Kristine's POV
In order for our plan to work, kailangan malaman ko ang details ng reunion. Maaring si Ross nga ang may pakana but I'm pretty sure hindi niya kayang i-organize mag-isa ang event na yon. Since ako naman ang member sa group nila at hindi si Cyrah, madali kong nalaman ang mga detalye. I can still remember Cyrah's face when I told her about that group and when she discovered that Ross is now engaged.
Ayoko naman talagang sabihin kay Cyrah. I mean, alam ko kasi na masasaktan lang siya sa malalaman niya. She keeps on denying na wala na siyang feelings kay Ross but I know, meron pa. Eh kasi hindi ka naman masasaktan kung wala ka ng nararamdaman diba? But with Cyrah, banggitin ko lang ang pangalang Ross, sari saring emosyon na ang maglalaro sa babaeng yan.
Actually, hindi ko naman talaga nasubaybayan ang love story ng dalawang yan. Eh college naman naging sila. Hindi naman kami nagkakatext ni Cyrah noong college, kasi different schools din kami. Hanggang sa nagkaroon ng opening sa banko na pinagtatrabahuhan ko and bigla ko na lang siyang nakita sa News Feeds sa Facebook. I asked her if she's interested and she said yes. So, simula noon, we tried to catch things up. Kung ano na nga ba ang nangyari sa bawat isa. I was shocked na naging sila pala ni Ross, at hindi lang basta naging sila. She even told me na napagplanuhan na nila ang pagpapakasal. It's just that kailangan lang umalis ni Ross kasi kailangan ng pamilya niya.
Kaya heto ako ngayon, helping her na mabawi kung ano ang dapat sa kanya. I am on her side of course. What friends are for?
I learned na si Rex pala ang katulong ni Ross. Now he's making these things easier for me. Rex and I were classmates on our junior year and take note, close kaming dalawa. Naging girlfriend kasi ni Rex ang cousin ko noon.
"Kristine, remember?" sabi ko kay Rex habang kausap ko siya sa phone. I got his number from my cousin. May balak pa atang magbalikan ang dalawa but anyway that's not my concern.
"Oo naman, natatandaan pa kita, ikaw pa! Kamusta na?"
"Im good. Im good. I heard may pinaplano ang grupo ninyo na reunion, right?"
Umupo ako sa couch and took a bite on my favorite cookie.
"Oo. Actually, kay Ross na idea yon and since gusto ko din namang makita ang mga classmates namin dati, heto at tinutulungan ko siyang mag-organize", sagot ni Rex.
"Oh I see."
"Kaso wala pa akong makitang resort eh", may himig ng lungkot sa boses niya.
See? Kahit ang tadhana sumasang-ayon sa mga pangyayari. Napangiti ako sa sinabi niya.
"Resort lang ba?" tanong ko na may halong tawa. "Your problem is now solved! May kakilala ako and I'm sure he will give you big discount."
"Really? That's great!"
"Yeah in fact, baka nga libre pa eh", sabi ko habang naglalaro na sa isip ko ang mga scenario. Hindi na rin mapawi ang ngiti sa labi ko.
"Thank you talaga Kristine! By the way, nabanggit ni Dexter sa akin that he invited you, sana nga makasama ka."
Binago ko ang tono ng boses ko.
"Uhmm.. I don't know. Busy kasi ako eh, gusto ko lang talagang makatulong", sabi ko. Totoo naman ang sinabi ko, gusto ko talagang makatulong. Gusto kong makatulong kay Cyrah!
"Ganun ba? Sana magbago pa ang isip mo."
"Tatawagan na lang ulit kita pag nakausap ko na yung may ari ng resort."
Ngayon pa lang excited na ako sa mga mangyayari. I am excited to witness everything.
"Don't you know the word busy?" papalabas si Cyrah sa kwarto niya habang halos sigawan na niya ang kausap niya at may idea ako kung sino yon. Umupo siya sa couch at hindi ko inaalis sa kanya ang tingin ko.
