noveltoon logo noveltoon
Blackmail Bargain

Chapter 9

Ch. 10 / 42 Feb 05, 2022

Ross' POV

I opened my eyes and I realized that I am in an unfamiliar room. Wala akong suot na damit or should I say wala akong suot na kahit na ano.

Sh*t!

What the hell happened last night?

All I remember was..

Reunion..

Classmates..

And Cyrah.

Yes. Cyrah was here! Pero nasaan na siya?

Tumayo ako at hinanap sa loob ng kwarto ang mga damit ko. Pagkatapos kong makapagbihis, naupo ako sa kama at nag-isip. Wala akong masyadong maalala kagabi.

We were drinking tequila and.. did we do it?

F*ck! Hindi ko maalala!

Lumabas ako ng kwarto and I went to the boys's room. Wala ng tao. Wala na din ang mga girls sa kwarto nila. Ni hindi man lang ba nila ako hinanap? Dapat tinext man lang nila ako. I realized na wala nga pala akong dalang cellphone kagabi. Kinuha ko ang gamit ko at nagmaneho gamit ang dala kong kotse pauwi.

"What happened last night?"

I dialled Dexter's number. Mabuti sumagot siya kaagad.

"Pare! Ikaw nga ang dapat kong tanungin niyan eh. What happened last night? What happened between you and Cyrah? Inihatid mo naman ba siya pauwi?"

Ano daw?

"Wala na siya pagkagising ko at teka nga, bakit nyo ako iniwan sa resort?"

"Iniwan? Malay ba namin na nasa resort pa kayo ni Cyrah. Eh diba si Cyrah ang huling kasama mo? Tsaka yung phone mo di mo naman sinasagot kagabi."

Nakasilent din kasi ang phone ko kaya malamang hindi din nila maririnig kung sakaling nasa kwarto siya nung tinatawagan niya ako.

"Naiwan ko sa bag ang phone ko."

"So may nangyari nga sa inyo?" tanong niya sa nanunuksong tono.

"I don't know!" pasigaw kong sagot.

"Anong you don't know? Nakadrugs ka ba? Oo at hindi lang, i don't know i don't know ka pa dyan! Kaw ha, engaged ka na tapos hmmmm. Pero sabagay, naiintindihan kita, siguro gusto mo lang ienjoy ang mga bagay na yan hanggang binata ka pa."

Napabuntong hininga ako.

"I am not engaged", sagot ko.

"That's not what it says on facebook", depensa ni Dexter.

"Not everything you see on facebook are real."

"Ha? Eh anong pakana ang engaged engaged status mo sa facebook??"

"Si Jessica ang naglagay nun."

"Pare, diba kinokonfirm pa yun? So kinonfirm mo?"

"She used my facebook account to confirm it. Satisfied?"

"Oooookay. At okay lang sayo? Sabagay, after all she's your girlfriend. Pasasaan ba at dun din naman kayo patutungo."

"Si Simon? Nakita nyo pa ba siya kagabi?"

Magkababata kami ni Simon. Nagkataon lang na lumipat sila ng lugar noong highschool na kami kaya nawalan kami ng communication. Hindi ko nga din alam na girlfriend niya si Kristine. Classmates kami ni Kristine since first year to third year highschool. Nagbago na nga lang noong fourth year pero okay lang at least I had the chance to meet new friends.

"Hindi na nga din eh. Baka magkasama ni Kristine. Puro na lang kayo nagsiwalaan."

Hindi ko akalain na madami na palang resorts na pagaari sina Simon. Magaling naman kasi talagang businessman ang Daddy niya, samantalang ang Daddy ko nagkasakit kaya napabayaan ang negosyo namin. That's why I decided na magabroad. Kailangan ko din kasing pagaralin ang kapatid ko.

Hindi naging madali sa akin ang lahat. Masakit kasi kailangan kong iwanan ang pamilya ko lalong lalo na ang babaeng pinakamamahal ko. Sinabi ko sa kanya na babalik ako, na hintayin niya ako, pero katulad ng sabi nila, hindi mo hawak ang tadhana. Hindi mo alam ang mga mangyayari. Lahat magbabago.

