“Guess who texted me last night?” nakangiti kong tanong kay Kristine. We’re hanging out at our favorite restaurant. Nauna akong dumating sa kanya kasi may aayusin pa daw siya. Pero hindi naman niya ako pinaghintay ng matagal.
Kumunot ang noo niya. Mukhang nag-iisip tapos unti unting mababasa ang pagkabigla sa mukha niya.
“No way!” sigaw niya sa akin habang umiiling pa siya.
“YES WAY!” may halo kong tawang sagot habang sunod sunod naman ang tango ko.
“Paano?” nagtataka niyang tanong.
Okay. You might be wondering kung sino nga ba ang pinaguusapan namin. Well, we are just talking about Ross. He texted me last night.
“I don’t know where did he get my number”, sagot ko.
“You mean, wala ka pang ginagawang move niyan?”
“Wala pa. You can’t blame me. Masyado yatang malakas ang alindog ko, lalong lalo na pagdating kay Ross”, confident kong sagot.
“Weh? Eh bakit kayo nagbreak?”
Banatan ba naman ako ng mga ganung tanong!
“Eh kasi hindi niya nga kinaya ang alindog ko! Hahahaha!” pagbibiro ko na lang. Alam naman talaga ng babaeng yan ang sagot, mapang asar lang talaga.
“Oh well, hindi mo ba tinanong kung saan niya kinuha?”
“Tinanong ko eh ayaw sabihin ng gago. Hindi ko na rin kinulit, ang mahalaga he texted me first.”
“Tuwang tuwa ka naman niyan?”
“Hmmm.. konti”, tipid kong sagot.
“Konti daw kaya pala ang lapad ng ngiti. Don’t tell me kinikilig ka when you received his text?”
Kumunot ang noo ko.
“Kilig kilig?! Baka batuhin ko siya ng cellphone ko!”
“Weh?”
“CYRAH!”
“Uy diba si ano yun. Ano ngang pangalan non?” tanong ni Kristine habang may tinitingnan sa likod ko. Lumingon naman ako.
“Dexter! Hi!” bati ko sa lalaking nakita ko at kumaway pa nga ako. Lumapit naman siya sa table namin ni Kristine.
“Ah ayun. Dexter nga pala name niya”, bulong ni Kristine.
“You remember Kristine right?” tanong ko.
“Oo naman. Classmates tayo nung 3rd year diba?” tanong ni Dexter habang kausap si Kristine.
“2nd year”, pagtatama ni Kristine.
“Right, 2nd year pala. Tagal mong di nagpapakita sa barkada ah!” tukoy niya sa akin.
Magkabarkada kami ni Dexter since highschool. Friend ko naman si Kristine since highschool. Magkaiba yun. Kasama din namin sa barkada si Ross. Eh bakit nasingit sa usapan si Ross? Psssh.
“Ah.. eh.. Busy lang kasi”, sagot ko.
“Ganun ba, sana naman hindi ka busy sa darating na reunion this April”, sabi ni Dexter.
“Reunion?”
“Our highschool reunion. Sama ka rin Kristine?” yaya niya sa katabi ko.
“Naku hindi na. Iba naman ang section ko noong senior na tayo”, tanggi ni Kristine.
“Eh ano naman? Ganun na din yun.”
Ngumiti lang si Kristine.
“I’ll check my sched”, sagot na lang niya.
Taray ng bruha. May pa sched sched pang nalalaman!
“Okay, basta ikaw Cyrah hindi ka pwedeng mawala ha?”
“Ako?”
“Oo. Ang tagal mo na ngang hindi nagpapakita sa barkada kaya hindi ka pwedeng mawala. Isa pa kapag wala ka, ikaw lang ang kulang.”
“You mean, dadating lahat? Pati sina Patrick, Crystal at Danny?” tanong ko. Lahat ng binanggit ko nasa abroad na classmate namin nung highschool.
