noveltoon logo noveltoon
Blackmail Bargain

Chapter 32

Ch. 33 / 42 Feb 05, 2022

CYRAH’S POV

Naramdaman kong sumusunod sa likod ko si Ross pero ipinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad papalapit sa apartment.

Nanlaki ang mga mata nung babaeng tinatawag ni Ross na Janine nang makita niya kaming papalapit ni Ross.

“So it’s true?! Iisang babae nga lang ang tinutukoy ni Jessica,” sabi nung Janine.

Akmang sasagot si Ross pero hindi ko siya binigyan ng pagkakataon.

“So it’s true, slow talaga ang babaeng yon?” sagot ko naman sa kanya.

“Napakalandi mo!” akusa niya sa akin. “Wala kang karapatang tawaging slow ang kaibigan ko!”

“Janine, let me explain,” singit ni Ross.

Napaurong ata ang ihi ko sa sinabi niya sa akin.

“Wala ka ring karapatang tawagin akong malandi. Hindi mo ata alam ang ibig sabihin noon? O baka naman gusto mong ipakita sayo?” hamon ko sa kanya.

“Ang kakapal ng mukha ninyong dalawa! Wala kayong karapatang saktan ang kaibigan ko! Lalong lalo ka na Ross, my bestfriend loves you so much!”

“Janine, it’s not what you think. I can explain, just let me,” pakiusap ni Ross.

“At ikaw na babae ka, bakit ba pinipilit mong isiksik ang sarili mo sa buhay ni Ross? Matagal na kayong tapos diba? Bakit ba hindi mo pa siya tantanan?!”

“Janine, please,” si Ross.

Nagpakawala ako ng isang nakakaasar na tawa.

“Trust me darling, you are barking at the wrong tree.”

“Wrong tree, wrong tree! Letse, mukha kang puno!” sigaw ni Janine. Ghad, I can’t believe nagbabalak talaga siyang mageskandalo!

“At mukha kang aso,” sagot ko naman sa kanya. Masyado akong maganda para magpatalo at magpakastress sa kanya.

“Walangya ka!”

Akmang susugudin niya ako pero mabilis si Ross at naharang niya agad ang babaeng mukhang aso. Naglakad ako papalapit sa pinto at bago ko ito tuluyang buksan, may ibinilin ako kay Ross.

“Ross, please ilayo mo na ang babaeng yan. Mahirap na, baka may rabbies pa,” at nagdiretso na ako sa loob.

“Cyrah!” galit na tawag ni Ross, pero hindi ko na siya pinansin pa at isinara ko ang pinto.

Hindi ata nainform ni Jessica ang babaeng yon kung gaano ako ka-bitch. Pumasok agad ako sa banyo. Mamaya niyan magkasakit pa ako sa bato noh!

Ilang minuto lang pagkapalabas ko ng banyo, narinig kong may umandar ng sasakyan papalayo at di nagtagal pumasok na sa loob ng apartment si Ross.

Naupo ako sa sofa at binuksan ko ang ipad ko. Nagpanggap na lang akong nagbabrowse ng kung anu-ano at hindi ko pinansin si Ross kahit kanina pa siya palakad lakad sa harapan ko.

“Hindi mo siya kailangang bastusin ng ganun,” umpisa niya.

Langya, ako ba ang nag-umpisa?

Nag-angat ako ng tingin. Magkasalubong ang kilay niya. At siya pa talaga ang dapat magalit? Eh ni hindi nga niya ako ipinagtanggol eh! Ibinalik ko ang tingin ko sa ipad.

“What’s wrong with you Cyrah! Hindi ka naman dating ganun!”

Shit ka Ross, wag mo akong pilitin na patulan ka! I swear magsisisi ka!

“Where is the old Cyrah?”

This time mababa na ang boses niya. Pabulong.

“Patay na,” sagot ko. Pabulong din.

Panay pa din ang browse ko at hindi ko siya tinitingnan.

“So lumabas din, nagbago ka nga talaga.”

Ipinatong ko sa tabi ko ang ipad ko kasi punong puno na ako sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. Tumayo din ako at hinarap ko siya.

“Hindi ka ba talaga titigil sa pag-akusa sa akin na nagbago na ako? Pwes , oo Ross! Nagbago na ako. Malaking malaki na nga ang ipinagbago ko. Huwag ka ng magulat kasi bakit hindi? Anong gusto mo? Manatili ako sa old Cyrah na head over heels sayo?! Sa dating Cyrah na mahal na mahal ka at gagawin ang lahat para sayo?! Na kahit sinasaktan mo eh ok lang. Sa Cyrah na matagal na naghintay sa pagbabalik mo! Wala na Ross. Wala na ang Cyrah na nakilala mo. Matagal na siyang wala. Tama sila. Nagbago na ako. Masaya ka na?!”

Nanginginig ako habang binibitiwan ko ang mga salitang yon. Sa wakas, nasabi ko na rin sa mukha niya. Kasabay noon, nagbago ang expression ng mukha niya. Kung hindi ako nagkakamali, lungkot ang nababasa ko. Naghihintay ako ng sagot mula sa kanya pero nagulat ako ng bigla na lang niya akong yakapin.

Hindi ka iiyak, Cyrah, utos ko sa sarili ko. Matapang ka. Yakap lang ni Ross yan.

Sus, maliit na bagay.

