noveltoon logo noveltoon
Blackmail Bargain

Chapter 16

Ch. 17 / 42 Feb 05, 2022

Cyrah's POV

Unti unti akong napapikit habang palapit ng palapit ang mukha niya sa akin. Ilang segundo din ang naging pagpikit ko. Ang ipinagtataka ko eh wala namang nababago. Wala naman akong nararamdaman na labi na dumadampi sa akin. Bagkus ramdam ko ang mga matang kanina pang nakatitig sa akin.

Iminulat ko ang aking mga mata. Tama ang aking hinala. Nakatitig lang sa akin si Ross.

"Iniisip mo bang hahalikan kita?" tanong niya.

Ganun ba katransparent ang reaksyon ko? Halata bang nageexpect ako ng kiss from him. Tumikas ako ng tindig.

"Kiss? From you? Bakit ko naman iisipin yon? Assuming ka masyado! Teka, bakit ba kanina mo pa ako tinititigan ha? Kanina ka pa dyan sa harapan ko! Umalis ka nga!" bulyaw ko sa kanya.

"Ikaw ang dapat umalis," sagot niya.

Umiinit na naman ang ulo ko. Gusto na naman nito ng away ha!

"At bakit ako aalis aber?!"

"Kasi kung hindi ka aalis sa pagkakasandal sa pinto ng kotse ko, hindi ako makakapasok sa loob! Hindi tayo makakaalis dito."

Ah ganun ba? Oo nga naman. Pero hindi ako nagpakita sa kanya na talo ako sa usapan.

"Bakit? Ito lang ba ang pinto ng kotse mo? Hmp! Tabi nga!"

Itinulak ko siya at umikot na sa kabila para makapasok na ako sa loob. Mamaya sumagot na naman siya, baka wala na akong pampalusot. Kaya naman nanahimik na lang ako sa loob.

"So, saan tayo pupunta?" tanong niya.

"Gusto ko ng umuwi," sagot ko habang nakatanaw sa daan. Hindi ko siya tinitingnan. Bwisit siya!

"Okay. Buti nga yon, may lakad pa kami ng girlfriend ko eh," sagot niya.

Pwede bang bawiin ko ang sinabi ko? Kaladkarin ko na lang kaya to kahit saan? Masira ko lang ang date nila?

Hindi bale na. Madami pa namang pagkakataon. Nakauwi ako ng hindi ako tumitingin sa kanya. Nung nagpasalamat ako sa pagsama niya, nakatungo ako. Nabibwisit kasi akong talaga. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa ng makatalikod ako.

"O? Bakit nandito ka na? Akala ko ba di pa kayo uuwi?" bungad ni Kristine. Nakapagpalit na siya ng damit. Buti pa siya, maaliwalas na ang suot, ako kasi binabanas pa rin!

"Nagbago na ang isip ko," sagot ko at tuluyan na akong pumasok sa loob.

"Aalis nga pala si Simon," sabi ni Kristine. Sinundan pala niya ako papasok sa kwarto. Nagpalit na ako ng damit.

"San punta?"

"Sa London."

"Talaga? Eh di mamimiss mo?"

"Aba syempre. Kung ikaw nga na mas malapit sa London ang pinuntahan ni Ross noon, namimiss mo na siya, ako pa kaya eh pagkalayo nun!"

I rolled my eyes. Napasok na naman si Ross sa usapan. Babaeng ito talaga!

"Kaya dito muna siya isang linggo."

Natigil ako sa pagsusuklay ng buhok ko sa sinabi niya.

"Pakiulit?"

"Sabi ko dito muna mag-stay si Simon for a week, kasi alam mo naman, we can't resist each other. Matagal siyang mawawala. Alam mo naman na hindi ko kakayanin kapag mawawala siya diba? Ang layo layo pa niya. Hindi ko siya mayayakap, hindi ko siya mahahalikan, tapos.."

"Oh Kristine. Stop! Alam ko kung saan tutungo ang sasabihin mo. Gaano ba siya katagal mawawala at kung makapagemote ka dyan eh parang limang taon kayong hindi magkikita?"