“Oo naman. Kaya nga this April na yon. Inayos na nila ang paguwi nila. Even Ross.”
Bumilis ang tibok ng puso ko sa huli niyang sinabi. Lahat nga eh. Lahat. Even Ross.
“Lahat?” ulit ko.
“Oo nga, lahat. In fact si Ross pa nga ang nagayos ng reunion na to.”
Tinapunan ko ng tingin si Kristine and I can read on her gorgeous face na may pinplano na siya. Pasimple siyang ngumiti sa akin.
“S-si R-ross ang nagayos?”
Bakit naman hindi ako nainform sa reunion na to? Dati rati, kapag siya ang magaayos, hihingin niya muna ang opinion ko. Yes, this will not be our first reunion. Nagreunion na kami 4 years ago at siya ang nagpakana non. Ito ba ang dahilan kung bakit niya ako itinext kagabi? Bakit ako nakaramdam ng konting disappointment?
“Oo, siya nga. Excited na nga ang gago eh. Excited na siyang umuwi sa bansa.”
“Diba may girlfriend yon?” si Kristine.
Tiningnan siya ni Dexter at binigyan ko din siya ng matalim na tingin.
“Oo, meron nga ata. Aayusin na nga yata nila ang kasal nila paguwi.”
Nanigas ako sa kinauupuan ko. Kasal? Agad agad? Kasal agad? Nagtama ang tingin namin ni Kristine at parehas kami ng reaksyon, yun nga lang mas malala ang saken.
Inayos ko ang mukha ko. Ayokong makahalata si Dexter na nagulat ako.
“So kung si Ross ang may pakana nito, ibig sabihin gastos niya lahat?” tanong ko.
Tumawa si Dexter.
“Si Ross gagastos? Malabo ka! Ambagan daw.”
Disappointed na naman ako. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking yon. Papakana pakana ng reunion tapos di naman pala siya gagastos. Ganyan naman talaga siya eh! Gagawa gawa ng isang bagay na hindi naman kayang panindigan! Hindi pa rin pala siya nagbabago.
“Wala daw siyang pera eh kasi nga may paglalaanan nga daw siya, eh baka nga yung kasal nila nung girlfriend niya.”
Ayoko ng marinig ang mga susunod pang lalabas sa bibig ng lalaking ito. Masama ang tabas ng dila. Kailangan na siyang umalis. On second thought, kakadating nga lang pala niya, so kami na lang ang aalis.
“Sige, itetext kita kung makakasama kami ni Kristine. Paalis na kasi kami eh. May pupuntahan pa kami. It’s really nice to see you again, bye”, paalam ko kay Dexter at hinila ko na si Kristine palabas.
Dali dali akong naglalakad palayo sa restaurant na paborito namin. Kailangan ko ng maghanap ng bagong restaurant na magiging paborito. Masama na ang ambiance doon.
“Hoy Cyrah, bagalan mo nga ang paglalakad. Wala namang humahabol sayo!”
Tumigil ako at nagsalita.
“Sa ngayon wala, pero one of these days, may hahabol sa akin”, taas noo kong sagot.
“Ano? Aso?” at tumawa pa siya.
“Alam mo asar ka rin eh! Bakit ba tinanong tanong mo pa kay Dexter yung tungkol sa syota niyang mukha namang suso!”
Tawa na naman siya.
“Eh kasi gusto ko lang kumuha ng impormasyon.”
“Oo, may nakuha ka nga eh, at hindi ako natutuwa sa nakuha mo”, naiinis kong sabi. Lakad pa rin kami ng lakad but this time, mabagal na ang lakad namin.
“Ayaw mo non? Mas may challenge na ngayon girl!” tuwang tuwa niyang sabi na may kasama pang hampas sa balikat ko.
Hinarap ko si Kristine at nagsalita habang naniningkit ang mata ko.
“Humanda siya sa akin. Reunion pala ha! Well then reunion, here I come!”