noveltoon logo noveltoon
Blackmail Bargain

Chapter 13

Ch. 14 / 42 Feb 05, 2022

ROSS’ POV

Ikinagulat ko ang pagtawag ni Cyrah while Jessica and I are having our date. Cyrah never called me first since.. urgh! Since we had that b-break up. Ako ang palaging unang nagtetext o tumatawag sa kanya. Hindi ko maaring sagutin ang tawag niya kaya naman pasimple kong kinansel yon.

Hi lover boy! Meet me at MARU. Asap.

Hindi pa siya nakuntento sa pagtawag, nagtext pa. Why? Walang available sa mga lalaking nalilink sa kanya kaya ako ang kukulitin niya?

i'm currently having a romantic dinner date with my girlfriend, go find another guy.

I just hope she got what I mean.

She sent me a picture of… WHAT?!

This one was taken at the resort! Namutla ata ako sa nakita ko pero agad din akong nakabawi. I read the caption and deleted the picture. I sent her a message secretly.

The option delete item was made not to talk about something stupid like this image you sent.

“May problema ba?” tanong ni Jessica. Napansin niya pala ang bigla kong pagtahimik.

Umiling ako at sinabayan na siyang kumain.

Mas ikinagulat ko nang marinig ko ang boses niya makalipas ang ilang minuto. Kasama pa niya si Kristine. Gusto pa atang makishare eh ang dami namang bakanteng mesa, at pinagkamalan pa niyang artista si Jessica. Well, maybe because she’s pretty that’s why.

“Ah alam ko na! Dun sa ‘Matakot Ka sa Karma’!” sabi ni Cyrah.

“Friend, ‘Matakot ka sa Kulam’ yon,” sabi naman ni Kristine.

“Ay! Mali pala ako. Akala ko nga din ‘Snakes on a Plane’. Anyway, can you take us a picture?”

Iniabot niya sa akin ang phone niya at muntik ko na itong mabitiwan nang makita ko ang wallpaper niya. Napatingin agad ako kay Jessica checking if she saw the picture too, pero masyado siyang preoccupied sa mga sinasabi nina Cyrah at Kristine.

“Ross? Okay ka lang? Hindi ka ba marunong kumuha ng pictures? Madali lang yon,” sabi ni Cyrah. I know what she means.

“I’m sorry, pero hindi ako artista,” sa wakas ay sabi ni Jessica.

Nang masabi ng girlfriend ko yon ay nagpaalam na sila. Nakahinga ako ng maluwag na mawala sila sa paningin ko but I texted her and she replied.

I just want you to know what can I do if you continue being hard headed, pag sinabi kong mag meet tayo sa gnitong place mag memeet tayo!

DAMN!

Agad akong nagpaalam kay Jessica na magcCR lang ako sandali. Lumabas ako at agad ko naman nakita si Cyrah. Hinila ko siya papunta sa isang tabi. I want to know what she’s up to. I can’t believe kasabwat pa ata niya si Kristine at wala man lang yatang idea si Simon sa ginagawa ng girlfriend niya!

“At least I don't cheat on my boyfriend. Saka ka na magsumbong kapag nakikita mong gumagawa ako ng milagro," sagot ni Kristine. Yan linya na yan ang binigyang diin niya. Ano ba ang gustong mangyari ng magkaibigan na ito?

And those pictures? Pinlano nila ang lahat ng ito! At ngayon gusto niyang pagusapan ang tungkol sa mga yon?! I can’t! My girlfriend is waiting for me inside but she’s determined na iwan ko ang girlfriend ko at sumama sa kanya.

She can’t blackmail me with those pictures, can she?

Wala akong nagawa kundi sumama sa kanya or should I say sumama siya sa akin papunta sa kotse ko. May binanggit pa siyang lalaki nang naging topic namin ang kotse. Ipinagmamalaki niya sa akin ang lalaking yon? Eh di dun siya sumama!

“You are my choice at wala ka ng magagawa doon!” sagot niya.

I am her choice? Choice for what? This blackmail shit!

Inalalayan ko pa siya sa pagupo ng makarating kami sa Korean restaurant. She’s acting really weird. Sinabi pa niya na ako na ang umorder para sa kanya. Yeah, I still remember her favorites. Hindi naman ganung kadaling kalimutan yon.

“Eat. Ang payat payat mo!” utos niya.

Ako? Payat? This young woman doesn’t know how to appreciate hunks , does she? Or maybe she just said that in purpose. Alam naman niya noon na siya ang dahilan kung bakit ako nagpursue na iimprove ang built ng katawan ko. She keeps on teasing me na payat ako at hindi ko daw siya mapoprotektahan.

“Ano bang kailangan mo sa akin?” tanong ko para matapos na ito.

“Simple lang. Kailangan mo akong paglingkuran,” sagot niya.

“WHAT?!”

Paglingkuran? Ginawa ko na sa kanya yon noon? Hindi pa ba siya kuntento?

“Susundin mo lahat ng gusto ko.”

“At bakit ko naman gagawin yon?”

“Because you have no choice.”

“No. Because you left me with no choice!”

“Natural! Ako lang ang may karapatang mamili. At kapag hindi mo sinunod ang utos ko, alam mo na kung anong mangyayari.”

Why do I find her sexy kapag nagtataray siya noon? At ngayon ganun pa din ang dating kapag nagiging dominante siya?