Pagkatapos naming magusap ni Dexter, biglang tumawag si Jessica.

"Kanina pa ako tumatawag sayo pero busy. Nasaan ka ba? Nakauwi ka na ba from reunion? Sinong kasama mo ngayon? Nagenjoy ba kayo? Ilang babae ang kasama nyo? Sabi ko naman kasi sasama na lang ako."

Napakamot ako sa ulo sa mga sinabi niya. Ang daming tanong to the point na hindi ko na alam kung alin sa mga iyon ang uunahin kong sagutin. Ganyan naman siya palagi. Bawat kilos ko, gusto niya alam niya. Dapat palaging nakareport sa kanya.

"Kagabi pa kita tinawatagan pero hindi mo naman sinasagot, tapos ngayon busy naman! Love, ano bang nangyayari sayo? Are you alright?"

Wala na yata siyang balak na pagsalitain ako. How will I defend myself?

"Or gusto mo ba pumunta na lang ako dyan?"

"Look, Jessica. I am okay. Wala kang dapat ipagalala. Hindi ko hawak ang phone ko kagabi kaya hindi ko nasasagot ang tawag mo. N-naging busy kami sa pagkekwentuhan kaya nakalimutan ko na and I'm sorry", paliwanag ko.

"Hindi mo ba naisip man lang na may girlfriend ka na nagaalala sayo?"

Malungkot na ang tinig niya. Nakaramdam ako ng guilt sa mga ginawa ko kagabi.

"I'm sorry Jessica. I promise, hindi na kita pagaalalahanin."

Habang nagsasalita si Jessica ng kung anu anong plano para sa pagbabalik ko, I checked my facebook account and I saw a PM from Danny. Nagyayayang magbar. Great! I need to unwind. Sumagot ako sa message niya at sinabi kong pupunta ako ngayong gabi.

"Narinig mo ba lahat ng plans ko for us, Love?" tanong ni Jessica. She got my attention.

"Ah yes Love, that's sounds exciting", sagot ko na lang pero ang totoo wala akong naintindihan. "I have to go, may gagawin pa kasi ako. I love you."

Yes, I love her. Mabait siya, thoughtful at alam kong mahal na mahal niya ako. And one more thing, she is faithful. Kahit malayo kami sa isa't isa I know she's loyal. I am too. Trust me, I am trying my best to be faithful. Basta mahal ko siya at iyon ang importante.

Yun nga lang minsan she's too clingy, too possesive. Pero palagi niyang sinasabi na mahal niya daw kasi ako kaya siya ganun. Aaminin ko minsan, nasasakal ako. Pero agad naman niya akong nilalambing.

**

"Kailan mo ba ipapakilala sa amin ang girlfriend mo?" tanong ni Daddy habang kumakain kami ng lunch.

Tiningnan ko lang si Kyla, my sister. Nakatingin din siya sa akin.

"Oo nga naman hijo. Basta siguraduhin mo sana na mula sa magandang pamilya ang babaeng napili mo", sabi ni Mommy na nakangiti pa.

Yan ang Mommy ko. Masyadong mataas ang standard pagdating sa magiging karelasyon ko. Sigurado ako, mas mahigpit siya pagdating kay Kyla.

“Soon Mom, ipapakilala ko din si Jessica sa inyo,” tipid kong sagot.

“Jessica. I’m glad you have a NEW girlfriend.”

Mas lumapad ang ngiti ni Mommy.

“So I assume maganda ang family background nitong si Jessica, right?” si Mommy pa rin.

“Yes Ma,” sagot ko.

Honestly, I wanna change our topic. Si Daddy naman walang imik. Mula nang nagkasakit siya, ganyan na, palagi ng si Mommy ang nasusunod. Bow na lang ng bow si Daddy.

“How about you Kyla, nakapagenroll ka na ba this school year?” tanong ni Daddy. Thank God!

Naramdaman niya siguro na ayoko ng topic ni Mommy.

“Sa Monday po Pa, sasabay ako kay Madi”, mahinang sagot ni Kyla.