Pero habang tumatagal, pahigpit ng pahigpit ang yakap niya. At sa sobrang higpit, nahihirapan akong makawala.

“I’m sorry na nasaktan kita noon. I’m really sorry. Aayusin ko ang lahat. Pangako,” bulong niya at naramdaman kong dumampi ang labi niya sa buhok ko. Unti unti na rin lumuwag ang yakap niya at tuluyan niya akong pinakawalan.

*********

Mag-isa akong natulog sa kwarto kagabi. Nagisnan ko si Ross na natutulog sa sofa. Agad naman akong umalis at baka magising pa siya.

“I’m complicated,” sabi ko kay Bryce.

He texted me this morning at nagyayang magbreakfast. Nagkita kami sa restaurant malapit sa banko na pinagtatrabahuhan ko.

“I know,” sagot niya.

“But you still like me??”

“Oo naman.”

“Madami akong issues sa buhay. Mabilis magbago ang isip ko. Minsan insensitive din ako. Hindi ka ba natatakot?”

“Natatakot saan?”

“Na masaktan kita.”

“Hindi pa ba?” pagbibiro nya.

Right. Nasasaktan ko na nga pala siya. See? I told you, I’m insensitive.

“I’m sorry.”

“No, I’m just kidding. Hindi naman mawawala yun. The pain will always be there. Pero hindi ako matatakot.”

“But I am. I am afraid na mas masaktan pa kita.”

“That’s why I’m here to ease your fears.”

“I’m sorry na nasaktan kita noon. I’m really sorry. Aayusin ko ang lahat. Pangako.”

No Cyrah. Stop thinking about him. Huwag kang maniwala sa mga binitiwan niyang salita kagabi. Wala lang yon.

Ngiti ang isinagot ko kay Bryce. Inihatid niya ako sa banko matapos naming kumain. At pagdating ng hapon sa apartment namin ni Kristine ako tumuloy. Hindi kasi siya pumasok sa trabaho. May sakit daw. When I checked my phone, wala namang messages at missed calls from Ross. I knew it. Wala lang talagang ibig sabihin ang lahat ng sinabi niya kagabi.

“Hindi ko natapos yung teleserye kagabi, badtrip,” sabi ni Kristine habang nakahiga siya sa sofa.

“May sakit ka ba talaga? O gusto mo lang maglambing dyan kay Symon? May paabsent absent ka pa sa trabaho!” singhal ko sa kanya.

Tinapunan ko naman ng tingin si Symon na nagluluto sa kusina.

“So ano na ang nangyari kay Gabriel?”

Langya! Nagdidiliryo na nga ata itong kaibigan ko ah! Sino si Gabriel?!

“Nakadrugs ka ba? Sino si Gabriel??”

“Yung pinapanood ko kagabi. Yung lalaking malandi na may jowa na nga eh lumalandi pa sa iba! Tapos sinundo ka pa dito kagabi diba?”

“Alam mo Kristine, mas nakakaloka ka talaga kapag may sakit ka. Kung anu ano ang pinagsasabi mo!”

“So ano nga?”

“Wala. Umuwi lang kami sa apartment niya,” tipid kong sagot.

Bigla na lang bumangon si Kristine sa pagkakahiga.

“Hoy babae ka! Kilala kita kapag nagsisinungaling ka. May nangyari noh?”

“Walang nangyari, ano ka ba?”

“Eh bakit parang ang lungkot lungkot mo? Kasi walang nangyari?”

“Sira! Pero kidding aside, friend kailangan ko na talagang lumayo kay Ross,” pag-amin ko sa kanya.

“At bakit?!”

Nagulat ako sa reaksyon niya. Parang ayaw niya??

“At bakit naman hindi??”

“Eehh kasi, ano.. kasi matatalo ka ni Ms. Prim and Proper sige ka!”

“That snail? I don’t care.”

“Sigurado ka na ba? O dahil ba kay Bryce?

“Bryce is really nice at ayokong masaktan ko siya. I just need time to think.”

“Eh pano na yung video na hawak ni Ross?”

“Tingin ko hindi naman niya gagawin yung mga sinabi niya.”

Panay pa ding ang check ko sa phone ko.

Seriously?? Hindi talaga siya magpaparamdam??

"Paano ka naman nakakasigurado na hindi niya gagawin yon?"

"Aminado na siya na nasaktan niya ako noon, sigurado ako na hindi siya gagawa ng bagay na alam niyang ikagagalit ko."

"Sinabi na niya na mahal ka pa din niya?" tanong ni Kristine at halatang halata ang excitement sa boses niya. Halatang halata naman sa mukha ko ang pagkalito.

"Huh?? Bakit naman niya sasabihin yon? Magpadala ka na kaya sa hospital. Kung ano ano na ang sinasabi mo eh!"

"Eh sabi mo kasi aminado na siya na nasaktan ka niya noon. Eh ano pa ba ang kasunod noon?"

Kasunod? Mahigpit na yakap at halik sa buhok. Yun.

"Wala. Dapat ba yung iniisip mo kaagad ang kasunod?" tanong ko. "Eh ni hindi nga siya nagpaparamdam buong araw eh," bulong ko.

Sumagot si Kristine at nagtaka ako kasi pabulong din ang sagot niya.

"Hindi pa rin ba? Eh sino yang lalaking nakatayo sa may pintuan?"