WHOA!
Nagulat ako nang bigla na lang may humila sa akin palayo kay Kristine.
"HEY!" sigaw ni Kristine at sumunod siya sa amin ng lalaking kasama ko. Tumigil kami sa isang tabi kung saan siguradong hindi makikita ng mga taong lalabas ng Resorts World.
"Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?" galit na tanong ni Ross. Hindi lang sa boses niya mararamdaman kundi na rin makikita sa kanyang mga mata.
"Gusto mo talagang malaman? Una, gusto kong bitiwan mo ang braso ko dahil ang sakit sakit na!"
Hindi pa rin niya binibitiwan ang braso ko.
"Pag hindi mo ako binitiwan, sisigaw ako ng rape!"
Napako naman ang tingin ni Kristine sa akin.
"Ah.. Ano, Hold-up na lang. Tama! Sisigaw ako pag di mo ako binitiwan!" bawi ko.
Agad naman niya akong binitiwan. Binalingan niya si Kristine.
"Kristine, kasama ka ba sa kalokohan na to? Alam ba ni Simon ang mga ginagawa mo?" sigaw niya.
Aba't! Si Kristine pa ata ang balak i-blackmail!
Haplos haplos ko ngayon ang braso kong hawak niya kanina.
"HOY! Pangalawa, ang gusto ko, wag na wag mong masigaw sigawan ang kaibigan ko!" sabi ko kay Ross at itinulak ko siya sa dibdib. Ang tigas!
"Bakit? Isusumbong mo ako kay Simon? Halika, sasamahan pa kita. As you can see naghahanap lang kami ng makakainan ni Cyrah, yun lang. At least I don't cheat on my boyfriend. Saka ka na magsumbong kapag nakikita mong gumagawa ako ng milagro," bigay diin ni Kristine.
Naglipat ang tingin niya sa aming magkaibigan.
"Tell me, paano ka nagkaroon ng pictures natin sa resort?" galit niyang tanong habang matalim ang mga matang nakatingin sa akin.
"I just hired the best photographer in town," sagot ko and Kristine crossed her arms and smiled.
Binalingan niya ulit si Kristine. Binura ni Kristine ang ngiti niya at nagayos ng tindig.
"That's ridiculous! Kung ganon pinlano mo ang lahat ng ito!"
Iniba ko ang tono ng pananalita ko.
“Napakajudgemental mo talaga! Gusto mo bang mapadali ang buhay mo? Halika na! May pag-uusapan tayo,” yaya ko kay Ross.
“I can’t leave. My girlfriend is waiting for me inside.”
Nagkatinginan kami ni Kristine.
“Eh kung hindi ka rin naman pala isa’t kalahating gago, mahigit sampung minuto na tayong naguusap dito. Pinaghihintay mo pa rin pala ang babaeng yon? Akala ko naman tinakasan mo na ng tuluyan. Tawagan mo siya. Tell her hindi ka na babalik sa loob,” utos ko sa kanya.
“No way! Hindi ko magagawa sa kanya yon.”
Pinagiinit talaga ako ng lalaking to. Pinagiinit ang ulo ko.
“Tatawagan mo ba ang girlfriend mo at papauwiin mo na siya magisa o ako ang papasok sa loob at ipagpapahili ko ang wallpaper sa cellphone ko? You choose!” hamon ko sa kanya.
Naniningkit na ang mata niya sa galit. Tinititigan lang namin siya ni Kristine and then I saw him dialled something.
“Hello, yeah. I’m sorry Jessica, I have to go. May emergency kasi.. No, no I’m okay. I’m sorry hindi na kita maihahatid pauwi..”
I mouthed “bye” to him.
“Yeah.. I love you.. bye.”
“Good boy. Let’s go,” yaya ko.
“Saan ba tayo pupunta?” tanong ni Ross.
“Sinabi ko na sa text diba?”
Humiwalay na si Kristine sa amin ni Ross. Naglakad kami papunta sa kotse niya. Nakatayo ako sa may pinto ng kotse.
“Get in,” utos niya.
Hindi ako natitinag sa pagkakatayo.
“Aaarggghh!”
That’s him.
Umikot siya at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse.
“Thanks,” sabi ko.
He started driving.
“Kaya ba ako ang kinukulit mo kasi ako ang may sasakyan?” tanong niya.
Bumaling ako sa kanya.
“May pagkamakapal talaga yang mukha mo noh? Do you remember Bryce? Bryce is a car racer. Kung ikukumpara mo itong kotse mo sa MGA kotse niya eh mahihiya kang talaga!”
“Wala akong kilalang Bryce! And the hell I care with your boys and their cars! Sa dami nila, hindi ko matatandaan lahat,” he answered sarcastically. “Yun naman pala, eh bakit hindi ka na lang sa Bryce na yon magpasama sa gusto mong puntahan?”
“You are my choice at wala ka ng magagawa doon!”
Nagpunta kami sa restaurant na sinabi ko sa kanya. Isa iyong Korean restaurant. Pumili na din kami ng table and this time sinigurado ko na good for two persons lang ang table. Nakatayo lang ako sa may upuan. Narinig ko siyang bumuntong hininga at lumapit sa akin para hilahin ang silya at alalayan akong umupo.