"Three weeks."

Anak ng!

"THREE WEEKS? THREE WEEKS LANG?!"

Matutuyuan ako ng dugo sa babaeng ito! Three weeks lang naman pala niyang hindi makakasama ang jowa niya kung makaemote, wagas!

"Hoy! Cyrah! Wag mong ma-lang lang ang three weeks, matagal yun noh!"

"Three weeks, matagal? Paano pa kaya ang three years?" bulong ko.

"May sinasabi ka?" tanong niya.

"Wala," sagot ko at lumabas na ako ng kwarto. Sigurado naman na lalabas na din yan.

"Alam mo Cyrah, mas okay kung kami masosolo namin ang apartment for that week," nakangisi niyang sabi.

"Ano? Pinapalayas mo ba ako?" singhal ko sa kanya.

"Wala akong sinabing ganun," nakangiti niyang sagot.

***

Ross' POV

"WHERE HAVE YOU BEEN?!"

Pagdating ko sa bahay, ang tanong na yan ang bumungad sa akin. Si Mommy, ako na naman ang nakita.

"Sa kasal ng kaibigan ko," sagot ko na lang.

"At hindi ka man lang nagpapaalam? Ross, ipapaalala ko lang sayo, may mga magulang ka sa bahay na ito na nagaalala. Ano ba naman yung magtext o magpaalam ka man lang para alam namin kung saan ka nagsususuot!"

Dire diretso lang akong naglakad papasok sa loob, papunta sa kusina. I need a glass of water. At kahit anong laki ng hakbang ang gawin ko, nauulinigan ko pa din si Mommy.

"Gusto kong malaman mo, na hindi dahil gusto mong gawin ang isang bagay ay magagawa mo na ng basta basta. Isipin mo naman ang mga taong kasama mo!"

Patuloy pa din siya sa pagsasalita hanggang sa matapos akong uminom ng tubig.

"Ano? Hindi ka magsasalita? Kanina pa kita kinakausap ah!"

"Mom, malaki na ako. Hindi na po ako bata. Sorry kung nagalala kayo, pero sana maintindihan nyo din na may sarili na din naman akong buhay. Hindi ko naman po kinakalimutan na nandito kayo, pero Mom may mga sarili din naman po akong desisyon."

"See? Ngayon ganyan ka na. Sumasagot sagot ka na!"

I don't get it. Palagi na lang ganyan. Kapag sinesermunan ako ni Mommy, magagalit siya kapag hindi ko siya kinakausap at kapag nagsalita naman ako, lalabas pa akong bastos.

"Alam mo minsan, hindi ko alam kung nakatulong ba ang pagpunta mo sa ibang bansa. Ang laki ng ipinagbago mo.." patuloy ni Mommy.

At least ako nagbago, pero si Mommy mukhang hindi. Ganyan pa din siya, nagger pa rin. Mahilig pa rin pakialaman ang buhay ko.

"..hindi bale sana kung kaya mo ng mag-isa pero gusto kong alalahanin mo na nandito ka pa rin sa pamamahay na to kaya kailangan mong makinig. Desisyon sa buhay? Alin ba ang tama mong ginawa? Ah oo, meron. Ang iwanan ang babaeng yon!"

"Mom! Pwede ba tama na?!"

Hindi ko na napigilang sumigaw. Hindi ko man sinasadya pero pagdating sa bagay na yon, umiinit talagang bigla ang ulo ko. Palagi na lang niyang ipinaalala na iyon lang ang tamang bagay na ginawa ko. Ang iwan si Cyrah.

"Totoo naman diba? Isa yon sa mga tamang desisyon mo sa buhay. I don't like that girl for you. Hindi ko gusto ang family background niya. Kung hindi mo siya iniwanan, sigurado ako, dadating ang araw na gagayahin niya lang din ang tita niya."

"I don't wanna talk about it," sabi ko at umakyat na ako sa hagdan.

Nagring bigla ang phone ko. It's Jessica. Sh*t! Nakalimutan ko na.

