sinadya mo na kamay ni Ross ang kunin mo,” patuloy niya.

And that one explains why I am washing my hands. Ang arte noh? Hindi. Joke lang. Sira pa din ata ang tiyan ko. Badtrip.

“Gusto ko lang malaman mo na hindi mo maaagaw sa akin ang boyfriend ko. Katulad ka lang din ng ex niya na desperadang maagaw sa akin si Ross.”

Sa puntong iyon napatunayan ko na talagang slow ang girlfriend ni Ross. All this time hindi nga niya ako nakikilala. Pinatay ko ang gripo at hinarap siya.

“So bakit mo sinasabi sa akin ngayon yan?” tanong ko sa kanya.

“I’m just setting your expectations,” sagot niya.

Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang basa kong kamay.

“You know what Jessica, hindi ko alam kung matatawa o maaawa ako sayo. Hindi mo ako kilala.”

“Of course I know you. Isa ka sa mga babaeng hahabol habol sa boyfriend ko. Baka ako ang hindi mo kilala.”

“Trust me, I know you enough. From head to toe. Inihalintulad mo ako sa ex niya and you called her desperada right? Wala kang karapatang tawagin akong desperada at wala akong gusto sa boyfriend mo. Huwag mo akong bigyan ng dahilan para patulan ka at ang mga sinasabi mo. With just a snap kayang kaya kong agawin ang boyfriend mo at katulad ng tissue na ‘to..,” ipinakita ko sa kanya ang tissue na hawak ko at itinapon sa basurahan. “..itatapon ka lang din niya na parang basura.”

Sinundan niya ng tingin ang tissue sa basurahan at pagkatapos ang ibinalik ang tingin sa akin. Naniningkit ang mga mata niya nang ibalik niya ang tingin sa akin.

“What? I’m just setting your expectations,” sabi ko sa kanya at lumabas na ako ng powder room.

Niyaya ko na si Bryce na umalis na kami ng restaurant na ‘yon. Siya na din ang pinagdrive ko ng kotse ni Simon.

“Are you ok?” tanong niya.

Tiningnan ko siya at tumango ako.

“I’m sorry hindi tayo nanalo sa game kanina,” sabi ko.

“That’s fine. It’s just a game. Okay lang naman na matalo ako sa kahit saan, wag lang sa’yo.”

“Bryce..”

“Pinapatawa lang kita,” sagot niya.

“I’m sorry sa nangyari kanina. I’m sorry for asking if you’re ok when I know you are not.”

“Cyrah, ok lang ako. Nagselos lang ako ng konti pero okay pa rin ako,” then he smiled.

Bakit nga ba hindi ko na lang bigyan ng chance si Bryce? Mukha naman ‘tong mas matino kesa kay Ross.

“Saan nga ba kita ihahatid?” tanong niya.

Sh*t! Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na sa apartment ni Ross ako tumutuloy. I don’t want to give him that impression.

“S-sa apartment na lang namin ni Kristine,” sagot ko.

“Okay. Akala ko talaga magkaaway kayo. Mamaya ko na lang babalikan yung kotse ko.”

“Finally the Ex-Girlfriend is back!” welcome sa akin ni Kristine. Nakatayo siya sa may pinto habang palapit ako sa kanya. Binigyan ko siya ng shut-up-may-kasama-ako-look.

Tumingin siya sa likod ko at alam kong kasunod ko na si Bryce.

“Oh! Hi Bryce! Long time no see!”

Nalaman ko na iniintay lang talaga ako ni Simon, I mean yung kotse niya pala, hindi ako. Umalis na din agad siya. Simon offered na isabay na si Bryce para madaanan niya yung kotse niya kung saan niya iniwan. Sinabi din ni Simon na baka hindi daw siya makauwi ngayong gabi, kaya kung pwede daw baka pwede kong samahan si Kristine sa apartment ngayong gabi.

Noong una, tatanggi pa sana ako. Kasi naman, matapos akong ipagtabuyan ni Kristine noon, tapos ngayon kailangan na niya ulit ako. Panakip butas ang peg? But then I realized, may utang nga pala akong pabor kay Simon sa pagpapahiram niya sa akin ng kotse niyang hindi full tank. Tapos, ayoko din namang umuwi sa apartment ni Ross. Wala ako sa mood makipagaway sa kanya. Bahala na siya kung doon niya papatulugin si Ms. Prim and Proper. But I bet hindi niya gagawin yon, takot na lang nun na malaman at makita ang mga gamit ko! Hahahaha!

“Heepp! Heep!!” pigil ni Kristine sa akin. Hawak niya ang braso ko at akmang papasok ako sa kwarto ko. “Baka naman gusto mong magreport muna sa akin?”

“Natalo ako sa laro,” sabi ko.

Nanlaki ang mata ni Kristine.

“WHAT?? TALO NA TAYO?! No way!! Matagal na nating pinagplanuhan ang larong ‘to tapos matatalo lang tayo? Sabi ko naman sayo, tawagan mo ako kung kailangan mo ng back up diba?”

Daig pa ni Kristine ang nalugi kung titingnan nyo lang ang mukha niya. Laglag ang balikat niyang umupo sa sofa. Anong back up? Anong gagawin niya doon? Ipapahawak niya sa akin ang kamay ni Bryce para manalo kami sa laro?

“Eh malay ko ba naman na kamay pala ni Ross ang mahahawakan ko?”

Sa pagkakataong ito, pagkalito naman ang mababakas sa mukha ni Kristine.

“Ano?? Anong kamay? Ano ba dapat ang hahawakan mo sa katawan niya? Or should I ask, ano pa ba ang hindi mo nahahawakan sa katawan niya? Teka nga, hindi ko maintindihan!”

Tinabihan ko siya sa sofa. Kahit pagod ako, nagawa ko pa rin talagang magkwento sa kanya. Knowing Kristine, wala siyang papalampasin na detalye. At alam kong hindi ako papatulugin nito hanggat hind ako nakakapagreport sa kanya.

“I feel relieved! Akala ko talaga nagpatalo ka na suso na yon! Ibang laro naman pala ang tinutukoy mo. Teka, anong nangyari nung nagkita na kayo?”

“Ayun, napatunayan ko lang na slow siyang talaga. Hindi nga niya ako nakilala. Iniisip niya na magkaibang tao ang ex ni Ross at ako. Bobita!”

Hindi pa nakuntento si Kristine sa pagtawa at nagawa pa niya talaga akong hampas hampasin. Bawian ko kaya to?

“I knew it friend! Unang kita ko pa lang sa Jessica na yun, obvious na slow talaga. Wala kasing ibang alam kundi magpaputi ng magpaputi, eh hiram lang naman.”

Natigil siya sa pagtawa nang mapansin niyang tahimik lang ako at hindi nakikitawa sa kanya.

“Huy! Hindi ka ba makamove on sa pagkatalo nyo ni Bryce sa larong iyon? Hindi ka ngumingiti kanina pa.”

I took a deep breath.

“Eh kasi naman friend! Nakakainis ang pagkaslow niya! Andun na ako eh, excited na ako na mangyayari na yung TheGirlfriend meets the Ex-Girlfriend tapos biglang boom! Hindi ko matanggap, na all this time ng pagpaplano natin, isang bobita lang pala ang kalaban ko. Friend, imagine ipinagpalit ako ni Ross sa ganung klaseng babae?!”

Pagkatapos kong magemote sa kanya, tawa pa rin siya ng tawa.

“Diba? Nakakainis sa pride ko bilang babae,” dagdag ko.

“So what is your plan then?” tanong niya.

“Aalis na ako sa apartment niya!”