"Ni hindi ko nga alam na may group na pala kayo. I am not even invited to be a member and now you're asking me to attend at your reunion?!"
Napakunot ang noo ko nang makitang salubong na naman ang kilay niya so I mouthed "COOL". Nakuha naman niya ang ibig kong sabihin kaya nagbago ang facial expression niya.
"So that explains why. It's about your GIRLFRIEND again", bigay diin niya sa salitang girlfriend. Mababa na ang tono niya sa pagsasalita.
I mouthed again "I told you so!" Para kaming tanga, nagtitigan.
"Ano natatakot ka na naman sa kanya?" Pasigaw na naman siya. Ramdam ko ang galit sa boses ni Cyrah. Hindi ko lang alam kung pansin yon ng lalaking kausap niya.
She rolled her eyes and took a deep breath. "I have to go. Hindi ako aattend and that's final. Enjoy", then she ended the call.
"Kailan mo kaya mamamanage ang emotions mo pagdating sa lalaking yon?" tanong ko kay Cyrah.
"Kaya ko naman ah", sagot niya at kumuha siya ng cookie sa lalagyan.
"Oo nga, kitang kita ko nga eh. Kung wala ako dito baka kung anu ano ng mga salita ang nabitawan mo."
Kumuha siya ng throw pillow at inilagay sa lap niya.
"Eh naiinis kasi ako! You know how much I hate that guy!"
"Yeah and I know how much you love him", mahina kong sagot.
Tinitigan niya ako.
"Cyrah, yun na nga eh, naiinis ka. Malimit kang mainis sa kanya, at kapag nangyayari yon, nawawala ka na sa sarili mo. Nagiging impulsive ka na. You should learn to control your temper and your emotions as well. Hindi pwedeng palaging kang galit sa kanya."
"Eh galit naman talaga ako eh", she butt in.
"Okay, andun na ako. Galit ka kaya nga dapat hindi mo ipakita sa kanya na galit ka. Stay cool! Gusto mo pa yatang turuan pa kita. How To Be Cool 101."
Ngumiti siya sa sinabi ko.
"Ikaw? How did you do it?" tanong niya.
"Do what?"
"Being cool all the time."
Nginitian ko siya. "Because I'm awesome."
Tumawa siya.
"Anyway, magready ka na dahil nakausap ko na si Rex and I told him about the resort."
"Gusto ko yan!"
**
Naayos ko na ang lahat. Sa Villa del Pueblo, sa Batangas ang resort na sinasabi ko. I got it for free.
"Ready?" I asked Cyrah.
Nakaimpake na naman kami for this outing. I'm asking her kung ready na ba siyang makita si Ross dahil kung titingnan nyo si Cyrah ngayon, ayun tulala. Nakaupo siya sa kama habang nasa sahig ang bag niya.
"CYRAH!"
"I can feel it Kristine", sabi niya habang tulala pa din. "I can feel our victory!" Unti unti niya akong tiningnan.
Napabuntong hininga ako.
"Hay Cyrah! Akala ko pa naman kung anong ieemote mo. I even thought na magbaback out ka?!" Tinabihan ko siya sa kama.
"Back out? Ni hindi nga sumagi sa isip ko yun eh."
"So pano? Let's go?"
**
CYRAH'S POV
I can feel it. I can really feel it. I can feel that I am shaking inside and it might kill me. Pero syempre hindi ako pwedeng mamatay. Madami pa akong plano at simula pa lang ito. Nakasakay kami ni Kristine sa kotse ni Simon, and now we are heading to Villa del Pueblo.
Thank God nasa unahan si Kristine. Hindi niya naman siguro nakikita ang mukha ko. Kinakabahan din naman ako, but I know there should be no room for this feelings. Kailangan kong maipakita kay Ross na okay ako. That's he's nothing but a total jerk.
May lumabas agad na guard mula sa resort nang dumating kami at ginabayan si Simon sa pagpapark ng kotse.