"Love, anong oras mo ako susunduin?"

"Jessica, I'm sorry. Pagod ako, next time na lang," sagot ko.

"Pagod ka? Gusto mo ba ako na lang ang magpunta dyan? Hindi mo kasi ako isinama sa pinuntahan mo eh."

"I'm sorry. Biglaan kasi," sagot ko. Obviously, I'm not in the mood na makipagusap ngayon.

"Sayang, kakilala pala kasi ng Tita ko ang ikinasal na pinuntahan mo."

Nanlaki bigla ang mata ko. What the?!

"By any chance, kilala ba ako ng Tita mo? I mean, nagkita na ba kami before?" kinakabahan kong tanong. Pero bakit ba ako kinakabahan?

"Oo naman! Nakita ka na niya noon. In fact siya pa nga nagsabi sa akin na nakita ka niya sa kasal, kaso naghesitate lang daw siyang batiin ka."

Damn!

"Love, gusto mo bang magpunta na lang ako dyan?" ulit niya.

"No. I'm okay," sagot ko.

"Love.. may nagawa ba akong mali?"

Napabuntong hininga ako. Hindi ko kailangan ng drama ni Jessica ngayon, for Pete's sake!

"Hindi mo na ba ako mahal?? Siguro may iba ka na noh?"

Ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Pero hindi ko kailangan ang pagsabay niya sa init ng ulo ko ngayon.

"Siguro nagsasawa ka na sa akin? Akala mo ba hindi ko napapansin? Binabalewala mo na ako."

Napasabunot ako sa aking buhok.

"Jessica, hindi ganun."

Binabalewala? Matatawag bang pagbalewala ang pagprotekta ko sa relasyon namin? I'm just protecting her from Cyrah.

"Ross, siguro may communication na naman kayo nung ex mo noh? Tell me, nagkikita ba kayong dalawa?"

Anong sinasabi nya? I'm sure hindi naman kilala ng Tita niya si Cyrah. Isa yan sa kinaiinisan ko. Palagi na lang siyang naghihinala. Maaaring nagkikita nga kami ni Cyrah, pero katulad ng sinabi ko, gusto ko lang siyang protektahan.

"Nilalandi ka na naman ba ng babaeng yon? Tell me!"

"Jessica, will you please stop it! Pagod ako at ayokong pagusapan ang bagay na yan. I need some rest. I'll call you later."

Nakakainis talaga! Kapag nasimulan niyang buksan si Cyrah, sunod sunod na at kung saan na naman tutungo ang usapan. Dumapa na lang ako sa kama at ipinikit ko ang aking mga mata.

"ROSS! Bumangon ka dyan! Ihatid mo ako kina Tita Precy mo!" utos ni Mommy. Hindi man lang siya kumatok. Nakalimutan ko pala i-lock ang pinto. Hindi ako gumalaw at nagpanggap na tulog na.

"Ross, ano ba? Alam ko gising ka pa! Hindi ka ba babangon diyan?"

Pagod ako. Masakit ulo ko. Sinong gugustuhin bumangon kapag ganun ang nararamdaman?

"Bakit ba ang tigas ng ulo mong bata ka? Talaga bang ganyan ka na? Inuutusan kita!"

"Mom, pagod ako," sagot ko without even moving.

"Paanong hindi ka mapapagod. Wala ka ng ibang ginawa kundi umalis, maglakwatsa, magbar, makipaginuman sa mga kaibigan mo. Kelan ka pumirmi dito sa bahay? Palagi kang wala! Kung tutuusin, kahit di ka dito magstay, hindi naman ata kami mababaguhan."

Bumangon ako at kinuha ko ang susi ng kotse ko. Fine! Ito ang gusto ni Mommy, ibibigay ko! Aalis ako sa bahay na ito! Para rin pala akong wala ha? Eh di papanindigan ko na! Sumakay ako sa kotse ko at pinaharurot iyon paalis. I dialed Simon's number.

"Hello, Simon. I need an apartment or kahit anong matutuluyan. Thanks."

Damn!

Damn this life of mine!