Sinabi niya na isasama daw niya ako sa isang kasalan at pinipilit niya na wala akong choice kundi sumama sa kanya. Umalis ako sandali para magCR at pagbalik ko umalis na din kami sa restaurant.

At kapag talagang sineswerte ka! Malakas ang ulan nang lumabas kami. Nagulat ako ng bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko. Hinila niya ako at sinugod namin ang malakas na ulan. Agad kong kinuha ang susi sa bulsa ng pants ko at halos itulak ko sa loob si Cyrah papasok sa kotse nang mabuksan ko iyon. Basang basa na siya ng ulan, kaming dalawa actually pero hindi ko iniisip ang sarili ko. Mas iniisip ko siya.

Naalala ko ang towel na naiwan ng kapatid ko at iniabot ko sa kanya para tuyuin ang sarili niya sinigawan ko pa siya dahil sa pagsugod sa ulan. Pero nang tingnan ko siya, nakangiti lang siya.

“Ang saya nga eh! Hindi ka ba nag enjoy? Grabe, Elementary pa ata ako nung huli kong ginawa yon!”

Nakatitig lang ako habang pinagmamasdan ko siya. Happiness and excitement were written all over her face and I smiled secretly ng makita ko siyang ganun.

Kumuha ako ng extra Tshirt ko at iniabot sa kanya.

“Kapag sinabi kong magpapalit ka, magpapalit ka!”

Nababasa ko ang iniisip niya at gusto kong matawa dahil kanina ko pa nararamdaman ang ibinibintang niya!

“Kung iniisip mo na gusto kitang pagnasaan, nagkakamali ka. Kanina ko pa ginagawa yon, kaya magpalit ka na.”

Nang makapagpalit siya ay binuksan niya ang stereo pero agad din niyang pinatay when she recognized the song.

It’s our song. Nakatitig lang ako sa stereo at hindi ako sigurado kung yun din ang ginagawa niya. Inihatid ko na siya pauwi.

I switched my phone from silent to general nang makarating ako sa bahay. Nagshower ako hindi dahil sa natatakot akong magkasakit kundi upang mabawasan ang init na nararamdaman ko. I know it’s weird na malakas ang ulan pero nagiinit ako. Thinking about Cyrah makes it more hot. Idagdag pa ang pagtugtog ng favorite song namin noon. It only bring backs memories and I need to erase it.

Narinig kong tumunog ang phone ko.

Sunday morning rain is falling

Steal some covers share some skin

Clouds are shrouding us in moments unforgettable

You twist to fit the mold that I am in

But things just get so crazy living life gets hard to do

And I would gladly hit the road get up and go if I knew

That someday it would lead me back to you

That someday it would lead me back to you

That may be all I need

In darkness she is all I see

Come and rest your bones with me

Driving slow on sunday morning

And I never want to leave

Nang lumabas ako ng banyo, I read on the screen that it was Jessica. I answered her call.

“Hello.”

“Thank God, ikaw ang sumagot,” sabi niya.

“Why? May iba ka bang ineexpect na sasagot ng phone ko?” nagtataka kong tanong.

“Babae ang sumagot ng phone mo kanina at kulang na lang isipin ko na kaya mo ako iniwan kanina sa Resorts World kasi may kadate ka ng iba.”

Napalunok ako sa sinabi niya. May babaeng sumagot sa phone ko?

Sh*t! It must be Cyrah!

“A-Ahh. Si Kyla yon. Ipinahawak ko kasi sa kanya ang phone ko kanina,” palusot ko.

“Ganun ba? Is everything okay? Sabi mo may emergency diba?”

“Yah. Everything is fine.”

Napapikit ako nang matapos kaming magusap. Muntik na yon. Damn Cyrah!

**

Bumawi naman ako nang mga sumunod na araw kay Jessica. Magkasama kami buong araw. Masaya ako na napapasaya ko siya.

“Masaya ka ba sa piling ko?” tanong ko sa kanya habang nakaupo kami sa couch nila. Ipinakilala na kasi ako ni Jessica sa mga magulang niya kaya legal na kami sa kanila. Pero hindi ko pa siya naipapakilala sa bahay. Dadating din kami doon. Soon.

“Oo naman. I couldn’t be any happier,” sagot niya at humilig siya sa balikat ko. I held her hands. “Masaya ako na dumating ka sa buhay ko. Ikaw? Are you happy?”

I looked her in the eyes.

“Yes of course. Masaya din ako. I’m so lucky na mahal mo ako,” sagot ko.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin. She closed her eyes and I slowly claimed her lips. Ikinawit niya ang braso niya sa leeg ko that made me pull her closer.

Sunday morning rain is falling

Steal some covers share some skin

Clouds are shrouding us in moments unforgettable

You twist to fit the mold that I am in

But things just get so crazy living life gets hard to do

And I would gladly hit the road get up and go if I knew

That someday it would lead me back to you

That someday it would lead me back to you

Inilayo niya ang katawan niya sa akin dahil sa walang tigil na pagtunog ng phone ko. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at kinabahan sa nabasa kong tumatawag.

Cyrah calling..

Ano na naman ang kailangan ng babaeng ito??

“Anything wrong? Sinong tumatawag?” tanong ni Jessica.

“S-si Kyla,” pagsisinungaling ko at sinagot ko ang tawag. “WHAT?!”

“Diba may pinagusapan na tayo? Kaunin mo na ako dito sa apartment. Kailangan ko ng serbisyo mo!”

SERBISYO??