noveltoon logo noveltoon
Blackmail Bargain

Chapter 34

Ch. 35 / 42 Feb 05, 2022

Cyrah's POV

Bahagyang inayos ni Kristine ang mukha niya nang makita niya akong nakatayo sa may sala.

"S-sinusundo lang sandali ang kapatid ko. Napakatigas ng ulo. Nakipagkita na naman sa boyfriend niya! PINAGSABIHAN KO NA SIYA NOON NA MAKIPAGBREAK NA SA GAGONG YUN BUT I JUST FOUND OUT NA NAGKIKITA PA RIN SILA!"

Unti unting lumakas ang boses niya.

"Kanina pa ba umalis si Symon?" tanong ko.

"Kakaalis lang niya. Ayaw pa nga niya akong iwan mag-isa pero sabi ko mas kailangan ng sundo ng kapatid ko. Nakakapikon na siya eh, ilang beses ba niya sisirain ang tiwala namin ni Mama sa kanya? Ilang beses na namin siyang pinagsasabihan pero hindi pa din nakikinig! Napakasama ng araw na 'to. Nakakainit ng ulo!"

Inalalayan ko siya paupo sa sofa. Nakalimutan na ata niya na may sakit siya sa sobrang stressed.. Dapat pala hindi ko na lang siya iniwan kanina.

"Sandali nga, kokontakin ko ulit. Pinagbabaan pa nga ako ng telepono kanina matapos sabihin kung nasaan siya!"

Nagsimula na siyang magdial ng number sa phone niya at itinapat sa kanyang tenga. Pinapananood ko siya at kitang kita ang pamumula ng mukha niya. Makalipas ang ilang sandali, ibinaba na niya ang phone niya.

"GGRRRR!! Tuluyan na ata niyang pinatay ang phone niya! Malilintikan talaga saken ang batang yun!"

Ngayon ko lang nakita si Kristine na ganito katindi ang galit. Overprotective talaga sa kapatid niya.

"Diba friend, nakakapikon naman talaga ang ganun? Yung papangakuan ka na magbabago na siya at hindi na daw gagawin ang mga maling ginawa noon, tapos malalaman mo na lang na hindi pala kayang tuparin ang pangako!"

"Kumalma ka nga! Baka tumaas ang lagnat mo," paalala ko.

"Hindi lagnat ko ang tataas, kundi dugo ko. Nakakahigh blood kasi eh!"

Narinig kong tumunog ang phone niya pero agad niyang iniiwas sa akin yon. Patuloy pa rin sa pagtunog ang phone niya.

"Bakit hindi mo sagutin? Baka importante. Baka yung kapatid mo na ang tumatawag," sabi ko.

"A-ah hindi. Hindi ang kapatid ko. Unregistered number eh. Ayokong sagutin. Hindi ako sumasagot ng ganun. Teka nga, saan ka ba nanggaling?" pag-iiba niya ng topic.

"Dyan lang. Nakita ko nga pala si Kyla, younger sister ni Ross," sagot ko.

"Naku, isa pa yang Ross na yan! May pangba-blackmail pang nalalaman sayo eh wala rin naman palang ibubuga! Tinakot ka pa gamit ang mga pictures diba? Wala din naman nangyari! Wrong move kasi, gago!"

Napatitig ako sa kanya.

"W-wrong move?" tanong ko.

Bigla siyang tumayo at binuksan ang electric fan. Nakita ko nga ang butil butil na pawis sa noo niya.

"Hoooh! Ang init!" sabi niya lang.

"Friend, anong wrong move?"

"A-ano, wrong move. Eh wrong move naman kasi talaga ang paggamit ng mga pictures. O? Bakit? Gumana ba sayo? Gumana ba nung ginamit nating dalawa laban sa kanya? Diba hindi din naman?"

Napataas ang isa kong kilay.

"Gumana kaya!" depensa ko. "Gumana ng konti noh, natatakot ko na kaya siya nun!"

"Natakot mo nga, pero bumalik ba sya sayo? Hindi naman diba? Anong nangyari? Ayun, pinalayas ka pa sa apartment niya! At sigurado ako ngayon, nagpapakasaya na si Miss Prim and Proper sa piling ni Ross!"

"Wow! Sige lang, ibaon mo pa! Aray ha!" I answered her sarcastically.

"So what will be our next move?" tanong niya.

Seriously? Hindi pa siya tapos? Hindi pa din siya sumusuko?

"I already told you, ayoko ng lumapit sa kanya. Hindi maganda ang nagiging resulta," sabi ko.

"Hindi maganda ang nagiging resulta kasi na-fo-fall ka? ULIT???" diin niya.

"Pwede ba Kristine, tigilan mo nga ako!"