"Good afternoon, Sir!" bati ng guard. "Ma'am", sa amin naman ni Kristine ng makababa kami sa kotse.
Tumingin ako sa paligid. Iba't ibang klase ng sasakyan ang nakapark. Lahat magaganda. Sigurado ako sa mga classmates ko ito. Si Ross kaya nandito na? Bakit ko ba siya hinahanap?
Simply because, siya ang biktima namin ni Kristine kaya dapat nandito na talaga siya. Yun lang yon.
"Kanina pa ba sila dito?" tanong ni Kristine sa guard. Alam naman ni Manong guard ang tinutukoy ni Kristine kasi private resort ito.
"Opo Ma'am. Kanina pa po silang umaga dito."
"Good. Thanks", at nginitian ni Kristine si Manong guard. "Let's go friend!" at ikinawit ni Kristine ang braso niya sa akin. Kasunod namin si Simon.
"CYRAH!" tawag nila.
Lumapit sila sa akin at nakipagbeso.
"Hi Kristine!" bati nila kay Kristine.
Halos hindi ko na rin makilala yung iba kasi yung iba hindi naman sumama sa last reunion namin so matagal tagal ko na din silang hindi nakita. Yung iba naman nakikita ko na tong mga 'to sa facebook. I know who got fat and who's not. Haha!
"We really thought na hindi kayo makakarating!" sabi ni Dexter.
I was about to say something nang may magsalita ng mahina.
"Baka walang pang-ambag kaya late entrance", bulong ni Mae sa babaeng katabi niya at sabay pa silang tumawa ng mahina.
Sinulyapan ko silang dalawa. I may look calm but at the back of my mind, nasaksak ko na siya. I just smiled, sabi nga ni Kristine, "stay cool".
"By the way guys, this is Simon del Pueblo, Kristine's boyfriend", pakilala ko kay Simon na nakahawak sa kamay ni Kristine.
"Simon del Pueblo?" tanong ni Rex. "So you're the reason why we got this resort for free?!" masaya niyang tanong. "I'm Rex", pakilala niya agad.
"Nice to meet you", at kinamayan siya ni Simon.
"FREE??" bulalas ni Mae.
"Yes, free. Hindi nyo ba napansin? Hindi ko naman kayo siningilan diba? Kasi nga Kristine helped me to get a resort and can you believe it? Yung ganito kaganda at kososyal na resort! It's for free!" paliwanag ni Rex.
"I'm Mae", pakilala ni Mae kay Simon at nakipagkamay pa. May halong pacute pa nga ata. Hindi pa rin siya nagbabago. Mabuti na lang may baon akong alcohol, bibigyan ko na lang si Simon mamaya.
"Simon?"
I heard a voice from behind at hindi ako pwedeng magkamali kung kaninong boses yon. Hindi ko maintindihan kung bakit pagkarinig ko ng boses na yon, naging abnormal na ang tibok ng puso ko. Parang may kung anong naghahabulan sa loob. Lumingon sina Simon at Kristine, except me. I can't even move!
"Ross? Dude! Long time no see! So totoo nga ang balita? Umuwi ka na!" sabi ni Simon. So magkakilala sila huh? Small world.
Naramdaman ko ang paghakbang niya papalapit.
"Noong isang araw lang", that voice again. "Cyrah?" That's my name right?
Unti unti akong lumingon and there he is! Ano bang ginawa niya sa ibang bansa? Nagtrabaho ba talaga siya? Bakit mas gumanda ang built ng katawan niya? He's wearing a sando which exposing his muscles and a shorts.
"I'm really glad you came", sabi pa niya.
Smile Cyrah. Smile.
"No biggie. I realized gusto ko kasing makita ang barkada and Dexter was right, it's been a long time." Nagawa ko yung sabihin smoothly and with a smile. I can see Kristine is just staring at us.
"You're right. It's been a long time", ulit niya sa sinabi ko habang busy ang mga mata niya sa pagtitig sa mga mata ko. Wala naman siyang ibang ibig sabihin sa mga salitang yon diba?