Pagdating ng gabi, tinawagan ko na si Danny. Nasa bar na daw sila. Agad akong nagpunta dahil sa totoo lang, ayokong tumigil sa bahay. Nakakapraning lang!

“O? Bakit hindi mo kasama ang girlfriend mo?” tanong ni Danny.

Nadatnan ko sila nina Dexter at Rex. Wala naman silang kasamang babae pero bakit nila ako hinahanapan ng babae?

“Required ba na magsama ng girlfriend? Wala naman kayong dala ah?” angal ko.

“Hindi pare, ang totoo niyan gusto kasi naming makilala si Jessica. We are all wondering kung ano ba ang nakita mo sa Jessica na yan at ipinagpalit mo si Cyrah?” tanong ni Dexter.

“Oo nga! Hindi mo ba alam na maraming nagdiwang na lalaki noong nagbreak kayong dalawa?” si Danny. “At aaminin ko, isa ako doon.”

“Teka ha, lilinawin ko lang. Ako ang ipinagpalit niya—“

“Aha! Kaya ginaya mo siya? So hindi mo talaga mahal ang girlfriend mo ngayon?!” panghuhusga ni Rex.

“Mahal ko si Jessica, okay.”

“At mahal mo pa rin si Cyrah”, dugtong ni Dexter.

Ininom ko ang alak na nasa baso ko na iniabot kanina ni Rex.

“Hindi yan totoo”, sagot ko kay Dexter.

“Kung ganon bakit ganon kayo sa beach? Bakit magkasama kayong nawala?” tanong ni Danny.

“Lalaki ako. Lalaki din kayo. Don’t tell me hindi nyo ako naiintindihan.”

“Pare, hindi talaga! Alam kong womanizer ka, pero bakit si Cyrah pa rin? Hindi ba dapat kung mambababae ka, ibang babae naman? Then why Cyrah? Marami naman tayong babaeng kasama sa beach”, sabi ni Dexter.

Natigilan ako sa sinabi niya. May point ba siya?

“Magtataka pa ba kayo? Kilala natin si Cyrah, she changed a lot. Ibang klaseng babae na siya ngayon”, paliwanag ko sa kanila.

Totoo naman ang sinabi ko. Malaki ang ipinagbago ni Cyrah mula nang umalis ako.

“Sigurado ako, kung hindi ako ang lalaking kasama niya kagabi, gagawin niya pa rin yon. Magiging ganun pa din siya.”

“Eh paano kung gusto ka pa rin pala niya?” tanong ni Rex.

Umiling ako.

“Imposible. Guys, si Cyrah ang pinaguusapan natin dito at hindi na siya ang Cyrah na nakilala natin noong highschool. Magkasama kami noong gabi not because she likes me but because that’s what kind of girl she is now.”

“Ang sakit mo pareng magsalita. Hindi ganun ang pagkakakilala ko kay Cyrah. Oo, maaaring nagbago nga siya, but not that far”, pagtatanggol ni Danny.

Natatawa ako sa sinabi niya.

“Hindi mo siya naging girlfriend kaya hindi mo siya kilala”, matigas kong sabi.

“Hindi ko siya kailangang maging girlfriend para makilala siya. Alam mo kung anong problema mo, masyado kang judgemental! Kaya kayo naghiwalay eh!”

Nagpanting ang tenga ko hindi dahil sa lakas ng boses niya kundi dahil sa sinabi niya. Pinalalabas pa niya na ako ang may mali kung bakit kami naghiwalay?

Tiningnan ko siya ng masama. Nakuyom ko ang palad ko pero agad din kaming naawat ni Rex.

“Nagpunta tayo dito para magunwind, hindi para maghanap ng gulo. Makipagsayaw na lang tayo!”

“Oo nga! Chill lang. Yun o! Chicks, hanep sa katawan o!” sabi ni Dexter.

Sinundan namin ang babaeng tinitingan niya.

Humarap siya at sabay sabay silang tatlo na nagsalita.

“CYRAH??!”

Yes, it’s Cyrah. And she is dancing, dancing with another man.