Ganyan nga Ross, learn how to be a gentleman!
Dumating ang waiter para kunin ang order namin.
“Umorder ka na,” utos ko.
“I’m not hungry.”
“Kapag sinabi kong umorder ka, oorder ka,” mababa lang ang tono ko.
“Kakakain ko lang sa date namin ni Jessica—“
Inilabas ko ang phone ko at tiningnan ko siya.
Umorder na kaagad siya.
“Ma’am?” tukoy sa akin ng waiter, waiting for my order.
“He knows my favorite,” sagot ko. “Iorder mo na rin ako,” baling ko kay Ross.
Wala siyang nagawa kundi orderin ang paborito ko and I am impressed that he still remembers my favorite foods kapag sa isang Korean restaurant kami kumakain.
Mabilis namang naiserve ang pagkain pero napansin ko na hindi ginagalaw ni Ross ang pagkain niya.
“Alam mo bang masamang tinititigan lang ang pagkain?”
“I told you, hindi ako gutom.”
“Eat. Ang payat payat mo!” sabi ko.
Nagulat siya sa sinabi ko. Syempre hindi totoo yon. Ang ganda nga ng built ng katawan niya eh. Mapangasar lang. Pero mukhang effective kasi nagsimula na siyang kumain.
“Kainin mo lahat yan. Para naman sulit ang pagbabayad mo,” sabi ko pa. Aba syempre alangan naman ako ang magbayad nito. Sineswerte siya!
“Ano bang kailangan mo sa akin?”
“Simple lang. Kailangan mo akong paglingkuran,” smooth kong sagot.
“WHAT?!”
“Susundin mo lahat ng gusto ko.”
“At bakit ko naman gagawin yon?”
“Because you have no choice.”
“No. Because you left me with no choice!”
“Natural! Ako lang ang may karapatang mamili. At kapag hindi mo sinunod ang utos ko, alam mo na kung anong mangyayari.”
“Cyrah, bakit ako??”
“Makulit ka rin. Sinabi ko na diba, you are my choice. Anyway, kasal ng pinsan ni Kristine sa isang araw—“
“Ikakasal na sina Rex at Gabby?”
“Bakit? Si Gabby lang ba ang pinsan ni Kristine? Atat ka, patapusin mo nga muna ako. Ikakasal ang pinsan ni Kristine sa isang araw. They invited me and I need company, at ikaw ang isasama ko.”
“Pwede ka namang magpunta sa kasal ng hindi ako kasama ah,” tutol niya.
“At pwede din akong magpunta sa kasal ng kasama ka kasi wala ka ngang choice. Kaya susunduin mo ako sa apartment namin ni Kristine.”
Tama naman talaga siya. Pwede akong pumunta ng hindi siya kasama kasi kasama ko naman si Kristine at Simon. Pero abay si Kristine at anong gagawin ko doon? Papanoorin maglampungan yung dalawa?
Nagpaalam si Ross na pupunta lang daw siya sandali sa CR. He left his phone on the table. Nagvibrate ito. Tiningnan ko kung sinong tumatawag.
Jessica calling..
Hmmm.. At dahil gumana ang aking pagiging pakielamera, kinuha ko ang phone niya at sinagot ito.
“Love,” bungad ng boses sa kabilang linya.
“Hello,” malambing kong sagot.
“Sino to?!!” nagiba ang anyo ng boses ng babae. “Asan si Ross?”
“Ah, he’s in the bathroom. Mamaya ka na lang tumawag. Bye,” at pinindot ko ang end button. Inilipag ko ulit ang phone niya sa table. Sakto namang kakalabas lang niya ng CR.
Niyaya ko na din siyang umuwi. Paglabas namin ng restaurant, bumubuhos pala ang malakas na ulan. Ang layo pa naman ng lugar kung saan ipinark ni Ross ang kotse niya. Hinawakan ko ang kamay niya at ganun pa rin ang reaksyon ng katawan ko. Parang may ilang boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko. Tiningnan ko siya at nakatitig siya sa akin. Ang gusto ko lang naman ay hilahin siya at takbuhin ang napakalakas na ulan. Nang makabawi ako sa naramdaman ko ay hinila ko na siya at tumakbo kaming dalawa.
“Cyrah! Malakas ang ulan!” sigaw niya pero wala siyang choice kundi sumabay sa pagtakbo ko.
Basang basa na kaming dalawa at hindi ko alintana yon. Tumigil kami sa tapat ng kotse niya at nagmadali siyang kunin ang susi ng kotse sa bulsa niya. Nang matanggal ang lock ay agad niya akong pinagbuksan ng pinto at halos itulak papasok sa loob. Nang makapasok na din siya at may hinanap siya sa likod. Iniabot niya sa akin ang isang maliit na towel.
“Mabuti na lang iniwan ito dito ng kapatid ko. Punasan mo ang sarili mo! Cyrah, ano bang iniisip mo? Bakit sinugod mo ang napakalakas na ulan? Paano kapag nagkasakit ka?!” daig pa niya ang mama ko kung murahin ako. Nakangiti lang ako sa kanya.