"Pwede be Kwishtine," She said while attempting to mimic my voice. "Pwede ba din Cyrah! Aminin mo na kasi na kaya ayaw mo ng ituloy ang revenge thingy natin na ito kasi bumabalik sayo yung "revenge" which is nahuhulog ka ULIT sa kanya. Wait, did you even fall out of love with him in the first place?" tanong niya ng may halong tawa.

Eh kung ipaalala ko kaya sa kanya ang kabadtripan niya sa kapatid niya, ewan ko lang kung makatawa pa ang isang to!

Nagmake face muna ako sa kanya at babanggitin ko nga sana ang kapatid niya para maiba ang usapan but then I realized na hindi na pala kailangang kasi dumating na sina Symon at ang kapatid niya.

Kinausap ni Kristine sa kwarto niya ang kapatid niya. Kung minsan napapataas ang boses niya pero hindi ko siya masisisi. Pumasok na din ako sa kwarto ko nang makita kong nagsisimula ng maglatag ng hihigaan si Symon sa sala. Outside the kulambo siya ngayon. Hahaha!

Jessica's POV

"Hindi pa rin ako naniniwala!"

"Jess, ano pa bang gusto mong ebidensya para maniwala ka? I even talked to her face to face! Nagbago lang ang buhok niya pero siya yun!"

Tuluyan ko ng inubos ang natitirang mango juice sa baso ko. Kanina pa kami ni Janine dito sa restaurant malapit sa apartment ni Ross at kanina pa rin isinisiksik ni Janine sa utak ko na ang flavor of the month ni Ross at ang ex-girlfriend niya ay iisa. That might be true, pero hindi ko pa rin matanggap. Ayaw kong tanggapin.

"Kung ganun, malandi pa rin siya hanggang ngayon. Bakit ba niya hindi tantanan ang boyfriend ko?!"

"Eh bakit ba kasi hindi pa din siya tantanan ng boyfriend mo?" tanong ni Janine.

"Janine, watch your tongue! Kung hindi niya inaakit ang boyfriend ko, hindi naman siya papatulan nun!"

"Turuan mo kasing maging faithful ang boyfriend mo sa'yo! Hahahaha!"

"Nakakapikon ka na ha!"

My face starts to turn red.

"I'm just kidding! Ano ka ba, Jess! Kahit kailan talaga patola ka! Kaya ka laging inaasar eh!"

I rolled my eyes.

"This is not the right time para magbiruan. Maiwan na kita, kailangan naming mag-usap ni Ross," paalam ko at kinuha ko na ang bag ko.

"Jess! Wait! Ang patola talaga nito!" narinig ko pang sabi niya na may kasamang tawa.

Patola na kung patola pero ayoko lang talaga na maaagaw sa akin ng kahit na sino si Ross. Lalong lalo na yung ex niya! Akin lang si Ross. Kailangan na talaga naming magpakasal soon.

Mas pinili kong maglakad papunta sa apartment ni Ross. Mas makakapag-isip isip ako ng mga sasabihin sa kanya tungkol sa kasal namin. Isa pa pipilitin ko na din siya na ipakilala ako sa pamilya niya. I'm dyingto meet his parents pero hindi ko mainitindihan kung bakit hanggang ngayon eh hindi pa rin niya ako dinadala sa bahay nila. Noong nasa abroad siya, palagi naming pinaguusapan ang tungkol doon, hindi ko alam kung bakit unti unting nagbabago ang lahat. Maging siya unti unti na ding nagbabago.

Naabutan ko si Ross sa apartment niya na nag-iimpake ng gamit niya. Bukas ang pinto.

"Love," tawag ko.

Bahagya pa siyang nagulat nang tawagin ko siya. Lumingon siya habang inilalagay niya sa isang box ang mga gamit sa sala.

"Jessica," sambit niya.

"Aalis ka na?"

"Pasok ka muna," anyaya niya.

Sinunod ko naman siya at inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Halos patapos na ata siya sa pag-iimpake.

"Noong lumipat ka dito, hindi mo sinabi sa akin. At ngayong aalis ka na, wala ka pa rin bang balak sabihin sa akin?" tanong ko. Hindi maitatago sa boses ko ang himig ng pagtatampo.

Ibinaba niya ang hawak niyang gamit na akmang ilalagay sa box at humarap sa akin.

"Jessica.."

"Why?"

"I'm sorry," sagot niya.

"Hindi iyan ang gusto kong marinig na sagot!"

"You want us to talk? Sige. I'm tired."

"Saan??" garalgal kong tanong.

"I'm tired of everything. Sa pamilya ko, sa buhay ko. I don't even know what I want!"

"B-but you still have me."

"Exactly! I-"

Pinutol ko ang pagsasalita niya. Nararamdaman kong hindi ko magugustuhan ang mga susunod niyang sasabihin. Pinulot ko ang bagay na hawak niya kanina.