“Ang saya nga eh! Hindi ka ba nag enjoy? Grabe, Elementary pa ata ako nung huli kong ginawa yon!”
Napapailing lang siya at inagaw niya sa akin ang towel. Tinulungan niya akong matuyo ang buhok ko. Ang lapit lapit na niya sa akin.
“Basang basa ka rin,” sabi ko.
“Huwag mo akong intindihin. Hindi ako tatablan ng sakit. Choice mo to diba? Ikaw ang iniisip ko,” pagkasabi niya noon ay may iniabot siyang Tshirt sa akin.
“Magpalit ka ng damit,” utos niya. At siya na ang naguutos ngayon?
“I’m okay.”
“Kapag sinabi kong magpapalit ka, magpapalit ka!”
Ginaya niya lang ang tono ko kanina, but this time seryoso siya sa sinasabi niya. Teka nga, hindi kaya gusto lang nitong mamboso?
“Kung iniisip mo na gusto kitang pagnasaan, nagkakamali ka. Kanina ko pa ginagawa yon, kaya magpalit ka na.”
Ano? Pinagnanasaan nga niya ako?! Pervert talaga!
“What?! You can’t blame me! Sino bang nagutos na ganyan kaiksi ang isuot mo? And your.. DAMN!” tukoy niya sa cleavage ko at agad niyang nasabunot ang buhok niya. “Please, wear my Tshirt.”
“Hindi mo na mahahawakan yan,” bulong ko. Tukoy ko sa legs at sa iba pang parte ng katawan ko ng exposed.
Sinunod ko siya. Nakatalikod naman siya sa akin kaya malaya akong nakapagpalit ng damit.
“Okay na,” sabi ko. Biglang nawala ang lamig na nararamdaman ko kanina. Binuksan ko ang stereo ng kotse niya to ease the tension.
( Click on the right side for the background music )
Be the one
I know you’ll tell me everything
You are the one I cherish more than anything
I love you more than you’ll ever know
I love you more than you’ll ever see
More than my heart could ever show
I love you more than you’ll ever know
Agad kong pinatay ang stereo and agad akong may naalala.
**flashback**
“Kanina ka pa ba? I’m sorry pinaghintay kita,” paumanhin ni Ross. Simula ng nakaugalian na niya akong kaunin mula sa school, ngayon lang siya nalate.
“Hindi naman,” tipid kong sagot . “Saan ka ba galing?”
Umupo siya sa tabi ko. Nakaupo ako ngayon sa isang bench sa school. Hindi naman mahigpit sa University na pinapasukan ko kaya nakakapasok ang outsider and besides uwian na din naman, kaya wala ng masyadong tao.
Inilabas niya ang Ipod niya at inilagay sa tenga ko ang earphones.
“Nagtagal ako kasi dinownload ko pa ito,” paliwanag niya at nagsimula ng tumugtog ang musika mula sa Ipod niya.
Take my hand
We’ll walk a while, we’ll talk a while
Feel my love, always there beside you
Be the one
I know you’ll tell me everything
You are the one I cherish more than anything
I love you more than you’ll ever know
I love you more than you’ll ever see
More than my heart could ever show
I love you more than you’ll ever know
Think of me
And know that I’ll believe in you
There’ll always be this precious time together
With every tear
A love so strong, no words could ever say
A love to last forever
“Nagustuhan mo ba?” nakangiti niyang tanong.
Nakangiti din ako habang pinapakinggan ko ang tugtog. Tinanggal na niya ang earphones sa tenga ko nang matapos na ang kanta. Hinawakan niya ang kamay ko at bumulong.
“I love you more than you’ll ever know, Cyrah.”
Hinawakan ko siya sa pisngi and claimed his lips.
“I love you more, Ross,” sagot ko.
**end of flashback**
Nakita kong napako din ang tingin ni Ross sa stereo. Nang makabawi ay nagsimula na siyang magmaneho. Nang makarating sa apartment ay inihatid pa ako ni Ross hanggang sa may pinto.
“Salamat sa pagsama sa kin tonight,” paalam ko sa kanya. Tumigil na rin ang malakas na ulan. Pumasok na ako sa loob.
Matapos kong magshower ay narinig ko ang pagdating ng kotse ni Simon. Ngayon pa lang pala uuwi si Kristine. Nahiga na ako sa kama ko at nagpanggap na tulog. Sigurado ako na kukulitin ako ni Kristine tungkol sa nangyari ngayong gabi. Wala ako sa mood magkwento.
I closed my eyes and relaxed my mind. Pero relaxed nga bang matatawag yon kung patuloy pa ring nagpeplay sa utak ko ang musikang ito?
Take my hand
We’ll walk a while, we’ll talk a while
Feel my love, always there beside you
Be the one
I know you’ll tell me everything
You are the one I cherish more than anything
I love you more than you’ll ever know
I love you more than you’ll ever see
More than my heart could ever show
I love you more than you’ll ever know