"Ito, saan ba ito dapat ilagay? Tutulungan na lang kitang mag-impake then we can leave. Saan ka ba tutuloy? Sa bahay ng parents mo? Free ako today, samasahan kita."

Hinawakan niya ang kamay ko at kinuha niya mula doon ang hawak ko. Akma ko siyang tatalikuran para pumasok sa kwarto at maghanap ng mga bagay na kailangan pang ilagay sa kahon.

"Sa kwarto mo ba may mga dapat pa bang-"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang hawakan niya ang braso ko.

"Let's end this," bulong niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko. This is not part of the plan. Maganda ang plano ko bago pumunta dito diba? Ang pag-usapan ang tungkol sa kasal ang plano ko. Hindi ko kailangang marinig yan.

"Those are not the three words I want to hear from you, Ross. I never want to hear those words from you," sabi ko sa kanya habang nakatingin sa sahig. Ayoko siyang tingnan. Natatakot ako na baka makita ko sa mga mata niya na seryoso siya sa tatlong salitang binitawan niya.

"Please," dugtong pa niya.

Nagsimula akong makaramdam ng tubig sa mga mata ko.

"Wag mo naman akong saktan ng ganito," pakiusap ko sa kanya.

"Kapag hindi ko ito ginawa, baka mas masaktan ka pa," malungkot niyang sabi.

Wala siyang karapatang malungkot.

Nag-angat na ako ng tingin at tinitigan ko siya sa mata.

"Siya pa rin ang dahilan diba?"

Nag-iwas siya ng tingin sa akin.

Guilty.

"SIYA PA RIN DIBA?!"

"Jessica, please. Mas masasaktan pa kita. Tama na."

"Mas? May mas sasakit pa ba sa nararamdaman ko ngayon?!"

"Let's just end this, please."

"Ganun na lang yon? Ano bang ipinakain sa'yo ng babaeng yon at baliw na baliw ka sa kanya? Ano bang meron siya na wala ako? Ano bang kaya niyang gawin na hindi ko kaya??"

"This is not about Cyrah. This is about us."

"US, na gusto mong sirain., na gusto mong tapusin dahil sa kanya! Bakit ba kasi siya habol ng habol sayo? Bakit ba kasi hindi ka niya tantanan?!"

"Nagkakamali ka," depensa niya.

"At nagawa mo pa talaga siyang ipagtanggol?!"

"Hindi niya ako hinahabol. It's not what you think. See? That's your problem. Lahat ng bagay pinag-iisipan mo ng masama. At kapag hindi kita sinunod sa gusto mo, ako pa ang lalabas na masama. Noong nasa ibang bansa ako, ang gusto mo lahat ng oras ko nasa iyo. Pag-uwi ko dito, hindi ako agad agad makasama sa mga kaibigan ko. Why? Kasi binibigyan mo ako ng curfew. You know what? Mas matindi ka pa sa nanay ko. 24/7 gusto mo nagrereport ako ng lahat ng ginagawa ko. I can't move. I can't even breathe! At ngayon itatanong mo kung bakit hindi ko sinabi sayo kung bakit hindi ako nagpaalam sayo noong lumipat ako sa apartment na to?"

"Ginagawa ko lang yon kasi mahal kita."

"Yes you love me and I am thankful for that. When I met you, I thought I found what I am looking for. You are my ideal girl. That's what I thought. Kaya naman noong nasa ibang bansa ako, we even talked about getting married, because I thought you are the one I want to spend my life with."

Damn! It's getting worst. Maybe he was right. May mas mas isasakit pa nga sa nararamdaman ko kanina.

"And now what? Si Cyrah na ulit ang gusto mong makasama for the rest of your life?!" I asked sarcastically.

"How many times will I tell you that this is not about Cyrah! Isa pa yan! Ang dami mong insecurities lalong lalo na kay Cyrah. Bakit ba hindi mo matanggap na magkaibang magkaiba kayo? Kasi ako, kitang kita ko na."

I swear, I will kill that woman! Mahal naman talaga ako ni Ross eh, alam ko. Nagkataon lang na nag-eexist pa sa mundo yang si Cyrah. Epal kasi siya!

"Eh bakit ba kasi nabuhay pa siya?!" wala sa loob na nasabi ko.

Kitang kita ko ang paniningkit ng mga mata ni Ross.

"That's enough! I tried to explain it to you. I tried my best to break it to you gently but you chose the hard way. We're done Jessica."

"No way Ross! Hindi ako papayag. If this was not about Cyrah, well now this is between me and Cyrah! There's no way in hell na papayag akong maagaw ka niya!"

Then I left. Right. There's no way in hell na papayag akong maagaw sa akin si Ross ng Cyrah na yon! Humanda siya sa akin!